Professional Documents
Culture Documents
Summative Test 3rd Quarter
Summative Test 3rd Quarter
Summative Test 3rd Quarter
Pangalan______________________________________Pangkat_______Iskor______Petsa________________
I. Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
_______1. Ang kasarian ay maraming ipinahihiwatig na kahulugan. Sa Ingles ito ay katumbas ng salitang sex at gender.
Ano ang tinutukoy ng World Health Organization (WHO) na tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na
nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki?
A. Bi-sexual B. Transgender C. Gender D. Sex
_______2. Sa kabilang banda, ano naman ang tawag sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan
para sa mga babae at lalaki?
A.Sex B. Gender C. Bi-sexual D. Transgender
_______3. Ang Queer o Questioning ay mga taong hindi tiyak o hindi pa tiyak ang kanilang seksuwal na pagkakakilanlan,
samantalang ____ ang mga taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa ibang kasarian ngunit nakakaramdam din
ng kaparehong pagkaakit sa katulad niyang kasarian. Ano ang tawag sa kaniya?
A. Bisexual B. Transgender C. Asexual D. Homosexual
_______4. Mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong makasama
ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki.
A. Heterosexual B. Gay C. Homosexual D. Bisexual
_______5. Bago dumating ang mga Espanyol, ayon sa Boxer Codex, ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng
maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng
ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng lalaki noon kaysa sa kababaihan.
_______6. Winawakasan ang pagkakatali sa kasal noon sa pamamagitan nang kapwa pinapayagan noon ang babae at lalaki
na hiwalayan ang kanilang asawa. Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong gawin sa
pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa pahahon ng kanilang pagsasama. Subalit kung ang babae ang
magnanais na hiwalayan ang kanyang asawa, wala siyang makukuhang anumang pag-aari. Ano ang maaaring maging
konklusyon sa talatang binasa?
A. Mayroon pa ring makikitang pagkiling sa mga lalaki.
B. Pantay ang karapatan ng babae at lalaki noong unang pahanon.
C. Walang pakialam ang kanilang pamilya sa buhay mag-asawa.
D. Mas binibigyan ng pansin ang kapakanan ng mga kababaihan noon.
_______7. Sa pagdating ng mga Amerikano nagkaroon nang pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para sa
kababaihan at kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral. Nabuksan ang isipan ng
kababaihan na hindi lamang dapat bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan. Ang isyu ng pagboto ng
kababaihan sa Pilipinas ay naayos sa pamamagitan ng isang espesyal na plebesito na ginanap noong Abril 30, 1937. 90%
ng mga bumoto ay pabor sa pagbibigay-karapatan sa pagboto ng kababaihan. Anong ideya ang ipinahihiwatig sa panahon
ng pagdating ng mga Amerikano?
A. Dahil sa mga Amerikano nagkaroon ng ideya ang mga kababaihan na pag-ibayuhin ang pakikipaglaban sa kanilang
karapatan.
B. Ang pangyayaring ito ay nagbigay ng ideya na malayo ang mararating ng mga mamamayan bata man o matanda dahil
sa pagdating ng mga Amerikano.
C. Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagdala ng ideya ng kalayaan, karapatan, at pagkakapantay-pantay sa Pilipinas.
D. Ang pagkamulat sa isipan ng mga Pilipino ang ideyang ibinahagi ng mga Amerikano sa pagdating nila sa Pilipinas.
_______8. Ngunit sa Panahon ng mga Pag-aalsa, may mga Pilipina ring nagpakita ng kanilang kabayanihan gaya ni Gabriela
Silang. Nang mamatay ang kanyang asawang si Diego Silang, nag-alsa siya. Gayundin, sa panahon ng Rebolusyon ng 1896,
may mga Katipunera tulad nina Marina Dizon na tumulong sa adhikain ng mga katipunero. Bakit ganon na lang ang
ginawang pagpapakita ng kabayanihan ng ilang kababaihan sa panahon na dumating ang mga Espanyol?
A. Dahil nais nila maipakita ang kanilang katapangan laban sa mga kalalakihan.
B. Marahil nais nilang ipaalam sa mga Espanyol na ang mga kababaihan sa panahong ito ay may boses.
C. Para malaman ng mga Espanyol na may angking lakas ang mga kababaihan.
D.Upang labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol.
_______9. Iba’t iba ang gampanin ng babae at lalaki sa tatlong primitibong pangkat sa New Guinea. Sa Mundugumor pareho
ang babae at lalaki na matatapang, agresibo, at bayolente, samantalang ang mga Arapesh ay:
A. Parehong ang lalaki at babae na maalaga o mapag-aruga , matulungin at mapayapa.
B. Babae ang dominate at naghahanap ng makakain samantalang ang mga kalalakihan ay abala sa pag-aayos ng
sarili mahilig sa kuwento.
C. Ang mga babae at lalaki ay masinop,maalaga at matulungin.
D. Ang babae ang abala sa pag-aayos ng sarili atmahilig sa kuwento samantalang ang mga kalalakihan ay dominante at
naghahanapng makakain.
_______10. Isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang benepisyong medikal.
Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal. Walang
basehang-panrelihiyon ang paniniwala at prosesong ito na nagdudulot ng impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at maging
kamatayan.
A. Female Genital Mutation C. Female Genes Migration
B. Female Genes Mutation D. Female Genital Mutilation
_______11. Ang mga tao ay nakararanas ng hindi pantay na karapatan kumpara sa iba. Ano ang tawag sa anumang pag
uuri,eksklusyon o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang at pagtamasa
ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan?
A. Pang-aabuso B. Diskriminasyon C. Pagsasamantala D. Pananakit
_______12. Basahin at suriin ang sumusunod na bahagi ng awit at sagutin ang tanong sa ibaba
BABAE, BUMANGON KA!
Wakasan ang karahasan sa kababaihan
Matutong manindigan sa ‘yong karapatan
Gabay mo ang batas sa pagsupil ng dahas
Bumangon ka, bumangon ka
Labanan ang karahasan.
Babae, bumangon ka!
Halaga sa lipunan
Hindi mapapantayan
Bigyang kabuluhan
Pagtahak sa tamang daan.