Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

TALUMPATI

Ni Francine Fugoso

Magandang umaga sa inyong lahat. Ako si _______________ at hinihiling ko ang inyong oras
upang pakinggan ang maiksing talumpating aking inihanda ukol sa mga pangako ni Duterte.

“Pangako ng kaukulan ay dapat laging asahan.” Isa ito sa mga madalas na salitang
ibinibigkas ng mga taong nagnanais ng boto mula sa tao. Ang mga tila ba mabulaklak na mga
salitang ito ang naghila sa Pilipino upang itiman ang hugis bilog sa pangalan ng nangako. Sino ba
ang tunay na bumoto? Ikaw ba, na may karapatang pumili? O ang tumakbong pinunan lamang
ang bulsa ninyo? Isipin mo ang galit ng mga Pilipino sa mga kurakot at mandadaya, ngunit tayo
rin ang nagbulagbulagan sa realidad at hinarangan ang sana’y tunay na pagbabago. Maraming
administrasyon ng pangulo ang lumipas, ngunit walang pinagbago. Lugar lang ang umayos,
hindi ang sistema. At dito na nagsimula ang lahat.

Ito ang simula ng pagkawala sa gapos ng pera, simula ng pagkinig sa opinion ng iba,
pagkalaya sa anong nakasanyan at pagmulat ng iba sa madla. Dito naramdaman ng marami sa
Pilipino ng kagustuhang magbago ang bansa. At sa panahong ito, nakilala si Duterte. Si Duterte
ay ang pinakakakaibang candidato sa lahat ng mga tumakbo. Hindi siya isang typical na
inglesero, o kaya ay bolero. Sa halip, kabaligtaran siya nito. Hinangaan siya sa kanyang
pananalita at panunungkulan noong siya pa ay isang mayor sa davao. At tuluyan na siya ay
nanalo sa pagkapangulo.

Maraming ipinangako ang pangulo bago palamang siya na umupo. At ito ay ang
tinatawag na “10 socioeconomic agenda”. Ipinangako niya ito na mangyayari ang lahat sa loob
lamang ng isang taon ng panunungkulan. At hindi nga siya nagkamali. Hindi man lahat ay
naipasabatas kaagad, karamihan naman sa sampung ito ay kanyang naisakatuparan. Una na
ditto ang pagpapasatuparan ng “tak reform law” sa Pilipinas na ngayon ay nakalathala bilang
Republic Act no. 10963 kung saan tinangalan ng tak ang lahat ng nasa minimum wages upang
matulungan ang mga pamilyang Pilipino bumangon pinansyal.
Pangalawa ay pag promote sa mga probinsya o “rural” na lugar upang maibangon mula
ang agricultural na estado ang Pilipinas.. Ipinermahan ni duterte ang batas na naglalayong
palawakin at ipataas ang buhay at trabaho ng mga magsasaka at mangingisda. Nakalathala ito
bilang Republic Act no. 11321 o ang “Sagip saka act” at “Farmers and Fisherfolks enterprise
development program”.

Pangatlo ay ang pag mungkahi sa mga kabataan ng science and technology at creative
arts upang mas mapaunlad ang inobasyon lalo na ay patok ito sa mga maliliit o malalaking
businesses sa loob man ng bansa o sa labas. Dito ay nakita ng mga tao kung paano
pinahalagahan ng pangulo ang kinabukasan ng mga kabataan upang mapaunlad ang bansa sa
mga susunod na dekada.

Ang panghuli naman ay ang pagnanais ni duterte upang mapalakas ang implementasyon
sa pangangalaga sa pamilya ukol sa family planning o pagkakaroon ng sariling pamilya.
Pinermahan ni duterte ang batas na Reproductive health law kung saan nagging libre ang mga
pagpapaturok, mga pills at condom sa mga health center upang maituro ang safe sex at
pagiingat. Sa batas na ito ay maraming tao o kaya simbahan ang nagging hadlang dito sapgkat
naiisip ng iba na pinahihintulutan ng pamahalaan ang ganitong mga karanasan sa kabataan,
kung saan pinipigilan ng pamahalaan ang kabataan na mapunta sa maling landas.

Sobrang nagging makabuluhan ang nagging unang taon ni duterte bilang pangulo. Hindi
pa man nacompleto ang sampu, ngunit sa pagdating ng ilang buwan o taon ay madaragdagan at
madaragdagan ito patungo sa pagunlad ng bansa. Naging maganda sa karamihan ang desisyon
ng pagpapaupo kay duterte, sa tanging hiling lamang ng mga Pilipino ay magtulou-tuloy ang
pagbabago ng bansa.

You might also like