Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 31

Pilipino Ako, Pilipinas ang Bansa Ko

Huwebes, Marso 9, 2017

Festival sa Pilipinas

Mga Festival sa Pilipinas

1. Sinulog Festival ( Cebu )

Ang salitang Sinulog ay nagmula sa salitang Cebuano na may ibig sabihin na, "tulad ng agos ng tubig."
Itinutukoy dito ang sulong-urong na lakdaw padyak ng sayaw ng Sinulog. Ang mga mananayaw ay
kadalasang sumasayaw ng pasulong at paurong kasabay sa tiyempo ng tambol.

Sumisiklab ang Lungsod Cebu, Cebu tuwing Enero dahil sa pagdiriwang ng Sinulog. Gaya ng Ati-atihan,
ang Sinulog ay tinatampukan ng sagradong imahen ng Santo Niño, at sa himig ng “Pit Señor! Hala, Bira!”
ay yayanigin ng tambol, palakpak, at hiyawan ng mga tao ang buong lungsod. Ang Sinulog ay binubuo ng
halos isang buwan na paggunita sa mahal na patron ng mga Sebwano, at kabilang dito ang Sinulog
Bazaar, ang timpalak Sinulog, ang sining at pangkulturang pagtatanghal, prusisyon, ang parada doon sa
Ilog Mactan, ang Reyna ng Sinulog, at ang makukulay na kuwitis na pinasasabog sa himpapawid.

Bago pa man dumating ang mga Kastila, ang Sinulog ay sinasayaw na ng mga Filipino sa Cebu sa kanilang
pagbibigay-bunyi sa kanilang mga anito. Noong dumating Ferdinand Magellan sa Cebu noong 1521, si
Rajah Humabon, kasama ang kaniyang asawa na si Amihan gayun din ang mga 800 mga katutubo ang
ninais na mabinyagan bilang Katoliko. Ibinigay ni Magellan ang imahen ni Santo Niño sa asawa ni Rajah
Humabon at pinangalanang Juana. Ang pangyayaring ito ay hindi lamang nagpakilala kay Santo Niño sa
mga taga-Cebu kundi ito din ay naging isang napakahalagang karanasan: ang representasyon ni Reyna
Juana, hawak ang imahen ni Santo Niño na binabasbasan ang kanilang mga tauhan upang mailayo sila sa
sakit at masamang espiritu at maging importanteng bahagi ng sayaw ng Sinulog.

Noong dumating si Miguel Lopez de Legazpi at ang kaniyang mga tauhan sa Cebu noong 1565, isa sa mga
sundalo ang nakatuklas ng isang kahon na may imahen ni Santo Niño. Ito ay napapaligiran ng bulaklak at
mga pigurin ng mga anito. Ayon sa mga mananalaysay, ang mga pagbabago, mula sa pagsayaw ng
Sinulog, sa pagsamba sa mga anito hanggang sa pagbubunyi kay Santo Niño ay naganap sa loob ng 44 na
taon sa pagitan ng pagdating ni Magellan at Legazpi.

Idineklara ng Augustinian order na ang naturang imahen ay milagroso at itinatag nila ang simbahan kung
saan ito nadiskubre. Ipinangalan ito na San Agustin Church hanggang pinalitan ito sa Basilica Minore del
Santo Niño.

Ang debosyon sa Santo Niño ay tumagal at sumulong sa kultura ng Pilipinas sa pagdaan ng mga siglo lalo
na sa rehiyon ng Visayas. Ang mga pilgrimo ay naglalakbay taon-taon sa Basilica upang makilahok sa
prusisyon at sa kapistahan. Noong 1980, ang lokal na pamahalaan ng Cebu ay nangasiwa sa pagsasaayos
ng Sinulog festival. Ang direktor noon ng Ministry of Sports and Youth Development na si David S. Odilao,
Jr., ay nagtatag ng grupo ng mga estudyante at tinuruan sila ng sayaw ng Sinulog kasabay sa tiyempo ng
tambol at pinagsuot ng moro-moro costumes upang makilahok sa pinakaunang parada ng Sinulog. Sa
tagumpay ng pinakaunang kapistahan, ang event na ito ay isinagawa kada-taon.

Ang iba pang bersyon ng Sinulog ay makikita sa iba't-ibnag parte ng Cebu. Dahil sa commercialization ng
pistang ito, ang Cebu ay ang nangungunang destinasyon ng mga turista tuwing buwan ng Enero sa
Pilipinas.
2. Dinagyang Festival ( Ilo-ilo )

Ang Dinagyang Festival ay isang relihiyoso at kultural na pagdiriwang na ginaganap sa lungsod ng Iloilo
tuwing ikatlong linggo ng Enero o pagkatapos ng Sinulog sa Cebu at Ati-Atihan sa Aklan. Ginagawa ito
bilang pagdiriwang sa pista ng Santo Niño at para na rin sa pagdating ng mga Malay sa Panay na nagdala
ng ita sa lugar. Simula ng ito ay gawing taunang selebrasyon, marami ang nakapansin sa pagdiriwang at
nabigyan ito ng National Commission for the Culture and the Arts ng karangalan bilang Festival of
Excellent Folk Choreography.

Naging tradisyon ang Dinagyang matapos ipakilala ni Padre Ambrosio Galindez, isang pari sa parokya,
ang debosyon sa Santo Niño noong 1967. Noong 1968, isang replica ng orihinal na imahen ng Santo Niño
de Cebu ang dinala sa Iloilo ni Padre Sulpicio Enderez bilang isang regalo sa parokya ng San Jose. Ang
mga miyembro ng simbahan, na pinangunahan ng Confradia del Santo Niño de Cebu ng Iloilo, ay
nagtulung-tulong upang mabigyan ang imahe ng patron, kaya pumarada ang mga ito mula sa mga
kalsada hanggang sa paliparan ng Iloilo. Noong una, ang pagdiriwang ay ginagawa lamang sa loob ng
simbahan ngunit nang maglaon ay dinala na ito sa labas. Napagkasunduan ng Confradia na itulad ang
selebrasyon sa Ati-Atihan ng Ibajay, Aklan, kung saan ang mga kalahok sa selebrasyon ay nagsasayaw sa
daan habang ang kanilang mga katawan ay mayroong uling.

