I Wish This Was Free

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Si Sarah Asher Tuazon Geronimo ay ipinanganak noong ika-25 ng Hulyo, 1988.

Siya ay anak ni Delfin


Geronimo, dating nagtatrabaho sa PLDT, at Divina Geronimo na nagtayo ng “beauty parlor” sa kanilang
bahay sa Sta. Cruz, Manila. Apat silang magkakapatid (Johna Rizzie, Sunshine Grace, at Ezekiel Gabriel)
at siya ay pangatlo.

Unang nagturo sakanya ng pagkanta ay ang kanyang tatay. Nagtiyaga silang magpraktis araw-araw para
gumaling ito. Dalawang taon lamang siya noong una niyang pagkanta sa entablado. Kinanta niya ang
“Pasko nanaman” na kinanta ni Pinky Marquez at Richard Revnoso. Pagtuntong niya ng Ika-apat na
taon, tinulungan at sinamahan sya ng kaniyang ina na si Divina sa mga iba’t ibang pedeng
salihan.Naging bahagi si Sarah sa palabas na “Sarapen”, “Ang Tv, at “NEXT”. Isa din si Sarah sa mga nag
tanghal noong bumisita si Pope John Paul II noong 1995. Sa murang edad, sumali siya mga iba’t ibang
paligsahan ng pagkanta. Unang una nyang sinalihan ay ang “Tuklas talino” na suportado ng Philippine
Long Distance Telephone Company (PLDT).

“Star for a Night” na pinamunuan ni Binibining Regine Velasquez ang nag pasikat kay Sarah. Noong Ika-
1 ng Marso at labing apat na taong gulang si Sarah, nanalo siya sa kanta niyang “To love you more.”
Nakatanggap siya ng isang milyon at kontrata sa Viva Artist Agency. Ginamit ni Sarah ang kanyang
napanalunan na isang milyon sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid at para sa pagpapa-opera ng kanyang
ate.

Dahil sa kanyang pagkapanalo, nagsulputan ang kanyang mga album, concert, sariling teleserye, regular
na paglabas sa “A.S.A.P.” (1995), pageendorsyo at mga fans. Siya ay binansagan bilang popstar, teen
princess at magandang halimbawa sa karamihan.

Pag di naman sya busy sa kaniyang mga ginagawa, naglalaan siya ng oras para sa kaniyang pamilya.
Sabay sabay silang nagsisimba pag linggo. Hilig din ni Sarah ang pagbabasa ng “J.K. Rowling’s Harry
Potter.” At paglalaro ng Video Games.

Pagdating naman sa pag-ibig, siya ay hinihigpitan ng kaniyang ina. Nagagalit ang kaniyang mga taga
hanga dahil pinapakeelaman niya daw ang kaniyang anak kahit nasa wastong gulang na ito. Nagkaroon
ng issue si Sarah kay Gerald Anderson at hindi boto ang kaniyang ina. Kaya hanggang ngaun, wala
pading buhay pag-ibig si Sarah Geronimo.

Ngayon ay may sarili na siyang show na may pamagat na “Sarah G live” tuwing lingo ng gabi.

Si Celestine Cruz Gonzaga ngunit mas nakilala sa pangalang Toni Gonzaga, ay isang Pilipinang aktres na
lumalabas sa mga programa sa telebisyon at sa mga pelikula. Bukod dito, siya rin ay nakilala sa paghohost,
pagkanta, pageendorso ng mga produkto at paglabas sa mga magasin. Siya ay isa sa mga pinakamaraming
programang nilalabasan sa syobis dito sa Pilipinas. Siya ay kasalukuyan pa ring nasa bakuran ng ABS-
CBN matapos lumipat mula sa GMA.

Kapanganakan
Ipinanganak noong 20 Enero 1984, siya ay anak nina Carlito at Crisanta Gonzaga. Ang kanyang pangalang
Celestine ay ibinigay sa kanyang ama ng isang boksingero. Pagkatapos niya ay ipinanganak naman ang
kanyang kapatid na si Catherine. Siya ay bininyagan sa United Methodist CHurch sa tinitirhan nilang bayan ng
Taytay sa Rizal. Nang siya ay lumaki, sa Victory Christian Fellowship naman siya sumasamba.
[baguhin]Sa kanilang lugar
Sa edad na apat na taong gulang, sumasali na ang batang si Toni sa mga kumpetisyon sa pagkanta sa
kanilang barangay sa Taytay at palagi siyang nanalo ng unag gantimpala. Naging paborito na rin siya ng mga
manonood.

