Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

IKATLONG MAHABANG PAGSUSULIT

Pangalan: _______________________________ Seksyon: _______________ Petsa: _____________


I. Piliin ang titik ng hinihinging katumbas ng mga salita. (Analohiya)
1. Bubuyog: Bulaklak:: Binata:____
a. Tropa b. dalaga c. pag-ibig d. mapagmahal
2. Pilipinas:Peso :: Amerika:___
a. Kano b. imported c. mayaman d. dolyar
3. Mataas:___ :: Malaki:Maliit
a. Malaki b. malapad c. masikip d. mababa
4. Pilipinas - ____ ; USA - Washington B.C.
a. Maynila b. yorme c. kurap d. Pang. Duterte
5. Jose Rizal: Ilustrado:: Andres Bonifacio: ___
a. Indio b. mestizo c. katipunero d. pangulo
6. Umaga: bukang-liwayway:: gabi:____
a. Takip-silim b. saradong liwayway c. dapi’t-hapon d. hating gabi
7. Ibong Adarna: Don Juan:: Noli Me Tangere: ____
a. Florante b. Don Juan c. Crisostomo Ibarra d. Simoun
8. Peligro: panganib::kalamidad: _____
a. kaligtasan b. sakuna c. tadhana d. lansangan
9. Kundiman: tainga:: pelikula: _____
a. ilong b. noo c. kamay d. mata
10. Ulan: patak:: bigas: ____
a. sako b. butil c. kilo d. sinandomeng
II. Piliin ang titik mg tamang ayos ng mga salita batay sa sidhi ng damdaming ipinapakita mula sa
pinakamababa hanggang sa pinakamataas na antas.
11.
1. iyak 2. nguyngoy 3. hikbi 4. hagulgol
a. 1234 b. 3214 c. 2314 d. 4213
12.
1. galit 2. inis 3. poot 4. asar
a. 4213 b. 1432 c. 2413 d. 1234
13.
1. paghanga 2. pagliyag 3. pagsinta 4. pagmamahal
a. 1234 b. 2134 c. 4123 d. 1324
14.
1. ganid 2. sakim 3. gahaman 4. madamot
a. 3412 b. 4231 c. 2134 d. 3124
15.
1. maunlad 2. masagana 3. mariwasa 4. marangya
a. 1234 b. 2314 c. 3124 d. 4321
III. Isulat ang titik na tumutugon sa mga simbolismo at matatalinhagang mga pahayag.
16. Ang mga bata ay umiiyak sa sulok na parang mga basang sisiw dahil walang makain.
a. basa ang katawan b. kawawa c. pulubi d. musmos
17. Hindi mahulugang karayom ang loob ng Araneta dahil gusto nila mapanood ang concert ng banda.
a. delikado b. maluwag c. maraming tao d. tambak ng basura
18. Ilang buwan na ring nagbibilang ng poste si Rose mula nang matapos ang kaniyang kontrata sa bentahan ng
sapatos.
a. Wala lang makain b. malungkot c. walang trabaho d. di kumikibo
19. Ang Ulap ay sumasabay sa ihip ng hangin
Sa hilaga, sa timog
Sa kanluran o silangan
Ang ulap ay sumusunod ng walang pag aalinlangan
a. puso b. kapalaran c. buhay d. pangarap
20. "Sa muling pagsikat ng araw sila'y masisilayan"
