Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

PANAHON NG

PAGDATING NG
MGA
MANANAKOP:
ESPANYOL
1
PANAHON NG MGA
ESPANYOL
Bilang mananakop, nagpatupad
sila ng ilang repormang
nagpabago sa buhay ng
mamamayang Pilipino
Ang sumusunod na mga
repormang pang-ekonomiya
ang nagpatingkad sa
pangingibabaw ng
kapangyarihan ng Espanya
SISTEMANG
ENCOMIENDA
Miguel Lopez de Legaspi, ang unang
Espanyol na Gobernador-Heneral ng
Pilipinas, ang siyang nagpasimula
nito.
Ito ay sistema ng pamamahala ng
mga lupain at ng mga naninirahan
dito.
Ang mga encomenderos ang
tagapangalaga ng mga lote ng lupa
at kinokolektahan nila ng buwis ang
mga taong nakatira rito.
SISTEMANG
ENCOMIENDA
Dalawang uri:
Royal encomienda - kabilang
rito ang mga nangungunang
lalawigan at daungan.
Private encomienda - ang
pagmamay-ari ng mga
tangkilik ng Hari na
nakapanakop ng mga lupa
para sa Espanya.
POLO y SERVICIOS
Ipinag-utos ng pamahalaang
kolonyal ng Espanya ang
puwersahang paggawa sa
kalalakihang 16-60 taong gulang
Polista - kinakailangang
magtrabaho para sa
pamahalaan sa loob ng 15 days
sa loob ng isang taon upang
magtayo ng mga pampublikong
gusali
MAPANIIL NA
PAGBUBUWIS
Upang mapanatili ang Pilipinas
bilang isang kolonya, nagpataw
ang Pamahalaang Espanyol ng
iba’t ibang uri ng buwis:
Tuwirang buwis (ex. Buwis mula
sa kita)
Di tuwirang buwis (ex. Bandala)
Monopolyo (ilang uri ng
pananim at produkto)
MAPANIIL NA
PAGBUBUWIS
Dahil mahirap kolektahin
ang buwis, ipinakilala ang
cedula personal, ito ay
katumbas sa kasaluluyan
ng sertipiko ng buwis
pampamayanan
(community tax certificate)
KALAKALANG
GALYON
Kilala rin bilang Kalakalang
Manila-Acapulco
Nilikha ng Hari ng Espanya
ang Kalakalang Galyon, na
nagtakda ng kalakalan sa
pagitan ng Pilipinas at
Mexico
KALAKALANG
GALYON
Binunuo ng 2 barko, ang isa ay
umaalis sa daungan ng Maynila
at ang isa naman ay umaalis sa
daungan ng Acapulco, Mexico
Bawat galyon ay 1,500 na pitak
o lalagyan
Boletas - may tiket at maaaring
makilahok sa kalakalan
KALAKALANG
GALYON
Obras Pias - isang
institusyon na ilan sa
pondo na nalikom nito ay
ipinahiram sa mga
mamumuhunan
ROYAL ECONOMIC
SOCIETY OF FRIENDS OF
THE COUNTRY
Itinatag ni Gobernador-Heneral
Jose Basco y Vargas, nais niyang
maitaguyod ang ekonomiya sa
Pilipinas at hindi umasa sa Mexico
at sinimulan niya ang General
Economic Plan
Nabigyang-insentibo ang mga
magsasaka, imbentor, minero,
siyentipiko at artista
ROYAL COMPANY OF
THE PHILIPPINES
Itinatag ni Haring Carlos III
(Charles) upang mapalawig ang
relasyong komersiyal sa
pagitan ng Pilipinas at ng Spain
at para mapag-isa ang Asyano
at ang Amerikanong komersiyo
Itinuturing din ito bilang nasa
likod ng maagang pag-unlad ng
agrikultura ng Pilipinas
MONOPOLYO NG
TABAKO (1782)
Bahagi ito sa General Economic Plan
ni Jose Basco y Vargas upang
mapataas ang kita ng pamahalaang
kolonyal
Tabako lamang ang pananim ng mga
magsasaka. Ang pamahalaang
Espanya lamang ang ekslusibong
bibili ng produkto.
Dahit nito, ang Pilipinas ang naging
pinakamalaking tagagawa ng tabako
sa Asya

You might also like