Panitikan NG Re

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Panitikan ng Rehiyon

Repleksyong Papel

I. INTRODUKSYON

Ang Panitikan ay ang syang nagigiting tulay upang malaman ng makabagong henerasyon ang
kaugnayan ng nakaraan sa ating kasalukuyan. Ito ng syang nagsisilbing lakas ng lipunan upang
magkaroon ng sariling pagkakakilanlan. Titik, salita, pangungusap bumubuo ng ating
panitikan. Panitikan na sumasalamin sa ating kasaysayan. Kasaysayan na nagbibigay sa
atin ng kaalaman tungkol sa nakaraan. Mga nagdaang pangyayari na tunay na may
kabuluhan at handog ay kaalaman. Panitikan na sa ating bansa ay lumaganap,
lumalaganap at sa mga susunod pang henerasyon ay papalaganapin. Ipapaalala at
ipapaalam sa halos 7,107 pulo sa ating bansa ay may kani-kaniyang panitikan na
mayaman sa kaalaman at mayroong karunungang hatid. Sa labimpitong rehiyon sa ating
bansa ay maraming panitikan ang hindi pa natin nalalaman. Kung ating pag-aaralan ay
may masaya at kamangha-manghang kaalaman ang panibago nating matututuhan. Tulad
ng isang walis ang ating bansa ay binubuo ng iba't ibang rehiyon ngunit dahil tayo ay
may pagkakatulad sa mga kultura tayo ay pinagbigkis at pinagsama upang maging isa at
maging matatag sa mga hamon. Tayo ay nararapat lang din na magpasalamat siya ngang
tunay sa mga dayuhan na mayroong napakalaking ambag at nakaimpluwesya sa ating
pinagyamang panitikan. Marami silang naiturong paraan upang mas lalong yumabonv
ang panitikan ng Pilipinas bago dumating ng mga dayuhan. Paghihirap man ang ating
nakamtan sa kamay ng mga Kastila, Amerikano at Hapones ay mayroon din naman silang
naiambag sa ating bansa maging sa ating panitikan.

Maraming naibigay na pagkakahulugan ang mga dalubhasa ukol sa Panitikan, ilan na nga rito ay si
Arrogante (1983) na nagsalaysay na "Ang panitikan ay talaan ng buhay sapagkat dito naisisiwalat ng
tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na
kanyang kinabibilangan at pinapangarap." at si Salazar (1995) na “Ang panitikan ay siyang lakas na
nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan.”dahil ang panitikan ay ang siyang sinusunod at nagiging
gabay ng mga kasapi ng lipunan. Ang panitikan na nagmula sa salitang Pantitik + an na naging
pantitikan at naging panitikan ang mga nailimbag na dokumento at ang mga gawi na hanggang sa
ngayon ay naipalalaganap sa bawat rehiyon sa Pilipinas. Rehiyon ang bumubuo sa Pilipinas, may iba-
ibang paniniwala, tradisyon at kultura ngunit dahil may iisang pinagmulan bansa natin ay naging isa at
nagkakaisa. Pinagbigkis sa iisang hangarin tulad ng panitikan ng atibg bansa iba-iba man ng
katawagan ay may pagkakapareho namn ang bawat isa. Ang mga nakagawian sa isang rehiyon ay
ginagawa rin sa iba ngunit mayroon silang sariling mga katawagan batay sa kanilang dayalekto ngunit
kung uunawain ay pareho lamang sa iba. Rehiyon 1 hanggang 13 lasama ang NCR, ARMM at CAR
region kaya ang Pilipinas ay mayroon 17 Rehiyon. Bawat rehiyon ay may iba't ibang kultura, tradisyon
na maipagmamalaki sa buong bansa. Ang ating bansa ay mayaman sa likas na yaman at
kinabibilangan ng agrikultural na mga pulo. Simula Batanes hanggang Sulu ay mayroong mga
panitikan ang bawat probinsya. Panitikan na buhay at patuloy na ginagawa ng mga taong naninirahan
rito. Iba't ibang pangkat etniko na hanggang ngayon ay binubuhay ang mga panitikan at tradisyon na
minana sa mga kanunu-nunuan. Patuloy na pinagyayaman at pinagmamalaki sa ibang lahi. Ang pag-
aaral ng ating sariling panitikan ay tunay ngang mahalaga dahil dito ay mababatid, malalaman at
mararamdaman natin ang mga bagay na naganap sa nakaraan kung saan kasangkot ang ating mga
ninuno. Malalaman din natin ang mga bagay na ginawa ng ating mga ninuno pagdating sa sistema ng
pamumuhay na kung saan ay sila ang unang nakaalam ng sistema ng pagsulat at ang sistema ng
pamumuhay. Sila ang unang nakatuklas ng mga teknolohiya na ngayon ay mas makabago na at
napakinabangan ng bawat isa sa ating henerasyon. Mababatid din natin ang mga paghihirap ng ating
mga pinuno upang pandayin ang ating kinabukasan at upang maranasan ang mga bagay na dapat ay
matamo natin. Upang mas lalo pa nating makilala ang ating bansa at ang mga panitikan dahil bilang
isang Pilipino ay pinagyaman at hinasa ang ating isipan uoang maging isang matatag at magkaroon ng
diwang makabansa. Ang pagmamahal sa bayan ay nagpapakita ng pagmamahal sa ating panitikan.
Sinusuportahan at binibigyang pansin kaysa sa mga pinapauso ng ibang lahi. Mas tinatangkilik ang
mga produktong matatagpuan sa ating bansa.
II. PAGTALAKAY

Ang Pilipinas ay isang kapuluan o arkipelagong


binubuo ng 7,107 na malalaki at maliliit na mga pulo.
Ito ay matatagpuan sa Timog-Silangang Asya at may
lawak ng lupaing 300,000km2 . Ang Pilipinas ay may
bakubakong lupa at paliku-likong baybayin na may
kabuuang sukat na 36,289 kilometro. Ang Pilipinas ay
mayaman sa likas na tubig dahil ang ating bansa ay
napapalibutan ng mga karagatan. Mayroong iba't
ibang dayalekto ang namamayagpag sa ating bansa
na kung saan ay tinatayang 130 ang lahat ng ito. Ang
ating bansa ay binubuo ng 17 rehiyon, una na rito ay
ang Rehiyon sa Hilagang Kanluran Luzon, ang rehiyon ng
mga Ilokano o ang Rehiyon 1.