a. pag-ibig b. pangarap c. pagbabago d. pag-asa
IV. Piliin ang wastong titik ng mga salitang nagpapakita ng kaugnayan sa isa’t isa.
21. a. mabango-mahalimuyak-masamyo
b.mabaho-dugyot-nakakadiri 24. a. saya-ligaya-halakhak
c. asar-bwisit-buryong b. problema–dalamhati–suliranin
22. a. galante-mapera-suwail c. tibok-pintig-pitik
b. malas-dagok-di swerte 25. a. suwail–pasaway–masama
c. sampal–tampal–suntok b. pangarap-ninanais-mararating
23. a. pag-asa–bukas–positibo c. tungkulin-responsibilidad-gawain
b. parito-pupunta-tataluntunin
c. lulong-adik-kinagawian
V. Piliin ang tamang titik sa mga pahayag na tumutugon sa bawat kaisipan batay sa kilos o gawi ng tauhan.
26. Kumakapit sa patalim ang mga kapuspalad para mabuhay lamang.
a. handang masugatan para lang mabuhay c. kayang gumawa ng masama
b. handang pumatay d. taimtim na nananalig sa Diyos
27. Kung ang Panginoon nga ay kayang magpatawad ikaw pa kaya.
a. Diyos lang ang dapat humatok c. ang tao ay makasalanan
b. dapat matuto tayong magpatawad d. Panginoon lang ang kayang magpatawad
28. Kung ang saging may puso, tao pa kaya.
a. ang bawat tao ay dapat marunong magmahal c. mahalin lahat ng bagay sa mundo
b. mahalin ang ating kapwa d. wala sa nabanggit
29. Kahit kailan hindi natutulog ang Diyos.
a. nakikita lahat ng Diyos ang ating ginagawa c. mahal tayo ng Diyos
b. alam ng Diyos lahat ng pangangailangan natin d. hindi tayo iiwan ng Diyos
30. Sabi nila, pagbinato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.
a. matuto kang magpatawag c. gantihan mo ng pagmamahal
b. wag mong gantihan d. gawan mo ng sobra sa ginawa niya sayo.
VI. Piliin ang letra ng pinakawasto at pinakamalapit na salin.
31. Sing softly.
a. Umawit nang malambot 33. Take a bath.
a. Kumuha ng paliguan 35. Fall in line.
b. Umawit nang mahina a. Mahulog ka sa linya
c. Kumanta nang malambot b. Maligo
c. Kuhain ang banyo b. Pumila nang maayos
d. Wala sa nabanggit c. Hulog sa linya
d. Wala sa nabanggit
d. Lahat ng nabanggit
32. Sleep soundly.
Matulog nang mahimbing 34. Sleep tight.
Matulog nang maingay a. Matulog nang mabuti
Matulog nang matunog b. Matulog nang mahigpit
Lahat ng nabanggit c. Matulog sa masikip
d. Wala sa nabanggit
VII. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa kahon.
a. sukat b. tradisyunal c. tugma d. kariktan e. tula f. talinghaga

36. Isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, pinararating sa ating damdamin, at
ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw.
37. Ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod ng saknong.
38. Isa sa pinakamahalagang elemento o sangkap ng tula ay ang pagkakaroon ng pare-parehong tunog sa dulo ng mga
panghuling salita ng taludtod.
39. Ito ay sadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita upang maging kaakit-akit at mabisa ang
pagpapahayag.
40. kailangang magtaglay ng maririkit o magagandang salita ang isang tula upang mapukaw ang damdamin at kaisipan ng
mga mambabasa.
VIII. Ipaliwanag:
41-45. Ano ang pinagkaiba ng Tradisyunal na tula sa Malayang taludturan?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

Binabati kita!
PAUNANG PAGTATAYA
EL FILIBUSTERISMO
Pangalan: ______________________________ Petsa: _______________
Seksyon: ________________ Marka: ______________
Panuto: Pillin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Ang Dominikong may magandang tindig
a. Padre Salvi b. Padre Sibyla c. Padre Irene d. Padre Camorra
2. Ang paring mukhang artilyero
a. Padre Salvi b. Padre Sibyla c. Padre Irene d. Padre Camorra
3. Ang Pransiskanong gusgusin
a. Padre Salvi b. Padre Sibyla c. Padre Irene d. Padre Camorra
4. Ang paring Kanonigo
a. Padre Salvi b. Padre Sibyla c. Padre Irene d. Padre Camorra
5. Ang mayamang mag-aalahas
a. Padre Salvi b. Padre Sibyla c. Simoun d. Padre Camorra
6. Mag-aaral ng medisina at nobyo ni Huli
a. Basilio b. Tadeo c. Simoun d. Ben Zayb
7. Itinakwil ang pagka-Pilipino at may magaspang na ugali
a. Sinang b. Donya Victorina c. Donya Loleng d. Paulita
8. Umalis sa klase si Placidong _________ ang kalooban.
a. Palagay b. malungkot c. naghihimagsik d. nagpupuyos
9. Ayaw nang magpatuloy ni Placido sa pag-aaral dahil sa ______.
a. Walang pera b. paghamak na natanggap c. tinatamad siya d. sawa na siya
10. Nadatnan niya (Placido) sa bahay na tinutuluyan si _________.
a. Simoun b. Basilio c. Kabesang Andang d. Padre Millon
11. “Ang karunungan ay hindi siyang hantungan ng tao.” Sino ang nagsalaysay ng pahayag na ito?
