Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Rachelle O.

Llamada 9-Arsenic

BANGON PILIPINAS! MULA SA HUKAY NG KAHIRAPAN

Ang kahirapan ay isa sa lumalalang problema ng ating bansa Isa sa mga


dahilan kung bakitang Pilipinas ay patuloy na nasa estadong papaunlad pa lamang. Sa
pinakahuling Social Weather Stations (SWS) Survey na ginawa noong Setyembre, 47%
o halos 11 milyong Pilipino ang nagsasabing sila ay mahirap, mas mataas ito ng tatlong
puntos kumpara sa survey noong Hunyo. Sabi ng sa isang kanta “Mahirap maging
mahirap” kaya dahil ang Pilipino’y hirap ng umahon mula sa kahirapan. Pero ano-ano
nga ba ang mga dahilan ng problemang ito?

Isa sa mga sanhi ng kahirapan ay ang korapsiyon. Ang mga pulitikong


makasarili at inuuna ang pansariling nais kaysa ating bansa. Mga pulitikong sakim at
atat na atat o hapit sa mga pera’t kayamanan kaya pati ang salapi ng bayan ay
kanilang ninanakaw. Ang perang dapat mapunta sa mamamayan ay kanilang binubulsa.
At dahil dito naghihirap ang iba nating kababayan.

Ang paglaki ng populasyon sa Pilipinas ay isa rin sa mga dahilan ng


kahirap. Mahirap itong solusyonan dahil kung sino pa ang mahirap, sila pa ang
nagpapalaki ng ating populasyon at dahil lumalaki ito lumalaki rin ang bilang ng walang
trabaho at hindi nakakatanggap ng benepisyo mula sa pamahalaan. Ayon sa data ng
Worldometers, noong ika-12 ng Mayo 2016 tinatayang 102,031,047 na populasyon ang
Pilipinas nakababahala ang mga numerong ito dahil mas naghihirap ang gobyerno na
kontrolin ang mga mamamayan. Dahil dito tataas ang porsiyento ng walang trabaho,
dadami ang nakatira sa lansangan at lalaki ang bilang ng mga bata na walang sapat na
edukasyon.

Malaki rin ang nagiging epekto ng Edukasyon sa paghihirap ng isang


Pilipino. Ang kakulangan sa edukasyon ay maaaring masigasig sanhi ng kawalan ng
trabaho at kapag wala silang trabaho, wala silang mapapansin sa pamilya nila.
Kadugtong nito ay ang katamaran, sinasabi ng karamihan na mga
kababayan natin ay naghihirap sila dahil wala silang trabaho, pero sa katunayan
mayroong maraming nakalaan na trabaho para sa kanila. Masisisi ba natin sila kung
mas pipiliin pa nilang maupo na lang at manghingi ng limos kaysa magpakapagod para
sa isang daan sa isang araw, pinapalabas lang nila na marami sa Pilipino ay tamad.

Ang pangungutang ay isa rin sa nakakaapekto ng kahirapan. Ang ilan sa


mga Pilipino ay nangungutang para matustusan ang mga dapat nilang tustusan pero
ang hindi alam ng iba, lalo silang naghihirap dahil sa mga tubo ng mga inuutangan nila
kaya’t mangungutang muli sila para mabayaran ang tubo sa kanilang inutangan,
hanggang sa dumami na ang kanilang pinagkakautangan at lubog na sila sa utang,
dahil dito naghihirap ang ating bansa.

Isa pang dahilan ng kahirapan ay pagkalulong sa pagsusugal at iba pang


bisyo. Dahil kapag ang isang tao ay sumubok magsugal at nanalo ng kahit isang beses
nahuhumaling sya na maglabas muli ng pera sa pag-aakalang muli siyang mananalo
hanggang sa hindi nila namamalayan na unti-unti nang nauubos ang kaniyang pera at
dahil dahil dito dumadami ang naghihirap.

Pero lahat ng iyan ay may solusyon. Ika nga sa isang kanta, “Kung ayaw
may dahilan, kung gusto palaging merong paraan”, kung ayaw nating maresolba ang
kahirapan marami tayong dahilan pero kung gusto natin itong malabanan at mapuksa,
maraming paraan.

Una sa lahat, nararapat na tanggalin at waksiin ang korupsiyon. Dahil kung


walang korupsiyon, ang budyet sa mga ahensiya’t kagawaran ay maibiigay o
maitutulong sa mga Pilipino, makapagbibigay ng mga kagamitan sa mga pag-aaral,
makapagbibigay ng pangkabuhayan ng mga tao para magkaroon ng maayos na
trabaho. Kaya dapat ang bawat ahensiya ay maging aktibo, sa pagtulong para
mawakasan natin ang kahirapan.
Pangalawa, ang bawat Pilipino ay dapat na magaral hanggang makatapos
ng isang kurso, ito man ay agrikultural, propesyonal, bokasyonal, teknikal o iba pa. At
mula sa tinapos na kurso, ang nagiging batayan ng papasukang trabaho.

Ikatlo, dapat ang gobyerno ay tumulong sa pagpapaalam sa


mgapilipinoayhindi muna mag-aasawa hangga’t wala pang trabaho. Ang bilang rin
dapat ng magiging anak ay batay sa kinikita. Hindi rin dapat natin gawing lunas ang
pag-aasawa sa mga problema.

Ang pinakamahalaga, dapat ang bawat isa sa atin ay matutong


makapagsarili o maging independent at matalino sa pagdedesisyon para hindi na
madagdagan pa ang bilang ng mga Pilipinong naghihirap.

You might also like