ESP7

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PANG-APAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON NG PAGPAPAKATAO 7

I. Panuto: Basahing mabuti ang tanong. Piliin ang TITIK ng tamang sagot.
1. “Mas malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin ngunit walang tinatanaw na kinabukasan?” Ano ang higit
na malapit na pakahulugan ng pahayag ni Helen Keller;
a. Ang kawalan ng pangarap ay mas masahol sa kawalan ng paningin.
b. Hindi garantiya ang pagkakaroon ng paningin sa pagtatagumpay sa buhay
c. Hindi mabuti ang walang pangarap
d. Mahirap maging isang bulag
2. Ito ay pinakatunguhin o pinakapakay na iyong nais na marating o puntahan sa hinaharap.
a. Mithiin c. Pangarap
b. Panaginip d. Pantasya
3. Anu-ano ang dalawang hangganan ng pagtatakda ng mithiin?
a. Pangmadalian at Panghabambuhay c. Pangmatagalan at Pangmadalian
b. Pangmatagalan at Panghabambuhay d. Pangngayon at Pangkinabukasan
4. Alin ang halimbawa ng pangmatagalang mithiin?
a. Maging iskolar ng bayan d. Makapasa sa Licensure Exams for
b. Maging guro sa aming pamayanan Teachers
c. Makatapos ng pag-aaral
5. Bakit mahalaga ang kakailanganing mithiin o enabling goals?
a. Nakatutulong ang mga ito upang makamit ang itinakdang pangmatagalang mithiin
b. Nakatutulong ito sa sa pagpapanatili ng tuon sa itinakdang mithiin
c. Napapabilis nitong makamit ang itinakdang mithiin
d. Wala sa mga nabanggit
6. Alin sa mga sumusunod ang hakbang sa pagtatakda ng mithiin?
a. Ipagpasa Diyos ang mga itinakdang mithiin
b. Isulat ang iyong itinakdang mithiin at ilagay ito sa ilalim ng unan
c. Isulat ang takdang-panahon sa pagtupad ng mithiin
d. Sabihin ang itinakdang mithiin sa mga kaibigan
7. Ang paghahangad na makuha ang mga pangarap ay lubos para sa mga taong naniniwalang kailangan nila ito sa
kanilang buhay.
a. Handing kumilos upang maabot ito
b. Nadarama ang higit na pagnanasa tungo sa pangarap
c. Nadarama ang pangangailangang makuha ang pangarap
d. Naniniwala na magiging totoo ang mga pangarap at kaya niyang gawing totoo ang mga ito
8. Ang isang taong may pangarap ay handing magsumikap at magtiyaga upang marating ang mga ito.
a. Handing kumilos upang maabot ito
b. Nadarama ang higit na pagnanasa tungo sa pangarap
c. Nadarama ang pangangailangang makuha ang pangarap
d. Naniniwala na magiging totoo ang mga pangarap at kaya niyang gawing totoo ang mga ito
9. Ang mithiin ay makatotohanan, maabot at mapanghamon.
a. Angkop c. Nasususkat
b. Naabot d. Tiyak
10. Isipin kung gaano katagal kayang matupad ang iyong mithiin.
a. Naaabot c. Mabibigyan ng Sapat na Panahon
b. Nasusukat d. May Angkop na Kilos
11. Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasiya. Ibig sabihin nito sa:
a. Ang lahat ng kilos natin ay dumadaan sa isang mahabang proseso.
b. Ang lahat ng ating kilos ay nababatay sa aying isip at kilos-loob
c. Ang lahat ng kilos natin ay ginagamitan ng proseso ng mabuting pagpapasiya.
d. Kailangang isaalang-alang ditto ang iyong mga pagpapahalaga.
12. Karaniwan na ang mga linyang “Bigyan mo pa ako ng panahong makapag-isip,” sa mga mahalagang pagpapasiyang
ginagawa. Ibig sabihin nito;
a. Ang balangkas ng proseso ng pagpapasiya ay nakabatay sa panahon
b. Kinakailangan ng mahabang panahon ang pagpapasiya
c. Mahalagang bahagi ng proseso ng pagpapasiya ang panahon
d. Mahirap talaga ang gumawa ng pasya
13. Ang higher good ay tumutukoy sa:
a. Ikabubuti ng mga mahal sa buhay c. Kabutihang panlahat
b. Ikabubuti ng mas nakararami d. Kagandahang loob sa bawa’t isa
14. Ang pinakamahalagang sangkap sa anomang proseso ng pagpapasiya ay?
a. Desisyon c. Taon
b. Panahon d. Ugali
15. Sa anumang pagpapasiya ng tao, mahalaga ang pagninilay sa mismong aksiyon.
a. Kailangan mong suriin ang uri ng aksiyon
