Final 2 Tesis

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

11

banda, dahil sa ang pagtuturo ay isang komplikadong gawain, mahalaga ang

kahandaan ng guro sa propesyong ito. Bagamat, hindi lamang ang guro ang tanging

baryabol sa ekwasyong pagtuturo-pagkatuto, ang kahandaan ng guro sa pagtuturo ay

isang malaking salik na nakapag-aambag sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sinasabi

nga na ang mabisang pagtuturo ay hindi na mamamanang kapangyarihan, ito ay

bunga ng matinding pag-aaral at masiglang pagtupad sa tungkulin (Hunter, 2011).

Ang guro ay dapat alam niya hindi lamang ang layunin kung alin ang dapat

tapusin, dapat alam rin niya ano ang pinaka epektibong istratehiya at istilo kung alin

ang pinaka prioridad na tapusin sa isang asignatura. Kailangan magtala siya ng mga

layunin na maging kasigla-sigla at kawili-wili sa bawat mag-aaral at ang guro ay may

mahalagang papel na ginagampanan sa gaawaing pagtuturo. Ang kanyang kakayahan

sa paggamit ng iba’t ibang uri ng pamamaraan sa pagtuturo ay magbubunga ng isang

makabuluhang talakayan at positibong tugon. Tiniyak ng isang mahusay na guro na

ang mga gawain sa klase ay nakakatutulong upang mapadali ang pagkatuto ng mga

mag-aaral. Ang pag-aayos ng pamamaraan o istratehiya sa pagtuturo ayon sa estilo ng

pagkatuto ng mga mag-aaral ay nakapagpapaangat ng kanilang akademikong

kakayahan (Tulbure, 2010).

Kailangan ding may alam siya sa mga prinsipyo ng mabuting pagkatuto tulad

ng paggamit ng angkop na pamamaraan sa pagtuturo, motibasyon, paggawa ng

banghay-aralin, kasanayan sa pagtataya at integrasyon (Aquino, 2011).

Ang isang mahusay na guro ay laging may panahon na humanap o gumawa ng

inobasyon para sa pag-unlad ng performans ng isang mag-aaral at mahabang oras na

ginugugol sa harap ng klase sa loob ng silid-aralan upang magbigay ng impormasyon,

gumigising ng kawilihan ng mga mag-aaral sa paksang tinatalakay, magpaliwanag,

makipagtalakayan, magtanong at tumugon sa mga katanungan ng mga mag-aaral.


12

Lagi siyang handa para sa kapakanan ng mga estudyante. Ang paghubog sa mga

pang-akademikong at pag-uugali ng mga mag-aaral ang mga kaalamang natutunan ng

mga bata ay hindi lamang nagtatapos sa paaralan at patuloy ang pagtuklas ng

karunungan sa tahanan sa gabay ng mga magulang. Kahit sa kabila ng ina-asal na

ipinakita nang-iilan ngayon na mag-aaral ay laging nariyan walang sawang

gumagabay mapaganda lamang ang kinabukasan ng mga mag-aaral (Vicencio, 2012).

Maraming uri ng istratehiya sa pagtuturo na maaaring gamitin ng mga guro

upang madali ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ngunit ang mga istratehiya ay hindi

basta-basta magagamit. Ang mga guro ay kailangang maging matalino, kailangang

mag-isip at mag-ingat sa pagpili at paggamit nito ang pagdedesisyon tungkol sa

paggamit ng ilang istratehiya sa pagtuturo ay di malayong maabot ng isang gurong

may kaaya-ayang katangian at may may kahusayan sa pagpili ng pamamaraang akma

sa kanyang tinuturan (Salandanan, 2010).

Ang pagtuturo ay kinakailangang tugunan ang proseso ng pagkatuto sa halip

na pangibabawana ito. “Teaching should be subordinate to learning” ibig sabihin,

kinakailangan ang anumang hakbang na gagawin ng guro sa pagtuturo ay tumugon sa

kung papaano ba natural na gumagana o nagpoproseso ang utak o isipan upang

matuto. Kapag ang isang guro ay hindi sapat ang kaalaman sa kanyang asignaturang

itinuturo, maaari niyang maipasa ito sa kanyang mga mag-aaral. Maaaring mabigo

ang isang guro na hamunin ang kaniyang mag-aaral na mag-isip nang tama bagkus

maaari silang mag-isip ng mga bagay na hindi angkop. Samakatwid, ang kaalaman ng

guro sa kanyang asignaturang itinuturo ang humuhubog sa kanyang kasanayan bilang

guro – kung paano siya magtanong, mga ideyang kanyang ibinabahagi, mga gawaing

kanyang itinatalaga (Gattegno, 2011).


