Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

April 25, 2017

DAILY LESSON PLAN


Filipino sa Piling Larangan (Tech Voc)
I. Layunin
1.Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang
halimbawang sulating teknikal bokasyonal. (CS_FTV11/12PB-0g-i-106)
1.1. Nalalaman ang kahulugan ng deskripsyon ng produkto.
1.2. Nakasusulat ng isang deskripyon ng produkto gamit ang mga
hakbang sa pagsulat nito.
1.3. Nakapagsasagawa ng aktuwal na demo sa pagpapakilala sa isang
produkto gamit ang nabuong sulatin.

Paksa:
Deskripsyon ng produkto

Sanggunian:
Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Christian George C. Francisco at
Mary Grace H. Gonzales. Rex Book Store, Manila Philippines.

Kagamitan:
Laptop, projector, larawan, papel, mga halimbawa ng produkto

II. Pagpapalawak ng Aralin

A. Pagganyak

Pinoy Henyo

Panuto: Pangkatin ang mag-aaral sa apat. Bawat pangkat ay bubunot ng


isang produkto at ito ang ipahuhula. May isang miyembro na huhula sa
produktong ito sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa mga
paglalarawan ng ibang miyembro tungkol sa produkto. Bibigyan lamang ng
isang minuto ang bawat pangkat upang ito ay ipahula.

1. Nahirapan ba kayo sa paghuhula ng produkto?


2. Ano-ano ang iyong isinaalang-alang sa paghuhula ng produkto?
3. Gaano kahalaga ang deskripsyon ng isang produkto upang ito ay
iyong mahulaan?

B. Pagbasa

Ang Deskripsyon ng Produkto


Likas na mapili ang tao sa lahat ng bagay. Karaniwang tinitiyak niya
na naging tama siya sa kanyang desisyon sa ginawang pagpili sa isang bagay.
Marami siyang isinasaalang-alang sa kanyang pagpili at isa na rito ay ang
kalidad ng produktong kanyang pinipili. Kaya naman, lubos na mahalaga ang
deskripsyon ng isang produkto na magsisilbing batayan ng sinomang pumipili
upang ito ay tangkilikin. Sa mga ipinagbibiling produkto sa merkado, may iba’t
ibang paraang ginagamit ang mga negosyante sa pagbibigay deskripsyon sa
kanilang mga produkto. May iba’t ibang teknik sila kung papaano nila
makukuha ang atensyon ng mga mamimili upang tangkilin ang produkto. Dahil
dito, masasabing malaki ang gampanin ng deskripsyon ng produkto upang ito
ay tangkilin ng maraming mamimili.

Papaano nga ba isinusulat ang deskripsyon ng produkto? Ano ang


nararapat isaalang-alang sa pagsulat nito? Ano ang mga hakbang na
susundin? Ano ang mga salitang nararapat gamitin sa paglalarawan?

Ang deskripsyon ng produkto ay isang maikling sulatin na ginagawa


para sa pagbebenta ng mga produkto para sa isang negosyo. Kinakailangan
ang paglalarawan sa produkto upang maging kaakit-akit at maibenta ito sa mga
target na awdiyens o mamimili.

Mahalaga ang deskripsyon ng produkto upang mabigyang


impormasyon ang mamimili tungkol sa mga benipisyo, katangian, gamit, estilo,
presyo at iba pa ng produktong nais ibenta. Sa gayong paraan, nabibigyan ng
pagkakataon ang mga mamimili na magdesisyon ng produkto upang maipakita
sa mamimili na ang produkto ay akma sa kanillang mga pangangailangan.

Mga Paraan sa Pagsulat ng Deskripsyon ng Produkto

1. Maikli lamang ang deskripsyon ng produkto.


Sa larangan ng negosyo, ipinalalagay palagi na ang mga
mambabasa o mamimili ay walang panahon para magbasa ng
mahahabang teksto. Kailangang masabi sa maikling talata ang mga
kinakailangang ilarawan tungkol sa produkto.

2. Magtuon ng pansin sa ideyal na mamimili.


May iba’t ibang buyer persona ang bawat produkto. Ito ay para
kanino ibinebenta ang isang produkto. Mahalagang malaman ang
katangian ng target na mamimili sapagkat sa pagsulat ng deskripsiyon
ng produkto, sila ang nararapat na dirktang kausapin.

