Pananaliksik Sa Naganap Na Regional Festival of Talents BANEZ

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Pananaliksik sa Naganap na

Regional Festival of Talents


(RFOT)

Ipinasa nina:
Joanne Bañez
Nikka Kim Deoferio
Laylanie Ladia
Janice Licupa
Liezle De Leña
Charles Darwin Aquino
Chiarina Mae Mosquito
Reshel Torres
Lorelyn Genetiano
April Palaruan

Ipinasa kay:

Bb. HONEYLET AQUINO


Guro
Regional Festival of Talents (RFOT)

Ang Regional Festival of Talents o RFOT ay nagsimula noong taong 2012.


Nagkaroon ng pang-rehiyong pista ng mga talento sa kadahilanang naisipan ng mga
nakatataas na magkaroon ng ganitong programa para sa mga mag aaral na siyang
nag aaral sa ilalim ng Special Program in the arts o SPA. Ang RFOT ay
ipinagdiriwang upang maipakita ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahan at
talento. Sa mga naunang taon ng pista ang mga pinapahintulutan at piniling mga
kalahok sa RFOT ay mga mag aaral ng Special Program in the Arts lamang. Bakit?
Sapagkat ang mga mag aaral na nag-aaral sa ilalim ng SPA ay ang mga mag-aaral
na mas humuhubog ng kanilang mga kakayahan at talento. Ngunit, sa paglipas ng
panahon, ay pinayagan na ring makilahok sa pang rehiyong pista ng mga talento ang
mga mag-aaral, kahit na sila ay hindi SPA. Bakit? Dahil sa ito’y nakababagot, lalo
na kung ang mga kalahok ay paulit-ulit na lamang. Doon nila naisipang isali ang
mga ordinaryong mag-aaral sa paaralan, sapagkat alam nilang hindi lahat ng
ordinaryong mag-aaral ay walang talentong papantay sa mga estudyante ng SPA. Sa
mga nagdaang taon, ang mga titulo ay sama-samang pinanalunan ng mga estudyante
kahit na sila ay hindi purong mga SPA.
REGIONAL FESTIVAL OF
TALENTS (RFOT)
Tayug National High School
Tayug, Pangasinan
Disyembre 4-6, 2017
Mga Pangyayari sa Naganap na
Regional Festival of Talents (RFOT)

Ang Regional Festival of Talent (RFOT) ay ginanap noong ika-4 hanggang


ika-6 ng Disyembre, 2017 sa Tayug National High School. Nag karoon ng iba’t
ibang paligsahan na dinaluhan ng iba’t ibang kalahok na nanggaling pa sa Divisions
ng Alaminos City, Batac City, Candon City, Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur,
La Union, Laoag City, Pangasinan I, Pangasinan II, San Carlos City, San Fernando
City, Urdaneta City at Vigan City.
Noong ika-4 ng Disyembre, 2017 bilang panimula sa Programa ay nag karoon
ng Solidarity meeting ang mga coaches at Education Program Supervisors (EPS).
Naganap ang mga paligsahan gaya ng Singing Idol at Quiz Wiz sa Tayug Covered
Gym. Kasunod nito ay ang paligsahan, sa Dagliang Talumpati at Interpretatibong
Pagbasa. Ito’y ginanap sa TNHS Research Center. Ang Sining ng Tanghalan at mga
paligsahang naganap gaya ng Balye sa Kalye, at Likhawitan ay sa Tayug Covered
Gym naman.

Noong ika-5 ng Disyembre, 2017 ay muling naganap ang mga sumusunod na


paligsahan. Pintahusay sa TNHS Grandstand, Sineliksik sa TNHS library,
Sulatanghal sa TNHS Computer Laboratory 1 at 2 at Direk ko, Ganap mo sa PUNP
Tayug.

Ang pagtatapos at pagbibigay ng parangal o sertipiko sa mga nagwagi ng


nakaraang paligsahan ay ipinagkaloob noong ika-6 ng Disyembre, 2017 sa TNHS
Social Hall.
Mga Iginawad na Parangal
BALYE SA KALYE
1st Mangatarem
2nd Urdaneta City
3rd Tayug
PINTAHUSAY
1st Tayug
2nd Vigan
3rd Dagupan
SULAT TANGHAL
1st San Carlos
2nd Laoag
3rd Tayug
MANIK ANINONG DULAAN
1ST Dagupan
2nd Ilocos Sur
3rd Tayug
LIKHAWITIN
1st Tayug
2nd Laoag City
KONKLUSYON
Batay sa aming pakikiisa at sa mga nakalap na impormasyon sa naganap na
Regional Festival of Talents noong ika 4-6 na Disyembre, 2017 ay tunay na
nakakamangha ang mga ipinakitang talento ng mga kalahok mula pa sa iba’t ibang
lugar ng Rehiyon I. Nagpamalas sila ng kakaibang talento at hindi nagpatalo sa mga
paligsahan. Ang naganap na patimpalak ay nagbigay inspirasyon sa lahat ng mga
dumalo. Lalong napamangha ang lahat ng mga manunuod dahil sa angking galing
na ipinamalas ng bawat isang kalahok.

Ang pagkakaroon ng iba’t ibang paligsahan sa iba’t ibang larangan ay


napakahalaga. Dahil ditto, naipamamalas ng bawat mag-aaral ang kanilang angking
talento. Mas lalong nalilinang ang kanilang mga kakayahan upang mas maging
aktibo sa mga gawaing pampaaralan.

Dahil dito, mas lalong napapanatili ang kakayahan at lakas ng loob ng mga
mag-aaral upang harapin ang mga iba’t-ibang pagsubok sa kanilang buhay. Mas
lalong nahahasa at nagkakaroon ng tiwala sa kanilang mga sarili at maaring sabihin
na sa pamamagitan ng ganitong mga paligsahan ay maaari silang maipagmalaki ng
kanilang mga magulang.
MGA DUMALO
ALAMINOS CITY DIVISION

BATAC CITY DIVISION

CANDON CITY DIVISION

DAGUPAN CITY DIVISION

ILOCOS NORTE DIVISION

ILOCOS SUR DIVISION

LA UNION DIVISION

LAOAG CITY DIVISION

PANGASINAN DIVISION I

PANGASINAN DIVISION II

SAN CARLOS CITY DIVISION

SAN FERNANDO CITY DIVISION

URDANETA CITY DIVISION

VIGAN CITY DIVISION


MGA LARAWAN

You might also like