Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Noli Me Tangere

Kabanata 1: Isang Handaan

Don Santiago Delos Santos o Kapitan Tiago


Tiya Isabel
Padre Damaso
Padre Sibyla
Ginoong Laruja
Tenyente ng guradia civil (pula ang buhok)

Kasing bilis ng kuryente ang pagkalat ng balita ng handaan ni Don Santiago Delos Santos o mas kilala bilang
Kapitan Tiago. May hnadaan sa gitna ng malaking bulwagan, sa bahay na puno ng mga antigong larawan
tulad na lamang ng larawan ni Nuestra Señora de la Paz y Buenviaje, ang imaheng nagapanggap na pulubi.
Isa sa mga hinahanda ay ang kilalang tinola. Isang pinsan na matanda ni Kapitan Tiago ang nagsilbing taga-
salubong ng mga bisitang dumarating, si Tiya Isabel. Ilan sa mga bisita ay isang grupo ng mga prayle, isa rito
ay si Padre Damaso – isang Pransiskano, “maharlikang Romanong nagbabalatkayong prayle”. Isa pa ay si
Padre Sibyla na isang matandang Dominikong pari sa Binondo, siya ay dating propesor sa San Juan de Letran
at mahusay sa debate. Sa kanilang grupo ay kasama ang isang binatang pula ang buhok na tenyente ng
guardia civil. Sa kanilang pag-uusap ay naikwento ni Padre Damaso ang kaniyang 20 taong paninirahan sa
bayan ng San Diego at ang kanyang mababang pagtingin sa mga Indio. Sa kalagitnaan ay tinanong ni Padre
Sibyla kung bakit sa kabila ng kanyang 20 tao builang kura sa bayan ay siya’y nalipat at dito na nagsaita ang
tenyente. Aniya’y si Padre Damaso ay napalipat sa kanyang pagpapahukay ng isang bangkay sapagkat ito
raw ay isang erehe (Kristiyanong sumusuway sa kautusan ng Simbahan. Bilang kaparusahan ay inilipat siya ng
lalawigan at siya ay pinalitan ni Padre Salvi. Sa kanilang pag-uusap ay dumating sina Doktor de Espandaña at
Doktora Donya Victorina.

Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra

Crisostomo Ibarra
Kapitan Tiago
Padre Sibyla at Padre Damaso
Tenyente

Ilang sandal lamang ay dumating sa handaan si Crisostomo Ibarra na siyang ipinakilala agad ni Kapitan Tiago
kina Padre Damaso, Padre Sibyla, at sa tenyente. Nakilala ni Crisostomo si Padre Damaso at aniya’y matalik na
magkaibigan noon si Padre Damaso at ang kanyang amang si Don Rafael Ibarra ngunit ito ay itinanggi ni
Padre Damaso. Si Ibarra ay bumalik muli sa PIlipinas matapos ang paninirahan sa Eurpa sa loob ng pitong
taon. Siya ay kusang nagpakilala sa isang grupo ng mga lalaki, ang katangiang ito’y kanyang nakuha sa
Europa. Si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin, kung siya’y magpakilala. Matapos magpakilala ay siya’y
inanyayahana ng isang binate sa isang hapunan sa San Diego na kanya namang ikinagagalak na puntahan.

