Professional Documents
Culture Documents
Cot Dignidad
Cot Dignidad
Department of Education
Region III- Central Luzon
City Division of San Jose del Monte
SAN JOSE DEL MONTE HEIGHTS HIGH SCHOOL
I. Layunin:
Kasanayang Pampagkatuto (KP1): Nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng dignidad ng tao
(EsP10MP-If-4.1)
Makilala at mapatunayan na ang bawat tao ay may dignidad anuman ang kanyang kalagayang
panlipunan, kulay, lahi, edukasyon, relihiyon at iba pa;
makagawa ng liham sa mga taong di nagawan ng mabuti, bilang tanda ng pagsisimulang igalang
ang dignidad ng kapwa;
Nabibigyang halaga ang paggalang sa dignidad ng kapwa anuman ang katayuan sa buhay.
II. Paksang-aralin:
a. Paksa: Dignidad ng Tao (Modyul 4)
b. Sanggunian:Edukasyon sa Pagpapakatao 10 (Learner’s and Teacher’s Guide),
www.youtube.com
c. Kagamitan: iba’t ibang larawan, mansanas, laptop, telebisyon, speaker, manila paper, marker
III. Pamamaraan:
Panalangin
Pagtatala ng liban at hindi liban
Pagpapaalala sa mga Alituntunin sa loob ng
silid-aralan
Words of Wisdom (W.o.W.)
Pagbabalik-aral:
Ang nakaraang aralin ay tumutukoy sa
Kalayaan. Alin sa mga larawan ang
nagpapakita ng tunay na kahulugan ng
Kalayaan.
Pagpoproseso:
Tanungin ang mag-aaral ukol sa tunay na
kahulugan ng kalayaan base sa ginawang
gawain.
Sagot:
Mula sa ginawang pagbabalik-aral, ang tunay
na kalayaan ay hindi lamang
nangangahulugan na malaya kang gawin ang
lahat ng nais mong gawin, bagkus, ito ay ang
paggawa ng mabuti at pagbatay ng mga kilos
at pasiya sa naaayon sa batas na likha ng
Diyos.
Pagsusuri sa Larawan: Ang guro ay
magpapakita ng dalawang larawan.
Pagpoproseso:
1. Ano ang napansin ninyo sa inyong mga
sagot?
2. Anu-ano ang mga maaaring dahilan kung
bakit iba-iba ang pakikitungo ng tao sa
kanyang kapwa?
Sagot:
Naiiba ang pakikitungo ng tao sa kanyang
kapwa dahil na rin sa katayuan o estado sa
buhay, pisikal na anyo, pinanggalingan o
pinagmulan, mga kakayahang at iba pa.
Pangkatang Gawain:
Bigyan ng manila paper at marker ang bawat
pangkat. Atasan ang bawat pangkat na mag-
isip ng dalawang magkaibang katayuan ng tao
sa buhay. Suriin ang kanilang pagkakatulad at
pagkakaiba. Ihayag ang sagot sa tulong ng
Venn Diagram.
Halimbawa:
pagkakaiba
c. Panlinang na Gawain
mayaman mahirap
pagkakatulad
Bigyan ng 10 minuto ang pangkat upang
isakatuparan ang gawain. Mamili ng
kinatawan na siyang magpapaliwanag at
magbabahagi ng sagot sa klase.
Pagpoproseso:
Mga Patnubay na Tanong na nararapat
masagot matapos ang gawain:
1. Ano ang napansin ninyong pagkakaiba
ng dalawang taong may magkaibang
estado o katayuan sa buhay? Ipaliwanag.
2. Ano naman ang kanilang pagkakatulad?
Ipaliwanag.
3. Sa pagitan ng kanilang pagkakaiba at
pagkakatulad, alin sa iyong palagay ang
higit na dapat pagtuunan ng pansin at
pagpapahalaga? Ipaliwanag.
4. Ano ang ipinahihiwatig nito?
IV. Pagtataya:
Isulat ang T kung ang pahayag ay Tama at M naman kung Mali. Isulat ang sagotsakwaderno.
_______1. Ang salitang dignidad ay nangangahulugan na “karapat-dapat.”
_______2. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo saiyo.
_______3. Ang dignidad ng tao ay nagmula sa lipunang kanyang ginagalawan.
_______4. Ipagsawalang-bahala ang kapakanan ng kapwa bago gumawa ng kilos.
_______5. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
V. Kasunduan/ Takdang-aralin:
Ipaliwanag ang katagang“DIGNIDAD NG KAPWA KO, IAANGAT KO” sa p.200-201.