Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pilipino, Pilipino, Nasaan Na Ang Wika Ninyo

Ni: Pamela Lea

Pilipino man kung tignan, kung magsalita’y dayuhan.

Ang mga kabataan ang siyang nagsisimula ng kababalaghan.

Paano na ang kasabihang “Ang kabataan ay pag-asa ng bayan”

kung ang paglingon sa pinanggalingan ay kinalimutan.

II

Aminin natin sa ating sarili na hindi natin alam ang ating sariling wika.

Marunong magsalita ngunit hindi alam ang malalalim at matatalinhagang salita.

Ngunit bakit mas uunahin pa nating pag-aralan ang kanilang wika

kaysa pagtuunan ng pansin ang ating sinasalita?

III

OO, walang masama sa ating ginagawa. Ang pagkahilig sa kanilang gawa. Ang paggamit ng
kanilang wika

Ngunit ang masama ay ang paglimot sa ating sariling wika at pagsasantabi sa ating sariling gawa.

Subukan nating ipakita ang halimbawa ng mga sulating ALIBATA. Madalas ng nakararami na
ito ay hanggul, Chinese, Japanese, mandarin at iba pa.

Subukan nating ipatagalog ang ‘chair’ sa ating kapwa. At ang kanilang isasagot ay upuan, silya
ngunit ang totoo ay salum pwet naman talaga.

IV

Nakalulungkot isipin na tila tayong mga Pilipino ay nagiging dayuhan na sa sarili nating bansa.

Tayo raw ay malaya na. Ngunit malaya ba talaga?

Ang paggamit ng produkto, salita at gawa ng taga ibang bansa ay nagpapakita na tayo ay hawak
pa nila.

Diba’t tayo’y pinalaya na? Diba’t tayo’y malaya na?

V
Ngunit alam nga ba talaga nila ito?

Kung ating pag-aaralan ay lubhang napakahirap nito

Dahil nga mas nasanay na tayo sa wika ng ibang tao.

At wala ng pakialam sa ating mundo

You might also like