Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

MGA NASYONALISTA SA ASYA

-PANGKAT LIMA
ANO ANG IBIG SABIHIN NG NASYONALISMO?
- Ito ay ang damdaming makabayan na
maipakikita sa matinding pagmamahal sa
Inang-bayan (Kabihasnang Asyano(SEDP
Edisyon)
NASYONALISMO SA ASYA
DALAWANG URI NG NASYONALISMO SA ASYA:
*Mapagtanggol na nasyonalismo (Defensive
Nationalism)
*Mapusok na nasyonalismo (Aggressive
Nationalism)
MGA NASYONALISTA SA TIMOG AT
KANLURANG ASYA
Sa pagpapakita ng nasyonalismo sa mga
bansa sa Timog at Kanlurang asya,nakilala ang
mga lider nasyonalista na naging inspirasyon
ng mga asyano sa kanilang pamumuhay.
Kilalanin natin ang mga nasabing lider
nasyonalista.
MOHANDAS KARAMCHAD GANDHI
• Isang Hindu na nakapag-aral sa isang
pamantasan sa England at nakapagtrabaho sa
South Africa.
• Namuno upang ipaglaban ang hinaing ng mga
Indian laban sa mga Ingles.
• Kilala siya bilang Mahatma o “Dakilang
Kaluluwa”.
• Nakilala siya sa kaniyang matahimik at
mapayapang paraan o non-violent means ng
pakikipaglaban para sa kalayaan ng India.
• Sinimulan din niya ang Civil Disobidience o
hindi pagsunod sa pamahalaan.
• Labas masok man sa piitan ay hindi pa rin siya
natakot.
• Nakamit ng India ang kanilang kalayaan noong
AGOSTO 15,1947 sa pamumuno ni
JAWAHARLAL NEHRU.
• Siya ay nabaril at napatay noong ENERO
30,1948 na hindi nagtagumpay sa kanyang
adhikain na mapagkasundo ang mga Hindu at
Muslim.
MOHAMED ALI JINNAH
• Nakilala siya bilang “AMA NG PAKISTAN”,
isang abogado at pandaigdigang lider.
• Ipinanganak nong DISYEMBRE 25,1876 sa
Karachi, Pakistan.
• Ang kaniyang mga magulang ay sina
JINNAHBHA POONJA at MITHIBAI.
• Panganay na anak sa pitong makakapatid
• Nakapag aral sa pamantasan ng BOMBAY,
LINCOLN INN, CHRISTIAN MISSIONARY
SOCIETY, high school, Sind Madrassa Gohal Das
Tej, primary school, at Sindh Madrasatul-Islam.
• Naganyak ng kaibigan ng kaniyang ama na
dayuhan na si Sir Frederick Leigh Craft na mag-
aral sa London.
• Kabilang siya sa Khoja Muslim sect.
• Siya ay nakapag-asawa sa edad na 15 taong
gulang.
• Siya ang namuno sa Muslim League noong 1905.
• Layunin ng samahan ang magkaroon ng hiwalay
na estado para sa mga Muslim.
• Namuno siya upang ang Pakistan ay lumaya mula
sa India.
• Noong AGOSTO 14,1947 ipinagkaloob ang
kalayaan ng Pakistan.
• Siya ang itinanghal na kauna-unahang
gobernador heneral ng Pakistan.
• Namatay siya noong SETYEMBRE 11,1948.
MUSTAFA KEMAL ATATURK
• Isinilang sa Salonika, bahagi ng Imperyong
Ottoman (Saloniki , Greece ngayon).
• Ang kaniyang ama’t ina ay sina Ali Riza Efendi,
na sinasabing nagmula sa pamilya ng mga
Nomads sa Konya, at Zubeyde Hanim.
• Nakapag-aral ng elementarya sa Semsi Efendi
School at taong 1899 naman ay nakapag-aral siya
sa Monastir High School.
• Nakapagtapos nang pag-aaral sa Ottoman Military
College at naging sundalo noong 1905.
• Naging kapitan ng Ottoman Army at nagsilbi
na 5th Army sa Damascus (Syria na ngayon)
hanggang noong 1907.
• Siya ang nagbigay ng kalayaan ng Turkey sa
kabila na ng bansang ito ay binalak paghati-
hatian ng mga Kanluraning bansa tulad ng
