Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAKIKIPAGSALITANG PORMAL AT IMPORMAL (Pangkat Blg.

2)

Pakikipagsalitang PORMAL
- Ang mga salitang ginagamit dito ay kinikilala, tinatanggap, at ginagamit ng
karamihan sa mga paaralan at iba pang may pangkapaligirang intelektwal. Ito
ang kinabibilangan ng PAMBANSA at PAMPANITIKAN.
Mga Dapat Isaalang-Alang
1. Pamimitagan – Ayon kay E. E. Dodd (1939), “Ito ay ang langis na madulas na
nagpapatakbo sa buhay ng makina.”
2. Malumanay na tinig
3. Malinaw na pananalita
Pagtatayutay – ito ang paggamit ng salita o isang pahayag na ginagamit upang
bigyan diin ang isang kaisipan, saloobin, o damdamin.
 Pagtatanong
“Itinulad kita sa santa dinambana… Ano’t bumaba ka sa altar ng aking tiwala?”
 Pag-uulit
“Ang langit ay lupa’t ang lupa ay langit.”
 Paghihimig
“Nagngingiyaw ang pusa sa alulod sa ginaw.”
 Pag-uuyam
“Mahusay talagang magpalaki ng anak iyang mga magulang mo!
Nakaka-absent ka na sa klase, nasasagot mo pa sila!”
 Pagsusukdol
“Umaambon, umuulan, bumabagyo…”
 Pagdaramdam
“Hay… handog na walang kasintarik! Lugod ng dilang nakalawit!”
 Pagtatambis
“Ang bayan ko ay lakas sa hina ang humigit kumulang na laya.”
 Pagsalungat
“Layo ay lapit ng budhi’t isip.”
 Pagpapalit-saklaw
“Ama ko, sa Iyong kamay inihahabilin ko ang
aking kaluluwa.”
 Pagpapalit-tawag
“Malakas na dagok sa kanyang dibdib ang
pagkamatay ng kanyang asawa’t mga anak sa Ormoc Tidal Wave.
 Paglilipat-wika
“Kay hinhin ng tubig sa batis.”
 Pagtanggi
“Hindi sa pinangungunahan kita, pero malaki ka na;
sana nama’y tigilan mo na ang pagbabarkada.”
 Pagsasalaysay
“Bukas ay Martes na naman pala. Nakita ko si BB Boi na suot ang kanyang
uniporme. Nag-aabang. Lumilinga-linga sa kanyang kinatatayuan.
 Pagbibigay-aral
(parabola, pabula, at alegorya)
 Paglumanay
“Masarap ang patis. Tamang-tama sa nilaga mo, James.
Sa palagay ko’y mas masarap pa itong niluto mo kung ang patis ay malapit dito.”
Idiomatikong Pahayag
- mga pahayag na di-tuwirang nagbibigay ng kahulugan at hinango sa mga
karanasan ng tao gaya ng mga pangyayari sa buhay o mga bagay sa ating paligid.

*****MGA HALIMBAWA*****
1. Mapaglubid ng buhangin – sinungaling
(Si Juan ay talagang mapaglubid ng buhangin.)
2. Buto’t balat – payat na payat
(Tampunan ng tukso ang mga buto’t balat.)
3. Butas ang bulsa – walang pera
(Butas ang bulsa ni Ana ngayon dahil walang pasok.)
4. Kisapmata – iglap
(Napakabilis niyang tumakbo kaya sa isang kisapmata ay bigla siyang naglaho.)

Pakikipagsalitang IMPORMAL
- Ang mga salitang ginagamit dito ay karaniwan at palasak sa pang-araw-araw na
pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala o kaibigan. Ito ang
kinabibilangan ng mga salitang LALAWIGANIN, KOLOKYAL, at BALBAL.

Mga Pandiwang Di-Karaniwan


 Ang pandiwang "binuksan" ay may kaltas (may titik na nawawala).
 Ang pandiwang "kunin" ay may palit (ang mga titik na "hah" ay napalitan ng "n").
 Ang "sisidlan" ay may lipat (ang isang titik ay nalilipat o nagkakaiba ng lunan).
 Ang "padala" ay may pungos (may titik o mga titik na naaalis o napupungos sa
unahan).
 Ang pandiwang "teka" ay may angkop dahil sa dalawang salitang hintay at ka
(pagsasama ng dalawang salita upang pag-isahin).

Pagbuo ng Salitang Balbal


1. Paghango sa mga salitang katutubo (gurang–matanda)
2. Panghihiram sa mga wikang banyaga (futbol–naalis)
3. Pagbibigay ng kahulugan ng Tagalog (buwaya – ganid)
4. Pagpapaikli (paki – pakialam)
5. Pagbabaliktad (etneb – bente)
6. Paggamit ng akronim (G – nauunawan)
7. Pagpapalit ng pantig (lagpak, palpak – bigo)
8. Paghahalo ng salita (mag-MU – “mutual understanding”)
9. Paggamit ng bilang (50/50 – naghihingalo)
10. Pagdaragdag (isputing – puti)
11. Kumbinasyon (Mestizo at Pinoy – Tisoy)

You might also like