Professional Documents
Culture Documents
LINDOL-WPS Office
LINDOL-WPS Office
Ang lindol ay sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiya na nang-gagaling sa ilalim ng lupa.
Madalas, ang mga lindol ay sanhi ng pag-galaw ng fault sa ibabaw na bahagi ng mundo (crust). Ang
enerhiyang lumalabas ay sumasanga sa lahat ng direksiyon mula sa kanyang pinanggalingan, ang pokus,
sa anyo ng mga seismikong alon. Ang anyo ng mga seismikong alon ay maihahalintulad sa anyo ng
payapang tubig na hinulugan ng isang bato. Kahit na ang enerhiya ay mabilis na nababawasan habang ito
ay papalayo sa pokus, may mga sensitibong kagamitan na nakatalaga sa iba’t ibang panig ng mundo para
itala ang mga pangyayaring may kinalaman sa pagyanig ng lupa.