Kabanata 3: Sa Hapunan

Crisostomo Ibarra
Padre Damaso at Padre Sibyla
Kapitan Tiago

Sa gitna ng handaan ay aksidenteng natapakan ng isang militar ang bestida ni Donya Victorina na aniya’y
dahil sa kanyang pagkabighani sa magandang buhok nito. Minabuti ng mga prayle na lumipat ng kabisera
Noli Me Tangere
(kabilang dulo ng lamesa) at sila’y naghapunan kasama si Ibarra. Habang sila’y kumakain ay inilarawan si
Kapitan Tiago sa linyang “Si Luculo ay hindi kumakain sa bahay ni Luculo” (si Luculo ay isang Romano na
mahilig kumain ng masasarap na pagkain) sapagkat tinaggihan niya ang paanyaya ni Ibarra na makisalo sa
kanila sa halip ay hinandaan pa sila ng panibagong tinola at ang leeg at papaya ang napunta kay Padre
Damaso na kanyang ikinasama ng loob. Minabuti nilang pag-usapan ang pitong taong paninirahan ni Ibarra
sa Europa at minsang naitanong ni Ginoong Laruja kung ano ang pinakamahalagang nakita nito sa bawat
bansa na kanyang pinuntuhan. Kasaysayan. Ito ang sagot ni Ibarra, aniya’y nais niya muna malaman ang
kasaysayan ng isang bayan nang mas makilala niya ito nang lubusan ngunit ito nama’y ‘di sinang-ayunan ni
Padre Damaso. Ayon kay Padre Damaso siya ay nagsayang lamang ng salipi kung gayon lamang ang
kanyang ginawa sa ibang bansa ngunit sinagot ito ni Ibarra sa amamagitan ng pagsasalaysay ng kanilang
minsang hapunan noon sa San Diego kasama ang kanyang amang si Don Rafael at minabuti na niyang
umalis. Siya ay pinigilan muna ni Kapitan Tiago sapagkat ilang sandal na lang ay darating na si Maria Clara na
sinundo ni Tiya Isabel ngunit hindi na niya ito hinintay at umalis na lamang at kanyang dadaanan ito
kinabukasan. Sa kanyang pag-alis ay sinabi ni Padre Damaso na kaya ‘di dapat pinapaalis ang mga Indio
sapagkat nagiging mayabang lamang ang mga ito tulad na lamang ni Ibarra.

Kabanata 4: Erehe at Subersibo

Crisostomo Ibarra
Tenyente Guevarra (matandang militar)

Naglakad-lakad si Ibarra sa kalye ng Binondo, sa kalye ng Sacristia at nagnilay-nilay sa mga bagay mula noon
hanggang ngayon. Tila bang walang nagbago, “Mabagal ng pagsulong ito!” kung kanyang sabihin. Habang
naglalakad ay may pumatong na kamay sa kanyang balikat na siyang sinabihan na mag-ingat uang hindi
magaya sa sinapit ng kanyang ama. Ayon sa kanya’y ang huling sulat na nataggap niya nang siya’y nasa
Europa ay nagsasabing huwag siyang mag-alala sapagkat maayos lang ang lahat, sadyang abala lang ang
kanyang amilya sa Maynila. Bagama’t naguguluhan ay minabuti niyang tanungin ang matandang militar
kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang ama at nagsimula itong magkuwenta hanbang sila ay
naglalakad patungong kuwartel. Si Don Rafael ay ang pinakamayaman sa lalawigan, marami ang may gusto
sa kanya ngunit marami rin ang mga kinaiinggitan siya kung kaya’t marami rin siyang kaaway. Sa kabilang
dako naman ay may isang artilyerong Kastila na hindi marunong magbasa o magsulat kaya’t siya ginawang
kolektor na lamang ng mga buwis. Dahil sa kanyang disabilidad, madalas itong pagtawanan ng karamihang
Pilipino sa kanyang kunyaring pagbabasa kahit nakabaliktan ang papeles at pirma na parang kinalkal ng
manok. Minsan, sa pagdaan ng isang grupo ng mga bata na siyang pinagtatawanan ay lubos siyang nagalit
at hinabol ang mga ito at pinalo ng baston ang isa sa mga ito at walang niisa ang nangangahas na umawat.
Sa mga panahong iyon ay napadaan si Don Rafael at kanyang sinugod ang Kastila at ito ay kinamatay ng
artilyero. Ayon sa isang doctor, alta presyon ang ikinamatay ng artilyero ngunit hindi naniniwala ang mga
kaaway ni Don Rafael. Siya ay binilanggo at rito na nagsimulang lumabas ang mga kaaway nito at
pinaratangan siya ng kung anu-ano. Ilan sa mga ito ay ang pagiging erehe, pilibustero (Pilipinong radikal mag-
isip at ‘di nagpapasakop sa pamamahalang ayon sa relihiyon at hukbo), at subersibo (taong lumalaban sa
sistema ng pamahalaan). Tinulungan siya ng matandang militar na makalaya sa pamamagitan ng mga
abogado ngunit marami ang tumanggi malibang sa isang abogadong Kastila. Sa dinami-dami ng isiisip ni Don
Rafael sa bilangguan ay tinamaan siya ng isang sakit na kamatayan lamang ang makapagpapagaling at dito
na siya namatay.
Noli Me Tangere
Kabanata 5: Bituin sa Karimlan