3. Kadayawan Festival ( Davao )


Ang Pista ng Kadayawan sa Dabaw ay isang linggong selebrasyon ng pasasalamat para sa masaganang
ani. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Agosto sa Lungsod ng Davao.

Ang salitang “Kadayawan” ay nagmula sa katutubong salitang “dayao” na ang ibig sabihin ay “madayaw”
– isang ekspresyon na ginagamit din upang ipaliwanag ang mga bagay na mahalaga, maganda, mabuti at
kapaki-pakinabang. Sa Mandaya, ito ay tumutukoy sa isang magandang bagay na nagdadala ng suwerte.

Noong dekada 70s, pinangunahan ni Mayor Elias B. Lopez ang pista ng mga tribo sa lalawigan. Ang mga
kinatawan ng mga grupong Bagobo, Manobo, Mansaka at Mandaya, mga Muslim at iba pa, ay nagtitipon
sa kapatagan upang mag-alay ng mga sayaw at ritwal ng pasasalamat. Maraming mamamayan ng
lungsod at turista ang dumadayo upang masaksihan ang mayaman at makahulugang kultura ng mga
katutubo.

Noong unang bahagi ng dekada 80s, dahil sa mga isyung pangkapayapaan, ay natigil ang pagdiriwang ng
pista. Ito ay muling ipinagpatuloy noong 1986 dahil sa programa ng gobyerno na “Unlad Proyekto
Davao”, na naglayong pag-isahing muli ang mga Davaoeño matapos ang Martial Law. Ang pista ay
nakilala sa tawag na “Apo Duwaling Festival”. Ito ay naglayong itaguyod ang Davao bilang isang payapa at
maayos na lungsod.

Ang “Apo Duwaling” ay mula sa mga salitang Bundok Apo, ang pinakamataas na bundok sa bansa,
durian, ang hari ng mga prutas, at waling-waling, ang reyna ng mga orkidyas – mga sagisag ng yaman ng
Davao. Sa unang pagdiriwang ng “Apo Duwaling” naganap ang ‘’Agro-Industrial Trade Fair’’, na nagpakita
ng mga orkidyas, bulaklak, prutas at mga lokal na produkto ng Davao.
Noong 1988, sa pamumuno ni Mayor Rodrigo Duterte, ang “Apo Duwaling” ay pinalitan ng “Kadayawan”
na siyang magpapakita ng yaman ng Davao sa mga bulaklak, prutas, at kultura. Ngayon, ang Kadayawan
ay tumutukoy din sa pista na sumasalamin sa katutubo at etnikong selebrasyon. Pinahahalagahan din
nito ang husay ng mga Davaoeño sa sining biswal at literatura.

Noong 1995, pinangunahan ng Mindanao Federation of Cutflowers and Plant Growers, Inc, (MINFED) ang
ika-sampung Pista ng Kadayawan sa Dabaw. Naging pananaw ng MINFED ang paglago ng industriya ng
bulaklak at prutas sa lungsod.

Ang ika labing-isang Pista ng Kadayawan sa Dabaw ay nagbigay-pansin naman sa pagsulong ng lungsod
bilang isang tourist destination at daan para sa Brunei Darusallam, Indonesia, Malaysia and Philippines -
East Asean Growth Area (BIMP-EAGA).

4. Higantes Festival ( Rizal )

Ang Higantes Festival na kilala rin sa tawag na Pista ni San Clemente ay ipinagdiriwang tuwing ika-23 ng
Nobyembre sa Angono, Rizal. Ito ang pinakamalaking pagdiriwang para kay San Clemente, patron ng mga
mangingisda. Ang imahen ng santo ay binibitbit ng mga lalaking deboto habang nagpuprusisyon kasabay
ang mga “pahadores”, (mga deboto na nakadamit ng makukulay na kasuotan o ng kasuotan ng mga
mangingisda, sapatos na yari sa kahoy at may bitbit na sagwan, lambat at iba pang gamit sa pangingisda)
at mga “higantes” (mga higanteng gawa sa papel na may taas na umaabot sa sampu hanggang
labindalawang talampakan.) Nagtatapos ang pagdiriwang sa isang prusisyon patungong Laguna de Bay
hanggang maibalik ang imahen ng santo sa parokya.

Noong panahon ng mga Kastila, isang maliit na hasyenda lamang ang Angono. Ipinagbawal ng mga may-
ari ng hasyenda ang pagkakaroon ng anumang pagdiriwang. Maliban sa gastos sa paghahanda sa
pagdiriwang, iniiwasan din ng mga hasyendero na magkaroon ng pagdiriwang para sa mga paganong
paniniwala. Ang pagdiriwang lamang para kay San Clemente ang kanilang pinapayagan. Sinamantala ng
mga mamamayan ang pagkakataon kaya naghanda sila ng maraming pagkain, nagsuot ng makukulay na
damit, at nagdaos ng isang malaking prusisyon kung saan kasama ang mga higante na gawa sa papel na
kawangis ng kanilang mga among Espanyol. Noon ay dalawa o tatlong higantes lamang ang ginagawa
bilang pagsimbulo sa mag-anak. Noong 1987, iminungkahi ni Perdigon Vocalan na lahat ng barangay sa
Angono ay dapat mayroong dalawa o tatlong higantes na sisimbulo sa industriya o pagkakakilanlan ng
mga ito. Naipatupad ang mungkahing ito sa tulong ng Kagawaran ng Turismo.