3. Mang-akit sa pamamagitan ng mga benipisyo.


Bigyan ng diin ang mga benepisyong makukuha ng mamimili mula
sa produkto.

4. Iwasan ang mga gasgas na pahayag.


Gumamit ng mga paglalarawan na magbibigay ng impresyon ng
kalidad.

5. Patunayan ang paggamit ng superlatibo.


Kung gagamit ng mga salitang magpapakita ng pagiging
pinakamahusay o pinakamabisa, magbigay ng espesipikong patunay
kung bakit.

6. Pukawin ang imahinasyon ng mambabasa.


Maging malikhain sa paglalarawan. Mag-isip ng mga senaryong
pamilyar at malapit sa kanila.

7. Magkuwento tungkol sa pinagmulan ng produkto.


Mahusay na estratehiya ng mga kilalang produkto ang
paglalarawan ng mga kompanya nito sa pamamagitan ng
pagkukuwento sa pinagmulang nito. Sa ganitong paraan, malalaman
ng mambabasa kung gaano na katagal ang produkto sa merkado, ano
ang mga proseso sa pagbuo ng produkto, sino o saan ginagawa ang
produkto, at paano sinusuri ang kalidad ng produkto. Lahat ng ito ay
makatutulong para mabenta ang produkto.

8. Gumagamit ng mga salitang umaapela sa pandama.


Gumamit ng mga pang-uring pandama. Nagbibigay ang mga ito
ng kapangyarihan sa mga pangungusap.

9. Gumagamit ng mga testimonya o patunay mula sa social media.


Nagiging personal at mas kaakit-akit kapag may ibang mga
taong nagkukuwento tungkol sa iyong produkto. Maaaring gamitin sa
online shops ang mga positibong rebuy mula sa mga kostumer bilang
testimonya.

10. Gumamit ng pormat na madaling i-scan.


Tinatawag na scannable format kapag madaling basahin ang
isang pahina.

11. Gumamit ng kaakit-akit na larawan ng produkto.


Sa larawan pa lamang, kailangang mapukaw na ang atensiyon
ng target na mamimii, kaya kinakailangang maganda ang kulay,
anggulo, at kuha ng modelo (kung mayroon) ng litrato ng produkto.

Halimbawa ng Deskripsyon ng Produkto

Banana Juice

Nagsawa ka na ba sa iba’t ibang uri ng juice na iyong natitikman? Nais mo


bang makatikim ng kakaibang juice? Narito ang sasagot sa iyong kagustuhan:
Ang Banana Juice na gawa sa iba’t ibang klase ng saging. Ito ay nagtataglay ng
maraming bitamina gaya ng potassium na kinakailangan ng ating mga buto.
Masarap ito at tiyak na magbibigay ng kakaibang panlasa. Mura lamang ito
at mabibili sa buong Pilipinas. Higit sa lahat ito ay mabuti sa puso dahil ito ay
pang-iwas sa pag-atake sa puso.
Kaya ano pa ang iyong hinihintay, sa pangangalaga ng puso, banana juice
ang inumin. Dahil sa lahat ng puno, saging lang ang may puso!
C. Pagpapayaman ng Talasalitaan

Panuto: Bigyan ng kahulugan ang mga salita n asana paligid ng


produkto.

target audience
tagline

online shops buyer persona

D. Pag-unawa sa Binasa

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang sulating deskripsyon ng produkto?


2. Saan ginagamit ang sulating deskrispsyon ng produkto?
3. Ano ang layunin ng sulating deskripsyon ng produkto?
4. Ano-ano ang mga nararapat isaalang-alang sa pagsulat nito?
5. Papaano naaapektuhan ng sulating ito ang kahihinatnan ng isang
produkto?
III. Mga Gawain

A. Pangkatang Gawain

Pangkatin sa lima ang klase. Bawat pangkat ay bubuo ng isang


deskripsyon ng isang produkto gamit ang mga detalye sa loob
ng talahanayan.

Produkto Likas Mangosteen


Pinagmulan Bunga ng Mangosteen
Benepisyo Pampaputi, pampalambot at pampakinis
ng balat, pampatingkad ng kutis.
Endorser Dawn Zulueta, Kim Domingo
Pinagkaiba sa Iba Pampabanat ng balat
Presyo Mahal subalit, epekto ay sulit
Lugar na Mabibili Buong Pilipinas
Tagline Sa Sabong Likas, Kutis ay Hiyas!

