Professional Documents
Culture Documents
TG A5PR-IIg
TG A5PR-IIg
I. Layunin:
A. Natatalakay ang detalye ng tanawin ng pamayanang kultura sa makahulugan sa
kasaysayan ng bansa.
B. Naiguguhit at naipipinta ang tanawin ng komunidad ng mga pamayanang kultura
(A5PR-IIg)
C. Naipagmamalaki ang kagandahan ng tanawin sa pamayanang kultura sa
pamamagitan ng likhang sining.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
Pagganyak: Pagpapakita ng larawan ng isang komunidad.
Ipatukoy ang bawat larawang ipinakikita at ang katangian ng bawat isa.
(tahanan,tao,hayop,kagamitan sa paghahanapbuhay at iba pa)
Hayaang magkweto ang bawat bata ayon sa larawang ipinakikita.
B. Panlinang Na Gawain:
Paglalahad:
Sabihin sa mga bata na maraming pangkat ng mga etniko ang makikita
sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Ipakita ang ilan sa mga ito tulong ang larawan. (Ivatan,Ifugao, Maranao o ayon
sa gustong lugar dito sa Pilipinas)
Gawaing Pansining:
Pagpapalalim sa Pag-unawa
Gumawa ng tanong ayon sa gustong ipaguhit na larawan (landscape)
1. Saan yari ang tahanan ng nasabing iginuhit na larawan?
2. Saan lugar ito matatagpuan?
3. Ano ang pangunaging atraksyon sa Ifugao?
4. Ano ang disenyo ng kanilang tahanang nakaguhit?
5. Ano ang pangunahing paraan ng pamumuhay ng mga nasa larawan?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahad
Pagpapakita ng mga larawan na gawa ng mga mag-aaral na napili ng guro.
2. Repleksyon
Ipatukoy ang kagandahan ng iba’t ibang tanawin sa pamayanang kultura sa
pamamagitan ng eksibit ng likhang sining.
Ipabasa ang “Tandaan Natin”
IV. Pagtataya:
Naipakikita sa pagpipinta ng tanawin ang detalye ukol sa natatanging uri ng
tahanan,paraan ng pamumuhay sa kanilang komunidad base sa kasaysayan.
(Suriin ang Rubrics o Pamantayan)