Repleksiyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

BATANGAS STATE UNIVERSITY


College of Accountancy, Business, Economics and
International Hospitality Management
Batangas City

PEBRERO 28, 2019


JELINE C. LENSICO
BSA-1202
“Ang Wikang Filipino at ang Banta ng Globalisasyon”

Ni Dr. Bienvenido Lumbera

“Mundong wala nang hangganan,” ganito ipinakilala sa atin ang

globalisasyon. Isang biyayang magdudulot ng pantay na kalayaan sa

bawat bansa upang makamtam ang kaunlaran. Ito ang utopiang

paglaganap at pagtibay ng demokrasya, pagkakaroon ng karapatang

pantao para sa lahat, pagtutulungan ng lahat para sa kaligtasan at

kaunlaran na magbubunga ng kapayapaang sa awit lamang

matatagpuan. Subalit taliwas ito sa realidad na nagaganap sa bansa, isa

itong paraan ng pananalakay kung saan ang pagtulong sa pagpapalitan

ng produkto para sa ekonomiya ay lalamon sa lokal na kompetisyon.

Patunay dito ang panghihimasok ng Kapisanan ng Pandaigdigang

Kalakalan sa edukasyon na nagdulot ng pagbabagong Kurikulum sa


Pangunahing Edukasyon. Sa ngayon tayo ay bumabalik na sa

kapitalismong global sa yugto ng kolonyal na pagkasakop kung saan tayo

mismong mga Filipino ang kalakal sa eksploytasyon ng kapitalismong

global. Ang Pilipinas ay ginawang empresang multinasyonal ng gobyerno

at ang mga kabataan ay ginagawang eksperimento na nagdudulot ng

pagkalaho ng trasdisyon at kultura ng mga Filipino.

Tunay na ang “Mundong wala nang hangganan” ay bagong

maskara lamang ng imperyalismo. Ang bagong anyo nito ay

nagpapanggap na wala itong pangangailangan sa atin, tayo mismo ang

humihingi na ang kasarinlan natin ay salakayin. Hindi dapat magbunga

ang globalisasyon ng panibagong pagkaalipin para sa sambayanan.

Nararapat na pagyamanin ang wika at panitikang katutubo, dulot nito


ang lakas na pinakikilos sa kalooban ng Filipino na magagamit na

panlaban sa pang-aakit ng globalisasyon. Ang wika at panitikan natin ay

buhay na katibayan ng ating kultura at kasaysayan. Ang paghatak ng

hinaharap ay hindi iniiwasan kung ito ang magdadala sa atin sa tunay

na pag-unlad. Kaya’t gayun na lamang ang pagtatak ng identidad ng

sambayan sa kamalayan ng mga mamamayan, ito at ang ang

pagkakaroon ng sariling bayan at kultura ang magiging sandata tungo

sa ikakaluwalhati ng mga Filipino.

Ang Wikang Filipino ay isang mahalagang kasangkapan sa ating

buhay, ito ay simbolo ng ating pagkakakilanlan. Ngunit sa bilis ng

paglipas ng panahon kasabay ng pag usbong ng globalisasyon unti-unti

nang nawawala ang identidad ng ating inang wika. Nakakalungkot

sapagkat dulot ng pakikipag kalakalan natin sa ibang bansa maging ang

pakikipagtulungan ay nagbunga na pananalaytay na sa atin ang mga

lenggwaheng banyaga na tuluyan nang pumaibabaw sa ating pang araw-

araw na pamumuhay. Sa paglipas ng panahon lumawak ang

globalisasyon at lalong nababaon sa limot ang ating sariling wika.

Nagkaroon na tayo ng ideyolohiyang ang pagsasalita ng ingles at ibang

wikang banyaga ay magiging pagkakakilanlan bilang isang mamamayan

ng bansa na kayang makipag paligsahan sa buong mundo. Samantala,

kapag nagsasalita ng wikang Filipino madalas ay nasasabihan na

mahirap at kung wikang ingles naman ang gamit sa pagsasalita ay sosyal

at mayaman. Wala namang masama sa pagsasalita ng wikang ingles o

wikang banyaga ang mahalaga lang ay gamitin natin ito sa tamang

konteksto. Huwag kalimutan na ang bansang ito ay may sariling wika na

dapat ay sinasalita, ito ang “Wikang Filipino”.


Ang akdang “Ang Wikang Filipino at Ang Banta ng Globalisasyon”

Ni Dr. Bienvenido Lumbera ay patungkol sa pagpapakilala ng

globalisasyon bilang daan tungo sa utopia o mundong perpekto at walang

hangganan. Tinaggap natin ang Globalisasyon dahil sa pangakong utopia

na talaga namang nakakabighani ngunit ang pangakong ito ay malapit

nang mapako. Unti-unting nababago ng Globalisasyon ang Pilipinas.

Unti-unting nating pinapayagang sakupin tayo ng mga dayuhan ngunit

ang wika at panitikan ang maaaring maging sandata ng mga Filipino

laban sa Globalisasyon. Gayunpaman, hindi pa huli ang lahat may oras,

may panahon, maraming paraan at pagkakataon may magagawa pa

tayo. Ipagmalaki ang wikang Filipino, isapuso, isadiwa, isagawa at wag

itong ikahiya.

You might also like