Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ABM- 11 St.

Peter Faber

Bagong henerasyon nandito na tayo ngayon


Kabilang na tayong lahat sa modernong Sistema ng panahon
Ngunit araw man ay lumipas kailanmay ito’y ating kinakailangan
At sa lahat ng aspekto lalo na’t sa pakikipagtalastasan

Kung wala itong wika, mawawalan ng saysay


Paano na kaya natin haharapin ang mga bagay-bagay
Pakikipagkalakalan, pakikipagpalitan at sa anumang paraan na ginagamit ng sangkatauhan
Di maipagkakailang ito’y napakaimportante sa kung kanino man

Datapwa’t may mga sabi-sabing tayo raw ay nagkakagulo


At ito’y pasaring tungkol sa ginagamit nating diyalekto
Tanungin mo ang iyong sarili, ano nga ba ang iyong minimithi?
Ang paggamit ba ng Filipino sa pakikipag-ugnayan?
O ang panghihiram sa lengguwahe ng mga dayuhan?

Nagkakawatak-watak na tayong mga Pilipino pansin mo ba?


Dahil wikang panlabas na ang ginagamit bilang instrumento ng iba
Kung ito’y itatanim natin sa ating mga puso’t isipan,
Bukod sa pagiging dayuhan ay magdudulot rin ito sa ating wika ng tunay na kahirapan

Pitong libo anim na raan apa’t napu’t isang pulo


Isang daan dalawampu’t dalawang malalaking syudad
Isang daan at apat na milyong pupolasyon
At sampung diyalekto ang meron tayo sa bansang ito, ano paba ang hinahanap mo?
Sampung lengguwahe ngunit walang nagpapahalaga
Laban sa isa ngunit sinasamba
Nasan na ang pagiging pagkamakabayan? Saan mo ba inilagay?
Pagiging Pilipino ba ngunit bandira ay kinakahiya’t di winawagayway?

Cebuano, Ilocano, Waray at Tagalog


Bikol, Hiligaynon, Pangasinense at Kapampagan
Ang lahat ng ito’y nararapat nating matutunan
Para sa epektibong pakikipag-ugnayan gamit ang pinagmamalaki ng sinilangang bayan

Wikang pambansa nga ba ang tulay sa pagkakaisa?


Kung gayo’y dapat natin itong isadiwa
Hindi lang ako, hindi lang ikaw, kundi tayong lahat
Nilalamon na tayo ng ibang wika gising na’t maging mulat!

Hindi ko alam kung saan ba talaga ako lulugar


Ang mga dayuha’y nagpapaka Pilipino ngunit Pilipino’y nagpapakadayuhan
Oo, tumuklas, matuto at maging mas maalam
Pero huwag namang umabot na pati sa sariling wika ikaw na’y mamamaalam

Kung sa tingin mo ngayo’y parang natatamaan ka


Kabayan, may panahon pa para ika’y magbalik
Buuin ang bagay na minsan mo nang sinira
At yakaping muli ang wikang sa iyo’y nasasabik
Pamilyar na tayong lahat sa sinabi ng ating bayaning si Dr. Jose Rizal
Lahat ng iyon ay tungkol lamang sa pagpapahalaga’t pagmamahal
Kaya’t ginamit, ginagamit at gagamitin
Ang wikang Filipino, Wikang sariling atin

Ang isang Bansang Filipino ay parang isang ako,


Di mabubuo kung wala ka sa piling ko
Alam kong masakit ipagpalit, lalo na kung di ka naman karapa’t dapat na palitan
Kaya’t ikaw, kung ano ang meron sayo, at bumuo sa buhay mo, dapat mo yang pahalagahan.

Ang swerte mo sa wika mo alam mo ba?


Kahit masakit na tinitiis lang niya
Kahit na alam na niyang mas nakatuon ka sa iba
Hinahayaan ka niya dahil kung san ka masaya, umiintindi nalang siya

Pero ako, ako na kaibigan mo at ako na mas may alam kung ano ang dapat sayo,
Pakinggan mo ang mga katagang sasambitin ko
Hindi siya mabubuo kung wala ka
At di siya magiging isa kung ang mas matimbang sayo ay iba

Ang pagiging Filipino ay di lang dapat sa katauhan


Dapat alam rin natin kung ano ang kulang
Tayo, Oo, tayong mga mamamayan sa bansang ito
Magtulungan tayo, gamitin ang Wikang Katutubo
Upang mabuo ang isang matatag na bansang Filipino!

Kimrose Lacombo

You might also like