Nang maging alkalde naman ang kanyang tiyo, madalas siyang iniimbita sa mga pagtitipon para umawit. At
nang kumandidato ang kanyang ama, nagsimula na rin siyang maghost at umawit pa rin sa mga pagtitipon.
Kung kaya naman, bata pa siya ay nasanay na siya sa harap ng maraming tao.

Siya ay unti-unting lumaki bilang isang Kristiyano. Bago pa man siya naging artista ay nagtuturo na siya sa
mga Sunday school sa kanilang lugar. Tumakbo rin siya at nanalo bilang Barangay Kagawad sa Taytay. At sa
kanyang ikatlong taon bilang Kagawad, pinamahalaan niya pa ang "Clean & Green" na pagtangkilik sa
kanilang barangay. Ipinagpatuloy niya ang pagpunta sa iba't ibang mga puwedeng salihan, pati na rin mga
VTR screenings ng mga advertising agency. Ang lahat ng ito'y ginagawa niya habang siya ay nag-aaral.

Nang siya ay umabot sa kanyang ika-17 taon, nagsimula na siyang kumanta sa mga hotel at bar katulad ng
Calesa Bar, Hotel Regency, Sulo Hotel, at Holiday Inn. Sa umaga ay pumapasok siya sa paaralan, at sa gabi'y
kumakanta siya.

[baguhin]Pag-aaral

Kumuha siya ng Mass Communication sa Dominican College, kung saan siya nag-aral sa loob ng dalawang
taon. Ngunit, lumipat siya sa AB English program of the Asian Institute for Distance Education (AIDE).

[baguhin]Sa Syobis
[baguhin]Simula

Dahil sa patuloy niyang paghusay sa pagkanta, sinimulan siyang isali ng kanyang ama na sumali sa iba't ibang
mga patimpalak. Isa na nga rito ang pagsubok niyang makuha sa Repertory Philippines. Sa kabila ng hindi niya
pagpasa rito, tumuloy pa rin siya sa pag-abot ng kanyang pangarap.

Siya ay 13-taong gulang nang makapasok siya sa GMA Artist Center. Dito ay nagsimula na siyang magkaroon
ng mga maliliit na karakter sa iba't ibang palabas. Matapos ang apat na taon, pinagdesisyunan nilang mag-
freelance na lamang siya.

Ang kanyang agent ay sinabihan naman siyang sumubok na makapasok sa isang TV commercial (TVC) para
sa Sprite. Nang sumubok siya ay nakuha niya kaagad ito at nakilala siya dahil sa pagbigkas niya ng naging
pamosong linyang "I love you Piolo!".

Matapos nito ay nakakuha siya ng mga paglabas-labas minsan sa iba't ibang mga programa sa telebisyon,
ngunit nagsimula lamang talaga siyang magkaroon ng regular na palabas nang simulan ang Daddy Di Do Du.
Ang produksyon sa likod ng programang ito, ang TAPE Inc. ay inanyayahan siyang maghost sa sikat na
pantanghaling programa, ang Eat Bulaga.
Habang ginaggawa niya ito ay inumpisahan na rin niya ang paghohost sa Wazzup Wazzup na nasa Studio 23.

[baguhin]Pagkanta

Taong 2001 nang ilabas ang kauna-unahang album niya sa ilalim ng Prime Music. Noon namang 2006,
gumawa siya ng panibagong album sa ilalim ng Star Records na pinamagatang You Complete Me, na ang
gamit niyang kanta ay ang We Belong. Hindi nagtagal ay nanguna ito sa lahat ng mga kanta sa bansa.

2007 nang sundan niya ito ng isa pang album na tinawag na Falling In Love. Dito ay nilabas ang kantang Catch
Me I'm Fallin' na naging numero uno muli.

Dahil sa pagiging matagumpay na mag-aawit, nagkaroon siya ng kauna-unahan niyang konsiyerto noong 9
Pebrero 2008 sa Aliw Theater na pinamagatangCatch Me, Toni Gonzaga na naging matagumpay sa dami ng
mga nanood. Kabilang sa mga nakasama niyang umawit ay sina Sam Milby, Vhong Navarro at marami pang
iba.

D'Anothers

[baguhin]Sa Pelikula
Bukod sa mga palabas sa telebisyon at sa dami ng kanyang mga ineendorsong produkto, ay naging malakas
rin ang hatak niya sa mga manonood pagdating sa kanyang mga pelikula.

