Panonood

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

PANONOOD

• Mayroong apat na makrong kasanayan na


madalas italakay at ito ang pakikinig,
pagbabasa, pagsusulat at pagsasalita. Ngunit
may isa pang kasanayan na hindi madalas
pagtuunan ng pansin at ito ang panonood.
Ano ang Panonood?
• Ito ay ang proseso ng pagmamasid ng
manonood sa palabas, video recording, at iba
pang visual media upang magkaroon ng pag−
unawa sa mensahe o ideya na nais iparating
nito.
Iba’t−ibang uri ng panonood
• Deskriminatibo
Paggamit ng opinyon o prejudice sa
panunuri.
• Kaswal o Panlibang
Impormal na pamamaraan at hindi
nagbibigay pokus sa detalye.
• Komprehensibo
Nagpapahalaga lamang sa mensahe at hindi sa ibang
detalye.
• Kritikal
Gumagamit ng pagbubuo ng hinuha mula sa mga
detalye upang makabuo ng ganap na pag−
aanalisa o pagsusuri sa paksang napapanood.
Uri ng Manonood
• Eager Beaver
Siya ang tagapanood na ngiti nang ngiti o
tangu nang tango habang nanood ngunit hindi
matitiyak ang pag−unawa
• Sleeper
Siya ang tipo ng tagapanood na nauupo sa isang
tahimik na sulok ng silid. Wala siyang tunay na
intensyong manood.
• Tiger
Siya ang tagapanood na laging handang
magbigay ng reaksyon sa anumang mangyayari
sa palabasupang sa bawat pagkakamali ay
parang tigre siyang susugod at mananagpang
• Bewildered
Siya ang tagapanood na kahit na anong pilit ay
walang maiintindihan sa nakikita. Kapansin−
pansin ang pagkunot ng kanyang noo,
pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong
ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga
napapanood.
• Frowner
Siya ang tipo ng tagapanood na wari bang lagi na
lang may tanong at pagdududa. Makikita sa
kanyang mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang
totoo, hindi lubos ang kanyang panonood kundi
isang pagkukunwari lamang sapagkat ang
hinihintay lamang niya ay ang oportunidad na
makapagtanong para makapag−paimpres.
• Forward Watcher
Siya ang pinakaepektibong tagapanood,
nanonood siya gamit hindi lamang ang
kanyang mata kundi maging ang kanyang
utak. Lubos ang partisipasyon niya sa
gawain.
Antas ng Pag−unawa

• literal − pinakasimpleng pag−unawa


• interpretatibo − Inaalam ang mensahe o ang
konotasyon na kahulugan ng palabas.
• mapanuri o kritikal − Pormal at factual ang
pag−intindi.
• internatibo − Pagbuo ng pansariling opinyon
mula sa pinanood

• Malikhain − Malawak na pag−unawa.


Uri ng Palabas
• Impormatib
Naglalayong maghatid o magdagdag ng
bagong kaalaman sa manonood.
• Persuasive
Nanghihikayat o nanghihimok ng pagsang−
ayon ng manonood
• Narrative
Nagsasalaysay ng pangyayari o kuwento
• Expository
Nagpapaliwag at nagbibigay ebidensya
• Argumentative
Nanghahamon ng paniniwala o ng
pangkalahatang opinyon
• Sympathetic
Pumupukaw ng damdamin
Kasanayan sa Panonood
• paghihinuha
• paghuhula
• pagwawakas
• paglalahat
• pagkilatis sa katotohanan at opinyon
• ebidensya at pangangatwiranƒargumento

You might also like