Professional Documents
Culture Documents
Filipino 9 3RD PT
Filipino 9 3RD PT
Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
High School Blvd. Brgy. Lourdes, City of San Fernando
Pangkalahatang Panuto: Basahin ang mga akda/aytem at sagutin ang mga tanong. Itiman ang
bilog ng titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
Sa gubat tumira sina Rama, Sita at Lakshamanan nang ipatapon sila mula sa kaharian ng
Ayodha. Minsan,isang babae ang dumalaw sa kanila. Hindi nila alam na nagpapanggap lamang ang
babae. Siya ay si Surpanaka, ang kapatid ni Ravana na hari ng mga higante at demonyo.” Gusto
kitang maging asawa,” sabi nito kay Rama. ”Hindi pwede, may asawa na ako“. Narinig ni Sita ang
dalawa, lumabas siya at niyakap si Rama sa harap ni Surpanaka. Sa galit, bigla siyang naging
higante.
“Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming
nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw, bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang
aming upa“? Sumagot ang may-ari ng ubasan,” Kaibigan hindi kita dinadaya. Hindi ba’t
nagkasundo tayo sa isang salaping pilak? Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang
aking maibigan? Kayo ba ay naiinggit at ako’y namamagandang-loob sa iba?
At sinabi ni Jesus,”Ang nahuhuli ay mauuna at ang nauuna ay mahuhuli” (Mateo20:1-16)
11.Ang mga pahayag sa teksto ay mula sa isang___
A. Anekdota B. Pabula C. Parabula D. Talambuhay
12.Sino ang tinutukoy na may-ari ng ubasan sa teksto?
A. kapitalista B. namumuhunan C. negosyante D. Panginoon
13.Suriin ang pahayag ng isang manggagawa sa teksto. Anong damdamin ang ipinahahayag nang
nagsasalita?
A. nagdaramdam B.naguguluhan C. nalulungkot D. nanghihinayang
14.Sa iyong pagsusuri,anong mabuting asal ang nawawala sa manggagawa ?
A.pagiging masipag C.pagiging magalang
B.pagiging masunurin D.pagiging matapat
15.” Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli “ Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
A. Ang nahuhuling nagtrabaho ang unang tatanggap ng sweldo.
B. Pantay ang tatanggaping biyaya ng mga una at huling sumunod sa Diyos.
C. Unang umaalis, ang unang dumarating.
D. Walang biyayang matatanggap ang unang kumalas sa Diyos.
16. Sa talinghagang “Tungkol sa May-ari ng Ubasan“, ano ang espiritwal na kahulugan ng
manggagawa?
A. alipin B. mananampalataya C. trabahador D. utusan
“Ang nakikinig ng Aking mga salita at hindi nagsasagawa nito ay katulad ng isang taong
nagtayo ng bahay na walang pundasyon. Bumaha, nadaanan ng tubig ang bahay na iyon at
pagdaka’y bumagsak at lubusang nawasak ang bahay na iyon “ ( Lucas 6 :49 )
17. Ano ang aral na nakuha sa talinghaga?
A. Isapuso ang mga salita ng Diyos.
B. Itanim sa isip ang mga salita ng Diyos.
C. Matutong making sa mga salita ng Diyos.
D. Pagbulay-bulayan at isagawa ang mga salita ng Diyos.
18. Ang baha at tubig na ginamit sa talinghaga ay maihahambing sa__
A. pagsubok sa buhay
B. pagsubok sa pamilya
C. pagsubok sa pananampalataya ng tao sa Diyos
D. pagsubok sa relasyon ng tao sa kanyang kapwa.
19. Ang pagtulong sa kapwa ay magiging kalugod-lugod sa Diyos kung ito ay nagmumula sa puso.
Piliin sa ibaba ang metaporikal na kahulugan ng nakasalunggguhit na salita.
A. pag-irog B. pagmamahal C. pagsinta D. pagligaw
20.Iwasan ang sobrang galit baka tuluyan nang bumigay ang iyong puso. Ang literal na kahulugan
nang nakasalungguhit na salita ay_______
A. sakit dulot ng pag-ibig C. sakit ng loob
B. sakit dulot ng pagkabigo D. sakit sa puso
Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay
Ang kanyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw
Una sa dami ng aking kilala taglay ang di mabigkas na pangarap
Di maipakitang pagmamahal
At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok
Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga
Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak
21. Ang nakasalungguhit na taludtod ay nagpapahiwatig ng-----
A. Pag-alis ng walang paalam C.Pagdurusa sa pag-iisa
B. Pagpanaw ng isang tao D.Pagtungo sa ibayong dagat
22. Bakit nasabi ng persona ng tula na hindi napapanahon ang pagkamatay ng kanyang kapatid?
A.Dahil bata pa ang kapatid upang mamatay.
B.Dahil marami pa siyang pangarap para sa kapatid.
C.Dahil siya lamang ang kanilang inaasahan.
D.Dahil hindi pa siya nakatapos ng kanyang pag-aaral.
23. Anong damdamin ang nagingibabaw sa naging pahayag ng persona sa tula?
A.galit B. hinanakit C.panghihinayang D.pagdaramdam
24. Suriin ang ika-7 taludtod ng tula. Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga, Ano ang
ipinahihiwatig nito hinggil sa panahon ng kamatayan ng persona sa tula.?
A.madaling -araw C.dapit-hapon
B.tangahli D.gabi
25. Saang uri ng tula kabilang ang Elihiya ?
A. pandamdamin B. pasalaysay C.patnigan D.tulang dula
26. Ano ang kaibahan ng tulang Elihiya sa iba pang tula?
A. Ito ay tulang pasalaysay.
B. Ito ay tula na naglalahad ng pakikipagsapalaran ng isang bayani.
C. Ito ay tulang naglalahad ng mga pangyayaring hindi kapani-paniwala.
D. Ito ay tula na nagpapahayag ng paggunam-gunam o guni-guni hinggil sa kamatayan ng
isang minamahal.
Suriin ang mga salitang halos magkakasingkahulugan. Isaayos ang mga ito ayon sa sidhi o
igting ng damdamin sa pamamagitan ng titik A,B.C,D . Ang titik A ang pinakamababang antas at D
ang pinakamataas o pinakamasidhi.
27.____pagmamahal 28.____paghanga 29.____pagliyag 30.____pagsinta
Likas sa tao ang mapangarapin. Ito ang nagsisilbing magandang inspirasyon upang lalo siyang
magsikap sa buhay. Ang anumang malaking balakid ay nahahanda niyang hawiin at alinmang matinding
pagsubok ay kaya niyang harapin, magkaroon lamang ng katuparan ang kanyang dakilang adhikain. Patuloy
siya sa paghahanap, at pasasaliksik para sa kanyang mga pangarap.
Ang iba ay mapalad dahil maaga nilang nakakamit ang mithiing pangarap. Subalit ang ilan naman ay
nananatili pa ring bigo. Bakit kaya? Maaaring kulang pa rin sila sa pagsisikap at pagtitiyaga. Hindi pa marahil
napapanahon o baka naman kaya hindi itinulot ng Dakilang Lumikha ay sapagkat, sa halip na makabuti, maaring
makasama sa kanila. Ano pa man ang dahilan, walang masama kung ang tao ay patuloy na mangarap at huwag
tumigil sa pagsisikap at pag-asam.