13

Isa sa mabuting katangian ng isang guro ay ang marunong maglapat ng

angkop na istratehiya sa kanyang paksang aralin, na aayon sa interes ng mga mag-

aaral upang sa ganoon higit itong epektibo sa pagkatuto ng kanyang mga estudyante,

dapat kilala rin ng isang mabuting guro ang iba’t ibang pag-uugali at kakayahan ng

kanyang mag-aaral. Ang mga estratehiya sa pagtuturo ay isang paraan na ginagamit sa

paglilipat ng konsepto, ideya, katotohanan, kasanayan, at saloobin sa pag-iisip at mga

gawain ng mga mag-aaral. Natatamo ang layuning ito sa mahusay at walang sawang

pag-gabay ng guro (Bacay, 2013).

Kapag isinaalang-alang ang istilo ng pagkatuto, ang nararapat na tanong ng

mga guro ay nagiging daan ba ng pag-angat ng akademikong kakayahan ng mga mag-

aaral ang pagkakaangkop ng istratehiya sa pagtuturo sa istilo ng pagkatuto ng mga

mag-aaral. Sa mga nagdaang dekada, naging laman ng mga klasikong pagtatalo

diskusyon ang tungkol sa istilo ng tinawag nila sa terminong “matching hypothesis”

(Zhang, 2012).

Mga katangian ng isang epektibong guro ay dapat maging eksperto sa lahat ng

saklaw ng pagtuturo gaya ng paksang-aralin, pamamahalang pangklasrum, pagtuturo

at diagnostic na pagtuturo. Sakabuuan, ang pagtuturo ay isang sangay ng karunungang

nauukol sa paglikha ng maririkit na bagay at magagandang kaganapan. Ito’y isang

maayos na paraan ng pagsasagawang pagkikintal ng kaalaman. Itinuturing na

mahalagang sangkap ng komunikasyon. Ang pagtuturo ay ang malilikhaing

pakikipag-ugnayan ng guro sa kanyang mga tinuturuan na may iba’t ibang katangian

at paniniwala. Sa proseso ng komunikasyon, hindi lamang natatanggap ng mag-aaral

ang mensahe mula sa guro kundi, ito’y kanyang naiuugnay sa sariling pamumuhay sa

sistematikong pamamaraan ng guro. Ngunit hindi lahat ng pagkakataon ay

masasabing nagbubunga ang guro sa kanyang pagtuturo. Kung kaya’t marapat lamang
14

na palawakin ng guro ang kanyang kakayahan at kasanayan sa pagtuturo. Kailangang

magkaroon ng mga makabagong istratehiya’t pamaraan ang guro upang mas maging

produktibo at mabisa sa mga asignatura (Reyes, 2014).

Ang iba’t ibang istratehiya o pamamaraang ginagamit sa pagtuturo ay malaki

ang ginagampanan sa pagkatuto ng isang mag-aaral. Habang patuloy na yumayabong

ang kaisipan at umuunlad ang kaalaman ay nangangailangan na rin ito ng higit na

epektibong daluyan o pamamaraan kung paano ito makakamtan (Mitchell 2013).

Ang kahalagahan ng alternatibong pamamaraan sa pagtuturo upang ganap na

maisalin sa mga mag-aaral ang kaalamang dapat nilang matutuhan habang sila`y nasa

paaraan. Siya`y positibong naniniwala na ang isang guro ay kailangan magtataglay ng

matatanging kakayahang gumamit ng iba`t ibang istilo, mga pamamaraan sa

paglinang ng mga araling nababatay sa istilo ng kaalamang magsisilbing

dokumentaryo ng kabatiran. Ang kasiglahan ay maaring isa kilos sa papaanong paraan

para magbigay-ilaw sa nag-aapoy na kuryosidad at interes ng mga mag-aaral. Ang

kasiglahan ng guro ay maaring magbigay sa mga mag-aaral ng motibasyon para

mabigyang-halaga nila ang kahalagahan ng pag-aaral araw-araw (Toda 2011).

