Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

IBA’T-IBANG MGA MATALINGHAGANG SALITA

KASABIHAN

-ito ay bukang bibig na hango sa karanasan ng tao at nagsisilbing patnubay sa


dapat

gawin sa buhay.(Nacin et.al). Sa anyo, kadalasa’y anyong Patula na isa o dalawa


ang taludtod na may sukat at tugma.

IDYOMA

-ito ay matalinhagang pahayag na nakatago sa likod ng salita ang tunay na


kahulugan nito.Natututuhan parin ang kahulugan sa tulong ng malalim na pag-
unawa sa diwa ng pangungusap. Gumaganda ang pangungusap sa tulong ng
idyoma dahil di nito inilalantad agad-agad ang diwang taglay nito.Binibigyan parin
ang mambabasa ng pagkakataong kilitiin ang sariling isip.

Halimbawa:

Naniningalang pugad - nanliligaw

Nagbibilang ng Poste – walang trabaho

Isang kahig, isang tuka - naghihirap

TAYUTAY
-Anumang pahayag ay gumaganda kung katuwang nito’y mga tayutay sa iba’t-
ibang uri nito. Iba’t –ibang uri ng itayutay;

 Patutulad/Simili – ang paghahambing ng dalawang bagay sa tulong


ng mga salitang pahambing sa masining na pahayag.
 Pagwawangis/Metapor – ang paghahambing ng dalawang bagay o
tao na di ginagamitan ng anumang salitang pahambing. Tahasang
binabanggit ang salitang katulad ng isang bagay o anumang
inihahambing sa pinaghahambingan.
 Sinekdote – uri ng tayutay na tumutukoy sa isang bahagi upang
tukuyin ang kabuuan. Maaring bahagi ng katawan ng isang tao o
bahagi ng bahay na kahit bahagi lang ang banggitin, tumutukoy na ito
sa kalahatan.
 Oksimoron – sa uring ito ng tayutay palasak na gumagamit ng
dalawang salitang magkasalungat ang kahulugan upang ipahayag ang
diwa ng pangungusap. Dalawang salitang maaaring positibo o
negatibo ang hatid na kahulugan.
 Metonimya – ang pagtukoy sa isang salita o pahayag upang
katawanin ang isang bagay o pangngalan. Sa halip na payak o
simpleng salita ang tukuyin pinapalitan ito ng salitang matalinghaga.
 Pagtawag – ang bagay na abstrak, walang buhay at hindi nakikita ay
kinakausap at tinatawag na parang may buhay at nakikita. Ang
pagtawag sa salitang abstrak ay may himig ng pagnanais o ng parang
hinanakit.
 Paradoks – katumbas ito ng mga salawikain o sawikain, nagbibigay
aral at puno ng kagandahang asal. Madalas nagsisilbing pampaalala
sa nakakalimot ng kagandahang asal
 Paglumanay/Eupemismo – ang orihinal na katawagan ay pinagagaan
sa kahulugan, sa pagpapalit ng katawagan upang di maging mabigat
sa pandinig o damdamin ng iba ang sitwasyon.
 Pag-uyam/Ironiya – ito ang pagtukoy sa kabaliktaran ng katotohanan
na may pangungutya. Ginagawa ang pag-uyam upang di tahasang
ipamukha ang tunay na negatibong kahulugan ng pangyayari.
 Hiperbole/Eksaherasyon – sobra sa dapat o sa katotohanan ang
binabanggit na pahayag. Kung susuriin ang diwa ng pahayag animo’y
may pagyayabang na nais ipangalandakan.
 Onomatopeya – ang tunog o himig ng salita ay nagpapahiwatig ng
kahulugan nito. Sa bagay na ito lubhang kailanganangtunog sensitibo
sa tunog ng salita ang nakikinig upang maiuganay sa tinutukoy
 Alterasyon – ang pag-uulit ng tunog-katinig sa simulang titik sa mga
salita sa loob ng pahayag. Pare-parehong tunog ng katinig ng
simulang titik ang karamihan ng mga salita sa loob ng pangungusap
ang tinutukoy.
 Asonansya – ang maraming pag-uulit ng magkaparehong tunog-
patinig sa simulang titik ng mga salita sa loob ng pahayag.Dito’y pare-
parehong titik ng patinig ang simula ng karamihan ng mga salita sa
loob ng pangungusap.
 Alusyon – ang pag-aalang muli sa kaalamang patuloy na naiimbak sa
likod ng utak ng taong may pinag-aralan. Kabilang ang mga ito sa
ating wikang frozen na naaalala’t nagagamit sa panahong talagang
kailangan. Ito ang mga salitang kapag nabanggit, agad matutukoy
kung nasa kategoryang literature,mitolohiya o Bibliya.
 Personipikasyon -ito ang uri ng tayutay na ang bagay na walang
buhay ay mistulang may buhay sa tulong ng pandiwa. Pandiwa na
kadalasang ginagamit sa tao upang ilarawan sa bagay upang mag-
anyong may buhay.
 Paurintao -uri ng tayutay na ang bagay na walang buhay ay mistulang
may buhay sa tulong ng pang-uri. Ang pang-uring gamit ay pantao sa
ikakapit sa bagay kaya ang bagay na inilalarawan ay waring may
buhay na gumagalaw.

Alusyon sa iba’t-ibang kategorya;

 Alusyon sa Heograpiya
- Sa pangungusap ay nay binabanggit na nauukol ang kaisipan sa
heograpiya.

 Alusyon sa Literatura
-may binabanggit sa pangungusap na tinutukoy din sa literatura na isang
kilalang tao o pangyayari.
 Alusyon sa Mitolohiya
- Tauhan o pangyayaring bahagi ng mitolohiya ang nasa loob ng
pahayag

 Alusyon sa Bibliya
- Ginagamit na pangalan ng tao o pangyayari sa akda ay hango sa
bibliya.

You might also like