Rubrik sa pagtataya ng nabuong paglalarawan.

Pamantayan 3 2 1
Kalinawan ng Malinaw na Malinaw ang Marami sa mga
Deskripsyon malinaw ang deskripsyon deskripsyon
deskripsyon ng bagama’t may ang hindi
produkto ilang deskripyon malinaw ang
na may kalabuan pagkakabuo
Kaangkupan ng mga Angkop na Angkop ang mga Maraming
Salitang Ginamit angkop ang salitang ginamit salita ang
mga salitang bagama’t may dapat baguhin
ginamit upang ilang salita na upang maging
ganap na dapat baguhin angkop sa
mailarawan ang paglalarawan
produkto

Pagkamalikhain May May Walang


pagkamalikhain pagkamalikhain pagkamalikhain
sa bagama’t may na nakaapekto
presentasyon ilang na dapat sa
ng produkto baguhin upang presentasyon
gamit ang iba’ mas maging
ibang elemento epektibo
Tamang haba ng Tamang-tama May ilang Mahaba ang
pagkakabuo ang haba ng pahayag na deskripsyon at
paglalarawan. nararapat nang maraming
Sapat na upang tanggalin pangungusap
ito ay ang dapat
maunawaan at tanggalin
matandaan ng
mga nakikinig.
Kabuuan

B. Paglalahat

Panuto: Gamit ang concept map ibigay ang mga paraan sa pagsulat ng
deskripsyon ng produkto. Pag-usapan ninyo ng iyong katabi ang inyong ginawa.
Gamiting gabay sa inyong pag-uusap ang sumusunod:

1. Ano ang mga nararapat tandaan sa pagsasagawa ng deskripsyon ng


produkto?
2. Bakit napakahalaga ng sulating deskripsyon ng produkto sa
kahihinatnan ng isang produkto sa merkado?

DESKRIPSYON
DESKRIPSYON NG
NG
PRODUKTO
PRODUKTO
C. Paglalapat

Magsagawa ng demo sa harap ng klase kaugnay ng inyong


ginawang pagpapakilala sa produkto na ginawa sa pangkatang
gawain.

Rubrik sa Pagtataya

Pamantayan 3 2 1
Malinaw ang Hindi gaanong Hindi malinaw
Presentasyon presentasyon malinaw ang ang
ng pagpapakilala pagpapakilala
pagpapakilala sa produkto sa produkto
sa produkto
May sapat na May Mahina ang
Paggamit ng lakas ng boses pagkakataong boses sa
Tinig upang hindi paglalarawan.
maunawaan ng maunawaan
mga nakikinig ang sinabi ng
tagapagsalita

May tamang May Hindi angkop


pagbaba at pagkakataong ang pagtaas at
pagtaas ng hindi tama ang pagbaba ng
boses pagtaas at boses sa mga
pagbaba ng pagbanggit ng
boses pahayag

Sapat ang mga May ilang Maraming


Nilalaman ng detalyeng detalyeng kulang na
Deskripsyon kailangan kulang upang detalye upang
upang ganap na ganap na ganap na
mailarawan ang mailarawan ang mailarawan ang
produkto produkto produkto

IV. Pagtataya

Unang Gawain

Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag. Kung mali, salungguhitan ang
bahaging nagpapamali at isulat sa patlang sa ibaba ang tamang sagot.
__________________1. Kinakailangan ang paglalarawan sa produkto upang maging
kaakit-akit ito sa mamimili.

__________________2. Kadalasang mahahabang talata o teksto ang deskripsyon ng


produkto.

__________________3. Gumamit ng bullet sa paglilista ng mga produkto upang madali


itong basahin.

__________________4. Kung gumamit ng mga salitang superlatibo o nagpapakita ng


pagiging pinakamahusay, hindi na kailngan magbigay ng mga
patunay sa deskripsyon.

__________________5. Hindi dapat gumamit ng mga salitang para sa pandama sa


pagsulat ng deskripsyon.

Inihanda nina:

Kavin Tipay - Tarlac Division


Jennifer Mendoza - Tarlac Division
Princess Reyes - Nueva Ecija Division
Maria Teresa Dagan - Zambales Division
Analiza Cruz - Angeles Division
Daina Manez - Bulacan Division
Cecilia Nabong - Bulacan Division
Elsie Mariano - Tarlac Division
Generosa Fetalvero - Tarlac Divisio

You might also like