Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 2

1.

Tauhan
Vilma Santos bilang Josie (ina at OFW na nagtatrabaho sa Hong Kong)
Claudine Barretto bilangCarla (Panganay na anak ni Josie)
Joel Torre bilang Rudy (Asawa ni Josie)
Baron Geisler bilang Michael (Pangalawang anak ni Josie)
Amy Austria bilang Lyn (Natalik na kaibigan ni Josie at OFW sa Hong Kong)
Cherry Pie Picache bilang Mercy (Natalik na kaibigan ni Josie at OFW sa Hong Kong)
Sheila Mae Alvero bilang Daday (Bunsong anak ni Josie)
Leandro Muñoz bilang Brian (Kasintahan ni Carla)
Tess Dumpit bilang Norma
Cris Michelena bilang Arnel
Hazel Ann Mendoza bilangYoung Carla
Daniel Morial bilang Young Michael
Gino Paul Guzman bilang Don Don
Jodi Sta. Maria bilang Bernadette
Odette Khan Mrs. Madrid
Nagampanan ng mga tauhan nang maayos ang mga karakter na kanilang
ginampanan. Ang bawat salitang kanilang binibigkas at ang paraan ng kanilang pag-
arte ay makatotohanan. Ang bawat pangyayari ay nakaka-antig ng damdamin, kung
kaya't nagiging emosyonal ang manunuod. Lahat ng pangyayari ay kapana-panabik
sapagkat hindi mo alam kung ano ang susunod na mangyayari at ang mga "plot twist".
Ang buong husay na pagganap ng mga artista ang nagbigay buhay sa buong kwento
kaya't itoy naging makatotohanan.

2. Istorya o Kwento

I. Buod ng Kwento

Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na


nagtatrabaho sa Hong Kong bilang domestic worker. Ginawa niya ito upang
makapagpadala ng pera sa mga anak niya upang matustusan ang kanilang
pangangailangan. Binangggit niya na ginagawa niya ito para mabigyan ng magandang
kinabukasan ang kanyang mga anak. Bagama't siya ay malayo sa kanila, tiniis nya ang
mga pasakit ng kanyang amo at ang kanyang pagnanais na makasama ang kanyang mga
anak sa kanilang paglaki.
Pagkaraan ng ilang taon ay nakauwi na rin siya dahil sa
pagpapasyang hindi na pagtatrabaho sa Hong Kong at siya ay magnenegosyo na lamang.
Sa kanyang pagbabalik, hinarap niya ang matabang na pagsalubong ng mga anak. Si
Daday (Sheila Mae Alvero), ang bunso, ay hindi siya kilala, si Michael (Baron
Geisler) ay mahiyain at walang kimi at si Carla (Claudine Barretto), na hindi man
lang siya ginagalang at iniitsa-pwera lamang. Lahat ng hirap ay tiniis niya upang
makuha man lamang ang atensiyon ng mga anak at sa mga araw na lumilipas ay
nakikilala niya ang kanyang mga anak. Nakita niya ang mga bisyo at karanasan ni
Carla ang pag-aaral, paninigarilyo, paglalagay ng tattoo, paghihithit ng rugby,
panlalalake at paglalaglag ng bata. At marami pang problema ang kanyang kinaharap,
ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyang
mga anak, nabangga pa ang taksing pinundar niya at iniwan siya ng isa sa mga
kasosyo niya dahil nagastos nito ang perang ibabahagi sana niya.
Si Josie ay nagkaroon ng maraming pagkukulang. Isa siyang masamang
ehemplo katulad ng anak niyang si Carla. Ang kanyang paglaki ng walang inang
gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa
kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila
bagama't malayo siya sa kanilang tabi. At mula sa pangyayaring iyon ay nagbalik-
loob si Carla sa kanyang ina at nagpakatino na siya bilang anak at nakatatandang
kapatid na siyang gagabay sa mga bata niyang kapatid sa muling pag-alis ng ina.

Base sa aking reaksyon sa pinanood na palabas, ang puso ko ay naantig


at naging emosyonal sa mga piling pagkakataon. Ang bawat pangyayari ay kaabang-
abang sapagkat ang pelikula ay kakaiba sa paraan ng pagkakalahad ng kwento bagama't
ang kabuuang kwento ay pangkaraniwan, hindi mo masasabi kung ano ang susunod na
mangyayari.
Malalim ang istorya sapagkat hindi ito pangkaraniwan lamang na may mag-
aaway at magbabati. Ipinapakita ng kwento ang detalyado at eksaktong mga pangyayari
kung bakit nagkaganoon ang kanilang pamilya. Hindi paligoy-ligoy ang istorya
sapagkat fokus nito ang mga pangyayari kung bakit kinamumuhian siya ng kanyang anak
na si Carla. Ang pangunahing tauhan na ginampanan ni Vilma Santos ay nagpapakita
ng katapangan sa pagharap niya sa suliranin- ang paglayo ng loob ng kanyang anak
sakanya. Hindi niya tinakbuhan bagkus ay hinarap niya ito ng buong lakas. Bagama't
may mga pagkakataon na mahuhulaan mo ang susunod na pangyayari, mas marami parin
ang kaganapan na hindi mo mahuhulaan ang susunod.
Ang wakas ng kwento ay masaya sapagkat nagkaayos ang mag-ina at
nagsimula ng bagong buhay ang mga tauhan bilang isang buopng pamilya.

3. Pananalita
May mga pagkakataon na nagmumura ang karakter ngunit ito'y nagdadala sa
mas mataas na antas ng tunggalian sa pagitan ng mga karakter. Ang mga salitang mga
ginamit ay hindi malalalim na naghatid sa mas malalim na pag-unawa ng mga manunuod.
Direktang ipinahahayag ng mga tauhan ang kanilang saloobin ng walang paligoy-ligoy.

4. Tema o Paksa
Ito ay patungkol sa isang ina na nagtatrabaho bilang OFW sa Hong Kong
at tinitiis na malayo sa pamilya upang mabigyan ito ng magandang buhay. Naglalayon
ito na ipaintindi sa mga kamag-anak ng mga OFW na hindi sila umalis para takasan
ang kanilang mga responsabilidad at obligasyon. Ipinahahatid lamang nito na
handang gawin ng isang ina ang lahat para sa kanyang mga anak. At kahit anuman ang
mangyari babalik at babalik ka parin sa iyong ina.

5. Titulo
Ang titulo ay angkop sa pelikula sapagkat sakanya nagsimula ang
problema, noong pinipilit niya na lumayo ang kanyang ina sa kanilang magkakapatid.
Ito rin ay sumisimbolo sa mga paghihirap ng ina at ang kanyang mga paghihirap
makuha lang ulit ang loob ng kanyang mga anak.

You might also like