Crisostomo Ibarra
Maria Clara

Pagdating ni Ibarra sa kanyang tinutuluyan ay umupo siya paharap sa ilog, kanyang iniisp ang masayang
handaan sa malayo, lahat ay masaya, mga lalaking nag-iinuman at sa gitna ay isang magandang dalaga.
Dalagang may magandang kutis, mata, ngiti, leeg, at kwintas. Lahat ay naaakit sa kanyang tanging ganda
maliban sa isang Pransiskano sa dulo ng silid. Lahat ng ito ay hindi natutunghayan ni Ibarra sapagkat ang tangi
niyang nakikita ay mga pader at sa itaas ng pader, may isang matandang lalaki na nakahiga sa banig. Isang
matandang kanyang kinakikitaan ng kanyang mahal na ama at ang kanyang kabataan.

Kabanata 6: Si Kapitan Tiago

Si Kapitan Tiago ay tila bang bata sa itsura at maaliwalas kung tingnan. Siya ang pinakamayaman sa Binondo
at siya ay nagmamay-ari ng mga lupain sa Pampanga, Laguna de Bay, at sa San Diego na parati niyang
binabakasiyunan. Dito, siya ay may ka-negosyong Intsik sa pagbebente ng Opium (isang uri ng halaman).
Masasabing siya ay malakas sa Diyos bagama’t ‘di nangungumpisal at kung ano a man. Sa panahong iyon ay
tanyag ang pagbabayad ng mga mayayaman sa mga dukha ng piso para sila ay ipagdasal. Siya ay kasundo
ng gobyerno at naging gobernadorcillo sa isang malaking lalawigan sa loob ng 2 taon. Sa mata ng mga nasa
poder siya ay isang mabuting tao na pinahahalagahan parang nag-iisang sapatos ng isang dukha. Ngunit
para sa mga kaaway, siya ay mangahas at mapang-alipin. Si Kapitan Tiago ay anak ng isang taga-Malabon,
kahit na maykaya ang pamilya, siya ay ‘di napag-aral kung kaya’t siya ay namasukan bilang utusan ng isang
Dominikano kung saan niya natutunan ang karamihan sa mga karunungan. Napang-asawa niya ay taga-Sta.
Cruz na si PIa Alba na siyang naging katuwang niya sa pagpapayaman. Naging kaibigan nila sa San Diego si
Padre Damaso at si Don Rafael na pinakamayaman sa lalawigan na iyon. ‘Di sila nagkaanak ni Pia sa loob ng
6 na taon kaya’t pinayuhan siya ni Padre Damaso na pumunta sa Obando na ang pintakasi ay sina Obando
Nustra Señora de Salambaw, Santa Clara, at San Pascual Bailon at siya’y nabuntis at ipinangalan niyang Maria
Clara sa karangalan ng Birhen ng Salambaw at Santa Clara. Sa kanyang pagkapanganak kay Maria Clara ay
dinatnan siya ng matinding lagnat na kanya ring ikinamatay. Lumaki si Maria Clara sa kanyang Tiya Isabel at sa
kanyang taglay na ganda ay pinapaniwalaang ipinaglihi siya kay Birhen o kay San Miguel. Siya ay mahal na
mahal ng karamihan at ng mga pari. Sa edad na labintatlo hanggang sa labing-apat na taon ay siya ay
pumasok sa kumbenta ng Santa Catalina at malungkot na nagpaalam it okay Padre Damaso at sa tanging
kaibigan na si Crisostomo na aalis na rin patungong Europa. Napansin ng dalawang ama ang matamis na
pagtitinginan ng dalawa kung kaya’t pinagpasiyahan nila na ipakasal ang dalawa na labis naman ikinatuwa
ng dalawa.