Sa You Are The One, ang kanyang unang pinagbidahang pelikula kasama si Sam Milby, kumita nang higit-
kumulang 100 milyong piso. Ang sumunod naman niyang pelikula kasama si Vhong Navarro,
ang D'Anothers ay nakakuha muli ng higit-kumulang 100 milyong piso. Ngunit ang pinakahuli niyang
pelikula, Big Love, kasama sina Sam Milby at Kristine Hermosa, ay nakakuha lamang ng halos 50 milyong
piso.

Si Juan Luna y Novicio (23 Oktubre 1857-7 Disyembre 1899) ay isang Pilipinong pintor at bayani. Kilala siya para sa
kanyang larawang Spoliarium, isang dibuho ng pagkaladkad ng mga bangkay ng mga natalong gladyator sa
Colosseum sa Roma. Ang nakakabagbag-damdaming eksenang ito ay maaring itulad sa mga kasawian ng mga
Pilipino sa ilalim ng Espanya.

Kabataan

Ipinanganak siya sa Badoc, Ilocos Norte, ikatlo sa pitong anak nina Joaquin Luna at Laurena Novicio. Lumipat ang
pamilya sa Maynila noong 1861 upang makakuha ng mabuting edukasyong ang mga anak. Nagkainteres si Luna sa
pagpipinta dahil sa impluwensya ng kanyang kuya Manuel, na magaling na pintor.
Edukasyon

Nag-aral si Luna sa Ateneo de Manila, at pagkatapos sa Escuela Nautica. Naging manlalakbay-dagat siya. Sa
pamamgitan nito, nakita niya ang magagandang tanawin sa Hongkong, Amoy, Singapore, Batavia, at Colombo.
Kapag nasa Maynila siya nagpapaturo pa rin siya kay Lorenzo Guerrero ng pagpipinta. Pumasok siya sa Academia
de Dibujo Y Pintura sa Maynila ngunit ipinaalis, marahil dahil ang kanyang estilo ay hindi umaayon sa kagustuhan ng
kanyang maestro. Noong 1877, sa rekomendasyon ni Guerrero, pinaaral siya ng kanyang magulang sa Escuela de
Bella Artes sa Madrid. Subalit, hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagturo rito. Noong nakilala niya ang pintor na si
Don Alejo Vera, umalis siya sa eskwela upang maging aprentis niya.

Karera

Noong 1881 nanalo siya ng gintong pilak para sa kanyang dibuhong La Muerta de Cleopatra sa pandaigdig na
kumpetisyon na ang Exposición Nacional de Bellas Artes sa Madrid. Dahil dito naging pensionado siya ng
Ayuntamiento ng Maynila sa kondisyon na gumawa siya ng larawan para sa kanila. Ilang taong lumipas bago
natapos niya ito—ang El Pacto de Sangre. Noong 1884, ang kanyang Spoliarium ay nagwagi ng isa sa tatlong
gintong medalya sa Exposición Nacional de Bellas Artes para sa taong iyon. Ang kanyang dalawang lahok sa
Exposicion ng 1887, La Batalla de Lepanto at Rendicion de Granada at nagwagi rin.

Pamilya

Noong 1885, lumipat siya sa Paris at nagbukas ng studio roon. Noong 1886, pinakasalan niya si Maria Paz Pardo de
Tavera, ang kapatid ng kanyang mga kaibigang sina Felix at Trinidad Pardo de Tavera. Nagkaroon sila ng dalawang
anak nila subalit isa ay namatay habang sanggol pa. Pagkalipas ni ilang taon, sinuspetiya ni Luna na may kalaguyo
ang asawa niya, kaya noong 1892, pinatay niya ang kanyang asawa, kasama ng kanyang ina, dahil sa kanyang
pagselos. Idinetermina ng korte na ito ay ginawa niya habang samantalang baliw at sa gayon walang sala siya.
Bumalik si Luna sa Madrid kasama ng iisa niyang buhay na anak, si Andres.

Pagkabayani

Bumalik siya sa Pilipinas noong 1891 at idinakip siya kasama ng kanyang kapatid na si Antonio Luna noong 1896 at
ikinulong sa Fort Santiago dahil sila ay sinususpetiyang taga-oraganisa ng rebolusyon ng mga Katipunero. Noong
pinalaya siya noong 27 Mayo 1897, bumalik siya sa Europa. Sa pamahalaang rebolusyunaryo ni Emilio Aguinaldo,
isa siya sa piniling maging bahagi ng delegasyon para sa negosasyon sa pagkilala ng Paris at Amerika sa bagong
republika.

Nang pauwi na siya sa Pilipinas, tumigil siya sa Hong Kong, kung saan inatake siya sa puso at namatay.