Ang mga kabisera ng Rehiyon na ito ay ang Lungsod


ng Laoag,Vigan,San Fernando,Lingayen.
Bulubundukin at maburol sa hilagang kanlurang
bahagi ng Luzon at mayroon rin silang malawak na
kaatagan. Ang mga katutubo sa rehiyon na ito ay
tinatawag na tingguian na nagmula sa kataga na
Tingue at nangangahulugang Mountaineers o mga
tao sa kabundukan. At mayroon din silang tinatawag
na Itneg ay tulad lamang ng sa Tingguian at kilala sa
Samtoy o Ilokanong salita. Mayroon din silang mga
Akdang Pampanitikan tulad ng Doctrina Christiana na isinulat niNi Cardinal Berllarmine
na isinalin ni P. Francisco Lopez. Ito ang kauna-unahang libro ng mga Ilokano.
Naglalaman ito tungkol sa unang tulang iloko at mga bahagi na naisulat ng mga
katutubong script.Mayroon din silang mga Kantahing bayan tulad ng Pinagbiag na
nagpapahayag ng kwento ng mga bayani, Dallot na isang awit sa kasalan, binyagan at iba
pang seremonya na masasaya. Ang Badeng o isang awit pag-ibig na ginagamit ng mga
kalalakihan upang mangharana, Dung-aw awit sa Patay, Dasal patungkol sa mga
mangmangkik isang dasal para sa mga elemento sa ating mundo na hindi natin nakikita
upang hindi sila magalit o maminsala. Kasama rin dito ang Arikenken na may tema na
tungkol sa karapatan at responsibilidad na paligsahan ng mga kalalakihan at kababaihan.
Hele o pagduayaya na nangngaihilugang awit sa oagpapatulog ng bata at ang awit sa
paggapas, pangingisda, pagtatanim at bago tumungo sa digmaan, ginagawa ang dasal o
awit na ito upang gabayan at magkaroon sila ng magandang ani.Mayroon ring Plawtang
may 6 na butas ang mga Ilokano na kung tawagin nila ay Tulali.

Bakit umakyat sa damo ang mga suso? Ni Jose E. Tomeldan ng Binalonan,Pangasinan,


Ang kauna-unahang unggoy ni Sotero, Albano ng Dingras, Ilocos Norte, Ang alamat ng
bigas, Alamat ng pinaupong bangkay Ay ilan lamang sa mga Alamat na nagmula sa
rehiyon 1. Ito ay patungkol sa mga nasa kaaligiran nila at pangunahin na rito ay ang bigas
at ang ibang hayop sa kabukiran. Ang tatlong magkakapatid na lalaki, Ang tatlong
magkakapatid na masuwerte, Si Juan Tamad, Ang Gintong Tuntunin ay ilan lamang sa
mga kwentong bayan na nagpapakita ng iba't ibang aral. Tanyag din sa Rehiyin na ito ng
epikong BIAG NI LAM-ANG ni Pedro Bukaneg. Ang Bugtong sa Ilokano ay tinatawag na
Burburtia o Burtia, ang salawikain ay Pagsasao at Bulong ay Arasaas. Sarita naman ang
tawag ng mga Ilokano sa kanilang maikling kwento. Siya ngang tunay na maraming bagay
ang hindi pa nalalaman tungkol sa mga rehiyon sa aking bansa.
Batanes, Basco Cagayan,Tuguegarao Isabela,Ilagan, Nueva Vizcaya, bayombong, Quirino,
Cabarroguis ay ang mga probinsyang matatagpuan sa Lambak ng Cagayan ang Rehiyon 2.
Ang Cagayan ay isang bulubunduking Rehiyon kung saan ay katatagpuan ng mga
kagubatan. Ang ilan sa mga katutubo sa Cagayan ay ang mga Ivatan, Gaddang, Ibanag,
Dunagat, Isneg, Igorot at Ita. "Biuag anni Malana" ang tanyag na epiko sa kanilang
rehiyon. Salomom ito ay isang epikong inaawit kasabay ng “cinco-cinco” o
instrumentong may limang kuwerdas tuwing Pasko sa harap ng altar. Verzo ito ang verzo
ay katumbas ng coplas ng mga Espanyol. Ito ay isang awit na may apat na linya at tugma,
ito ron ay ginagawa o nililikha sa binyag o kasal. Awit para sa pag-ibig na madalas ay
mensahe tungkol sa mga pangako, pagtatapat, paninigurado, pag-aalay at pagtuturo.
Salawikain ay mas kilala sa taqag na Ibanag o Unoni ito ay maaaring prosa at maaari ring
patula. Palavvun o mas kilala na Bugtong sa mga Tagalog ito ay gaya rin sa tagalog na
ginagamit upang pangkasiyahan, panlibangan at kung minsan ay tagisan ng talino.

Tinaguriang palabigasan ng Pilipinas na nasa hilagang-silangang bahagi ng gitnang Luzon.


