Exercise 3D

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Code: Brown

PAGSASANAY 3-D

Malubhang nagkasakit ang lolo ni Bobowaya hanggang sa puntong ang tanging lunas
para gumaling ang matanda ay ang pagkain ng atay ng isang unggoy. Kaya, nagsimula siyang
maghanap ng mga unggoy. Sa kabutihang palad, nakakita siya sa tabi ng ilog at dali-daling
nilapitan ito. Nang makalapit siya sa unggoy, sinabi sa kanya ng unggoy na nais nitong
makatawid sa kabilang pampang para makakain ng hinog na saging ngunit hindi alam ng
unggoy kung paano siya tatawid. Sinabi ng buwayang itatawid niya ang unggoy sa ilog ngunit
nagdalawang isip ang unggoy dahil alam niyang kumakain ng unggoy ang mga buwaya.
Ngunit nagpumilit ang buwaya kaya pumayag na din ang unggoy. Sumakay ang unggoy sa
likod ng buwaya. Nang sila ay nasa gitna na ng ilog, nagsimulang pumailalim sa tubig ang
buwaya. Matalino ang unggoy kaya naisip niyang kalmutin ang mata ng buwaya upang
mapilitan itong pumaibabaw ulit sa ilog. Ilang bese nangyare ito kayat napilitan humingi ng
saklolo ang unggoy. Narinig ng isang magsasaka ang sigaw ng unggoy at sinabi sa dalawa na
tutulungan niya silang ayusin ang kanilang problema. Lumapit sila sa magsasaka at
nagpaliwanag. Sinabi ng buwaya na sumisid siya sa ilog dahil tinusok ng unggoy ang mata
niya at sinabi naman ng unggoy na tinusok niya ang mata ng buwaya dahil sumisid ito sa ilog.

Hindi masabi ng magsasaka kung sino ang nagsimula ng away kaya nagpasya siyang
lutasin ang problema sa pamamagitan ng isang karera. Kung sino man ang manalo sa karera
ang idedeklarang walang kasalanan. Alam ng buwaya na hindi siya mananalo sa unggoy kaya
naisip niyang patayin ito. Nang hahampasin na niya ang unggoy ng kanyang buntot, mabilis
na nakailag ang unggoy, tumakbong palayo at umakyat sa isang puno. Galit nag alit ang
buwaya kaya ipinangako niyang pinakamahigpit niyang kaaway ang mga tao at mga unggoy.

1. Anong uri ng hayop si Bobowaya?


a. Kalapati
b. Unggoy
c. Buwaya
d. Elepante
2. Anong ang tanging gamot sa sakit ng lolo ni Bobowaya?
a. Buntot ng unggoy
b. Mata ng unggoy
c. Atay ng unggoy
d. Puso ng unggoy
3. Saan nangyare ang kwento?
a. Sa ilog
b. Sa gubat
c. Sa kapatagan
d. Malapit sa bundok
4. Tungkol saan ang binasang kwento?
a. Ang mga kaaway ng unggoy
b. Ang buwaya at ang tao
c. Ang tao at ang atay ng unggoy
d. Ang unggoy at ang buwaya
5. Bakit gusto ng unggoy tumawid sa ilog?
a. Upang kumain ng atay
b. Upang kumain ng hinog na saging
c. Upang makausap ang magsasaka
d. Upang kainin ang mata ng buwaya
6. Bakit nagdalawang isip ang unggoy na sumakay sa likod ng buwaya?
a. Mapanlinlang ang mga buwaya
b. Kita ang kalungkutan ng buwaya
c. Kumakain ng unggoy ang mga buwaya
d. Gustong makuha ng buwaya ang atay ng unggoy
7. Bakit tinanggap ng unggoy ang alok ng buwaya?
a. Umiyak ang buwaya
b. Sumigaw ang buwaya
c. Nagpumilit ang buwaya
d. Tumawa ang buwaya
8. Ano ang maaaring nangyare sa unggoy kung hindi niya tinusok ang mata ng buwaya?
a. Sisisid ang unggoy
b. Malulunod ang unggoy
c. Mahuhulog ang unggoy sa tubig
d. Makakainom ng maraming tubig dagat ang unggoy
9. Ano ang ginawa ng unggoy nung hahampasin siya ng buwaya gamit ang buntot nito?
a. Tinawag niya ang magsasaka
b. Tumalon siya sa taas ng puno
c. Sumisid siya sa ilog
d. Sinigawan niya ang buwaya
10. Mula sa mga pagpipilian, ano ang pinakahuling nangyari?
a. May sakit ang lolo ni Bobowaya
b. Sumisid sa ilalim ng tubig ang buwaya
c. Sinubukang ayusin ng magsasaka ang problema ng dalawa
d. Naging pinakamahigpit na kaaway ng buwaya ang tao at ang unggoy

You might also like