Pagkalipas ng ilang taon, ang kanyang huling obrang Peuple et Rois na nakumpleto niya noong 1889 ay
ikinunsiderang pinakamahusay na lahok sa Universal Exposition sa Saint Louis sa Amerika.

Si Regina Encarnacion “Chona”Ansong Velasquez o mas kilala na Regine Velasquez ay ipinanganak


noong ika-22 ng Abril 1970 sa Tondo,Maynila. Siya ay ang panganay na anak nina Teresita at Gerardo
Velasquez.Sa kanyang paglaki ay naging malaking bahagi ang musika.Noong musmos pa lamang si
Regine, sinanay na siya ng kanyang ama kumanta sa pamamagitang ng pagkanta sa ilalim ng dagat.
Mas na unang natutunan ni Regine ang pagsaulo ng mga liriko ng mga awitin kaysa magbasa; kung
kaya’t hindi maikakaila na dahil sa kanyang pagsasanay sa pagkanta ay nagging isa siyang napakahusay
na mang-aawit na hanggang ngayon ay mahal ng sambayanan.

Napakaraming patimpalak sa pag-awit ang nasalihan na ni Regine Velasquez.Sa edad na 14 sumali siya
sa Senior Division ng Ang Bagong Kampeon, na isang patimpalak sa pag-awit na pinangungunahan noon
nina Bert “Tawa” Marcelo at Pilita Corales. Ang inawit niya ay “Saan Ako Nagkamali” at siya ang naging
kauna-unahang kampeon ng paligsahan iyon ( “Regine Velasquez”,n.d). Nagsimula ang pagsikat ni
Regine noong kunin siya ng GMA ( Global Media Arts) bilang panauhin sa Penthouse Live noong 1986.
Sa pamamagitan ng Viva Records ay nailabas ang una niyang album sa naglalaman ng mga awiting
“Kung Maibabalik ko lang”, “Isang Lahi”, at “Urong Sulong”.

Sa taong 1989 ay naging kampeon siya sa Asia Pacific Singing Contest na ginanap sa Hongkong. Inawit
niya ang “You'll Never Walk Alone” at “And I Am Telling You”. Matapos ng pagkapanalong ito, ay tuluyan
siyang sumikat at hinangaan sa loob at labas ng bansa (“Regine Velasquez”, 2012).
Sa taong 2002 at 2003 nang siya ay nagkaroon ng mga sumunod na pelikula nagngangalang “Ikaw
Lamang”, “Hanggang Ngayon” kasama si Richard Gomez at “Pangarap Ko ang Ibigin Ka” kasama si
Christopher de Leon at si Dingdong Dantes. At sa taong 2008 nang siya ay nagboses sa pangunahing
karakter sa pelikulang Princess Urduja na ipinrodyus ng ATP Productions.

Ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ay naging asawa na ang isang napagaling na mangaawit na
si Ogie Alcasid. Ang kanilang kasal ay ginanap noong 2010 na dinaluhan ng naparaming sikat na mga
personalidad sa bansa (Cruz, 2010). At ngayon ay mayroon na silang isang anak na nagngangalang
Nathaniel James Alcasid (Mendoza, 2011). Sa kasalukayan, si Regine Velasquez bilang isang
mangaawit at actress ay tinatangkilik pa rin ng mga Filipino. Tunay ngang isa siya sa mga
pinakamagaling na biritera sa Asya.

Isinilang si Francisco Baltazar noong ika 2 ng Abril, 1788 sa nayon ng Panginay


(Balagtas) Bigaa, Bulakan. Ang kanyang mga magulang ay sina Juan Baltazar at Juana Dela Cruz. Ang
pagmamahalan ng dalawang ito ay nagbunga ng apat na supling, sina Felipe, Concha, Nicolasa, at Kiko.
Nabibilang lamang sa maralitang angkan ang mag – anak na Baltazar. Ang kanyang ama ay isang
panday at ang kanyang ina ay isang karaniwang maybahay. Si Kiko ay pumasok sa kumbento ng
kanilang kabayanan sa ilalim ng pamamatnubay ng kura – paroko at ditto ay natutuhan niya ang Caton,
misterio, kartilya at Catecismo.
Ang pandayan ng kanyang ama ay ginagawang tagpuan ng mga kanayon at dito ay naririnig ni Kiko ang
mga usapan at pagtatalo tungkol sa sakit ng lipunang umiiral noon. Malaki ang nagawa nito sa kanyang
murang isipan.

