Professional Documents
Culture Documents
NARATIBO
NARATIBO
Ipinanganak ako sa mundong ito noong ika-21 ng Nobyembre, 2002 at kinalakihan ang
pangalang,Karl Gerard Siagan. Lumaki man na hindi kagwapuhan ang hitsura, hindi na bali iyon,
lumaki naman ako na may mabuting asal mula sa mga pangaral nina Inay at Itay.
Noon minsan ay ako ay inyong matatanaw --- nakaupo, sa isang sulok sa tabi --- nag-iisa.
Huwag kayong magtaka; ganoon lang talaga ako. Ako ay hindi kasi marunong makisama sa
ibang tao, lalo na kapag hindi ako sang-ayon sa mga ikinikilos at asal nila. Maliban doon, ako ay
mahiyain din kaya ako ay hindi marunong humarap at umaliw sa mga taong pumapaligid sa akin.
Sa tuwing gumagawa naman ako ng biro, ay kakaunti o walang masyadong tumatawa, kay noon
ay naisip ko na:"Ano pa ang halaga ng aking pakikipag-usap sa kanila, kung ako ay nakakainip o
walang silbi kung kausap?". Dahil doon ay napagtanto ko na ako ay iba sa kanila. Marami akong
mga nakikita sa aking sarili na ibang-iba kumpara sa kanila. Subalit, iyon ay hindi ninyo
makikita sapagkat ang kaibahan na iyon ay nakatago. Ang inyong nakikita sa akin ngayon ay
waring pagpapanggap lamang, dahil alam ko na walang sinuman ang makakatanggap sa tunay na
katauhan ko maging mga magulang ko. Sinisikap kong baguhin ang kaibahang ito, ngunit ano pa
nakatago, malungkot na damdamin. Aywan ko ba kung bakit ako ganito... ito lang siguro ang
tunay na ako.