5. Ati - atihan Festival ( Aklan )

Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero kada taon ang pista ng Ati-atihan sa
Kalibo, Aklan, bilang pagdakila sa Santo Niño. Nagpapahid ng uling sa mukha at katawan ang mga
mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo ng tambol na waring nagsasagutan sa himig ng “Hala, Bira!”
Makikilahok ang buong bayan sa pista, magbabahaginan ng pagkain at inumin, at isang linggong
malalango ang mga lansangan. Hinango ang pista sa maalamat na pagtatagpo ng mga katutubo at ng
mga Kristiyanong mananakop, at ang pagsamba sa Santo Niño na malimit hinihingan ng milagro.

Ang selebrasyon ng Ati-atihan ay dinadagsa ng mga lokal at dayuhang turista hanggang ngayon.
Noong ika-13 siglo (c.1212AD), ipinagbili ng isang grupo ng mga Ati ang isang maliit na lupain sa mga
Malay datus. Ang mga Ati ay ang mga orihinal na naninirahan sa Panay Island. Sa sobrang katuwaan,
ipinagbunyi nila ito sa pamamagitan ng pagpinta sa kanilang mukha gamit ang uling upang maging
kahawig ang mga Ati.

Ang mga Ati ay kilala sa pagkakaroon nila ng maitim na balat at kulot na buhok, at ang salitang "Ati-
atihan" ay may ibig sabihin na "Maging katulad ng isang Ati." Ang kapistahang ito, tulad din ng Sinulog sa
Cebu, ay itinuturing na "Ina ng mga Pista sa buong Pilipinas" kung saan ginaya ang selebrasyon na ito sa
ibang parte ng Pilipinas tulad sa:

Dinagyang sa Iloilo

Halaran sa Capiz

Binilirayan sa Antique

Maskarahan sa Bacolod

At sa iba pang barangay sa Aklan, Antique at Capiz.

Ang Ati-atihan dati ay isang pagan festival at ito ay unti-unting nagkaroonng kahulugang pang-Kristiyano
noong dumating ang mga misyonaryo. Sa ngayon, ang ati-atihan ay ipinagdiriwang sa pagbibigay bunyi
kay Santo Nino.
6. Masskara Festival ( Bacolod )

Ang MassKara Festival ay ipinagdiriwang sa Bacolod tuwing Oktubre. Kilala ito bilang isa sa
pinakamakulay na pagdiriwang sa buong Pilipinas.

Unang ginanap ang MassKara Festival bilang panghalili sa kinagawian nang pagdiriwang sa Bacolod na
kinatatampukan ng parada ng mga militar, pagkilala sa ilang mga piling personalidad at mga programang
musikal tuwing anibersaryo nang pagkakatatag ng naturang lungsod. Nagsimula ito noong panahon ng
krisis sa naturang bayan.

Ang MassKara ay mayroong dalawang kahulugan. Una, ito ay resulta ng pinagsamang Ingles na salitang
“mass” na ang ibig sabihin ay “marami” at Español na salitang “kara,” na nangangahulugan ng “mukha.”
MassKara rin ang lokal na tawag sa salitang “mask”, na itinuturing ngayong isang malaking parte nang
pagdiriwang.

Ang konsepto ng pagsasama ng mga salitang “mass” at “kara” ay nagmula sa dating pangulo ng
Asosasyong Pang-sining ng Bacolod na si Ely Santiago, na sinuportahan naman ng dating tagapangasiwa
sa turismo ng lungsod na si Romeo Geocadin at dating puno ng Kagawaran ng Turismo sa Negros
Occidental na si Atty. Evelio R. Leonardia. Mula sa isang konsepto ay ipinagdiwang ang unang MassKara
Festival noong 1981.

Makalipas ang tatlong taon, itinigil ang pagdiriwang ngunit dahil na rin sa pagsisikap ni Leonarida,
nakakalap ang lungsod ng suporta mula sa pamahalaan at mga pribadong sektor upang maipagpatuloy
ang pagdiriwang taun-taon.
7. Moriones Festival ( Marinduque )

Ang Pista ng Moriones ay isa sa makukulay na pagdiriwang sa pulo ng Marinduque. Ang Morion ay
nangangahulugan “maskara”, na parte ng armor ng Romano na ipinapantakip sa mukha noong panahong
Medyibal. Ang Moriones ay ang mga taong nakasuot ng maskara at nakagayak, na nagmamartsa paikot
sa bayan, sa loob ng pitong araw sa paghahanap kay Longhino. Ang isang linggong pagdiriwang na ito ay
nagsisimula sa Araw ng Lunes Santo at nagtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay.

Ayon sa alamat, si Longinus, isa sa mga sundalong bulag ang isang mata at nakasaksi sa pagpapako ni
Hesukristo ay ibinaon ang kaniyang espada sa tagiliran ni Hesukristo upang matiyak na siya ay tunay na
patay na. Tumilamsik ang dugo sa matang hindi nakakakita ni Longinus at himalang ito ay biglang
gumaling at nakakita. Dahil dito, siya ay nagbalik-loob at naging isang Kristiyano.

Hinabol ng mga sundalo si Longinus sa buong kabayanan hanggang siya ay nahuli at hinarap sa isang
aktor na tumayo bilang si Ponsyo Pilato. Ang iba ay tumayo bilang mga Pariseo upang husgahan siya at
noong Pasko ng Pagkabuhay, si Longinus ay hinatulan sa kaniyang pagbabago ng relihiyon sa
pamamagitan ng pagpugot.

8. Pahiyas Festival ( Quezon City )


Ang Pahiyas ay isang makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo sa Lucban, Quezon. Sa
pamamagitan ng pistang ito, pinasasalamatan ng mga magsasaka dahil sa kanilang masaganang ani ang
kanilang patron na si San Isidro Labrador. Ang selebrasyon kalimitan ay isinasagawa sa pamamagitan ng
isang prusisyon ng imahe ni san Isidro at ng parada. Lahat ng mga bahay sa bayan ay napapalamutian ng
kanilang sariling ani tulad ng mga prutas, gulay, palay, bulaklak, dahon, 'pako' at 'kiping' na siyang
nagdadala ng isang makulay na kabuuan.