Kabanata 7: Romansa sa Balkonahe (Suyuan sa Asotea)

Crisostomo Ibarra
Maria Clara
Tiya Isabel
Kapitan Tiago

Noong araw na iyon ay nagsimba sina Maria Clara at Tiya Isabel ngunit ‘di inaakala ni Tiya Isabel na maagang
magaaya pauwi ang dalaga sapagkat aniya’y ito ay malapit sa Diyos. Nang sila’y nakauwi na ay nagpatuloy
si Maria Clara sa pagtatahi ng seda, kabado sa bawat kotseng dumadaan o sa mga yapak sa hagdanan.
Noli Me Tangere
Habang siya ay abala, pinagpalagay ni Kapitan Tiago na siya ay magpahinga muna sa probinsya sa San
Diego na kanya namang lubos na ikinagalak. Maya-maya, sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay may
dumating, si Crisostomo, siya ay agad na di mapakali sa silid at aligaga kung kaya’t siya ay minabuting ayusan
ni TIya Isabel ang hitsura ni Maria Clara para sa kanilang muling pagkikita ni Crisostomo. Nang sila’y magkita
na, para bang hindi na kailangan ng mga salita para sabihin ang kanilang mga nais na sabihin, ang kanilang
mga tingin at ngiti ay sapat na upang iparating ang mga salitang ito sa isa’t isa. Nagtungo sa balkonahe ang
dalawa at dito nag-usap tungkol sa mga alaala nila sa mga panahong sila’y magkahiwalay hanggang sa
mga masasayang alaala nila noong sila’y bata pa kasama ang ina ni Ibarra. Binasa nila ang huling sulat ni
Ibarra kay Maria Clara bago ito umalis patungong Europa. Ayon sa sulat, layunin ni Don Rafael na pag-aralin si
Ibarra sa malayong lugar upang makapaglingkod ng mataas na kalidad sa bayang sinilangan. Handa
diumano itong magtiis na mawalay sa anak upang sa bandang huli ay maibigay nito sa bayan ang kanyang
hangarin. Natigilan naman si Ibarra dahil naalala nito na bukas ay undas at marami siyang kailangang gawain.
Nagpaalam na si Ibarra na binilinan ng Kapitan na sabihan ang kanyang katiwala na sila ay magbabakasyon
doon. Si Maria Clara naman ay hindi napigilang maluha dahil sa pangungulila kay Ibarra. Sinabihan siya ng
kanyang ama na ipagtulos si Ibarra ng dalawang kandila at ialay sa santo ng manlalakbay.