b. Mahalagang tingnan din ang mga pangyayaring may kaugnayan sa aksiyon
c. Mahalagang tanungin mo rin ang iyong sarili kung ano ba talaga ang iyong personal na hangarin sa iyong
isasagawang aksiyon.
d. Magnilay sa mismong aksiyon
16. Ang pagiging tama o mali ng isang pagpapasiya ay nakasalalay sa mga katotohanan.
a. Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya
b. Magkalap ng kaalaman
c. Pag-aralang muli ang pasiya
d. Tayain ang damdamin sa napiling isasagawang pasya
17. Ang panalangin ang pinakamabisang paraan sa maaaring gawin upang ganap ganap na maging malinaw kung ano
talaga ang plano ng Diyos para sa atin.
a. Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya
b. Magkalap ng kaalaman
c. Pag-aralang muli ang pasiya
d. Tayain ang damdamin sa napiling isasagawang pasya
18. Ito ay preperensya sa mga particular na uri ng Gawain. Ito ang naggaganyak sa iyo na kumilos at gumawa.
a. Hilig c. Mithiin
b. Kakayahan d. Pagpapahalaga
19. Siyang nagiging dahilan upang ang isang bagay o ideya ay maging kanais-nais, kaiga-igaya, kahanga-hanga o kapaki-
pakinabang. Mga motibo upang piliin ang isang hakbangin o pasya.
a. Hilig c. Mithiin
b. Kakayahan d. Pagpapahalaga
20. Sa pagtatakda ng mithiin, ang ibig sabihin ng SMARTA ay:
a. S-specific, M-manageable, A-attainable, R-relevant, T-time-bound, A-action-oriented
b. S-specific, M-measurable, A-attainable, R-refreshing, T-time-bound, A-action-oriented
c. S-specific, M-measurable, A-attainable, R-relevant, T-time-bound, A-action-oriented
d. S-specific, M-measurable, A-attainable, R-relevant, T-time-bounf, A-affordable
21. Isa sa mga hakbang sa pagtatakda ng mithiin ang pagkakaroon ng tuon sa nais nating maabot, may kasiguruhan at
pinag-isipan.
a. Angkop o Relevant c. Nasususkat o Measurable
b. Naabot o Attainable d. Tiyak o Specific
22. Ang mahusay na mithiin ay tumutukoy sa mga tiyak na hakbang o pagkilos na gagawin.
a. Angkop o Relevant c. Nasususkat o Measurable
b. Naabot o Attainable d. Tiyak o Specific
23. Kung nasusukat ang mithiin nasusubaybayan natin an gating pagsulong sa pagtatamo ng mithiin at natutukoy kung
kalian ito nakamit na.
a. Action-oriented c. Relevant
b. Measurable d. Specific
24. Ang mithiing ating itinatakda ay karaniwang siyang ating inaakala na makapagbibigay sa atin ng kasiyahan o
makapupuno sa atong pangangailangan.
a. Action-oriented c. Relevant
b. Measurable d. Specific
25. Nararapat lamang na may takdang panahon ang pagkakamit o pagkatupad ng mithiin upang hindi masayang an
gating pagsususmikap sa mga bagay na maaaring walang patutunguhan o katiyakan.
a. Measurable c. Specific
b. Relevant d. Time-bound
26. Tiyak ang iyong mithiin kung ikaw ay nakasisiguro na ito ang iyong nais na mangyari sa iyong buhay.
a. Angkop c. Naabot
b. May angkop na kilos d. Tiyak
27. Ano ang kaibahan ng pagpapantasya sa pangarap?
a. Ang pagpapantasya ay ginagawa ayon c. Ang pagpapantasya ay pananaginip ng
sa kagustuhan ng nagpapantasya gising
b. Ang pagpapantasya ay likha ng d. Lahat na nabanggit
malikhaing isip
28. Kung nananatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon ka ring pakiramdam na maaari kang magsisi sa iyong pasiya,
kailangan mong…
a. Gawin na lamang ang magpapasiya sa mas nakararami
b. Gawin na lamang kung ano ang magpapasiya sa iyo
c. Huwag mag-agam-agam dahil hindi ka makakikilos hanggang hindi ka nakapipili
d. Pag-aralan muli ang iyong pasiya na may kalakip na panalangin at mas ibayong pagsusuri
29. Anong katangian meroon si Roselle kung kaya’t nagtagumpay siya?
a. Mabait
b. Mabagal
c. Masipag sa pag-aaral
d. Matulungin
30. Ano ang pangarap ni Roselle ?
a. Maging Doktor
b. Maging Guro
c. Makapagtapos ng pag-aaral
d. Makatulong sa may sakit

Inihanda ni:
RHEA S. AGLINAO

You might also like