Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Araling Panlipunan -8

Section:
Names: 1.
2.
3.

Mga Klasikong Lipunan sa Europa


Minoan At Mycenean (Europa)
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na texto tungkol sa Kabihasnang Minoan at Mycenaean.
Ang mga Minoans
Ayon sa mga arkeologo, ang kaunaunahang sibilisasyong Aegean ay nagsimula sa Crete mga 3100 B.C.E. o Before the Common Era.
Tinawag itong Kabihasnang Minoan batay sa pangalan ni Haring Minos, ang maalamat na haring sinasabing nagtatag nito. Kilala ang
mga Minoan bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya. Nakatira sila sa mga bahay na yari sa laryo (bricks) at may
sistema sila ng pagsulat. Magagaling din silang mandaragat. Hind isang makapangyarihang lungsod at sinakop nito ang kabuuan ng
Crete. Dito matatagpuan ang isang napakatayog na palasyo na nakatayo sa dalawang ektarya ng lupa at napapaligiran ng mga bahay
na bato. Ang palasyo ay nasira ng sunud-sunod na sunog at iba pang mga natural na kalamidad. Paglipas ng ilan pang taon na tinataya
1600 hanggang 1100 B.C.E., narating ng Crete ang kanyang tugatog. Umunlad nang husto ang kabuhayan dito dulot na rin ng
pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa Silangan at sa paligid ng Aegean. Dumarami ang mga bayan at lungsod at ang Knossos ang
naging pinakamalaki. Sa pamayanang Minoan ay may apat na pangkat ng tao: ang mga maharlika, mga mangangalakal, mga
magsasaka, at ang mga alipin. Sila ay masayahing mga tao at mahiligin sa magagandang bagay at kagamitan. Maging sa palakasan ay
di nagpahuli ang mga Minoan. Sila na siguro ang unang nakagawa ng arena sa buong daigdig kung saan nagsasagawa ng mga labanan
sa boksing. Ang kabihasnang Minoan ay tumagal hanggang mga 1400 B.C.E. Nagwakas ito nang salakayin ang Knossos ng mga di
nakikilalang mga mananalakay na sumira at nagwasak sa buong pamayanan. Tulad ng inaasahan, ang iba pang mga lungsod ng mga
Minoan ay bumagsak at isa-isang nawala.

Ang mga Mycenaean


Bago pa man salakayin at sakupin ng mga Mycenaean ang Crete, nasimulan na nilang paunlarin ang ilang pangunahing kabihasnan sa
Timog Greece. Ang Mycenaea na matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng karagatang Aegean ang naging sentro ng
kabihasnang Mycenaean. Ang mga lungsod dito ay pinag-ugnay ng maayos na daanan at mga tulay. Napapaligiran ng makapal na
paderang lungsod upang magsilbing pananggalang sa mga maaring lumusob dito.Pagdating ng 1400 B.C.E., isa nang napakalakas na
mandaragat ang mgaMycenaean at ito ay nalubos ng masakop at magupo nila ang Crete. Naiugnay nila ang Crete sa lumalagong
kabihasnan sa Greece. Maraming mga salitang Minoan ang naidagdag sa wikang Greek. Ang sining ng mga Greek ay
naimpluwensiyahan ng mga istilong Minoan. Ilan sa mga alamat ng Minoan ay naisama sa mga kwento at alamat ng mga Greek. Bagamat
walang naiwang mga nakasulat na kasaysayan, ang pagsasalin-salinng mga kwento ng mga hari at bayaning Mycenaean ay lumaganap.
Di naglaon ang mga kuwentong ito ay nag-ugnay sa mga tao at sa mga diyos-diyosan. Ito ang sinasabing naging batayan ng mitolohiyang
Greek.Sa bandang huli, di nailigtas ng mga pader na kanilang ginawa ang mga Mycenaean sa paglusob ng mga mananalakay. Noong
1100 B.C.E., isang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa Greece at iginupo ang mga Mycenaean. Sila ay kinilalang mga
Dorian. Samantala, isang pangkat naman ng tao na mayroon dinkaugnayan sa mga Mycenaean ang tumungo sa timog ng Greece sa
may lupain sa Asia Minor sa may hangganan ng karagatang Aegean. Nagtatag sila ng kanilangpamayanan at tinawag itong Ionia.Nakilala
sila bilang mga Ionian. Ang mga pangyayaring ito ay tinaguriang dark ageo madilim na panahon natumagal din nang halos 300 taon.
Naging palasak ang digmaan ng mga iba’t ibang kaharian. Nahinto ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang gawaing
pangkabuhayan.Maging ang paglago ng sining at pagsulat nang unti-unti ay naudlot din.