Ayon sa mga naitalang kasaysayan ng Lucban, ang piyesta ng San Isidro Labrador ay naunang
ipinagdiriwang ng mga Katagalugan na naninirahan sa paanan ng Bundok Banahaw noong panahon ng
pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Lucban noong 1500. Ang mga mamamayan sa Lucban sa panahong
iyon ay nagdiriwang sa pamamagitan ng isang simpleng pag-aalay sa mga Anito para sa kanilang
masaganang ani.

Sa panahon ng ani, nakaugalian ng mga magsasaka na ipunin ang kanilang ani sa loob ng kapilya
("Tuklong") kung saan sila nagtitipon-tipon at kumakain. Matapos nito ay iinom sila ng tuba na nagmula
sa katas ng bulaklak ng niyog, buri o cabo negro (kaong). Naniniwala ang mga katutubo na sa
pamamagitan ng pagdiriwang ng ganitong kasiyahan ay magkakaroon silang muli ng masaganang ani sa
susunod na taon.

Nang maipatayo ang kauna-unahang simbahan, sa panahon ni Kapitan Lukas Martin (1630) sa ilalim ng
pamamahala ni Fr. Alfonso de San Miguel (1628), naging mas hayag ang pagiging Kristiyano ng mga
katutubo. Naging matulungin ang mga katutubo sa Kura Paruko. Pagsapit ng anihan, dinadala ng mga
magsasaka ang kanilang mga napiling produkto sa loob ng bago at mas malaking simbahan, kung saan
naroon ang kura upang basbasan ang mga ani bilang pasasalamat sa Panginoon. Bunga nito, naging
masagana ang kanilang ani sa mga sumunod na taon at ito ang nagpatibay sa kanilang debosyon kay San
Isidro Labrador bilang tagapag-ugnay sa Panginoon.

9. Panagbenga Festival ( Benguet )


Ang Pista ng Panagbenga o ang Pista ng mga Bulaklak ng Baguio (Ingles: Panagbenga Festival, Baguio
Flower Festival) ay ang taunang kapistahan sa Lungsod Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero.
Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio gayun din ang mayamang kultura nila
kung kaya't ito ay dinarayo taon-taon ng mga turista. Ang salitang panagbenga ay may kahulugang,
"panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak". Tatak nito ang magarbong kaayusan ng bulaklak,
sayawan sa kalye, flower exhibit, paglilibot sa hardin, paligsahan ng pagayos ng bulaklak, maningning na
pagsabog ng mga paputok, at iba pa.

Noong taong 1995, ang abugadong si Damaso Bangaoet, Jr., ang dating Direktor ng John Hay
Management Corporation (JHMC) ay bumuo ng ideya na magtatag ng isang kapistahan upang ipagmalaki
ang masaganang bulaklak na matatagpuan sa Baguio. Sumang-ayon naman si Victor A. Lim,
Tagapamahala ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) at si Rogelio L. Singson. Itinatag ang
proyektong ito upang tulungan ang lungsod na maka-ahon muli sa pagkakalugmok noong 1990 Luzon
earthquake.

Sa pagutulungan ng iba't-ibang organisasyon tulad ng John Hay Poro Point Development Corporation
(JPDC), dating JHMC at mga boluntaryo na mahilig sa bulaklak, nabuo ang Baguio Flower Festival (BFF).
Bahagi ng kapistahang ito ang pagbubunyi ng kasaysayan at kultura ng Lungsod Baguio at ng Cordillera.
Ang logo na puro sunflowers ay masterpiece ng isang estudyante mula sa Baguio City National High
School na nagngangalang Trisha Tibagin na sumali sa Annual Camp John Hay Art Contest. Si Macario
Fronda naman na nagmula sa Saint Louis University ang nagsulat ng opisyal na himno na kasabay ang
tradisyonal na sayaw ng Ibaloi, ang Bendian dance.

Noong taong 1996, hinango ng flower festival ang Kankanaey na kung tawagin ay Panagbenga. Ito ay may
kahulugang panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak na nilikha ni Ike Picpican, isang arkibista
at kurado. Ipinagdiwang ang unang linggo ng flower festival noong Pebrero 9-18, 1996 sa komendasyon
ng Resolution 007-1996. Mula noon, ang kaspitahang ito ay naging pangunahing atraksyon ng Lungsod
Baguio na dinadayo ng libo-libong mga lokal at dayuhang turista upang matunghayan ang magarbong
mga floral floats at street-dancing parade.
Noong 2001, ang dating isang linggong selebrasyon ay naging isang buong buwan na pista sa
komendasyon ng Resolution 033-2001. Noong Hulyo 2002, nabuo ang Baguio Flower Festival
Foundation, Inc. (BFFFI). Noong umupo si Braulio Yaranon bilang alkalde ng lungsod, itinatag niya ang
Baguio Flower Festival Association (BFFA), at mula noon ang dalawang organisasyon na ito ang punong
namamahala na ng kapistahan.

10. Pintados Festival ( Leyte )

Ang Pista ng Pintados, o tinatawag ding Pista ng Pintados-Kasadyaan, ay isang masayang pagdiriwang na
tumatagal ng isang buwan, kung kailan din ginaganap ang "Leyte Kasadyaan Festival of Festivals", ang
"Pintados Festival Ritual Dance Presentation" at ang "Pagrayhak Grand Parade". Ang mga pagdiriwang ito
ay sinasabing nagmula sa Pista ni Señor Santo Niño tuwing ika-29 ng Hunyo. Ang mga taga-Leyte ay
ipinagdiriwang ang nasabing pista sa isang bukod-tangi at makulay na pamamaraan. Bihasa ang mga
Bisaya sa pagtatato, ang mga lalaki't babae ay mahilig magtato sa kanilang sarili.