Ito ay may kabuuang sukat na 560,220 kilometro parisukat. Noong 1705 pinangalanang
Nueva Ecija ang lalawigan ng isang kastila nangangalang Cruzan. Alinsunod sa ngalan ng
kanyang bayan sa Espanya, ang Ecija, Seville. Ito ang Rehiyon 3 o mas kilala sa Gitnang
Luzon at ang mga probinsya dito ay Pampanga,Bulacan,Bataan,Nueva
Ecija,Tarlac,Zambales,kabilang ang mga Etno-linggwistoko tulad ng
Tagalog,Ilokano,Kapampangan,Pangasinense. Ang rehiyon na ito ang tinawag na
palabigasan ng Pilipinas dahil kaya nilang magkapag-ani ng
maraming palay dahil sila ay may malalawak na palayan. Ang
pangunahing kabuhayan nila ay pangingisda,
panghahayupan,pagsasaka, pagmimina,pagtrotroso, at
paggawa ng asukal at produktong yari sa rattan. Idagdag pa
ang paggawa ng parol na may pandaigdigang kalidad. Kung
saan ang mga pangunahing produkto ng mga nasa rehiyon na
ito ay bigas, mais, isda,kawaya at mga mineral tulad ng ginto,
tanso, platinum, at iba pa. Hindi mawawala ang awiting bayan tulad ng Basulto ito’y
naglalaman ng mga matatalinghagang salita na pankaraniwang ginagamit sa pagpastol
ng mga kambing, baka, kalabaw, at iba pang mga hayop. Goso ito naman ay tungkol sa
moralistikong aspekto ng kanilang kalinangan. Ito ay may tiyak na aral at inaawit sa saliw
ng gitara, biyolin, at tamburin tuwing Araw ng mga Patay. Pamuri ito ay nag-ugat sa
salitang “puri” at inihahanay sa isang uri ng awit ng pag-ibig ng mga Kapampangan.
Pang-obra ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga gawaing ng mga
kapampangan.Paninta ito ay awit bilang pagpaparangal ng mga Kapampangan sa isang
hayop, bagay, lugar o tao na kanilang labis na pinahalagahan. Ipinalalagay din itong isang
awit ng pag-ibig.Sapataya ito ay awiting nag-uugnay sa mga kapampangan sa kanilang
paniniwalang politikal. May himig ito ng pangangatwiran o pagtatalo habang sinasaliwan
ng isang sayaw sa saliw ng kastanyente.Diparan na naglalaman ng mga salawikain at
kasabihan ng mga kapangpangan. Ang kanilang paksa ay hango sa katotohanan na
kanilang naranasan sa buhay. At tulad din ng sa tagalog mayroon din silang mga dula
tulad ng Karagatan, duplo, Kumidya at Zarzuela. At mga Akdang Panrelihiyon tulad ng
Pasyon na naglalaman ng buhay at pagpapakasakit ni Hesukristo sa Krus at Cenakulo na
naglalaman ng mga paghihirap ni Kristo hanggang sa kanyang kamatayan.
Ang Rehiyon 4 ay nahahati sa dalawa nag Rehiyon 4-A na kilala sa tawag na
CALABARZON o Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon at ang pangalawa ay Rehiyon
4-B o mas kilala sa tawag na MIMAROPA o Mindoro,
Marinduque, Romblon at Palawan iti ay dahil sa
KautusangTagapagpaganap 103 na nilagdaan ni
Pangulong Arroyo noong May17, 2002 na
nagpapahintulot sa paghati ng Rehiyon IV sa Rehiyon
IV-A at Rehiyon IV-B. Mayaman sa mga likas na yaman
ang rehiyong ito.Tagalog ang wika ng mga mamamayan
dito bagamat may iba’t ibang baryasyon.Mataas din
ang bilang ng populasyon. Ang mga pangunahing
lenguaheng sinasalita ay ang Tagalog, Chabacano at
Ingles. Ambahan ang tawag sa tulang paawit na ginagamitan ng iskip at ang paksa nito ay
panunuyo at pag-ibig. Sa iilang bayan sa CALABARZON ay hindi na ito nagagamit marahil
siguro sa sibilisasyon. Urukan ito ay tulang Paawit na puspos ng mga salita ng
karunungan at katutubong ulat ng mga matatanda. (Sinasaliwan ng gitara, plawta, lira o
anumang“stringed instrument”.). Panubong ay isang tulang paawit bilang pagpaparangal
sa isang dalagang may kaarawan o panauhin sa kanilang baryo. Ang panubong ay
pamutong o putungan sa mga tagalog na ang kahulugan ay pagpuputong ng mga
bulaklak sa dalagang may kaarawan. May tatlong bahagi ito, karaniwan ang tagaputong
ay binata. Ang mga kilalang manunulat sa rehiyon na ito ay sina Jose Rizal ang ating
Pambansang bayani na nanirahan sa Laguna na may akda ng "Noli Me Tangere" at "El
Filibusterismo", Teo S. Baylen ng Cavite sa kanyang "Kaninong Anak ito?". Buenaventura
S. Medina Jr. ng Cavite na tanyag din sa kanyang akda na "Kapangyarihan at Punong-
kahoy", Alejandro G. Abadilla na nanirahan din sa Cavite at ang kanyang kilalang akda ay
"Ako ang daigdig" at sanaysay sa Tula. Kasama rin dito sina Claro M. Recto na taga-
Quezon sa kanyang akdang "Noong bata pa ako",N.V.M. Gonzalez o sa tunay na pangalan
ay si Nestor Vicente Madali Gonzalez (1915-1999), ay isang makata, guro, at Pambansang
Alagad ng Sining sa Panitikan. Iprinoklama na National Artist of the Philippines siya
noong 1997. Namatay siya noong 28 Nobyembre 1999 sa Quezon City, Philippines sa
edad na 84. Bilang National Artist, pinarangalan si Gonzales at inilibing sa Libingan ng
mga Bayani. Isa sa Palanca Awardee noong 1965. Natapos lamang ay haiskul bagkus
nakapagsulat na humigit kumulang sa 500 tula, maikling kuwento, at sanysay.

Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan (MiMaRoPa) Rehiyon 4-B. Ngunit noong ika-23 ng
Mayo taong 2005, tinanggal ang Palawan bilang bahagi ng Rehiyon 4B at inilipat sa
Western Visayas sang-ayon sa Executive Order No. 429. Lamang, noong Agosto 19, 2005,
sa kapangyarihan ng Administrative Order No. 129 ay
pansamantalang ipinawalang bisa ang E.O. 429. Sa
kasalukuyan, ang Palawan ay nananatiling bahagi ng
MIMAROPA. Ang Mindoro ay dating kilala sa tawag na Mait.
Taong 1570 ay sinimulang galugarin ng mga Kastila ang isla at
pinangalanan nila itong "Mina de Oro" (Minahan ng Ginto).
Noong Hunyo 13, 1950, sa bisa ng Batas Republika bilang 505,
hinati ang Mindoro sa dalawang rehiyon: Occidental Mindoro
at Oriental Mindoro. Ang mga Hanunoo Mangyan ay
naniniwala na ang karadwa (kaluluwa) ay hindi matatahimik
hangga't hindi hinahandogan ng ritwal sang-ayon sa kanilang tradisyon. Sa konsepto ng
panliligaw, sinusubukan ng lalaki na makuha ang loob ng babae sa pamamagitan ng pag-
awit ng ambahan(isang tulang binubuo ng pitong taludtod na may tugmaan). Kailangang
pagsilbihan ng lalaki ang babae, bilang bahagi ng panliligaw. Tinatawag itong aguman.
Ang mga Mangyan ay marunong at mahilig sa pagsulat. Ang ukit ng kanilang mga tula at
graffiti ay natagpuan sa bahagi ng lupain ng mga Hanunuo sa sanga ng mga
puno,kawayan at kahit sa mga basket. Sa bahaging Timog na bahagi ng grupo ng mga
Mangyan, ang Urukoy ng mga Buhid at Ambahan ng mga Hanunoo ang
pinakamahalagang anyo ng kanilang tula. Ang salitang Tagbanua ay nangangahulugang
"mga tao mula sa kabukiran". Karamihan sa komunidad ng mga Tagbanua ay
matatagpuan malapit sa dagat at sapa. May mga diyos ang mga Tagbanua ito ay ang
Magnisda o Nagabacaban o diyos ng kalangitan, Poco o isang mapagkawanggawang
ispiritu na tumutulong sa panahong laganap ang sakit, Sedumunadoc o diyos ng
kalupaan na hinihingian ng tulong upang nomagkaroon ng magandang ani. Tabiacoud o
diyos na naninirahan sa kailaliman ng mundo. Agrikultura ang kalaunang kinabilangang
sektor ng mga Tagbanua. Paray ang tawag nila sa Palay at Tabad naman sa Rice Beer.
May tradisyunal na hirarkiya ng lipunan ang mga Tagbanua ito ang Uripin o pangkat ng
mga alipin. Duluan o timawa o low bloods. Ginuu ang pangkat ng mga masikampu o
lider; hudikatura at lehislatura. Masikampu ang pangkat ng mga datu na minana ng mga
Tagbanua sa mga Moro. Mangindusa na pinaniniwalaang nilang may lalang ng lahat. Ang
salitang "Batak" ay nangangahulugang "Taong Bundok". Tinawag naman ito ng mga
Kastila na "Tinitianes" hango sa lugar na Trinitian, lugar sa Hilagang bahagi ng Puerto
Princesa. Binatak ang dayalekto ng mga Batak. Salaysaying Bayan ng mga Batak ang
Liwad-liwad sa kanila ay biro o jokes, Paigumun o bugtong. Tuturan ang kabuuang tawag
sa kwento ng mga Batak.Tultuls na may temang nakakatawa, ngunit mga kwentong
piksyon tungkol sa mga di kilalang tao. Kwinto sa kanila ay kwento tungkol sa isang tao.
Panyaan mga kwento tungkol sa mga dyablo. Diwatu mga kwento tungkol sa herbal na
medisina at sining ng panggagamot. Surublian mga kwento tungkol sa pagsasalin-dila ng
isang matanda habang nagpapahinga at nakapalibot sa tumpok ng apoy. At ang mga
Rombloanon, Ang Rombloanon ay original na nagmula sa Bisaya "Domblon" o "Lamyon"
na nangangahulugang "naka-upo" ay tumutukoy sa mga tao at wika ng Romblon.
Karamihan sa panitikan ng mga Rombloanon ay gumagamit ng metaporikal na
pagpapahayag na siyang taglay ng kanilang mga katutubong kaalaman at pang-araw-
araw na gawain. Ang kanilang mga kasabihan ay nasa anyong patula, samantalang ang
ilan ay binubuo ng dalawang taludturan na may 5-12 na pantig bawat linya.

Ang salitang "Bikol" ay tinatayang maaaring nagmula sa "Bico", ang pangalan ng ilog na
dumadaloy patungong San Miguel Bay. Ang ibang kuro-kuro sa pinag-ugatan ng
terminolohiyang nabanggit ay ang 'bikul' o 'bikal', isang kawayan at ang makalumang
salita na 'bikod' na ang ibig sabihin ay 'baluktot'. Ang ilan sa atraksyon na makikita rito
ayang Bulkang Bulosan, Bulkang Mayon, Mt.
Malinan at Mt. Masaraya, Mt. Isarog, Mt. Iriga at
Bulubundukin ng Calingan. Anim na Probinsiya ng
Bikol ay Camarines Norte, Camarines Sur,
Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate.Ang
rehiyon ng Bikol ay kilala sa tawag na 'Ibalon' na
hango sa salitang 'Ibaloi' na nangangahulugang
'Dalhin sa kabilang ibayo'. Ang 'Ibalon' ay may
pakahulugang 'mga tao mula sa kabilang ibayo na
kilala bilang magiliw sa mga panauhin at
mapagbigay. Ang pangunahin nilang kabuhay ay ang
pagsasaka at pangingisda. Ang Bikol ay pangalawa
sa prodyuser ng abaka sa Silangang Visayas. Ang tradisyonal na panliligaw ay
naisasabuhay pa rin sa bahaging rural ng Bikol. Pagsisilbihan ng lalaki ang pamilya ng
babae; nag-aalay ng dote; nagbibigay ng regalo sa ina ng babaeng ikakasal o tinatawag
na pagdodo; at nag-aalay rin ng regalo para sa kamag-anak ng babae na tinatawag
namang sinakat. Ang Panitikan ng Bikol ay
pinangungunahan ng Ibalon ito ay isa sa epiko ng Bikol na
binubuo ng 240 na taludtod. Alamat ng Bulkang Mayon-
ipinamalas dito ang pag-iibigang Magayon at Matapang.
At awiting bayan tulad ng sarung banggi.