Kabanata 8: Mga Alaala

Crisostomo Ibarra

Sa pagbabagtas ni Ibarra sa San Gabriel gamit ang karwahe, napansin niya ang ilan sa mga nagbago sa
distrito ng Maynila. Ang mga kalyeng puno ng alikabok at iba pa, pati na rin ang Escolta. Sila ay may
nakasalubong na isang karwahe na may iilang mga tao na tutungo sa kanilang mga pupuntahan, isa na sa
mga sakay nito ay si Padre Damaso at si Kapitan Tinong. Naparaan siya sa Harding Botaniko na nagpaalala sa
kanya sa mga hardin sa Alemanya na alagang-alaga at pinagkakakitaan. Naparaan din sila sa Matandang
Maynila o Intramuros na inang-iba sa mga tanawin sa Europa na patuloy na umuunlad. Dahil dito, sumagi sa
isipan ni Ibarra ang sinabi ng kanyang gurong pari. Una, ang karunungan ay matatamo kapag hinangad ng
puso. Pangalawa, ang karunungan ay dapat linangin at isalin sa susunod na henerasyon. Pangatlo, dapat
lamang na magkaroon ng pakinabangan – kung ang mga kastila ay nanatili dito upang kuhanin ang yaman
ng bansa, marapat lamang na ibigay naman ng bansang dayuhan ang karunungan at edukasyon.

Kabanata 9: Iba’t Ibang Pangyayari

Padre Damaso
Kapitan Tiago
Matandang Pari
Padre Sibyla

Si Padre Damaso ay patungo sa bahay nina Kapitan Tiago at kanyang nakasalubong sina Maria Clara at Tiya
Isabel na patungo sa kumbento upang kunin ang mga gamit ni Maria Clara. kaagad naman pumasok ng
bahay si Padre Damaso at kinausap si Kapitan Tiago. Sa kabilang dako naman ay tumungo si Padre Sibyla sa
kanilang korporasyon sa Maynila upang kausapin ang isang matandang pari na tila may malubhang
karamdaman. Ayon sa kanya ay nagpunta siya upang pag-usapan ang bilin nito sa kanya. Ito ay tungkol kina
Ibarra at kina Maria Clara at ama nito. Ayon sa matandang pari ay mas magandang sila ay kalabanin para
makita ang kanilang kamalian at nang sila ay mapabuti. Ikinakatakot nito na dumating ang araw na
bumagsak sila tulad ng pagbagsak ng Europa sapagkat wala nang salapi ang pumapasok sa kanila. Dagdag
pa nito na kailagan na nila kumilos at gumising sapagkat ang mga Indio ay unti-unti nang namumulat. Habang
Noli Me Tangere
paalis na si Padre Sibyla ay patapos na rin ang pag-uusap nina Padre Damaso at Kapitan Tiago at ang
kanilang pag-uusap ay tila bang nag-iwan ng malaking alalahanin kay Kapitan Tiago.

Kabanata 10: Ang San Diego

Ang bayan ng San Diego ay masagana sa maraming bagay, ang mga ito ay ipinagbibili ng mga ibang bayan
o di kaya ng mga Intsik. Malaway ang bayan at kapansin-pansin ang gubat sa gitna ng bukid. Maraming mga
kuwento at alamat mayroon ang gubat na ito. Ayon sa isa ay dating may isang matandang Kastila na
pumunta roon at binili ang lupain. Marami ang nagpanggap na nagmamay-ari at sila ay kanyang binigyan ng
mga alahas, damit, at salapi bilang kapalit. Makalipas ang isang araw, matapos makaamoy ng maalinsangan
na amoy ang mga tao, natagpuan nilang nakabitin sa sanga ng balete ang matanda at patay na. maraming
nagsabi na simula pa lang pagkarating ng matandang Kastila ay may napansin na silang kakaiba, sila ay
napuno ng takot at pinagpasiyahang sunugin na lamang ang mga ibinigay nito sa kanila. Nang makalipas
ang ilang buwan ay may batang Kastila na aniya’y anak ng matandang bumili ng lupain nito. Nanirahan ito sa
lupang ito, pinaderan, at nakapang-asawa ng Manilenya. Sinimulan niya ang maunlad na pagsasaka na
naman ng kanyang anak na si Don Rafael Ibarra. Umunlad ang pagsasaka at dumagsa ang mga dayuhan at
lumaki ang nayon. Nagkaroon sila ng isang paring Indio na kinalaunan ay pinalitan ni Padre Damaso.