Ipinapakita ng Pista ng Pintados ang mayamang kultura ng Leyte at Samar, sa pamamagitan ng


pagsasama-sama ng mga katutubong sayaw at musika. Ang "Leyte Kasadyaan Festival of Festivals"
naman ay nagpapakita ng bukod-tanging kultura at makulay na kasaysayan ng probinsiya ng Leyte.
Sinimulan ni dating Gobernador Remedios Loreto-Petilla, ang pagdiriwang ay unang ginanap noong ika-
12 ng Mayo, 1996. Ang mga pista ay hindi laging ginaganap tuwing ika-29 ng Hunyo dahil sa unang
tatlong taon ay nangyari ito sa magkaka-ibang petsa. Noong 1999 lamang ito opisyal na itinakda sa araw
ng Hunyo 29, ang Pista ni Señor Santo NIño de Leyte.

Ang kahulugan ng "Kasadyaan" sa dayalektong Bisaya ay katuwaan at kasiyahan. Maraming pista ng


munisipalidad ng Leyte ang nagsasama-sama sa kabisera, sa Lungsod ng Tacloban, upang makiisa sa
selebrasyon. Masisiglang parada ng mga drama at sayaw ang nagaganap. Isang mahalagang papel ang
ginagampanan ng mga pistang ito, iyon ay upang mas mahikayat ang bawat Leyteño na ipagmalaki at
pahalagahan ang kanilang kultura. Bawat munisipalidad ay gumagawa ng kanilang istorya ibabahagi sa
pista tungkol sa kanilang lokal na mga kuwento at alamat.
Noong 1668, dumating ang mga Espanyol sa Visayas at natagpuan nila ang mga babae't lalaki na puno ng
tato ang mga katawan, na tinawag nilang "pintados". Gamit ng mga pintados ang matalas na bakal na
pinaiinitan muna sa apoy bago gawin ang pagtatato. Ang mga taong ito ay may sariling kultura, mayaman
sa mga pagdiriwang at pagsamba sa mga diyos tuwing masagana ang ani.

Dinala ng mga misyonaryong Espanyol noong 1888 ang imahe ng batang Jesus, na kilala bilang "El
Capitan", sa Pilipinas. Maganda ang pinagmulan nito kaya nakuha agad ang debosyon at pagsamba ng
mga katutubo ng Leyte sa Santo Niño.

Noong 1986, itinayo ang Pintados Foundation, Inc. ng mga negosyante at mangangalakal sa Tacloban.
Sinimulan nilang mag-organisa ng mga aktibidad para sa pista ng lungsod na parangal kay Señor Santo
Niño. Dito nagsimula ang Pista ng Pintados, na unang ipinagdiwang noong Hunyo 29, 1987. Ngayon ay
tinatawag itong Pista ng Pinatados-Kasadyaan, na binansagang "Festival of Festivals".

Mabuhay Travel Blog

HomeFestivalsMakulay Na Pagdiriwang Sa Pilipinas Para Sa Bawat Buwan Ng Taong 2019

Festivals

MAKULAY NA PAGDIRIWANG SA PILIPINAS PARA SA BAWAT BUWAN NG TAONG 2019

Jocelyn@MabuhayTravel 20/03/2019 0 Rating No Comment Festivals

Isang kilalang katotohanan na ang mga Pilipino sa lahat ng dako sa mundo ay nagnanais na ipagdiriwang
at magkakasama, gusto ipagdiwang ang halos lahat ng bagay, gawin itong kamangha-manghang paraan.

Ang mga kapistahang Pilipino ay malaking pagdiriwang ng Kultura na umaakit ng mga local at dayuhang
turista dahil sa makulay at maligaya na kalikasan.
Narito ang listahan ng mga Festival sa Pilipinas at iyong gabay kung saan pumunta at gagawin.

Traslacion of The Black Nazazrene (January 19)

Tuwing Ika-9 ng Erneo, Ipinagdiriwang ng mga deboto ang Pista ng Itim na Nazareno sa Quipo, Maynila.

Ang estatwa ng Itim na Nazareno ay isang imahe ni Kristo na kasing-laki ng tao, may maitim ang balat at
nililok ng isang Aztee na karpintero at binili ng

isang paring taga-Mexico noong panahon ng Galleon Trade.

Ang mga deboto ng Itim na Nazareno ay nagsisimba tuwing Biyernes.

Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:

Ang mga ruto ng parade ay nagbago sa paglipas ng mga taon dahil sa mga aksidente at mga kakulangan
sa Istruktura sa mga tulay na bahagi ng tradisyunal na ruta.

Ang itim na Nazareno unang dumating sa Pilipinas noon 1606 mula sa Mexico, ipinasok sa Quiapo Church
ang estatuwa noong 1787.

Ang Rebulto ay sakay sa karwahe, tinatawag na “andas” at may dalawang lubid na hinihila ng mga
deboto.

Papunta doon:
Sa pamamagitang ng eroplano: Nais na sumali sa pagdiriwang ng Pista ng Black Nazarene at ikaw nasa
ibang Bansa. Tawag lang po sa Mabuhay Travel ang aming Pilipino call agent ay tutulong sa inyo.

Sa pamamagitang ng barko/ Ferry: Visayas at Mindanao, maaaring nag pa book ng ticket papuntang
Maynila, ito ay mas mura at makakapanili

Sa pamamagitang ng Land Trasportation: Para lang ito sa mga taga Maynila, mas maaga dapat umalis,
dahil pag may mga okasyon karaniwang na ang Traffic sa Siyudad.

Ati-Atihan Festival (January 14-20)

Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatatlong linggo ng Enero kada buwan taon ang pista ng Ati-
atihan sa kalibo, Aklan, bilang pagdakila sa Santo Nino. Nagpapahid ng uling sa mukha ay katawan ang
mga mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo ng tambol na waring nagsasagutan sa himig ng “Hala
Bira”. Makikilahok ang buong bayan sa pista, magbabahaginan ng pagkain at inumin.

Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:

Pagdiriwang ng Santo Nino ngayon, ang Ati-atihan Festival ay dating Pagan Festival ibig sabihin ay
kapistahan ng mga Anitos.

Tampok ang walang katapusan pagsasayaw sa kalye.