Ngayon ay dadako na tayo sa Rehiyon 6 ang Kanlurang


Visayas Ang salitang Capiznon ay hango sa salitang 'Kapis',
isang kabibing ginagamit upang gumawa ng isang
bintanang salamin at ang unlaping 'non' naman ay
tumutukoy sa 'mga tao'. May herarkiya ang kanilang
lipunan. Binubuo ito sa lima: Datu, Timawa,
Oripun,Negrito at Dayuhan buhat sa ibang
dagat.Patugmahanon- ito ang bugtong sa kanila. Nilalaro
ng mga kabataan sa mga okasyon bilang pampalipas-oras.
Hurubaton ang salawikain ng mga Capiznon.
Ipinapamalas dito ang natural na rikit ng kanilang
kapaligiran at kultura. Kumposo ang pinakatanyag na
tulang pasalaysay ng mga Capiznon. Ang paksa nito ay
nagsisimula sa pagtalakay sa kasaysayan hanggang sa
dumako sa pagiibigan ng ilang indibidwal gayundin,tumatalakay sa kalagayang
panlipunan. Ang Epiko ng Labaw Donggon ay isa sa magkaugnay na epiko ng isla ng
Panay. Ito ay binubuo ng 2,325 na taludtod, mas maikli kaysa sa pangalawang epiko na
may pamagat na Ang Epiko ni Humadapnon na binubuo naman ng 53,000 na taludtod.
Ang dalawang epikong nabanggit ay kabilang sa panitikang oral ng mga tao sa Sulod. Ito
ay inaawit sa kanilang dayalekyo na tinatawag na Kinaray-a. Ang Jama Mapun o 'mga tao
ng Mapun' ay naninirahan sa isla ng Cagayan de Sulu sa Timog-Kanlurang bahagi ng
Pilipinas. Tinatawag nila itong isla ng Tana (lupain), Mapun (wika) at Pullum Mapun.
Naniniwala sila sa kanilang diyos na tinatawag nilang Tuhan o Allah. Naniniwala silang
siya ang may lalang ng langit at lupa. Dalawang batas ng Pagkabuhay: Haldiunga- itong
mundo para sa buhay na ito at Hal Ahirat ang kabilang mundo o ang pagkabuhay muli
matapos mamatay. Ang kanilang panitikan ay nauuri sa tatlong kategorya: Panitikang
may kaugnayan sa Agrikultura. Tarsila or Salsila(may kaugnayan sa kasaysayan) at
Panitikang may kaugnayan sa relihiyon

Ang rehiyon 7 o Gitnang Bisayas ay binubuo ng Bohol, Panay, Negros at Cebu. Ang
salitang 'Boholano' ay mula sa salitang 'Bool', ang pinakaunang pangalan ng Lungsod ng
Tagbilaran, ang kabisera ng Bohol. Ang Bohol ay isang
bulubunduking isla na napapalibutan ng Timog Leyte sa
Silangan,Isla ng Cebu sa Kanluran, Camotes Sea sa
Hilaga at Bohol Sea sa Timog.Ang kanilang panitikan ay
binubuo ng bugtong,salawikan, tulang liriko,
mitolohiya, alamat,kwentong bayan, pabula at
kwentong may mahika. mayroon din silang Tulang
Liriko, ang kanilang tulang liriko ay nagpapahayag ng
marubdob na pag-ibig at iba pang ekspresyon.
Nagpapahayag din ng pagkamakabayan at pagmamahal
sa lupang tinubuan ang kanilang tulang liriko.

Ang mga Waray ay tumutukoy sa mga taong


naninirahan sa Samar (Samareños) at Leyte (Leyteños). Tumutukoy rin ito sa dayalektong
ginagamit sa nabanggit na lugar. Dagdag pa rito ang Lineyte-Samarnon, Binisaya at ang
iba naman ay Cebuano. Ang Ang Panulaang Waray ay ang Ambahan na binubuo ng
dalawang taludtod at walang tugma.Balac ito ay tagisan ng pagtula sa pagitan ng lalaki at
babae. Amoral (Espanyol) Ismayling/Ismaylingay (Amerikano). Bical tagisan din ito sa
pagtula na itinatanghal ng dalawa o higit pang lalaki at babae.Haya- ito ay isang
panambitan na inaawit upang purihin ang mga ninunong pumanaw. Awit ito ay inaawit
ng mga manlalayag na Waray kapag naglalakbay sa karagatan. Sidai ito ay isang
mahabang tula na nagpapamalas ng kabayanihan ng isang lalaki at kagandahan ng isang
babae.

Ang Rehiyon 9 o ang Zamboanga Peninsula ay binubuo ng Zamboanga del Norte, Zamboanga del
Sur, Zamboanga Sibugay, Zambuanga City at Isabela City. Ang Subanon (tinatawag ding Subanu,
Subano o Subanen) ay ang pinakamalaking grupo ng mga lumad o non-Muslim na
komunidad saMindanao. Soba/Suba ay dagat. Nun ang lugar na pinagmulan. Subanon
ang tawag sa dayalekto na kanilang sinasalita. Timuay ang tawag sa lider ng kanilang
komunidad.Ang mga Subanon ay naniniwalang ang
mundo ay pinaninirahan ng kilawan (mortal) at
kanagkilawan (supernaturals). May apat na uri ng
Kanagkilawan, ito ang Gimuud (Kaluluwa), Mitibug
(Kaluluwa), Getautelunan (Demonyo), Diwata. Ang mga
Yakan ay karamihan sa grupo ng mga Muslim sa Basilan
ay ang mga Yakan. Ang mga Pangunahing Talon sa Basilan
ay ang Kuamalarang Falls, Busay Falls, Bulingan Falls. Ang
mga Etnikong Grupo ay
Yakan,Chavacano,Samal,Tausug,Badjao,Visayan. Ang
popular na panitikan ng Yakan ay ang mitolohiya at
alamat. Halimbawa na lamang dito ay ang alamat ng pinagmulan ng mundo at ng
sanlibutan. Noong una, nilikha ng diyos ang liwanag. Sumunod ang katubigan na dala at
ikinalat ng hanging. Lumikha rin ng puno ang diyos na may 7.7 milyong bunga. Nilikha
niya rin ang ibon na namatay nang kinain ang huling bunga ng puno.