Kabanta 11: Ang Mga Makapangyarihan

Padre Salvi
Donya Consolacion
Alperes

Sa bayan ng San Diego ay hindi si Don Rafael, na bagama’t mayaman ay mababa ang loob, hindi siya
humihingi ng kahit anong kapalit sa lahat ng kanyang ginagawa para sa bayan, at hindi rin si Kapitan Tiago,
na inuulan ng mga regalo mula sa mga may utang sa kanya at sa bait ay pinagtatawanang bilang Sakristang
Tiago, ang pinakamayamakapangyarihan. Sa halip, ang kura (inihantulad sa Papa sa Italya) at ang alperes ng
guradia civil (inihantulad sa haring namumuno sa Quinirale — lugar kung saan naninirahan ang hari) ang mga
makapangyarihan. Si Padre Salvi, isang batang Pransiskano ay ibang-iba kumilos kaysa sa mga kapwa preyle
lalo na si Padre Damaso sapagkat bihira siyang manakit at pinagmumulta niya ang mga nagkakasala. Siya ay
nakapang-asawa ng isang Pilipina na Donya Consolacion kung tawagin ang sarili. Ang pagsasama ng kura at
ng alperes ay hindi maganda marahil ay lagi pa silang naggagantihan at pinahihirapan ang isa’t isa, ngunit
ang mga ganitong pangyayari ay hindi hadlang sa relasyon ng dalawa – sila’y nagkakamayan at
nagbabatian sa tuwing nagkikita.

Kabanata 12: Todos Los Santos (Araw ng Mga Patay)

Sa sementeryo ng San Diego, sa gitna ay may malaking krus na ang taas at ang INRI ay nasira nan g bagyo. Sa
isang tabi ay may dalawang lalaki na naghuhukay ng libingan na tila bang pagod na pagod na. sa
kalagitnaan ng paghuhukay ay nag-inarte ang isa ngunit sinagot ito ng isa na wala pa ito sa kanyang ginawa
noon na paghukay ng isang bangkay na dalawampung araw pa lamang buhay. Ito raw ay iniutos ng isang
kurang malaki at iniutos na ipalipat sa sementeryo ng mga Intsik ngunit ang kanyang pagsasalaysay ay natigil
nang patuloy na dumarami ang mga taong bumibisita sa mga patay at nagdadasal ng orapreo, orapreis, at
requiemeternam.

Kabanata 13: Hudyat ng Unos


Noli Me Tangere
Crisostomo Ibarra
Matandang utusan
Tagapaghukay
Padre Salvi

Dumating si Ibarra at ang isang matandang utusan sa sementeryo ng San Diego. Ayon sa matandang utusan
ay may malaking krus siyang inilagay sa puntod ni Don Rafael Ibarra bilang palatandaan ngunit kahit saan
man nila ito hanapin ay hindi nila ito matagpuan. Tinanong nila ang tagapaghukay patungkol sa nawawalang
bangkay at aniya’y ito’y matagal nang pinahukay ng malaking kura – Padre Garrote kung kanyang tawagin
minsan.siya raw ay inutusang hukayin ito at ilipat sa sementeryo ng mga Intsik ngunit dahil daw sa bigay ng
ataul ay minabuti na lamang niyang ipaalon ito sa ilog. Umalis si Ibarra na masama ang loob kasama ang
matandang umiiyak sa kanyang likuran. Nang siya’y pabalik na sa kanyang tutuluyan ay nakasalubong niya si
Padre Salvi at kanya itong nasaktan nang kakaunti habang itinatanong kung ano ang kanyang ginawa kay
Don Rafael ngunit ito ay itinanggi nito. Ayon sa kanya ay nagkakamali ng tinutukoy si Ibarra, marahil ang
kanyang tinutukoy as si Padre Dmaso.