Ang Ati-atihan ay sinasabing “tulad ng Atis”. Ang atis ang mga orihinal na naninirahan sa Panay, kung
saan matagtagpuan ang lalawigan ng Aklan.

Papunta doon:
Sa pamamagitang ng eroplano: Tawag lang po sa Mabuhay Travel ang aming Pilipino call agent ay
tutulong sa inyo kung ikaw nasa ibang Bansa.

Sa pamamagitang ng barko / Lantsa: maaring mag check online para sa pagpa booking ng ticket sa
pagsakay ng barko.

Sa pamamagitang ng Land Transportation: Mag- book ng flight patungo sa caticlan. Ang biyahe mula sa
Caticlan hanggang Kalibo ay mahigit isang oras.

Sinulog Festival (January 1 – February 2)

Alay ito sa Santo Nino at sa tuwing Sinulog Festival ay libo-libong mga deboto ang tradsiyonal na
nagtutungo sa Cebu upang magbigay ng pasasalamat at magdasal. At sa mga turista ay kasiyahan naman
ang naghihintay sa kanilang pagdating at tipong Rio Carnival at mardigras ang tema ng Sinulog Festval.

Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:

Ang makukulay na costumes, engrandeng parade at ang paligsahan ng kagandahan.

Ang sayaw sa Sibulog ay dalawang hakbng pasulung at isang paatras sa saliw ng nakakaindak na musika.

Ang imahe ng Santo ay isang Baptismal gift ng Portuguese explorer na si Ferdinand Magellan nang
dumaong siya sa Cebu City noong 1521.

Papunta doon:

Sa pamamagitang ng eroplano: Cebu City ay kilala bilang pinaka accessible na Lungsod sa Bansa.
Sa pamamagitang ng Barko: Galing Maynila/Davao maaari mong bilhin ang iyong ticket sa mga Shipping
company ticket outlet, ito’y panakamura.

Sa pamamagitang ng Land Transportation: Maraming, pagpipilian, jeep, taxi, bus at tricycle upang
makapalibot sa siyudad.

Dinagyang Festival (January 25-27)

Ang Dinagyang Festival ay isang relihiyoso at kultural na pagdiriwang na ginaganap sa Lungsod ng Iloilo
tuwing ikatlong linggo ng Enero o pagkatapos ng Sinulog sa cebu at Ati-atihan sa Aklan. Ginagawa ito
bilang pagdiriwang sa pista ng Santo Nino at para na rin sa pagdating ng mga Malay sa Panay ng nagdala
ng Ita sa lugar, Simula ng ito ay gawin taunang selebrasyon, marami ang nakaapansin sa pagdiriwang at
nabigyan ito ng National Commission for the Culture and the Arts ng karangalan bilang Festival od
Excellent Folk Choreography.

Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:

Nagsimula ang selebrasyon ng Dinagyang noong 1968 nang dinala ng Confradia del Santo Nino de Cebu
ang imahe ng Santo Nino na pinangungunahan ni Padre Sulpicio Endere.

Ang Dinagyang Festival ay may opisyal na mascot na pinangalanaang Dagoy.

Papunta doon:

Sa pamamagitang ng eroplano: Magpa-book ng direktang flight galing Maynila – Iloilo. Kung ikaw nasa
ibang Bansa, tawag lang po sa Mabuhay Travel.
Sa pamamagitan ng bangka/ferry: Manila – Iloilo maaring sumakay ng Barko, bumili ng iyong ticket sa
mga shipping lines ticket outlet.

Sa pamamagitang ng Land Transportation: Metro Manila bus terminal may ruta papuntang Iloilo sa
Cubao /Pasay.

Panagbenga Festival (February 1 – March 10)

Ang Pista ng Panagbenga o ang Baguio Flower Festival ay ang taunang kapistahansa Lungsod Baguio na
idinaraos sa buwang ng Pebrero.

Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:

Sinumulang ipagdiriwang sa Baguio City ang “Panagbenga Festival” noong 1996.

Ang salitang Panagbenga ay may kahulugang, “panahon ng pagyabang, panahon ng pamumulaklak”.

Ang Pangbenga 2017 parade ay dinaragsa ng maraming tao na umabot ng 2 milyong tao sa Baguio.

Papunta doon:

Sa pamamagitan ng Land Trasportasyon: Sa Maynila ay may Bus terminal, na bukas ng 24 oras at


naglalakbay sa Baguio City.
Bamboo Organ Festival (February 21- 27)

Las Pinas Bambo Organ, kilala bilang isa sa nangungunang atraksyon sa Lungsod ng Las Pinas. Ang
Bamboo Organ Festival ay may malaking bilang ng mga musikero mula sa Pilipinas at sa buong mundo
ang dumating to perform sa kahanga-hangang instrumento.

Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:

Ang natatanging instrumentong binubuo ng 1,301 na tubo yari sa kawayan ang 902 nito, habang ang
iba’y yari sa bakal

Inabot ng walong taon si Padre Diego Ciera bago niya nabuo ang bamboo Organ.

Ipinahayag ang Bamboo Organ Bilang National Cultural Treasure noong 2003.

Papunta doon:

Sa pamamagitan ng Land Trasportasyon: Ang Parish Church of St. Joseph ay madaling mapuntahan, sa
pamamagitan ng isang jeepney at taxi.

Mariones Festival (March 25-31)


Ang Moriones Festival ay ang pagsusuot ng mga maskara at pagkopya ng mga suot ng mga sundalo sa
bibliya. Inaarte rin nila ang pagpako sa krus ni Kristo bago ang Araw ng pagkabuhay.

Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:

Ang Via Crucis o re-enactment ng passion of Christ ay nagaganap din sa pagdidiriwng na ito sa Pilipinas.

Ang Morion ay nangangahulugang “Maskara” na bahagi ng medyebal na helmet ng senturion ng Roma.

Ang pag re-enactment ay naging kasukdulan ng mahuli si Longinus at pinugutang ng ulo.