Ang mga sumusunod na gawain ay naglalayong higit na mapalalim pa ang pag-unawa sa aralin tungkol sa Kabihasnang
Minoan at Myceanean

Gawain #1:
PANUTO:Ayusin ang scrambled letters para makabuo ng salita o pangalan. Isulat ang inyong sagot sa patlang.
1. RECEGE ________________________
2. ENAGEA ________________________
3. TEREC ________________________
4. YENACEM ________________________
5. AINOI ________________________

Gawain # 2
PANUTO: Isulat ang mga titik MF kung tama ang isinasaad ng pangungusap at QJ naman kung mali.
___1.Ang Kabihasnang Minoan ay nagsimula sa Crete
___2.Umunlad ang kabuhayan ng mga Minoan dahil sa agrikultura
___3.Nagwakas ang kabihasnang Minoan ng sakupin sila ng Knossos
___4.Nakatira ang mga Minoan sa tolda na yari sa balat ng hayop
___5.Hindi nakalinang ng sistema ng panulat ang mga Minoan.

Gawain # 3
PANUTO:Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik lamang
Hanay A Hanay B
___1.Makapangyarihang lungsod na sumalakay sa Crete
___2.Kauna-unahang kabihasnang Aegean a. Dorian
___3.Kabihasnang nagsimula sa Timog ng Greece b. Mycenaean
___4.Sinakop at iginupo nila ang mga Mycenaean c. Knossos
___5.Nagtatag sila ng pamayanan sa Asia Minor sa may d. Ionian
hangganan ng dagat Aegean e. Minoan

Gawain # 4
PANUTO: Isulat ang sa pangungusap na naglalarawan sa mga Minoans at kung hindi tumutukoy sa mga Minoans.
___1.Ang mga Minoans ay masayahing mga tao at mahiligin sa magagandang bagay at kagamitan.
___2.Maging sa palakasan ay di nagpahuli ang mga Minoan.
___3.Ang mga Minoan ay isang pamayanan ng mga magsasaka
___4.Kilala ang mga Minoan bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya.
___5. Gumamit ang mga Minoan ng bronseng salaping barya at papel sa kanilang pakikipagkalakalan

Gawain # 5
PANUTO:Piliin sa loob ng kahon ang salitang kukumpleto sa mga pangungusap.
1.Ang karagatang _____________________ ang naging sentro ng kabihasnang Greece.
2.Naging tagapag-ugnay ng Greece at sa iba pang panig ng daigdig ang karagatang ________________
3.Sa daigdig ng sinaunang Greek, ang ____________________ ang pinakamainam na daanan sa paglalakbay
4.Ang ____________ na lupain ng Greece ang naging sagabal sa mabilis na pagdaloy ng komunikasyon sa mga pamayanan.
5.Ang mainam na _________________ na nakapaligid sa Greece ang naging dahilan sa pag-unlad ng kalakalang pandagat.

Mediterranean karagatan Aegean daungan mabato at bulubundukin


Gawain # 6
PANUTO:Punan ang mga patlang ng mga titik para makilala ang mga bumubuo sa lipunang Minoan at uri ng kabuhayan nila
1. M A _ A _ L I _ A
2. M A N G _ N G _ L A K _ L
3. _ A G _ A _ A K A
4. A L _ P _ N
5. M A N _ A R _ G _ T

Gawain # 6
PANUTO:Punan ang mga patlang ng mga titik para makilala ang mga bumubuo sa lipunang Minoan at uri ng kabuhayan nila
1. M A _ A _ L I _ A
2. M A N G _ N G _ L A K _ L
3. _ A G _ A _ A K A
4. A L _ P _ N
5. M A N _ A R _ G _ T

Gawain # 6
PANUTO:Punan ang mga patlang ng mga titik para makilala ang mga bumubuo sa lipunang Minoan at uri ng kabuhayan nila
1. M A _ A _ L I _ A
2. M A N G _ N G _ L A K _ L
3. _ A G _ A _ A K A
4. A L _ P _ N
5. M A N _ A R _ G _ T

Gawain # 6
PANUTO:Punan ang mga patlang ng mga titik para makilala ang mga bumubuo sa lipunang Minoan at uri ng kabuhayan nila
1. M A _ A _ L I _ A
2. M A N G _ N G _ L A K _ L
3. _ A G _ A _ A K A
4. A L _ P _ N
5. M A N _ A R _ G _ T

Gawain # 6
PANUTO:Punan ang mga patlang ng mga titik para makilala ang mga bumubuo sa lipunang Minoan at uri ng kabuhayan nila
1. M A _ A _ L I _ A
2. M A N G _ N G _ L A K _ L
3. _ A G _ A _ A K A
4. A L _ P _ N
5. M A N _ A R _ G _ T

You might also like