Isang malayang propesyonal na proyektong pananaliksik ang nakatutok sa

paglalaro sa loob ng paaralan. Ang mananaliksik ay nakatutok tungkol sa benipisyo

ng edukasyon pati narin sa rekomendasyon kung paano nito naisama ang laro sa

kapaligirang ng pagkatuto. Kasama narin ang laro na kayang gamitin ang wiika sa

klasrum upang mapahusay ang pagkatuto ng mag-aaral. Ang laro ay isang masayang

Gawain na kayang magtaguyod ng interaksyon, pag-iisip at estratihiyang problem

solving. Madalas ang laro ay may aspetong pahintulot sa mga manlalaro upang

makagawa ngf impormasyon sa kaunting panahon. Ang edukasyong panlaro para sa


15

pangalawang wika ng pagkatuto ay isinaalang-alang ang benipisyo ng panlaro, ang

laro ay isang programa sa iba’t ibang larangan ng edukasyon (Vermont 2010).

Ang pangalawang wikang edukasyon ay isa sa mga larangang ito pinag-aralan

ang linggwistikang sikolohikal at sosyo-kultural upang makabuo ng mga laro

(Peterson 2010).

Ayon sa pananaliksik ang laro ay kasalukuyang pinakamahalagang

oportonidad para sa epiktibong pagkatuto ng wika. Ang prosesong pagkatuto ay

kailangang kawili-wili, madaling gawin at dapat masayang matutuhan, kailangang

angkop sa pang araw-araw na gawain at pangkapaligiran upang matamo ang

magandang resulta, ang laro ay nakabubuo ng pagkamalikhain, at higher order

thingking skills sa mga mag-aaral (Pivec at Dziabenko 2010).

Ang laro ay nakapagbibigay ng engganyong kapaligiran sa pamamagitan ng

paggamit ng malawak na target ng wika. Upang umunlad ang isang laro, ang

manlalaro madalas ay aktibo sa paggamit ng wika,pakikipagkomunikasyon gamit ang

laro. Ito ay nangangahulugan na kinakailangang gamitin ang wika sa katotohanan at

makabuluhang paraan, ito rin ay nangangahulugan na gamitin ang target ng wika na

pangkomunikasyon. Katulad ng wikang ginamit , umusbong mula sa laro at kayang

idawit ang interaksyon kasama ang manlalaro na may iba’t ibang karansan sa

paglalaro at kaalamang linggwistika (Zheng, Newgarden at young 2012).

Ang interes ng larong pangwika sa pagtuturo at pagkatutong gawain sa

edukasyong konteksto ay umusbong. Ang layunin nitong isinagawang pananaliksik ay

pag-aralan gamit ang komunikatibong larong pangwika sa pagtuturo. Ang kagamitang

ginamit sa pag-aaral ay ang “survey questionnaire” tungkol sa perspektib ng mag-

aaral sa gamit ng komunikatibong larong pangwika. Ang resulta ng pag-aaral ay

nagbibigay ng mapanghikayat na ebidensya sa isang paaralan at sa guro na


16

pahalagahan ang kakayahan ng komunikatibong larong gawain sa pagtuturo. Sa

pananaliksik, iminumungkahi na sa tuwing hinaharap ng mag-aaral sa kanilang iba’t-

ibang karanasan; istilong pagkatuto, pangangailangan at inaasahan ng mga guro na

may kamalayan bawat mag-aaral at magamit ng husto ang komunikatibong laro sa

edukasyon. Ito’y inaasam na ang komunikatibong larong pangwika ay makakuha ng

maraming attensyon at magamit sa buong paaralan alinsabay sa positibong ugali sa

parti ng gurong nagtuturo ng wika (Wang Yen-hui ng Kainan 2010).

Sa binuong akronim na SPEAKING ang kayayahang komunikatibo at ang

mahalagang salik na sosyokultural at iba’t ibang sangkap na dapat isaalang-alang sa

pagkakaroon ng epektibong pagpapahayag (Dell Hymes Sining ng Komunikasyong

Filipino: Ikatlong Edisyon, 2010).