Papunta doon:

Sa pamamagitang ng Barko/Ferry: May ruta ng ferry galing Manila papunta Balacanan Port Marindeque
o Dahilican Port.

Sa pamamagitang ng Land Trasportasyon: Araw-araw may bus galing Maynila papuntang Marindeque, ito
ay mas mura.

Bangus Festival (April 3 – 14)

Bangus Festival ang isa sa mga pinakaaabangang Festival sa Norte at itinuturing an pinakamalaki at
pinakamakulay na selebrasyon na nagtatampok sa kultura at pangunahing produkto ng Dagupan City.
Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:

Nanalo ang Lungsod ng pagkilala sa Guiness Book of World Records para sa pag-organisa ng
pinakamahabang Bangus barbecue noong 2003

Ang Bangusine “Bangus International Cuisine Showcase” na nilalaukan ng ilang Dayuhan.

Pambansang Sagisag ng Pilipinas ang mga Bangus.

Papunta doon:

Sa pamamagitang ng Land trasportasyon: Manila Bus terminal sa Pasay o Cubao ay may rutang Manila-
Dagupang City, apat hanggang limang oras nag paglalakbay.

Pahiyas Festival (May 15)

Isang tradiyon din ito, Pinararangalan dito ang Santo ng mga magsasaka na si San Isidro de Labrador.
Nagkakaisang nagsasabit ang mga taga-Quezon ng mga produktong-bukid at katutubong pagkain sa
pintuan at mga bintana ng kanilang bahay.

Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:

Isang bahagi ng pagdiriwang ang pagbasbas ng mga Kalabaw,


Ayon sa kanilang tradisyon, pag mas makulay ang iyong tahanan sa pagdaan ng prusisyon ay mas
magiging masagana ang iyong buhay ngayong taon.

Papunta doon:

Sa pamamagitang ng Land Trasportasyon: Bus terminal Cubao o Buendia ay may rutang Lucban.

Pintandos-Kasadyaan Festival (June 29)

Naging makulay at masaya ang taunang pagdiriwang nga Pintados-Kasadyaan Festival sa Tacloban City
kung saan bida ang Kulturang Pinoy.

Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:

Ang “kasadyaan” sa wikang Bisaya ay nangangahulugang pagsasaya at kagalakan.

Ang parade ay nagsisimula sa Balayo Towers at nagpapatuloy sa buong Tacloban Leyte City.

Papunta doon:

Sa pamamagitang ng eroplano: Araw-araw ay may lilipad papunta sa Tacloban.

Sa pamamagitang ng dagat: Tumatagal ng 36 oras ang paglalakbay sa dagat papuntang Tacboban City.
T’nalak Festival (July 11 – 17)

Handang-handa na ang buong lalawigan ng South Cotabao sa pagdiriwang ng T’nalak Festival at


Foudation Anniversary ng Lungsod.

Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:

Tri-people grand parade na tinampukan ng Street dancing at show down competition, sa ilalim ng nga
kategoryang Madal Be’ Lan nagpapakita ng kulturang T’Boli.

Regional Industrial at Trade Expo, Trade Fair at Exhibit.

Papunta doon:

Sa pamamagitang ng eroplano: Galing Maynila – General Santos City or Davao City, sa dalawang Lungsod
ay maaari ka ng mag bus papuntang South Cotabato.

Kadawayan Festival (August 13- 19)


Ang kasaysayan ng pagdiriwang ay pagtitipon at pagsasagawa ng seremonyas at ritwal ng pasasalamat sa
kanilang mga Bathala lalo na sa kay “Manama” na siyang pinakamataas na Bathala sa lahat.

Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:

Davao river festival mga Tribo makikilahok sa fluvial parade, makukulay ng floats parade.

Sayaw Mindanaw paligsahan ng mga katutulong sayaw.

Hiyas ng Kadayawan paligsahan ng mga kinatatawan ng kanilang tribo, natatangin katutubong babae
lamang.

Papunta doon:

Sa pamamagitang ng eroplano: Araw- araw ay may Flight galing Maynila papuntang Davao City.

Sa pamamagitang ng Dagat: Sa barko ay tatlong araw ang pagalalakbay sa dagat, marating ang Davao
City.

Tuna Festival (September 3)

Bilang pagbibigay pugay sa kahalagahan ng Industriya ng Tuna sa Genral Santos, ay ipinagdiriwang ang
Tuna Festival tuwing buwang ng Septembre. Sa pamamagitan ng iba’t ibang mga gawain t aktibidades.
Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:

Parada sa Dagat o parade sa pagsasayaw sa kalsada, Float parades at Tuna Revolution

Ang Tuna congress, Tuna fiesta Carnival, Tuna Culinary competition at Miss Gensan pageant ay ilan sa
mga aktibidad na gaganapin sa panahon ng pagdidiriwang.

GenSan the Capital of Tuna in The Philippines.

Papunta doon:

Sa pamamagitang ng eroplano: Araw-araw ay flight galing Davao City at maaari rin maglakbay sa
pamamagitan ng bus galing Davao City.

Masskara Festival (October 1 – 28)

Ang Masskara Festival ay siyang pinakamalaking taunang kasiyahan sa Bacolod City kung saan ito ay
sumasalamin sa mga Bacolenos bilang masayahin, magalakin at palaging nakangiti.

Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:

Nagkakaroon ng kumpetisyon sa pag sayaw sa kalye O Street dancing kung saan ang mga tao mula sa
lahat ng antas ng pamumuhay ay nasa kalye ng syudad at nakikisaliw sa ritmo ng musika.

Ang okasyong ito ay nagtatampok ng mga Kumpetisyon sa palaro, kultural na mga programa, karnabal,
paligsahan sa kagandahan at katalinuhan ng mga Bacolenong dilag.
Papunta doon:

Sa pamamagitan ng eroplano: mahigit isang oras ang paglalakbay galing Maynila.

Sa pamamagitan ng Barko/Ferry: Manila-Bacolod Ferry.