a. Basilio b. Huli c. Simoun d. Padre Sibyla
12. “Walang mang-aalipin kung walang paaalipin.” Sino ang nagpahayag nito?
a. Simoun b. Ben Zayb c. Basilio d. Paulita
13. “Ang likas na laman ng isip ng tao at puso ay walang katumbas sa wikang banyaga.” Sino ang nagpahayag nito?
a. Ben Zayb b. Simoun c. Basilio d. Paulita
14. “Bawat bansa ay may sariling wika. Habang may sariling wika ang isang bayan ay taglay niya ang kalayaan. Ang
wika ay pag-iisip ng bayan.” Sino ang nagpahayag nito?
a. Simoun b. Paulita c. Basilio d. Padre Camorra
15. “Makasasama sa Pilipinas ang pagpapaaral sa mga kabataan.” Sino ang nagpahayag nito?
a. Ben Zayb b. Basilio c. Simoun d. Padre Sibyla
16. Gumiit sa alaala ni Basilio ang bilin ni Simoun na lumayo sa ________
a. Kalye Iris b. Kalye Escolta c. Kalye Anloague d. Kalye Don Quixote
17. Sa karuwahe’y nakita niya sina Juanito at Paulita na ___________
a. nakadamit pangkasal b. nakabestida c. nakakimona d. naka-toxedo
18. Nakadama si Basilio ng ________ para kay Isagani
a. lungkot b. habag c. tagumpay d. awa
19. Nakita niya si Simoun na dumarating sakay ang karuwahe, dala ang lampara, at kasama ang ___________.
a. kutsero b. panauhin c. guardia civil d. mag-aalahas
20. Kumpol ng rosas ang pananda sa lalaking ikinasal at sa babae ay: ________.
a. suha at rosas b. asucena at rosas c. suha at asucena d. rosas at ilang-ilang
21. “Ang kabaitan ay di tulad ng mga brilyante na maisasalin sa iba. Ito ay likas sa tao.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
a. Hindi naibibigay ang ugali ng isang tao. c. Ang kabaitan ay tulad ng isang brilyante
b. Likas sa tao ang kabaitan d. Ang ugali ay yaman ng tao na maaaring ipamana sa iba
22. “Sa isang utos ng pamahalaan, maaaring maipabilanggo ang ama, asawa o kapatid.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
a. Mahilig manakot ang pamahalaan. c. Makapangyarihan ang pamahalaan.
b. Nagbubulag-bulagan ang pamahalaan. d. Natatakot ang ama, asawa o kapatid sa pamahalaan.
23. Ano ang ipinahihiwatig ng pagbibigay ng hindi magagandang komento sa palabas?
a. Hindi sila nasiyahan sa pagtatanghal. c. Gumagawa na ang tao ng sariling palabras.
b. Dahil sa isang lalaking basta na lamang naupo sa hindi niya luklukan. d. Ayaw umalis ng nang-agaw ng upuan.
24. Ano ang nais patunayan kung bakit hindi agad makapagsimula ang palabas sa kabila ng puno nang tao sa teatro?
a. Maiingay pa ang mga tao at hinihintay lamang na tumahimik ang lahat.
b. Makapangyarihan ang Kapitan-Heneral at kailangang hintayin siya bago magsimula.
c. Hinihintay ang takdang oras ng pagsisimula.
d. Wala pa silang gana para magsimula
25. Bakit masamang-masama ang loob ni Isagani nang makita si Paulita sa loob ng teatro?
a. Dahil kasama niya si Juanito. c. May usapan sila na siya muna ang manonood.
b. Ayaw ni Isagani na manood si Paulita. d. Hindi siya pinayagan na pumunta sa teatro.
26. Ano ang ibig na ilantad na katotohanan ni Rizal hinggil sa hindi na dapat ang pag-aantanda kapag marumi na ang
agua bendita?
a. Maaring may gumamit na sa agua bendita na may nakahahawang sakit at ito ay makahawa pa.
b. Walang bisa ang agua bendita kapag marumi na.
c. Hindi na pantay ang biyayang matatanggap kapag marumi na ang agua bendita.
d. Parang kinikitil na ang buhay sa ganitong paniniwala.
