Buhay NG Isang Pamilya Noong Panahon NG Bagong Bato

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Buhay ng Isang Pamilya noong Panahon ng Bagong Bato

Tagapagsalaysay: Magandang Umaga/Hapon mga kaklase, ngayon ay isasadula


namin ang buhay ng mag-anak noong Panahon ng Bagong Bato. Sisimulan na
natin ang ating dula.

(Tatay): Asawa ko! Ako ay may nahanap na bato sa paa ng bundok!


Tingnan mo. Maganda itong gawing panghiwa ng karne at gulay! Kikiskisin ko na
ito upang mayari ko na ito agad.

(Nanay): Ay! Malaking tulong yan sa akin sa paghahanda ng pagkain.


Anak na Tala, Pumunta ka nga sa kulungan ng kambing at piliin mo ang pinaka-
maliit na guya (kambing). Liwayway, Ikaw naman ay pumunta na sa taniman at
humukay ka ng kamote at pumitas ka na rin ng talbos, Baka may mapulot kang
mga prutas na laglag mula sa mga puno.

Tagapagsalaysay: Agad-agad sumunood ang mga bata, samantala biglang


dumating ang isa pa nilang anak.

Mayumi: Inay! Inay! Tingan mo ang dami kong napulot na buko sa dalampasigan.

Inay: Ay mabuti mai-sasama natin ito sa ating pagkain. Maari ding gawing langis
ang matitirang laman. Itay pakibiyak mo naman itong buko.

Itay: Akin na. Iingatanan kong hindi mabiyak ang bao. Maari natin itong gamitin
na lalagyan ng pagkain.

Mayumi: Liwayway! Halika na dito! Magpapabaga na ako at iiihaw na natin ang


kamote. Magagamit ko ang balat ng nyog na paapoy. Tala! Bakit hatak hatak
mo ang guya?

Tatay: Yari na itong patalim na ginawa ko galing sa bato. Akin na ang guya at
akin nang kakatayin. Ang balat ng guya ay gagawin nating sinelas para kay
bunso.

Tagapagsalaysay: At nag tulong tulong sila sa pagkanda ng pagkain.

Nanay: O mga Anak, handa na ang pagkain. Tayo na at magpapasalamat kay


Bathala.

Buong mag anak: Salamat Bathala, sa iyong pagpapala at salamat sa pag silang
ng bagong buwan.

Lahat ng mag anak: OH! ANONG INIINTAY NIYO! KAINAN NA!

You might also like