Kabanata 14: Baliw o Pilosopo

Don Anastacio o Pilosopo Tasyo


Don Filipo Lino
Donya Teodora vina o Aling Doray

Palakad-lakas mula sa sementeryo ang isang matandang lalaki. Don Anastacio o Pilosopong Tasyo kung siya’y
tawagin ngunit para sa iba, siya as si Tasyong Baliw. Siya ay nakapag-aral ng pilosopo ngunit dahil sa kanyang
ina ay tumigil siya kapalit ng hindi pagpapari. Siya ay nagpakasal sa kanyang nobya ngunit wala pang isang
taon ay nabiyudo na siya nito kung kaya’t siya ay nagbasa na lamang nang nagbasa at dahil dito ay
napabayaan na niya ang kanyang kayamanan at tuluyan nang naghirap. Habnag siya ay nalalakad noong
araw na iyo, may nakasalubong siyang isang lalaki na galing sa simbahan at siya’y tinanong kung ano ang
kanyang hinihintay. “Kidlat na papatay ng mga tao at susunog ng mga bahay” , ito ang kanyang sagot sa
lalaki. Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay may kumidlat at ito ay ikinatuwa ni Pilosopo Tasyo at tumungo
sa simbahan. Dito nakasalubong niya ang dalawang bata na kanyang sinabihan na mag-ingat sapagkat
maaring tamaan ng kidlat ang kamana sa simbahan. Maya-may lamang ay may lalaking nag-imbita sa
kanya, si Don Filipo Lino, ang tenyente mayor ng bayan, at ang kanyang asawang si Donya Teodora Vina.
Kanilang napag-usapan ang pagdating ni Ibarra sa bayan. Nabanggit din ng Pilosopo na nadarama niya ang
paghihinagpis ng binata lalo na ng malaman nito ang sinapit ng kanyang ama. Dagdag pa niya, isa rin daw
siya sa anim na kataong nakipaglibing sa ama ni Ibarra. Ang kanilang usapan naman ay napadako sa
purgatoryo, bagay na hindi pinaniniwalaan ni Pilosopo Tasyo ngunit pinaniniwalaan naman ng nakararami.
Bagamat hindi naniniwala ang Pilosopo sa purgatoryo ay nirerespeto naman daw niya ang pananaw ng
relihiyon dito. Aniya, ito raw ay gabay upang ang tao ay mabuhay ng malinis. ‘Di nagtagal ay nagpaalam na
rin ang Pilosopo at lumakad palayo ng masiglang-masigla sa gitna ng matatalim na kidlat at
dumadagundong na kulog.
Noli Me Tangere
Kabanata 15: Ang Mga Sakristan

Crispin
Basilio
Sakristan Mayor
Sa kampanaryo ay naroroon ang dalawang magkapatid na si Basilio at si Crispin, takot na takot sa malakas na
ulan, kidlat, at kulog. Pinag-usapan ng dalawa ang pinaghihinagpis ni Crispin sapagkat siya ay
pinagbintangan na magnanakaw ng sakristan mayor. Mas napagbibintangan pa sila sapagkat ang kanilang
ama ay maraming bisyo. Aniya’y mas gugustuhin na lang niya magkasakit upang hindi siya mapalo ng
kanyang ina sapagkat baka raw paniwalaan niya ang kura at ang sakristan mayor na siya ay nagnakaw.
Isang lingo na nila hindi nakikita ang kanilang ina at sa araw na iyon ay pinayagan sila umalis kasama ang ina
ng alas-otso ngunit ito ay hindi pinayagan ng sakristan mayor. Kinaladkad ng sakristan mayor si Crispin pababa
ng kampanarya habang si Basilio ay naiwan sa taas na nalulungkot at umiiyak sa hingpis na naririnig niya mula
sa kanyang kapatid.