27. Nakarinig si Basilio ng alatiit ng natapakang mga tuyong sanga at kaluskos ng dahon. Ano ang kahulugan ng alatiit?
a. Ingay ng mga puno c. Mahinang tunog ng nabaling tuyong kahoy o sanga
b. Humampas na dahon d. Ingay ng malakas na hangin
28. “Kapag wala ng busabos at nambubusabos, kapag wala ng alipin at mangaalipin.” Ano ang kahulugan ng
busabos?
a. walang malay c. sadlak sa hirap
b. baon sa kahirapan d. lubhang mababa ang pakikitungo ng kapwa at tinitingnan bilang alipin
29. “Ang sabi ng ilan, ang magnanakaw ay maaaring Espanyol, ayon sa iba, Tsino, ang iba naman, Indiyo.” Ano ang
ipinahihiwatig nito?
a. Hindi mabuti ang kumuha ng pag-aari ng iba. c. Lahat ay maaring mapaghinalaang magnanakaw.
b. Hindi alam kung kailan darating ang magnanakaw. d. Sila lang ang magnanakaw, ang ibang lahi ay hindi.
30. “Hindi ka na mananagot dito. Itatago unti-unti ang mga baril sa bawat bahay.” Ano ang damdaming ipinahahayag?
a. naninigurado b. nagsusumamo c. nagpapaalaala d. nakikiusap
31. Bakit ayaw ni Huli na lumapit kay Padre Camorra?
a. Baka siya alilain ng pari. c. Batid niyang may masamang tangka ito sa kaniya.
b. Makapangyarihan ang kura. d. Nambubugbog si Padre Camorra.
32. “At sapagkat ang bayan ay tulad nga ng bangkay na wala nang magawa, pinalala ko ang kabulukan, dinagdagan ko
ang lason upang mamatay ang lawin na siyang nanginginain,” anong uri ng tayutay ang ginamit sa pahayag?
a. pagmamalabis b. pagsasatao c. pagtutulad d. pagwawangis
33. Ano ang ipinahihiwatig ng hapis na hapis na mukha ni Simoun ng ito ay patay na?
a. Nahirapan sa sakit c. Bakas ang kasawian ng isang buhay na walang kabuluhan
b. Ayaw pa sana niyang mamatay d. May mga plano pa siya na hindi naisakatuparan
34. “Baka po isipin ng mga prayle at ng iba na ayaw ninyong makihalubilo sa kanila,” ang wikang may halong
pakikiusap sa paring pinagpipitaganan. Ang may salungguhit ay nangangahulugang ______________.
a. sinasamba b. minamahal c. iginagalang d. pinaglilingkuran
35. Namasdan ni Isagani ang mga upaw sa tuktok ni Ginoong Pasta. Ang may salungguhit ay nangngangahulugang
___________.
a. puting buhok b. nakakalbong ulo c. naglalagas na buhok d. naghalo-halong kulay ng buhok
36. Ipinaglalaban nina Isagani ang Akademya ng Wikang Kastila dahil sila ay uhaw sa karunungan. Nangangahulugan
na sila ay ______________.
a. nag-aalinlangan c. nasasabik matuto
b. nakapagpapahayag ng saloobin d. napapahamak sa kanilang pasya
Para sa Blg. 37-40
Malaki ang paniniwala nina Isagani at Sandoval na sila ay nagtagumpay. Nagyayabang naman si Pelaez sa pagsasabing
isa siya sa gumagawa ng panukala sa pangkat. Tanging si Pecson, ang hindi napatatangay sa kasiglahan ng karamihan.
Baka nga raw sa bilangguan pa sila humantong. Nang marinig ito ni Pelaez, nagkandautal sa pagsasabing wala siyang
kinalaman sa mga hakbangin ng pangkat.
37. Ano ang ugaling mailalarawan kay Pecson?
a. mayabang b. mapangambahin c. may tiwala d. mapagkakatiwalaan
38. Anong damdamin ang namayani sa pagbago ng kaisipan ni Pelaez?
a. pagkainip b. pagtitiwala c. pagtataka d. pagkatakot
39. Bakit hindi masigla si Pecson sa pagpupulong kasama ng iba pa niyang kasama?
a. Sadyang malulungkutin lamang siya.
b. Hindi niya kaisa ang mga kasama sa tagumpay.
c. Hindi siya ang pangunahing tagapanukala sa kanilang pangkat.
d. Ang kanilang ginagawa ay maaaring maging dahilan upang sa kulungan humantong.