Ang Rehiyon 10 o Hilagang Mindanao ay ukol sa Ang Mitolohiya ng Manobo. Ang 'Manobo' o
'Manuvu' ay nangangahulugang 'tao'. Maaaring nagmula rin ito sa 'Mansuba' na ibig
sabihin ay 'tao' at 'suba' na nangangahulugan namang 'mula sa dagat'. Ang tradisyunal
na istruktura ng kanilang lipunan ay binubuo ng apat na pangkat: Bagani ang pangkat na
nagbibigay proteksiyon sa komunidad at tumutungo sa digmaan. Baylan ang lalaki o
babaeng pari ay manggagamot. Commoner ang pangkat ng mga magsasaka. Alipin ang
mga madalas mula sa nahuli sa digmaan. Ang Panitikang
Manuvu ay binubuo ng atukon,bugtong,
panonggelangan (salawikan), panumanon, teterema
(kwentong-bayan),pabula at kakat'wang salaysayin;
Ituan,mitolohiya at alamat; Owaging, epiko. Ang
kanilang mga tulang pasalaysay at tulang liriko ay
iniaalay at inihahandog nila sa kanilang diyos bilang
isang ritwal. Ang mga Uri ng Tulang Pasalaysay ng mga
Manuvu ay ang Tudtud na tumutukoy sa balita, Guhud
na tumutukoy sa kasaysayan, Teterema ang kwentong-bayan.
Rehiyon 11 ang Rehiyon ng Davao. Ang Mansaka ay
hango sa salitang 'man' na nangangahulugang 'una' at
'saka' na ang ibig sabihin ay 'umakyat'. Sila ay
matatagpuan sa Davao del Norte. Ang Mandaya-
Mansaka ay mga magsasaka, mangangaso at
mangingisda. Sila ay may mga sinusunod na batas,
lamang ito ay hindi nakasulat. Matandong ay isang
matalinong matanda na malaki ang impluwensiya sa
lipunan pagdating sa pagpapasya. Ang Bagani o
Maniklad a buhat sa mga pangkat ng mga mandirigma
na siyang namumuno sa komunidad. Balian o Shaman
ay ang manggagamot na nagsasagawa ng ritwal
kaugnay sa pagkakasakit, kamatayan at maging sa magandang ani. Mayaman sa
panitikan ang Mansaka. Ang Babatukon ay ang kanilang kwentong-bayan na
sumasalamin sa kanilang pag-uugali at pananaw sa mundo. Tutukanon ay ang tawag sa
kanilang bugtong. Binabalian ay ang kanilang katutubong-salaysayin na isinasagawa
pagkatapos ng pagtatanim at pag-ani. Ang Mansaka Babarawon ay tumatalakay sa
pinagmulan ng mga bagay-bagay. Ang Bagobo ay hango sa salitang 'bago' at 'obo' na
nangangahulugang 'pagtubo'. Ang Bagobo ay tumutukoy sa tumutukoy sa grupo ng tao
na naninirahan sa tabi ng dalampasigan sa Gulpo ng Davao. Sa Kanlurang bahagi ng
dalampasigan ng Timog Silangan ng Davao ay matatagpuan ang iba't ibang etnikong
grupo tulad ng Tagabawa, Jangan is Altaw at Tagacaolo. Ang panitikan ng mga Bagobo ay
naiuugnay sa kanilang panrelihiyong seremonya na may malaking ginagampanan sa
kanilang buhay. Alalaong baga'y natatangi ang kanilang bugtong sapagkat nindi
nangangailangan ng anumang okasyong panrelihiyon. Ang salitang 'Bilaan' ay hango sa
salitang 'bila' na nangangahulugang 'bahay' at ang unlaping 'an' ay nangangahulugan
namang 'tao'. Samakatuwid, ang mga Bilaan ay mga taong naninirahan sa bahay.
Tinatawag din silang Blaan, Bira-an, Baraan, Vilanes at Bilanes. Sila ay naninirahan sa
Timog bahagi ng Cotabato at Timog-Silangang bahagi ng Davao del Sur, maging sa mga
bahagi ng Lawa ng Buluan sa Hilagang Cotabato. Ang mga Bilaan ay naniniwala sa iisang
Diyos o monotisismo. Ang kanilang mga alamat at mitolohiya ay nasa anyong salaysayin
at naratibong awitin. Melu ay kwento tungkol sa Maylalang at paglikha. Ayon ito sa tala
ni Mabel Cook Cole. Kaltudos ay kalipunan ng mga salaysayin ng mga Bilaan. Ang
Maranao o Meranao ay hango sa salitang 'ranao' na nangangahulugang 'lawa'. Ang mga
Maranao ang pinakamalaking etnolinggwistikong grupo sa Pilipinas. Ang Darangen ay
epiko ng Maranao. Ito ay natuklasan ni Ralph Porter, isang Amerikanong major. Ito ay
kalipunan ng mga awitin at tula na sumasalamin sa kasaysayan ng Maranao. Ito ay
inaawit ng isang onor (mang-aawit). Darangen at Daramoke-a-baboy. Paganay Kiyandato
o Diwata Ndaw Gibonunang kabanata ng Darangen. Ang Mandaya ay mula sa salitang
'man' na nangangahulugang 'una' at 'daya' na nangangahulugang 'iraya'(upstream).
Nangangahulugan lamang na ang Mandaya ay mga 'Unang tao sa iraya'. Oman-oman ay
kwentong-bayan ng mga Mandaya na nagtataglay ng kawilihan at kagandahang moral.
Karaniwan itong nagsisimula sa pariralang "Noong unang panahon". Halimbawa rito ang
" Ano aw Buwaya" (Ang Matalinong Matsing at ang Buwaya). Ang mga T'boli at Tagabili
ay mga katutubong naninirahan sa Timog Cotabato. Ang mga T'boli, sang-ayon sa
mitolohiya, ay mga ninuno ng La Bebe at La Lomi, at Tamfeles at La Kagef ay dalawang
magsing-irog na nakaligtas sa delubyo matapos bigyang babala ng diwata. Ang Diyos ng
mga T'boli ag ang Kadaw La Sambad ay ang Diyos ng Araw, Bulon La Mogoaw ay ang
Diyos ng Buwan, Muhen ay isang ibon, Diyos ng Kapalaran
Rehiyon 12 o SOCCSKSAEGEN Ayon sa mga kwentong
nagpasalin-salin na, ang mga Manobo ay pinamunuan ng
dalawang magkapatid na sina Tabunaway at Mumalu.
Tumanggi si Tabunaway na gawing Islam ang kanyang
relihiyon, ngunit ipinayong si Mumalu ang siyang
gumawa nito. Kasama ng kanyang mga alaga, nagtungo
ng Livungan si Tabunaway at naging Livunanganen. Ang
tradisyonal na istruktura ng kanilang lipunan ay binubuo
ng apat na pangkat ang Bagun, Baylan, Commoner at
mga Alipin. Ang Ulahingan ay isang kwento tungkol sa
pakikipagsapalaran ng bayani na si Agyu. Kilala siya sa katutubong tribo sa Mindanao.
Ang Indarapatra at Sulayman ay isang epiko ng mga Maranao na kabilang din sa rehiyong
ito.