Kamakailan lamang isa sa mga pag-aaral ng WoW kasama ang resulta ng

palatanungan sa manlalaro na ipinahiwatig ang pinakatanyag na aspeto sa paglalaro

ay ang social dimension. Sa katunayan, ang mga manlalaro ay may interaksyon sa

kanilang kapwa kasama sa panahon ng paglalaro, pero madalas bago at pagkatapos ng

laro. Nagsisimula na mangalap ng pag-aaral tungkol sa implikasyon ng gawain

katulad ng pagkatuto sa wika (Thorne & Fischer 2012; Ryu, 2013).

Ang karaniwang mga manlalaro ay hindi lang kasundo sa paglalaro, ngunit

nagkokonsulta din sa websites tungkol sa laro, katulad ng pagbibigay ng pahiwatig o

tulong, magbigay ng impormasyon, o impormal chat tungkol sa laro. Maaring

takdang-aralin, isang magtuturo na maaring makabuo ng gawaing wrap-around para

sa isang laro. Ito ay maaring isama sa oral reports sa larong kasanayan, talakayan sa

loob ng klasrum, larong pandyurnal, mga pagsusulit batay sa larong bokabularyo o

maikling palabas base sa karakter o maaksyong laro. (Sykes 2013).


17

Ang kasanayang komunikatibo ay mahalaga sa isang buhay. Ang epektibong

kasanayan sa komunikatibo ay madalas magkaugnay sa pansariling tagumpay;

paghahanda sa pulong ng internasyonal na kalakalan o simpleng interaksyon na

nagaganap kasama ang pamilya. Ang larong komunikatibo ay kayang linangin ang

isang kayayahan; sinusubukan upang mapabuti ang mababang kakayahan o

panatalihin ang maayos na komunikasyon (Strzeszewski, 2015).

Ang laro ay may ginagampanang papel bilang interaktibong laro sa pagkamit

ng makabuluhang pagkatuto na nagbubunga at gumaganyak ng karanasan na galing sa

labas ng paaralan sa paglalaro at paglalahok ng mag-aaral na nasiyahan sa pagkatuto

sa pamamagitan ng kahulugan ng kanilang pansariling pag-unlad na kung saan ang

pagkatuto ay angkop at mahalaga (Bennett, 2011).

Ang papel ng laro bilang anyo ng katuwaan ay nagbibigay ng kasiyahan sa

mga mag-aaral. Bukod sa ang laro ay anyo ng paglalaro at nagbibigay ng matinding

sidhi at madamdamin sa proseso ng paglahok. Dagdag pa niya ang ganyang laro ay

mayroong patakaran at nagbibigay ng istruktura (Prensky, 2011).

Nakumpirma na ang paglalaro ng educational games ay nakakatulong sa mag-

aaral upang magpukos, pagpapahalaga sa sarili at memorya. Ang educational games

ay kayang tulungan ang mag-aaral upang magpukos dahil matiyagang naghihintay

hanggang makamit o makuha ang susunod na antas. Sa paglalaro nakatutulong din sa

sarili dahil minsan mas mabilis ang reaksyon galing sa sistema ng laro at nakikita

talaga kung paano natapos. Ang laro ay mayroong milyahe na ang mag-aaral ay

kayang abutin hanggang sa bandang huli ng yugto ay makatatanggap ng isang bagay

na maaaring magpatuloy sa susunod na antas (Schuna, 2010).

Ang tao ay mahilig sa pakikipagkapwa, pakikipagtalastasan sa loob ng

mahabang panahon. Sinusubukan pasiyahin upang ihatid ang damdamin, saloobin,


18

panaginip at pag-asa sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsusulat at nais alamin batay

sa pagbasa at pakikinig. Depende sa pangangailangan para sa pagbabahagi na kung

saan ito ay tinatawag na “Communication Emerge” (Cetinkaya,2011).

Ang kasanayang komunikatibo ay mahalaga sa buhay ng tao. Ang kasanayang

ito ay kinakailangan ipabatid sa pagsasanay sa tagumpay ng bawat isa para sa

kinbukasan. Ang kasanayang komunikatibo ay sinusubukang ipabatid sa lahat ng

antas ng edukasyo. Ang kasanayang komunikatibo ay kasama sa kurikulum, ang

ganitong kasanayan ay kailangang ipabatid at epektibong gamitin sa lahat ng disiplina

(Durukan at Maden, 2010).

