Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ano ang Pang-abay ( o adberbyo)?

Ang pang-abay ay mga salitang naglalarawan (words that describe) o nagbibigay-turing sa pang-uri
(adjective), pandiwa (verb) at kapwa pang-abay.

Halimbawa:

A. Panturing sa pang-uri

1. Ang manggang itinitinda ni Maria ay masyadong maasim.

2. Sadyang malusog ang kanyang katawan noon pa man.

B. Panturing sa pandiwa

1. Dahan-dahan siyang umakyat ng hagdan para hindi magising ang kanyang


natutulog na ina.

2. Mabilis na tumakbo si Marie para abutan ang kapatid.

C. Panturing sa kapwa pang-abay

1. Talagang mabagal umunlad ang mga taong tamad.

2. Dahil sa karamdaman, ang kilos ni Mando ay lubos na dahan-dahan.

Uri ng Pang-abay at mga Halimbawa nito


1. Pang-abay na Pamanahon
Ang pang-abay na pamanahon ay nagbibigay turing sa kilos ng pandiwa. Ito ay
nagsasaad kung kailan ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos.
Mga Halimbawa: Bukas, Kanina, Gabi-gabi
2. Pang-abay na Pamaraan
Ang pang-abay na pamaraan ay nagsasaad kung paano isinagawa ang kilos ng
pandiwa sa pangungusap.
Mga Halimbawa: Hinay-hinay, Malakas, Mabilisan
3. Pang-abay na Panlunan
Ang Pang-abay na Panlunan ay nagsasaad ay tumutukoy sa pook kung saan naganap
ang kilos o pangyayari.
Halimbawa: Umalis papuntang parke ang mga bata.
4. Pang-abay na Pang-agam
Ang pang-abay na pang-agam ay nagsasaad ng hindi lubusang katiyakan tungkol sa
isang bagay o kilos.
Mga Halimbawa: Marahil, Tila, Baka
5. Pang-abay na Panang-ayon
Ang pang-abay na panang-ayon ay nagpapakita ng pagsang-ayon sa isang bagay o
pangyayari.
Mga Halimbawa: Totoo, Syempre, Tunay
6. Pang-abay na Pananggi
Ang pang-abay na pananggi ay nagsasaad ng pag tutol sa kilos na ginawa, ginagawa,
o gagawin pa lamang.
Halimbawa: Hindi ako sang-ayon na lumabas kayo mamayang gabi.
8. Pang-abay na Panggaano
Ang pang-abay na panggaano ay nagbibigay turing sa sukat, bigat, o timbang ng isang
tao o bagay.

Halimbawa: Limampu’t pitong kilometro ang layo ng bahay nina Geoffrey at ng


pamilya niya sa bahay ni Tiya Mirasol.

You might also like