Rehiyon 13 o CARAGA Region Mitolohiya ng Agusanon


Manobo. Ang Agusanon ay hango sa salitang 'agus' na
nangangahulugang 'ilog','an' na ang ibig sabihin ay 'lugar' at
'on' na nangangahulugang 'tao'. Samantala, ang Agusan ay
tumutukoy sa mga katutubo na naninirahan sa tuyong lugar na
minsang bahagi ng Ilog Agusanon. Ito rin ay tumutukoy sa
wikang kanilang ginagamit sa pakikipagtalastasan. Tinatawag
din silang Agusanon Manobo. Ang mga Agusan Manobo ay
pinamumunuan ng datu at mandirigmang tinatawag na
bagani. Maliban dito, ang kanilang lipunan ay binubuo rin ng baylan,magsasaka, at mga
alipin. Magbayaya ang pinaniniwalaan nilang may lalang ng lahat. Sagana rin sa panitikan
ang mga Agusanon. Manobo tungkol sa kalipunan ng mga salaysay tulad ng mitolohiya at
mga pagpapaliwanag tungkol sa iba't ibang likas na penomenon. Salawikan ng Surigao.
Ang Lungsod ng Surigao ay matatagpuan sa Hilagang-Silangan bahagi ng Mindanao.

ARMM o AUTONOMOUS REGION OF MUSLIM MINDANAO. Kata Kata. Ayon kay Jundam,
ang Sama ay maaaring mula sa salitang 'sama-sama' o
nangangahulugan din pagkakabuklodbuklod.
Siama/Sinama/Bahasa Sama/Bisla, Sinama/Pamong
Sinama ang tawag sa wika ng Samal. Karamihan sa
kanilang komunidad ay matatagpuan sa Tawi-Tawi na
binubuo ng 88 na isla at nahahati sa dalawang bahagi
ang Hilaga at Timog. Ang istruktura ng kanilang
lipunan ay nahahati sa tatlo ang Barbangsa o
Aristokrasya, Kasalipan o Kadatuan, Maharlika o
malayang tao, Ipun o alipin. Folk Islam ay sistema ng paniniwala ng Samal. Ito ay
kombinasyon ng katutubong paniniwala at Islam. Kata-kata ang tradisyonal na
naratibong prosa o kwentong-bayan. Itinatanghal ito upang magsilbing pang-aliw.
Tatlong Uri ng Kata-kata ay ang Alamat, Kwentong-bayan, Salaysaying Pangmahika.
Tarasul. Ang salitang Tausug ay mula sa 'tau' na nangangahulugang 'tao' at 'sug' na ang
ibig sabihin naman ay 'agos'. Ang mga Tausug ay tumutukoy sa nakararaming grupo ng
Islam sa arkipelago ng Sulu. Ang probinsiya ng Sulu ay hango sa salitang 'Sulug' na
nangangahulugang 'alon ng karagatan'. Ang wikang sinasalita nila ay Bahasa Sug. Ang
kanilang pagsulat ay nasa anyong Malayo-Arabia, tinatawag nila itong jawi o sulat sug.
Ang Panitikang Tausug ay binubuo ng tula at mga akdang tuluyan o nasa anyong
naratibo. Ang kanilang panitikan ay may kaugnayan sa mga sumusunod ay ang Quran at
Hadith ang mga kasabihan, Sunna ang kaugalian at tradisyon ng propetang si
Muhammad. Ang kanilang katutubong naratibo ay ang sumusunod ay Solsila ang
naratibong pangkasaysayan, Kissa ang kwento ukol sa paglikha, Usulan kissa ang kwento
tungkol sa mga pinagmulan, Kata-kata ang kwentong-bayan. Ang mga sumusunod
naman ay kabilang sa mga 'di-naratibong tula ay Tukud-tukud ang bugtong, Masaala ang
salawikain, Daman ang patulang dayalogo o payo, Pituwa ang mga pahayag ukol sa
buhay at paguugali. Malikata ang pagbabaliktad ng mga salita. Tilik ang mahika para sa
pag-ibig. Tarasul ay tulang pang-aliw at pampedagolohiya. Karaniwang paksa ay
kalikasan, pagluluto, pagibig at iba pa. Ang mga Tiruray. Ang salitang 'Tiruray' ay mula sa
salitang 'tiru' na nangangahulugang 'lugar na pinagmulan' at 'ray' na mula sa 'daya' na
nangangahulugan namang 'iraya o mataas na bahagi ng ilog'. Ang mga Tiruray ay orihinal
na mga taong bundok ng Timog Kanlurang Mindanao. Kefeduwen ay isang magaling sa
batas, sa sa pangangatuwiran, matalas ang memorya, kalmado at mahusay
makipagdebate. Minaden ang pinaniniwalang diwata ng mga Tiruray, Tulus ang kapatid
na lalaki ni Minaden, pinuno ng mga mabubiting ispiritu at lumikha ngmundo. Ang
Maguindanao ay binubuo ng mga taong namamalagi sa dalampasigan ng Dagat Pulangi.
Ang wika ng Maguindanao ay subgroup ng wika na tinatawag na 'Lenggwahing Danao'.
Ang panitikan ng Maguindanao ay binubuo ng katutubong salaysayin at katutubong
naratibo. Antuka/Pantuka/Paakenala ang bugtong, Bayok ang tulang liriko, Tudtuls ang
kwentong-bayan ng Maguindanao ay binubuo maiikling kwento tungkol sa mga payak na
kaganapan.

