Grade 10 3rd Exam 2019-2020 A4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT (SY 2019-2020)

(FILIPINO / GRADE 10
Pangalan : _____________________________Petsa: ________________ Iskor : ________________
Baitang at Pangkat : ______________________Guro : ________________Pirma ng Magulang : _________
I.Panuto:Piliin at BILUGAN ang letra ng tamang sagot.
1.Ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin?
a. panlapi b. pagpapakahulugan c. gramatika d. pagsasaling-wika
2 Ang tulang ito ay walang sukat at tugma ngunit mayaman sa matatalinghagang pananalita.
a. pandamdamin b. blangko berso c. malayang taludturan d. tradisyonal
3. Paano ang dapat na pagsusuri sa akda bilang isang salin?
a. maayos ang pagkakasalin c. malaya at madaling maunawaan
b. nauunawaan ang nais ipabatid ng isinalin d.lahat ng nabanggit
4. Sa pagsasalin, anong mga pinakamahalagang hakbang ang dapat na isaalang-alang?
a. muling isalin c. magdagdag at magbawas ng salita
b. ihambing sa iba ang ginawang salin d. rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal.
Para sa bilang 5-6
Alanganing Dalaw
Minsan kadudulog pa lamang ni Lieblings, isang tanyag na musikero, sa hapag kainan nang may
isang panauhing dumating. “Naririto si Ginoong X, na inyong kaibigan,” pagbabalita ng utusan. Gayon na
lamang ang pagkayamot ng naabalang musikero at padarag na sinabi, “Napakaalanganin naman ng oras ng
dalaw na iyan. Dalhin mo siya sa sala upang di mainip.” Matapos ang isang masaganang hapunan, tinungo
ni Lieblings ang kinaroroonan ng kaibigan. “Naku, dinaramdam kong napaghintay kita, pero laging
eksaktong alas siyete ang aming hapunan.” “Alam ko,” ang tuyot na pakli ni Ginoong X, “ katunayan, iyan
ang sinabi mo sa akin nang anyayahan mo akong maghapunan dito sa inyo ngayong gabi.” Halaw sa Little
Book of Music Anecdote ni Helen Kauffman
5. Batay sa binasang anekdota, tama ba ang naging pasiya ng musikero na ipagpatuloy ang kaniyang
hapunan bago harapin ang panauhin?
a. Oo, sapagkat hindi siya dapat malipasan ng gutom.
b. Hindi, sapagkat hindi mainam na paghintayin ang panauhin.
c. Hindi, sapagkat baka maaaring mahalaga ang sadya ng panauhin.
d. Oo, sapagkat ang pagkain ng hapunan sa ganap na alas siyete ng gabi ay kaniyang nakagawian.
6.Anong aral ang iyong natutuhan sa anekdotang binasa?
a. Tanggapin nang maayos ang mga panauhin. b. Iwasan ang pagbabalat-kayo,ito’y hindi
mabuting gawa
c. Hindi mabuting unahin ang pansariling pangangailangan. d. Tulungan nang taos-puso
ang nangangailangan
7. Ibaon mo na sa hukay ang kaniyang nagawang kasalanan sa iyo. Ano ang ipinahihiwatig ng
matalinghagang pahayag na may salungguhit?
a. itago b. kalimutan c. ilibing d. magpatawad
8. Sagisag ito na kumakatawan sa isang tagong kahulugan.
a.idyoma c. simbolismo b. tayutay d. matatalinghagang pananalita
II. Punan ng tamang sagot ang patlang, pumili sa kahon ng tumpak na kasagutan.
______________________9. Isang anyo ng panitikan na may matalinghagang pagpapahayag ng isipan at
damdamin,mababasa dito ang mga kaisipang naglalarawan ng kagandahan, kariktan, at kadakilaan.
______________________10. Tawag sa pamamahala ng kalalakihan sa pagsasalin ng trono.
______________________11. Isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling
kaisipan,kuro-kuro, saloobin at damdamin na kapupulutan ng aral.
______________________12. Isang lohikal o kaya’y kronolohikal at pangkalahatang paglalarawan ng
paksang isusulat.
______________________13. Uri ng sanaysay kung saan nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng
pagtalakay sa mga paksang karaniwan, pang-araw-araw, at personal.
______________________14. Mga pahayag na may pinagbabatayan at may ebidensiya kaya’t kapani-
paniwala.