40. Ano kaya ang ipinaglalaban ng mga kabataang ito?
a. Kalayaan sa pagpapahayag c. Makipaglaban sa mga prayle
b. Akademya ng Wikang Kastila d. Pagkakaroon ng sariling Kalayaan
41. Nagbalik si Ibarra sa Pilipinas pagkatapos ng ilang taon?
a. 10 b. 12 c. 13 d. 15
42. Ano ang misyon ng muling pagbabalik ni Simoun sa Pilipinas?
a. Para harapin ang mga taong umapi o humamak sa kaniya
b. Upang ipaghiganti ang mga mahal niya sa buhay
c. Magtayo ng unibersidad para magkaroon ng edukasyon ang kabataan dito
d. Muling magpayaman at tuluyang kalimutan ang kanyang mapait na karanasan
43. Sa pahayag ni Simoun na: “ang sama ay nasa mga tulisan sa loob ng bayan at sa mga lungsod”, napatutunayang: a.
Nagagalit siya sa mga tulisan c. Nagkalat ang mga tulisan sa bayan
b. Tulisan ang turing niya sa mga prayle d. Ang mga nasa lungsod ay mga tulisan
44. Alin sa sumusunod ang tunay na sanhi ng paghihimagsik ni Simoun?
a. Maipaghiganti ang amang si Don Rafael c. Magbago ang takbo ng pamumuhay sa Pilipinas
b. Mabawi si Maria Clara d. Naaawa siya sa mga Pilipino
45. “Walang lihim ang hindi nabubunyag” (Kab. 7- Si Simoun) ay nangangahulugan na _________.
a. Kahit anong tago ng sikreto, ito ay lalabas din sa tamang panahon.
b. Walang maaaring magtago ng kanyang lihim.
c. Lahat tayo ay may magkakaiba sa pagtatago ng sikreto.
d. Mas mabuting magtiwala sa taong karapat dapat pagtiwalaan.
46. Sa itaas ng kubyerta ay naroroon ang mga Europeo, mga prayle at matataas na tao at sa ilalim ng kubyerta ay
makikita ang mga Pilipino, mga kalakal at ang mainit na makina. Ang dalawang pangkat ng mga manlalakbay ay
sumisimbolo sa __________.
a. pagkakaiba ng mga Pilipino at Espanyol c. kahirapan ng buhay ng mamamayan
b. pakikipaglaban ng mga Pilipino sa Espanyol d. pagmamalupit ng mga Espayol sa mga Pilipino
47. Naniniwala si Simoun na __________.
a. kaya niyang lutasin ang problema ng Ilog Pasig. c. ang tubig ay pumapatay ng apoy.
b. ang bapor Tabo ay daong ng pamahalaan. d. ang mga Pilipino ay mahilig sa alahas.
48. “Malapit na ang araw, at sa pagbubukang liwayway ay ako na rin ang magbabalita sa inyo.” Sa pahayag na ito,
nakikinita ni Simoun na ______________.
a. magiging malaya ang bansa c. mamatay na siya
b. tutulungan niya si Basilio d. magbabago siya ng pasiya
49. Natuwa si Simoun nang kinuha ni Kabesang Tales ang rebolber. Sa ikinilos ni Simoun, nangangahulugang:
a. Nagtagumpay siya sa kaniyang pakay. c. Makababayad na siya ng utang na loob.
b. Hindi na siya sisingilin ni Kabesang Tales. d. Hindi na siya mapagkakamalang rebelde.
50. Sa panunuluyan ni Simoun sa bahay ni Kabesang Tales, _______.
a. nakita ang agwat ng mayaman at mahirap
b. lalong nadama ni Kabesang Tales ang pagiging mahirap
c. nakapagbenta ito ng maraming alahas
d. nakita ni Kabesang Tales ang locket ni Maria Clara

“Ang poot walang nililikha kundi mga dambuhala, mga kasamaan, mga salarin.
Tanging ang tunay na pag-ibig lamang ang nakakalikha ng mga bagay na tunay na kahanga-hanga.”
― José Rizal, El Filibusterismo

You might also like