Palibhasa’y may ambisyon sa buhay, inakalang hindi sapat ang natutuhan sa kanilang bayan kayat
umisip ng paraan kung paano siya makaluluwas ng Maynila upang makapagpatuloy ng pag – aaral. Ayon
sa kanyang ama mayroon silang malayong kamag – anak na mayaman, na naninirahan sa Tundo at
maaari siyang pumasok dito bilang utusan.

Nagustuhan naman ang paglilingkod ni Kiko sa kanyang amo kaya pinayagan siyang makapag – aral.
Nagpatala siya sa Colegio de San Jose na noon ay pinamamahalaan ng mga Hesuwitas. Dito’y
natutuhan niya ang Gramatika, Latin at Kastila, Fiska, Geografia at Doctrina Cristiana. Noong 1812 ay
ipinagpatuloy niya ang kanyang pag – aaral sa Colegio de San Juan de Letran at dito’y natapos niya ang
mga karunungang Teolohiya, Filosofia at Humanidades. Naging guro niya si Padre Mariano Pilapil, ang
may – akda ng Pasyong Mahal.

Naging tanyag si Kiko sa purok ng Tundo, Maynila sapagkat sumusulat siya ng tula at itinuturing na
mahusay na makata. Sa Gagalangin, Tundo ay nakilala niya ang isang dalagang nagngangalang
Magdalena Ana Ramos at ito’y napagukulan niya ng paghanga. Noong panahong iyon ay may isang
tagaayos ng tula, si Jose dela Cruz na lalong kilala sa tawag na Huseng Sisiw sapagkat kung walang
dalang sisiw ay hindi niya inaayos at pinag – uukulan ng pansin ang tulang ipinaaayos ng sinuman. Isang
araw ay may dala – dalang tula si Kiko upang ipaayos kay Huseng Sisiw at sa dahilang walang dalang
sisiw ay hindi ito inayos ni Jose. Umuwi si Kikong masamang – masama ang loob kayat simula noon ay
hindi na siya humingi ng tulong sa makata ng Tundo.

Noong taong 1853, lumipat siya sa Pandacan at doon niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Sa kabila
ng mga paalaala at payo ng mga kakilala at kaibigan na magiging mahirap para sa kanya ang
pamimintuho sa dalaga sapagkat magiging karibal niya si Mariano Kapule, isang mayaman at
makapangyarihan sa pook na iyon, subalit winalang – bahala ang mga paalalang ito, Hindi siya tumugot
hanggang hindi nakadaupang – palad si Maria at hindi nga nagtagal at naging magkasintahan ang
dalawa.
Palibhasa’y mayaman ginamit ni Nano ang taginting ng salapi upang mapabilanggo si Kiko.
Nagtagumpay naman ito. Sa loob ng bilangguan ay nagdadalamhati si Kiko at lalo itong nalubos ng
mabalitaan niyang ikinasal na ang pinag – uukulan niya ng wagas na pag – ibig at si Nano. Maraming
nagsasabing sa loob ng bilangguan niya isinulat ang walang kamatayang Florante at Laura at buong
puso niya itong inihandog kay Selya.

Pagkalabas niya sa bilangguan noong 1838 ay minabuti niyang lumipat sa ibang tirahan upang di na
magunita ang alaala ni Selya kaya ang alok na puwesto sa Udyong, Bataan ay buong puso niyang
tinanggap. Muling tumibok ang kanyang puso ng makilala niya si Juana Tiambeng, isang anak na
mayaman na naging kabiyak niya. Nagkaroon sila ng labing – isang supling, limang lalaki at anim na
babae sa loob ng labing – siyam na taong pagsasama nila. Pito ang namatay noong mga bata pa at sa
apat na nabuhay isa lamang ang nagmana kay Balagtas.

Dahil sa may mataas na pinag – aralan si Kiko kaya humawak siya ng mataas na tungkulin sa Bataan –
naging tagapagsalin, tinyente mayor at huwes mayor de Semantera.

Mainam –inam na sana ang buhay ng mag – anak ngunit nagkaroon na naman ng isang usapan tungkol
sa pagkakaputol niya ng buhok sa isang utusan ng isang mayamang si Alfarez Lucas. Sa pagkakataong
ito, namayani na naman ang lakas ng salapi laban sa lakas ng katwiran kaya napiit siya sa Bataan at
pagkatapos ay inilipat sa piitan ng Maynila. Nang siyay makalaya, bumalik siya sa Udyong at dito
nagsulat ng awit, komedya at namatnugot sa pagtatanghal ng dulang Moro – moro na siya niyang
ibinuhay sa kanyang pamilya.
Noong ika – 20 ng Pebrero, 1862 si Kiko ay namatay sa Udyong Bataan sa gulang na 74 na taon.

You might also like