NCR o NATIONAL CAPITAL REGION. Ang Metropolitan Manila o ang National Capital
Region ay kabilang sa mga sikat na lugar hindi lamang sa
Pilipinas maging sa buong mundo. Tatlong Kastila ng
nagtatag ng Maynila ay sina Martin de Gouti, Juan Salcedo,
Miguel Lopez de Legaspi. Noong 1867, itinatag ng
pamahalaang Kastila ang Probinsiya ng Maynila at ito ay
binubuo ng Tondo, Navotas, Malabon at Caloocan. Ang
Lungsod ng Maynila ay nabuo at binubuo ito ng Munisipyo
ng Intramuros, Tondo, Sta. Cruz, San Nicolas, San Miguel,
Port Area, Pandacan at Sampaloc. Sinundan ng Munisipyo
ng Caloocan, Marikina, Pasig, Parañque, Malabon,
Navotas, San Juan, Makati, Mandaluyong, Las Piñas, Muntinlupa, at Taguig-Pateros. Ang
mga nabanggit na lungsod ay dating kabilang sa Probinsiya ng Rizal. Sang-ayon sa
Presidential Decree 824 na inilabas ni dating Pangulong Marcos ay nalikha ang
Metropolitan Manila na binubuo ng Valenzuela sa Bulacan, Manila at Lungsod ng
Quezon. Noong 1986 Pinalitan ni Pres. Corazon Aquino ang Metropolitan Manila
Commission at ginawang Metropolitan Manila Authority sang-ayon sa Executive Order
No. 392. Noong 1995 naging Metropolitan Manila Development Authority. Ilan sa mga
akda mula rito ay ang Footnote to Youth ni Jose Garcia Villa, The House on Zapote Street
ni Quizon de Manila, Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza Matute.

III. Konklusyon

Sa humigit kumulang na 7,107 pulo sa ating bansa ay mayroon palang mga bagay na
hindi pa ako alam. May mga tradisyon, kultura at mga akda na hindi pamilyar at hindi ko
pa naririnig sa buong buhay ko. Tulad ng panliligaw na sa ibang rehiyon ay may ibang
katawagan. Ang mga awit at dasal sa mga kasal, pagpapatulog ng bata at iba pang
seremonya ay may iba't ibang katawagan ngunit kung minsan ay nagkakapare-pareho ng
paraan ng paggawa. May iba mang katawagan ay mayroon paring haplos ng pagiging
isang Pilipino. Kaakibat narin dito ay mayroong tinatagong ganda ang ating bansa
pagdating sa panitikan. Maraming manunulat ang hindi nagkakaroon ng pagkakataon na
maipamalas ang kanilang mga talento pagdating sa pagsulat ng iba't ibang panitikan sa
kanilang rehiyon. Maraming agrikultural na lugar rin ang matatagpuan sa ating bansa na
nakakapagproduce ng iba't ibang produkto na makakatulong sa pag-unlad ng ating
bansa. Mahalaga ang wika at panitikan ng ating bansa upang tayo'y magkaisa;
magkaintindihan; para may maipagmalaki naman tayo sa susunod na henerasyon; at
para mapreserba ang mga ginawa ng ating ninuno na kanilang pinaghirapan at
pinagpawisan. Upang maging isang buong bansa tayo na ginagampanan ang mga
tungkulin na nakaatang sa ating mga balikat bilang isang Pilipino. Ang pagkakakilanlan ng
ating bansa ay pagkakakilanlan din ng ating panitikan. Ang mga akda ng ating mga Bayani
ay masasabing panitikan ng ating bansa. Ito ay sumasalamin sa ating pagkatao, kultura at
mga pinagyamang tradisyon. Isa sa mga tumatak sa aking isipan habang binabasa at
pinag-aaralan ang mga rehiyon sa ating bansa ay mayroon pala tayong mga panitikan na
dapat ay ating tangkilikin at hindi sa ibang lahi dahil kung ating mamahalin ang ating
panitikan ay mayroon itong hatid na mga aral na sumasalamin at nagbibigay ng sariling
pagpapakahulugan tungkol sa ating lahi. Isa pa ay ang mga kasanayan natin sa pagsulat
ay maaari nating gamitin upang mas lalo pang mapaunlad at maagyabong ang ating
panitikan. Upang tayo ay may maiambag sa ating bansa at masabing tayo ay isang
bansang may pagkakaisa at pagmamahal sa sariling atin.

Ang pag-aaral ng ating panitikan ay tunay na kamangha-mangha. Dadalhin ka nito sa


isang mahiwaga at kakaibang mundo na hindi puro pantasya ngunit mayroon ding
kagandahang aral na mapupulot. Kung atin lamang pagtutuunang basahin at alamin ang
sariling panitikan ay may mas malalim pang kaalaman tayong malaman at masasaksihan.
Bawat akda sa ating panitikan ay tulad ng dagat, may magandang panlabas na kahulugan
ngunit kung iyong susuriin at uunawaing mabuti ay may mas malalim at mas magandang
aral na iyong makukuha. Mabibigyan ng linaw ang lahat ng iyong katanungan. Ang
pagiging isng makabayan ay hindi lamang sa pagmamahal sa bayan bagkus ay kung
isasabuhay ang lahat ng mga tradisyon na mayroon dito. Bilang isang parte ng bansang
ito ay dapat may alam ako sa mga Panitikan na nakapalibot sa ating bansa upang maging
pamilyar at hindi ako maging isang mangmang sa sarili kong bansa. Mayroong pag-
uusap tungkol sa mga ideya at halaga na nakatulong sa ating lipunan. Ang pag-uusap na
ito ay naipapakita sa gawa ng literatura. Ang bawat gawa ng panitikan ay nagtatanghal ng
moral sa mga magkakaibigang mata sa pamamagitan ng paraan ng iba’t ibang pananaw.

You might also like