Professional Documents
Culture Documents
Fili 205 Modyul 1 18 Masteral
Fili 205 Modyul 1 18 Masteral
RODELAS
MAED
Modyul 1
Ang Pagpaplanong Pangwika
(Gng. Helen E. Tolete)
Layunin:
1. Natatalakay ang pasimula ng pagpaplanong pangwika
2. Naiisa-isa ang kahulugan, kahalagahan at tunguhin ng pagpaplanong pangwika
3. Nabibigyang pagkilala ang mga taong may awtoridad sa pagpaplanong pangwika
4. Naibubuod ang mga kaisipang natutunan kaugnay sa pagpaplanong pangwika
Panimula
Isang bagong larangan ang pagpaplanong pangwika. Marahil, marami sa mga guro sa
Filipino ay kakaunti pa lamang ang nakababatid nito. May ilang pamantasan at paaralan na
idinagdag ito bilang isang asignatura o di naman kaya`y isang espesyalisasyon.
Magkagayunpaman, hindi matatawaran ang kapakinabangang maidudulot nito para maunawaan
ang isang bansa partilular ang kinlakhang kutura at mga wikang nabibilang dito. Sa pamamagitan
nito, mapapayaman o mapapaunlad ang wikang pambansa kasama ang ibang pang mga wikain ng
isang bansa. Ginagawa niotng makapangyarihan ang isang wika at ang taong gumagamit ng
wikang ito.
Input
Basahin at unawain ang presentasyong powerpoint na kasama ng modyul na ito. Mula rito
bigyang kasagutan ang mga inhandang pagsasanay.
Gawaing Pagsasanay
II- Timeline: Gamit ang hanay ng taon, isa-isahan ang mga pangyayari kaugnay sa pag-
unlad ng pagpaplanong pangwika.
Taon Pangyayari
1960 Sa dekadang 1960, nakita na ang PP ay isang larangan na ang konsern ay ang
mga sitwasyong pangwika ( nasyunal, opisyal, unang wika,atb.), mga uri ng
wika; atityud sa wika; layunin sa pag-aaral ng pangalawang wika; mga
konsepto ng istandardisasyon, modernisasyon,at mga salik sa pagpapanatili
at pagpapalit ng wika.
1970 Isa pang konsern ng PP noong 1970 ay ang papel ng pagpaplano sa konteksto
ng wika ng malawak na komunikasyon( language of wider communication)
na nagsisimula nang magkaroon ng gamit at pretihiyo. Ang mga pananaliksik
ay nagsisimula nang tumingin sa pag-uugnayan ng pagkalat ng lingua franca
at gamit ng LWC.
b. Paaralan.
Dahil sa pagpaplanong pangwika sa paaralan magkakaisa at magtutulungan ang
mga guro at mag-aaral sa paaralan. Dahil sa wikang ginamit
c. Bansa
Dahil sa pagpaplanong pangwika uunlad ang isang bansa, sapagkat madali
silang magkaintindihan sa kanilang pakikipagkalakalan.
2. Sa iyong palagay, ano ang isang salita o parirala na kapag narinig o nabasa mo ang
pagpaplanong pangwika, ito agad ang maiisip mo?Isulat sa kahon ang sagot. Ipaliwanag
FILIPINO
Paliwanag:
Sapagkat ang wikang Filipino ang opisyal na wika ng bansang Pilipinas dahil l dito
madaling nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang mga taong naninirahan sa bansa
natin.Ang wikang Filipino ang susi sa pagunlad ng isang bansa sapagkat madaling
magkaunawaan ang mga taong naninirahan dito lalo na sa pakikipagkalakalan at
komunikasyon.