Sa kapaligiran na kung saan na nilalaro ang digital games ay maaring mag-iba

sa kalahatan. Ang mananaliksik sa India ay bumuo ng set ng simpleng laro para sa

mga bata, base sa “Traditional Village Games” at paglalaro ng loaned-out cell phones

Ayon kay Haynes at Zacarian 2010 ang kahalagahan sa paglikha ng libangan,

matulungin at kapaki-pakinabang na gawain para sa mainam na pagkatuto dahil sa

kawili-wiling sitwasyon na maaaring pigilan ang pakiramdam ng obligasyon. Ang

huling dalawang katangian ay nagpapahiwatig na ang guro ay dapat makagawa ng

gawain na kayang tulungan ang mag-aaral na mapabuti at mapadali ang isang gawain.

Ang halimbawa ng larong maaaring gamitin ay ang pang-unawa sa mga layunin dahil

itinuturing ito bilang aliw at estratihiya sa edukasyon (Kumar et al., 2010).

Ang laro rin ay gabay sa pagkatuto sa pamamagitan ng “Multiple

Intelligences” ni Gardner, kung ang bawat isa ay nakakatanggap at nakakaproseso ng

impormasyon sa iba’t ibang paraan, ito ay importante na ang guro ay gumagamit ng

iba’t ibang stratehiya at istilo. Ang laro nakapaglilikha ng lohikal na pangangatwiran,

komunikasyon, pampaningin at mga malikhaing gawain. Ang laro ay nakapagbibigay

rin sa mag-aaral ng kakayahang makapag-analisa at makapagbigay ng interpretasyon


19

ng bago at lumang impormasyon na kung saan nagagawang konkreto ang pagkatuto

(Gardner 2006).

Maraming mga mananaliksik ang duda sa posibilidad sa gamit ng laro sa

pagtuturo. Pinag-aralang mabuti ang gamit ng laro sa edukasyon dahil hindi pa nito

naipapakita ang magandang impluwensya sa pagpapa-unlad ng pagkatuto.Bilang

resulta, sinabi na ang paglalagay ng laro sa pag-aaral ay may benipisyo sa pagbibigay

ng maayos na kapaligiran para sa paglaan ng pagkatuto sa mga mag-aaral

(Underwood 2010).

Bago ang guro magsimula ng sa pagtuturo, kinakailangang mahanap muna sa

mag-aaral ang kanilang lebel sa kaalaman. Sinabi nila na ang guro ay dapat maglaan

ng pagkatutong madali at nagagamit ng mag-aaral araw-araw nang hindi ginagamitan

ng lupit. Ang artikulong ito ay para sa mga problema ng linggwahe sa edukasyon,

gamit ang laro ay isang batayan ng estratehiya sa prosesong pagkatuto ng mga mag-

aaral. Ipinahihiwatig nito ang katuturan ng laro bilang daan sa pagkatuto at ang mga

pakinabang nito kumpara sa isang tradisyunal na paraan ng pagtuturo. Ang laro ay

nagbibigay sa mga mag-aaral ng motibasyon at interes nagagawa nitong maging

epektibo ang pagtuturo sapagkat ang laro ay nakakawili. Sa isang papel na isinulat

ang “Suggestopedia” sinasabing ang mga epektibong pagtuturo ay nakabase sa isang

pangkomunikatibong laro (Hayes at Zacarian 2010).

Ang tunay na pakay ng komunikatibong aktibidad ay denisenyo upang

mapaunlad ang kasanayang komunikasyon sa mga mag-aaral. Ang mga aktibidad na

isasagawa ay kinakailangang matulungan ang kasanayang komunikatibo at sinadyang

gawin upang mapaunlad ang kasanayan (Biris, 2010).

Idiniin na ang kakayahan ng isang laro na tumatayo upang mapadalibang

malalim at makahulugang pagkatuto na kung saan ito’y napakaproduktibo at


20

nakakaganyak na karanasang pagkatuto sa paaralan sa pamamagitan ng paglalaro at

partisipasyon na kung saan ang mag-aaral ay masisiglang matututo bilang

pagkakaroon ng sariling pagpapaunlad na kung saan ang pagkatuto ay may kaugnayan

at kaangkupan (Bennett, 2011).

