Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Qatar Kabisera: Doha

Uri ng Gobyerno: Tradisyunal na Monarkiya

Industriya: Crude oil production and refining, Petrochemicals

Bansang Qatar Mamamayan: Qatari

Wika: Arabic, English

Relihiyon: Islam, Hinduismo

Kasaysayan
Dating pinamumunuan ng mga sheiks ng Bahrain ang Qatar ngunit sa taong 1867 nagkaroon ng digmaan
sa pagitan ng mga pinuno at mga nasasakupan. Para mapanatili ang kapayapaan sa Golpo ng Persia,
itinalaga ng mga Briton si Muhammad ibn Thani al-Thani bilangang pinuno ng bansa. Taong 1991,
pinahintulutan ng bansa ang mga internasyonal na hukbo upang gamitin ang Qatar bilang base sa
digmaan ng Golpo ng Persia. Ipinakilala ng bansa ang kanilang unang konstitusyon noong ika-9 ng
Hunyo, 2005. Napapaloob sa konstitusyon ang kalayaang magpakita ng damdamin, pagpili ng relihiyon
at ang 45-seat parliament. 30 sa mga ito ay itatalaga gamit ang malayang botohan habang ang natitira'y
itatalaga ng emir. Umalis sa pwesto bilang punong ministro ng Qatar si Sheik Abdullah bin Khalifa Al
Thani noong Abril 2007. Itinalaga naman ng emir si Sheik Hamad bin Jassem al Thani bilang kapalit ng
dating ministro. Noong June 25, 2013, umalis ng pwesto si Emir Sheikh Hamad ibn Khalifah Al Thani
bilang emir at ang pumalit sa kanya ay ang ikaapat niyang anak na si Sheikh Tamim bin Hamad bin
Khalifa Al Thani, 33 taong gulang. Itinalaga na ng bagong emir ang kanyang gabinete at si Sheikh
Abdullah ibn Nasser ibn Khalifah Al Thani bilang bagong punong ministro.

Ekonomiya
Petrolyo ang pangunahing produkto ng bansang Qatar. Ang bansa ay nagtabi na ng 15 bilyong lalagyan
ng langis na naglalayong panatilihin ang magandang ekonomiya ng bansa ng 23 taon.

Kultura ng Qatar
Ang kultura ng Qatar ay malakas na naiimpluwensyahan ng tradisyonal
na kulturang Bedouin, na may mas malalim na impluwensyang nakukuha
mula sa India, East Africa at sa ibang lugar sa Persian Gulf. Ang malupit na
kundisyon ng peninsula ay pumipilit sa mga naninirahan na bumaling sa
dagat para sa kabuhayan. Ang mga Qatari ay may tradisyon, ito ay
tinatawag na shisha. Ang shisha ay isang tradisyon na paninigarilyo nila,
ginagamit ang tubo ng tubig na tinatawag nila na hookah at may lasa din ito.

You might also like