France, Great Britain , Greece, at Armenia.
AYATOLLAH ROUHOLLAH MOUSARI
KHOMEINI
• Isinilang noong SETYEMBRE 24, 1902,
lumaki sa pangangalaga ng kaniyang ina at
tiyahin, matapos mamatay ang kaniyang ama
sa kamay ng mga bandido.
• Naiwan sa panangalaga at pagsubaybay sa
kaniyang nakatatandang kapatid nang
mamatay ang kaniyang ina.
• Nagsimula siyang maging aktibo sa larangan
ng politika noong 1962.
• Noong HUNYO 3, 1963, gumawa siya ng
makasaysayang pagtatalumpati laban sa
patuloy na pagkiling ng Shah ng Iran sa mga
makadayuhang pakikialam at pagsuporta nito
sa Israel.
• Siya ay naaresto at nakulong dahil sa gawaing
ito.
• Naranasan din niyang maipatapon sa ibang
bansa tulad ng Turkey at Iran noong
NOBYEMBRE 1964 dahil sa pagsusulat at
parangal laban sa kasalukuyang pamunuan
niyang bansa.
• Nagpalabas siya ng isang fatwa sa Tehran
radio na nagbigay ng parusang kamatayan
laban sa isang manunulat na Ingles na si
Salman Rushdie at sa kaniyang tagapaglimbag
ng aklat na may titulong Satanic Verses noong
PEBRERO 1989.
• 70 taong gulang nang mamatay noong
HUNYO 3, 1989.
• Kinilala siya bilang isa sa mga malupit na
lider noong IKA-20 SIGLO.
IBN SAUD
• Kauna-unahang hari ng Saudi Arabia .
• Isinilang noong NOBYEMBRE 24, 1880 sa
Riyadh, anak ni Abdul Rahman Bin Faisal.
• Kabilang ang kaniyang pamilya sa mga pinunong
tradisyonal na kilusang wahhabi ng Islam (ultra
orthodox).
• Minsan nang nakulong sa Kuwait ang kaniyang
pamilya.
• Muli nilang napasakamay ang Riyadh noong 1902
samantalang taong 1912 naman nang masakop
niya ang Najd at dito na bumuo ng pangkat ng
mga bihasang sundalo.
• Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, sinikap ng
mga Ingles na mapalapit sa kaniya , ngunit di sila
nagtagumpay . Sa halip ay pinaboran niya ang kaniyang
katunggali na si Husayn Ibn Ali ng Hejaz.
• Taong 1924-1925 napabagsak ni Ibn Saud si Husayn at
iprinoklama ang kaniyang sarili bilang hari ng Hejaz at
Nejd.
• Nagbigay ng pahintulot sa isang kompanya ng United
States noong 1936 at 1939 upang magkaroon ng oil
concession sa Saudi Arabia.
• Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig , si haring Ibn
Saud ay nanatiling neutral ngunit hindi rin naiwasang
minsan pumabor sa mga Allies.
• Pinalitan siya ng kanyang anak na si Prince Saud.
• Siya ang nagpangalan ng SAUDI ARABIA na noon ay
HEJAZ.
“Tunay na maraming lider
Asyano sa Timog at Kanlurang
Asya ang nagpamalas ng
pagiging makabayan,
nagpunyagi , at nagtagumpay
na matamo ang inaasam ng
kani-kanilang mamamayan at
bansa”
*TAKDANG ARALIN*

1. MAY NAPULOT O NATUTUNAN KA BA SA


LEKSIYON NA NA IYONG
NATUNGHAYAN?OO O WALA?
IPALIWANAG ANG SAGOT.
2. ANU-ANO ANG MGA IPINAMALAS NG
MGA LIDER ASYANO SA TIG AT
KANLURANG ASYA?
3. SINO-SINO AT ANU-ANO ANG MGA
IBINAHAGI NG MGA NASYONALISTA SA
KANI-KANILANG BANSA O BAYAN O SA
ASYA?
MGA MIYEMBRO
LAURENZ DOCTORA
JAMES PATRICK ORLANES
RACHELLE ANN MENDOZA
KENNETH RODRIGUEZ
KIM FLORENCE CELESTE
KAYCEE LUNA
GRACEL DE OCAMPO
HAZEL TOLENTINO
MICAH JEAN RAMILO
APRYLL ROSE AYATON
DANIELLA BARRION

You might also like