Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAGSULAT SA PILING LARANG

ReplektibongSanaysay
Pamagat :
Isinulatni: SACANLE, Sean Charles T.
Petsa : 09/19/19
Panuruangtaon 2019-2020

Paksa : Ang aking mga naging karanasan at napulot na aral sa pagsali sa patimpalak sa Balagtsan noong
taong 2014

Replektibong Sanaysay hinggil sa aking mga naging Karanasan at Napulot na Aral sa Paglahok sa
Patimpalak sa Balagtasan noong Taong 2014

“Sa inyo pong lahat ako’y bumabati, ng isang maganda’t mapayapang tanghali”. Limang taon na
ang nakalilipas, ngunit ang nabanggit na taludtod ay akin pa ring natatandaan. Nagkaroon na ng puwang
sa aking puso at naukit na sa aking isipan ang kauna – unahang taludtod na buong loob kong binigkas sa
entablado para sa aming pagtatanghal ng isang Balagtasan. Ito ang mga sandaling labis sa aking
nagpapangiti sa tuwing aking naaalala. Ito ang mga alaalang kay gandang pagsaulan at sariwain sa isipan.

Taong 2014 nang magsimula akong lumahok sa isang patimpalak sa balagtasan. Ako ay nasa
ikapitong baitang pa lamang ng panahong iyon. Bago pa ako nakipagtagisan ng talento sa pandibisyong
paligsahan sa Balagtasan, ako muna ay lumahok sa isang awdisyong pampaaralan para rito. Naging isang
malaking pagsubok at hamon sa akin ang pagsali sa awdisyon, sapagkat kay raming mga mag – aaral ang
nag – asam na mapabilang sa tatlong natatanging mag – aaral na magiging kinatawan ng aming paaralan
para sa pandibisyong paligsahan sa balagtasan. Sa balagtasan, kinakailangan ng isang lakandiwa at
dalawa o higit pang panig na magtatalo patungkol sa isang partikular na konsepto. Ang piyesang aking
binigkas ay hinggil sa pagtatalo ng mayaman at matalinong makata. May malayang taludturan ang
kabuuan ng piyesa, na nangangahulugang ito ay may sukat at tugma. Sa kaparehong araw inanunsiyo ang
mga napiling mag – aaral na sasali sa naturang paligsahan. Labis akong nagalak nang marinig kong
nabanggit ang aking pangalan. Sa tatlong mag – aaral na napili para sa kompetisyon, ginampanan ko ang
gawain ng pagiging isang lakandiwa. Ang lakandiwa ang siyang nagsisilbing tagapamagitan sa dalawa o
higit pang nagtatalong panig. Walang mapagsidlan ang kasiyahang aking nadarama ng pagkakataong iyon,
kung kaya’t agad kong binalita sa mahal kong ina ang itinuring kong unang karangalang aking natanggap
sa pag – aaral sa Paralang Pang – Agham ng Paranaque.

Pinatunayan ko sa aking gurong tagapagsanay ang aking dedikasyon at pagpupursigi, sa


pamamagitan ng pagiging maagap sa aming bawat pagsasanay. Sa bawat pagtatanghal na aming
PAGSULAT SA PILING LARANG
ReplektibongSanaysay
Pamagat :
Isinulatni: SACANLE, Sean Charles T.
Petsa : 09/19/19
Panuruangtaon 2019-2020

ginagawa, ang mga ngiting aking nasilayan sa labi ng aming gurong tagapagsanay ay umukit din ng ngiti
sa aking labi. Hindi ko alintana ang pagod sa tuwing matagumpay naming naitatanghal ang piyesa para sa
Balagtasan. Maraming oras ang aming ginugol at inilaan upang maiwasto ang aming kadalasang
pagkakamali sa pagbigkas ng bawat salita.

Sa araw ng pandibisyong paligsahan sa Balagtasan, labinlimang pampublikong paaralan sa


Lungsod ng Paranaque ang lumahok din sa patimpalak. Labis akong kinabahan ng mga sandaling iyon,
sapagkat alam kong pinaghandaan din ng aming mga katunggali ang kanilang magiging presentasyon. Sa
aking pagtindig sa entablado, ang aking pagkakaba ay tila ba naglaho ng parang bula, dahilan upang

malinis at matiwasay naming maitanghal ang aming presentasyon. Sa kabila ng aking mga pangamba at
pag - aagam – agam, napagtagumpayan naming magwagi ng unang gantimpala.

Kailanma’y hindi naging madali ang pagsabak sa isang kompetisyon. Ito ay nangangailangan ng
sapat na tibay ng loob, determinasyon, dedikasyon, disiplina, at pagpupursigi. Naging mahalaga din sa akin
ang pagkilala ko sa aking mga kalakasan at kahinaan, sapagkat ito ang nagsilbi kong paraan upang
mapaunlad at mahubog ang aking mga abilidad at aking sarili. Bago namin nakamtan ang pagwawagi ng
unang karangalan, dumaan muna kami sa matinding hamon at pagsubok. Marami mang kinakailangang
gawin at ipasa sa iba’t ibang asignatura ay hindi ito naging balakid sa aming pagsasanay at paghahanda
para sa kompetisyon. Marami man ang aking naging pagkakamali sa umpisa, hindi ako napagod na
magsanay, sapagkat alam kong ang aking mga pagkakamali ang huhubog at magpapaunlad sa aking
sarili.

Sanggunian:

Ano ang kahulugan ng lakandiwa?. (n.d.). Nakuha noong ika – 19 ng Setyembre 2019 mula sa
https://brainly.ph/question/233228

Mga Balagtasan. (n.d.). Nakuha noong ika – 19 ng Setyembre 2019 mula sa


http://panitikangpnoy.blogspot.com/p/mga-balagtasan.html
PAGSULAT SA PILING LARANG
ReplektibongSanaysay
Pamagat :
Isinulatni: SACANLE, Sean Charles T.
Petsa : 09/19/19
Panuruangtaon 2019-2020

balagtásan. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture
and the Arts. Nakuha noong ika – 19 ng Setyembre 2019 mula sa
https://philippineculturaleducation.com.ph/balagtasan/

You might also like