Sa pag-aaral ng katotohanan ang laro ay nakagagawa ng aktwal at

pangkaisipang oportunidad na hinahayaan ang manlalaro ay aktibong nakapokus,

nakalilikha at nagagawang baguhin ang senaryo habang patuloy na natututo tungkol

sa maaaring mangyari sa isang sitwasyon. Ang pagiging estudyante ay nagkakaroon

ng ugnayan at nakatuon sa kung paano maipapanalo ang laro, nagiging aktibo sila sa

pagkatuto ng mga senaryo sa isang setwasyon. Ang seryosong laro ay nagagawang

gawin ang mag-aaral bilang aktibong partisipante sa pagdiskubre ng mga bagong

ideya, impormasyon at solusyon sa mga problema habang nagagawa naman nitong

napaparamdam ang tension at pananabik (Quin, 2011).

Ang paggamit ng laro sa epektibong paraan ng pagtuturo, ditto madaling

makukuha ang resulta sa pag-aaral. Ito ay nakakapukaw ng motibasyon, ang laro ay

inihahanda ang mga batang mag-aaral para sa buhay at may makukuha silang

positibong magandang asal. Ang laro ay nagagawa nitong mapagbigay, matulungin at

nagtatrabaho bilang pangkat. Ang bata ay natututo sa paggawa, pagsubok at paggaya

kaya ang ganitong uri ng pagkatuto ay magtatagal (Kamra, 2011).

Kinumpirma nina Sitzman, Tobias at Petcher na ang larong pang edukasyon at

kunwa ay nakakapukaw sa paaralan lalong lalo na kung ang guro ay ginagamit ito sa

iba’t ibang estratehiya ng pagtuturo (Sitzman, Tobias at Petcher 2011).

Ang laro ay maaaring mahirap na pagsubok at sa pagplano ng larong pang

edukasyonal ay may ekstrang patong kasali ang mga intensyong inaasahan na

denisinyo sa isang laro (Hirumi, Appelman, Rieber at Baneck, 2010).


21

Mas mainam ang paglalaro kay sa hindi. Ang laro ay karanasang sosyal na

nakakawili at lahat ng tao ay naglalaro ng iba’t ibang laro. Ang paglalaro ay daan

tungo na kung saan tayo ay natututo, kaya ang laro ay normal na gawain sa loob ng

paaralan (Barret, 2012).

Ang gamit naman ng digital na laro ay bagong paraan sa pag-aasikaso ng klase

sa loob ng paaralan at ito ay gumaganyak sa mga estudyante sa pamamagitan ng pag-

aaplay ng pagkunwa dahil may kaibahan silang estratehiya sa mga text at board

games at ito ay nakakawili sa mga mag-aaral (Clyde, Wilkinson 2012).

Ang mga mananaliksik ay tinanaw ang pagkatuto bilang isang aspeto ng

pagkondisyon, ang pagkaloob at pagtaguyod ng sistema ng gantimpala sa edukasyon.

Ang mga tagapagturo na niyakap ang kognitibong teorya ay naniniwala na ang

depinisyon ng pagkatuto bilang pagbabago sa pag-uugali ay napakamakitid at mas

gusting pag-aralan ang mga mag-aaral kaysa pagkakumplikado sa memorya ng tao

(Omrod 2012).

Mula sa mga nahinuhang kongklusyon sa mga inilahad na iba’t ibang pag-

aaral at literatura, mabubuo sa pagsusuring ito na mahalaga ang paggamit ng mga laro

upang magturo nang mahusay sa isang klase ng wika. Hindi mahalaga ang panloob o

panlabas, hindi naman maaaring tanggihan ang kahalagahan ng mga laro. Kung ang

mga estudyante ay natututo sa mga laro, magsaya at libre, nangangahulugan ito na

naabot mo ang iyong mga layunin. Ang mga laro ay nagpapalakas ng mga kasanayan

sa wika, bukod pa, ang mga mag-aaral ay nagkakaroon ng mga kasanayan sa

panlipunan at mabubuting ugnayan habang nakikipag-ugnayan sila sa bawat isa.

Kinakailangan sa paggawa ng kasiyahan sa pag-aaral ay nagpapalakas sa mga mag-

aaral at tumulong sa kanila na magbayad ng pansin at manatiling makatutok sa paksa.

Ang isang dahilan upang itaguyod ang mga laro sa edukasyon ay upang hikayatin ang
22

mga estudyante na matuto sa klase. Ang mga batang nasa hustong gulang ay lalabas

upang maglaro mayroon ding katibayan na pinayagan ang mga ito upang makapokus

ng husto sa pagkatuto.

You might also like