Professional Documents
Culture Documents
Nobena para Kay Sta. Cecilia ICP Antipolo
Nobena para Kay Sta. Cecilia ICP Antipolo
Nobena para Kay Sta. Cecilia ICP Antipolo
Cecilia
Unang Araw
(Ika-13 ng Nobyembre)
Si Sta. Cecilia ay may Maalab na Pag-ibig sa Panginoon
Ikalawang Araw
(Ika-14 ng Nobyembre)
Si Sta. Cecilia ay Nagtataglay ng Kababaang-loob
Intensiyon: Para sa mga mahihirap at mga maysakit nang maunawaan nila na sila ay
kabilang din sa mga anak ng Diyos.
Ikaapat na Araw
(Ika-16 ng Nobyembre)
Si Sta. Cecilia ay Nagpamalas ng Katapangan sa Pakikipaglaban ng Kanyang
Pananampalataya sa Diyos
Panalangin: Pinagpalang Sta. Cecilia, tunay na alagad ni Kristo na handang ipaglaban ang
pananampalatayang Kristiyano laban sa mga pagano; ikaw na nagpalapit sa Diyos sa iyong
kabiyak na si Valerio at iyong kapatid na si Tiburcio, idinadalangin namin sa iyo ngayon
ang mga ‘di namin kapanalig sa pananampalataya. Tulungan mo kaming magkaisa ng puso
at damdaming tumatalima lagi sa kalooban ng Diyos at ipakilala si Kristo sa mga ‘di pa
nakakakilala sa Kanya. Amen.
Ikalimang Araw
(Ika-17 ng Nobyembre)
Si Sta. Cecilia ay Isang Mabuting Anak at Isang Mabuting Asawa
Panalangin: O Sta. Cecilia, kapara’y anghel sa kabanalan, sapat ang iyong kalinisan upang
ibigin ng sandaigdigan. Ipanalangin mo ang aming pamilya. Nawa’y iyong pangalagaan ang
katahimikan sa aming tahanan at pagkakaisa ng aming pamilya. Sa iyong banal na
kawalang malay, akayin mo ang mga kabataan upang mahalin nila ang kanilang mga
magulang at ang mga magulang naman ay magampanan ang kanilang mga pananagutan.
Amen.
Intensiyon: Para sa mga naghahanap-buhay sa loob at labas ng bansa nang malayo sila sa
anumang kapahamakan.
Panalangin: O Sta. Cecilia, Patrona ng Musika, ikaw ay nag-alay ng buhay para sa Diyos
at sumunod sa Kanyang kalooban, idinadalangin namin ngayon ang mga kapatid naming
naghahanap-buhay sa loob at labas ng bansa. Sila na nagpapakahirap para sa kani-kanilang
pamilya, nawa’y kalingain mo sila at aliwin sa kanilang paghihirap at kalungkutan kahit na
sila ay malayo sa kani-kanilang mahal sa buhay. Amen.
Ikapitong Araw
(Ika-19 ng Nobyembre)
Si Sta. Cecilia ay Nagtataglay ng Katangiang Kahali-halina
Ikawalong Araw
(Ika-20 ng Nobyembre)
Si Sta. Cecilia ay Naging Martir Para sa Pananampalataya
O kabanal-banalang Santisima Trinidad – Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo;
purihin ang iyong banal na pangalan. Pinupuri at pinasasalamatan Ka namin dahil sa
kabutihan Mong walang hanggan sa pagkakaloob Mo sa amin ng aming gabay at patrona na
si Sta. Cecilia. Sa kanyang pag-aalay ng kalinis-linisang puri sa Diyos at pagpapakita ng
tunay na pananampalataya sa Santisima Trinidad, nawa’y pagkalooban mo kami ng
biyayang matulad sa kanya dahil sa pag-ibig namin sa Iyo. ‘Di man kami karapat-dapat
sapagkat kami’y makasalanan, maawa Ka sa amin.
O Sta. Cecilia, aming patrona, anghel sa kabanalan, kami nawa ay iyong gabayan sa aming
pang-araw-araw na pamumuhay. Ikaw na nagkakaloob ng tulong sa mga nangangailangan
at ligaya sa mga nalulumbay, kami nawa ay iyong alalayan sa mga suliranin namin sa
buhay. Alam naming ‘di mo kami pababayaan. Ikaw na isang ganap na Kristiyano, tunay na
alagad ni Kristo, tulungan mo kami na sumunod sa iyong mga halimbawa. Sa kabila ng mga
balakid sa buhay na aming kinakaharap – pagsubok na ‘di namin malampasan, mga sakit
na ‘di malunasan at krisis sa aming bayan, tulungan mo kaming kamtin sa Diyos ang
Kanyang awa sa tulong ng pananalangin ng mapagmahal nating Ina na si Maria, para sa
mga kahilingan at panalanging iniluluhog namin sa iyo lalo na ang mga ito: _____
(tahimik na idalangin ang mga pansiriling intensiyon).
Nawa’y dinggin mo kaming sumasamo sa iyo at ipagkaloob ang aming ipinapakiusap kung
ito man ay makabubuti sa aming kaluluwa at naaayon sa kalooban ng Diyos. Amen.
Pagpalain nawa tayo at basbasan ng Diyos – (+) Ama, Anak at Espiritu Santo. Amen.