______________________15. Mga pahayag na bagaman batay sa sariling opinyon ay nakahihikayat


naman sa mga tagapakinig o tagapagbasa.
______________________16. Isang kuwento ng isang nakawiwili at nakatutuwang pangyayari o karanasan
sa buhay ng isang tao.
______________________17. Isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay.
Sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag.
______________________18. Siya ay dakilang guro sa pagpapatawa na siyang naging behikulo ng mga
manunulat. Tagapayo siya ng hari sa kanilang lugar.

sanaysay anekdota di-pormal di-tuwirang pahayag patrilinear


Mullah Nassreddin pagsasalaysay tula balangkas tuwirang pahayag

III. Punan ang kahon ng tamang sagot: ( 19-30)


Aralin Pamagat/Anyo ng Panitikan Nagsalin sa Filipino/ Bansa
Ingles
3.1
3.2
3.3
3.4

IV. Basahin ang teksto. Piliin ang titik na tamang sagot at bilugan ito.
Para sa bilang 31-32
“Naalala ko pa noon kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas.
Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran, kung saan ang bakya na gawa
sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil
iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan
nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali-dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na
mahabol nito ang kapares na tsinelas. Hango sa “Ang Tsinelas” ni Jose Rizal
31. Kung susuriin ang binasa, anong katangian ng isang mahusay na pagsasalaysay
ang taglay nito?
a. Ito ay napapanahon. c. Mahusay ang sumulat.
b. Kawili-wili ang paraan ng pagkakasulat. d. Pangyayari ng mga karanasang magkakaugnay sa
pinakamasining na paraan ng pagpapahayag.
32. Sa bahagi ng kuwentong binasa, anong aral ang nais iparating nito?
a. katapatan sa bayan c. pagpapahalaga sa kapwa
b. pagpaparaya para sa kapakanan ng iba d. mahusay na pakikitungo sa kapwa kabataan
Para sa bilang 33-36
Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa kaniyang sarili. Nang mawala ang aming ama, ganoon na
lamang ang pag-aalala namin sa kaniya. Inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at
espiritwal subalit nanatili siyang matatag at nakakapit sa Diyos.
33. Anong damdamin ang namamayani sa nagsasalaysay sa talata?
a. pagkalungkot b. paghihinanakit c. pagkabalisa d. panghihinayang
34.Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa sa kaniyang
sarili?
a. Gagawin ng magulang ang lahat para sa mga anak.
b. Alam ng magulang kung ano ang makabubuti sa mga anak.
c. Ibinibigay ng magulang ang mga luho ng anak para sa sarili nitong kapakanan.
d. Ibibigay ng magulang ang mga pangangailangan ng mga anak.
35. Anong uri ng ina ang masasalamin sa talata?
a. malulungkutin subalit matatag
b. nangungunsinti sa kakulangan ng mga anak
c. mapagbigay para sa pangangailangang pisikal ng mga anak
d. inang mapagmahal sa mga anak at nagpapahalaga sa Diyos
36. Ano ang maaaring maging bunga ng pagkakaroon ng pananampalataya sa
Diyos ng isang ina?
a. katatagan ng buong pamilya. c. panghihina ng espiritwal na aspekto.
b. pamumuhay ng masaganang materyal. d. maraming pagsubok sa bawat miyembro ng pamilya.
37. Pinasusuri ng iyong kaibigan ang kaniyang isinulat na kuwento. Kung magmumungkahi ka sa
kakulangan
ng detalye nito, alin sa sumusunod na pahayag ang iyong gagamitin?
a. Parang may kulang pang detalye
b. Ilagay mo ang detalye ng pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.
c. Mas mabuti kung ilalagay mo ang ilang detalye ng pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.
d. Maaari ring maingat mong ilagay ang detalye tungkol sa pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.
38. Tinatapos mo ang huling saknong ng isinusulat na tula. Anong matatalinghagang pananalita ang iyong
ilalapat kung nais mong ipahiwatig ang salitang masipag?
a. bukas-palad b. sawimpalad c. kapos-palad d. makapal ang palad
V. Suriin ang mga pangungusap. Uriin kung tuwiran o di-tuwiran ang pahayag na ginamit. Isulat ang sagot
sa patlang.
_________________39.Ayon sa estadistika, mas marami ang bilang ng mga babae kaysa mga lalaking
Pilipino.
_________________40.Ang pagtaas ng bilihin ay maaaring maging dahilan upang mas maraming tao ang
magutom.
_________________41.Isang katotohanan ang lumabas sa balita na naipasa na ang Freedom of
Information sa Senado.
_________________42.Walang malaking nakapupuwing kaya’t huwag maliitin ang inaakalang maliit na
kakayahan ng kapwa.
_________________43.Mayaman ang bansa sa kalikasan. Patunay nito ang magagandang paligid o
tanawin na dinarayo ng mga turista.

VI.ENUMERASYON:
A. Ibigay ang elemento ng tula.

44. 45. 46. 47.

B. Magbigay ng tatlong (3) katangian ng pormal na sanaysay.


48.
49.
50.

“ANG PAGSUSULIT AY PARANG PAG-IBIG, KAILANGAN MONG MAG-ISIP NG MABUTI PARA SA HULI
HINDI KA MAGSISI ”

Inihanda nina:
Estelita C. Panganiban
Shirley P. Javier Sinuri ni:
Cristy D. Timog Pelagia S. Villanueva Ed. D.
Guro-Filipino 10 Ulongguro III

You might also like