Kabanata 16: Si Sisa

Noong bata pa lamang si Sisa ay masasabing siya ay isang magandang dalaga ngunit siya ay nakapag-
asawa ng isang sabungero at maraming bisyo. Siya ay inaalipustangan nito sapagkat alam niyang mahal na
mahal siya ni Sisa. Lahat ng alahas at pera nila ay ginamit na niya sa sabong at nang sila’y mawalan ay
nagsimula siya pagbuhatan ng kamay ang asawa. Noong araw ng pag-uwi ng kanyang dalawang anak mula
sa kumbento ay naghanda siya ng masasarap at paboritong pagkain ng kanyang dalawang anak, humingi
pa ito ng ilan sa kanyang kapitbahay na si Pilosopo Tasyo, ngunit ito ay pinaspasan nan g kanyang asawa
bago pa man dumating ang kanilang mga anak. Di na hinintay ng kanyang asawa ang pagdating ng
kanyang mga anak at nagbilin pang mag-iwan ng piso mula sa suweldo ni Basilio. Nagluto na lamang muli si
Sisa, iniisip na lamang ang gutom at ang ikasasaya ng kanyang mga anak. Maya-maya habang hinihintay
ang mga anak ay nakarinig siya ng sigaw mula kay Basilio sa kanilang pintuan. Ito ay kinatakot niya.

Kabanata 17: Si Basilio

Umiiyak na umuwi si Basilio mula sa kanyang pagtakas sa kumbento. Siya ay nakita ng mga guardia civil at
siya’y tinangkang barilin ngunit siya ay nakaiwas at nadaplisan lamang sa noo. Niyakap niya ang kanyang ina
nang mahigpit at di alam ni Sisa ang kanyang gagawin, tila ba siya’y nanghina. Ikinnuwento ni Basilio sa ina
ang pagbintang na nangyari kay Crispin ngunit kinaligtaan niya ang pagpapasakit dito. Nang ikinuwento ni
Sisa sa anak ang pagdalaw ng kanilang ama ay di ito ikinatuwa ni Basilio at minabuti na lamang matulog
kasama ang ina. Habang siya ay natutulog napanaginipan niya pinapahirapan ng mga kura si Crispin at
pinagpapalo ito ng baston sa ulo at pinagsisipa pati. Siya ay ginising ng ina mula sa kanyang pag-uungol
nguniit hindi niya sinabi ang kanyang totoong panaginip sa nanay sa halip ay sinabi na lamang niya na aalis
na silang magkapatid sa pagiging sakristan. Siya ay mamamasukan na lamang kay Don Crisostomo bilang
pastol at si Crispin naman ay makapag-aaral na lang kay Pilosopong Tasyo. Ang ideyang ito ay sinang-ayunan
naman ni Sisa nang buong-buo.

Kabanata 18: Mga Nagdurusang Kaluluwa

Padre Salvi
Sisa
Noli Me Tangere
Mga Utusan at Kusinero

Napansin ng mga tao na tila bang parang may sakit si Padre Salvi sapagkat ito ay matamlay. Hinihintay ng
mga babae sa simbahan kung sino kina Padre Damaso, Padre Martin, at coadjutor (katulong ng pari) ang
napili ni Padre Salvi para magbigay ng sermon sa pistang bayan. Pinag-uusapan din nila kung sino ang mas
makatatanggap ng indulgencia plenaria (kapatawaran sa naghihirap sa purgatoryo). Habang nag-uusap-
usap ang mga babae ay pumasok ng kumbento si Sisa at bumii ng kanyang mga maidadala. Siya ay
nagtungo sa kusina nang walang makitang bakas ni Crispin kahit saan sa kumbento. Ang ilan ay hindi siya
pinapansin ngunit nang itinanong niya kung nasaan si Crispin, wika nila’y ito’y tumakas matapos magnakaw at
malamag daw ay nasa bahay na nila ito. Lubos na hindi makapaniwala si Sisa at siya’y napahagulgol. Nang
siya’y tumungo na sa kalye ay bigla na lamang siya’ng kumaripas ng lakad.

Kabanata 19: Karanasan ng Isang Guro

You might also like