HIgantes Festival (November 22 – 23)

Ang Higantes Festival o ang Pista ni San Clemente ay isang masya at makulay na pista na isinasagawa sa
Angono, Rizal. Sa Higantes Festival, ang mga lalaking deboto ay pinagpaparada sa mga kalsada na may
kargang imahe ni San Clement.

Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:

San Clement ay Santo ng mangingisda.

Ang mga higante ay umaabot sa 12 talampakan sa tangkad at 5 na talampakan sa haba.

Nagsisimula noong ang angono ay isnag hacienda ng mga Espanol.

Papunta doon:
Sa pamamagitang ng Land transportasyon: Ang jeepney at van sa may Farmers Market Cubao o sa Edsa
Corssing papunta sa iba’t ibang bahagi ng Rizal. Maari ka rin sumakay ng bus na may signboard na
Angona.

Giant Lantern Festival (December 1 – 31)

Isa sa mga popular na kapistahan sa Bansa, ang Giant Lantern Festival sa San Fernando City, Pampanga,
na naghahatid ng masaya at makulay na diwa ng Pasko at ang dahilan kaya tinagurian ang Lungsod na
“Christmas Capitla of The Philippines”.

Makabuluhan / katotohanan at mga detalye sa pagdiriwang:

Ang pista ay napapakita ng kagalingan sa paglikha ng malahiganteng parol.

Nasa 20 talampakan ang taas ng bawat lantern na ginamitan ng 10,000 ilaw.

The Pahiyas Festival

Held on May 15 of every year, the Pahiyas Festival is carried out to give thanks to San Isidro Labrador for
the good harvest. It is one of the country’s oldest festivals tracing its origin way back to the 16th
century. Back then, farmers bought food to the foot of Mt. Banahaw as a sign of Thanksgiving, but
eventually this tradition — done in the hopes of having a good harvest year — was modified to make the
church the central offering place.
The Pahiyas is commonly associated with Lucban, Quezon, but it is also celebrated in two other Quezon
towns: Sariaya and Tayabas.

Why you should be there: Pahiyas is one of the most lively, most colorful and the most elaborate festival
in Luzon. The whole place comes alive in color and music. Not to mention Lucban food that includes
Lucban’s world famous longanisa, broas and kiping, the star of the pahiyas.

Panagbenga Festival in Baguio Philippines

panagbenga2

It used to be that February was Baguio City’s least favorable month, experiencing a doldrum in the
number of visitor arrivals that usually peak in December (for the holiday season) and March or April (for
the Lenten Season), on top of the summer months. However, with the introduction of the Panagbenga
Festival, February became a time of pageantry, fun and merrymaking in Baguio City as the city becomes
covered with the most beautiful flowers in the region.

Together with its blooms, Panagbenga also showcases the different cultures of its 11 tribes such as the
Igorots and the Ibalois. In fact, the street dance of the Panagbenga features dances that are inspired by
these cultural tribes.

Why you should be there: Simultaneously get a taste of Baguio’s tribal culture and the Tournament of
Roses parade.

Fertility Dance at Obando


Couples who wish to have a child flock to Obando, Bulacan, and every May 17 to 19 to join the street
dance in Honor of Santa Clara. The street dancing is said to be a prayer made by the couple. The belief
stems from early practice and is said to be effective, as some have been miraculously blessed with an
offspring soon after they joined the dancing.

Why you should be there: The benefits are obvious if you are childless, but for other people, the
Obando dance is only one of the very few religious Luzon festivals that featured street dancing on a
major part of the area.

Bangus Festival

Dagupan is known as the Bangus Capital of the Philippines, and the City lays its claim to this by holding
the Bangus Festival for 19 days in April, culminating on April 28.

The bangus, or milkfish, festival pays tribute to the City’s biggest industry and features various activities
that center on the fish. From deboning to eating, from the longest to the heaviest and even to the most
beautiful, each year attempts to put out a record with its bangus competitions.

Why you should be there: Aside from being there while the City or its citizens bag a possible Guinness
World Record, the festival also features street dancing contests, the search for the Bangus Queen (a
beauty pageant), fluvial parades, and a citywide sale for the shopaholics on a budget!

Pagoda sa Wawa

Festivals are a time for celebration, but it is also a time for food. Bocaue, Bulacan’s Pagoda sa Wawa
combines both.
The river festival is held every July, when a barge carrying a huge decorated float is released along the
Bocaue River. This is where dozens and possibly hundreds of people partake on good food and great
music. The floating feast actually commemorates Wawa’s Holy Cross, which was first found floating on
the Bocaue River.

Why you should be there: Experience a one-of-a-kind river feast. After a tragedy left dozens of people
dead a few years ago, the Wawa festival has been closely scrutinized to ensure the safety of future
pagoda riders.

Bacao Festival

Bacao Festival (English: Corn Festival) is a week-long annual corn festival occurring in town of Echague
Isabela, the Queen Town of Isabela Province. The term “Bacao” is of Yogad origin, meaning “corn”.

The festival, held during the month of March from (15 to 19), was created as a tribute to the town’s corn
and as a way to give thanks of the town’s fruitful harvest. March is the harvesting season of corn in the
region.

In 2003, Echague began its Bacao Festival in celebration of the feast day of Saint Joseph the Worker, in
honor of Patron Saint of Echague.

The festival attracts over thousands of visitors from all over Isabela and other neighboring provinces.

The event also features motocross racing, longest corn grilling, and others.

The festival includes banners that are decorated using different parts of the corn plant like corn and corn
leaves. The festival also includes street dancing, presented by dancers clad in corn-inspired costumes,
that are presented by different institutions governed by the town of Echague. Among these participants
are coming from the Academic Institutions (College, High School and Elementary Students), Local
Government Unit, Philippine Army, Private Sectors and other commercial establishments.
Aside from economic boosts from tourism, the festival also helped the younger generation of
understanding how important Filipino culture’s old tradition ofBayanihan and also to give awareness to
the world that Yodag speaking people exist.

You might also like