Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ANEKDOTA NI MANNYPACQUIAO

Si Emmanuel Dapidran Pacquiao o mas kilala bilang Manny Pacquiao ay


ipinanganak noong December 17, 1978 mula sa Kibawe, Bukidnon. Ang kanyang
mga magulang ay sina Rosalio Pacquiao at Dionesia Dapidran-Pacquiao. Ang
kanyang mga magulang ay naghiwalay noong siya ay nasa ika-anim na baitang pa
lamang dahil nalaman ng kanyang ina na may ibang babae ang kanyang ama. Si
Manny ay pang-apat sa anim na magkakapatid na binubuo nina: Liza Silvestre-
Onding and Domingo Silvestre (mula sa unang asawa ng kanyang ina) and Isidra
Pacquiao-Paglinawan, Alberto "Bobby" Pacquiao and Rogelio Pacquiao.

Ikinasal si Manny Pacquaio kay Maria Geraldine Jamora o mas kilala bilang “Jinkee”
an biniyayaan ng apat na supling: sina Jimuel, Michael, Princess, at Queen
Elizabeth. Si Manny at ang kanyang pamilya ay nakatira sa kanilang probinsya sa
General Santos City, South Cotabato, Philippines. Subalit sa kasalukuyan, dahil si
Pacquiao ay naging kongresman ng kanilang distrito sa Sarangani, tumutuloy siya
ngayon sa Kiamba, Sarangani, na bayan ng kanyang asawang si Jinkee.

Si Manny Pacquiao ay isang relihiyoso at tapat na Katoliko. Siya ay kilalang masugid na


deboto ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Manila. Sa katunayan, palagi siyang
nagsisimba, nagdadasal at nag-aalay ng pasalamat sa misa sa Mass in Minor Basilica
sa nasabing simbahan sa Quiapo lalo na pagkatapos ng matagumpay na laban mula
abroad.

Si Manny Pacquiao ay pinagkalooban ng ispesyal na ranggo bilang Sergeant Major for


the 15th Ready Reserve Division of the Philippine Army. Sa kanyang kabataan,
pangarap na niyang maging isang sundalo. Sa katunayan, siya ay naging Army Private
noon.

Nakatapos si Manny Pacquiao ng elementarya sa Saavedra Saway Elementary


School sa General Santos City subalit hindi niya ipinagpatuloy ang kanyang highschool
dahil sa kahirapan sa buhay. Sa edad na 14, iniwan niya ang kanyang pamilya para
makipagsapalaran.

Dahil sa galing at talino, kumuha siya ng high school equivalency exam, isang
kwalipikasyon para makapag-college siya, noong Pebrero 2007, naipasa niya ang
nasabing exam at siya ay ipinagkalooban ng Department of Education ng highschool
diploma. Pagkatapos noon, siya ay nag-enrol ng colegio sa Notre Dame of Dadiangas
University sa General Santos City at kumuha ng kursong Business Management.

Si Manny Pacquiao ay nagkamit ng maraming recognition particular mula sa kanyang


career sa boksing. Isa siya sa Forbes The Celebrity 100 ngayong 2010, Time 100
Most Influential People noong 2009 at naging cover pa ng Time Asia
Magazine noong 2009.

You might also like