Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

1

Kanabata I
ANG SULIRANIN AT ANG SANLIGAN NITO
Panimula

Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag,

pasalita man o pasulat ay nagaganap sa isang wika at ipinapahayag na may katulad

ding kahulugan sa isang dati nang umiiral na pahayag.

Ayon kay Nida (1964) “though no one will deny the artistic elements in good

translating, linguists and philologist are becoming increasingly aware that the

process of translating are emenable to rigorous description” ang pahayag na ito ni

Nida ay may pagpapaliwanag sa aklat ni Santiago na ganito: kapag pinag-usapan ang

agham ng pagsasaling-wika (science of translating) hindi maiiwasang mapasuong sa

aspekto ng paglalarawan. Kung ang lingguwistika ay mauuring “descriptive science”

ang paglilipat ng mensahe mula sa isang wika tungo sa ibang wika ay maaari ring

ituring na isang siyentipiko o makaagham na paglalarawan.

Itinuturing na isang napakahalagang aspekto sa buhay ng tao at kalagayan ng

bansa ang pagsasaling-wika. Unang una, sa pagsasalin ng mga naunang salita ng

mga naunang henerasyon, malaman at makukuha ng bagong henerasyon ang laman

ng mga sulating ito na tumutukoy sa klase ng pamumuhay o klase ng lipunan

mayroon ang henerasyon. Nagkakaroon ng malaking pagkakaunawa sa uri ng

pamumuhay, mga paniniwala at kaugalian ng mga nauna sa kung papaano nila

hinarap ang buhay, kalian at paano sila nagtagumpay, o bakit sila nabigo (Alejandro

1980).

Nagpahayag naman si Baugh (1931) na mula sa pagsasaling ito, naabot at

natanto ang mga kaisipan ng mga pandaigdig na ambag, ang kanilang pakikilahok sa
2

mga internasyonal na gawain na may kinalaman sa kalagayan ng bansang ito, sa

transaksiyon na isinagawa, pakikipagrelasyon sa ibang bansa tungo sa kaunlarang

pangmateryal at ispiritwal ng daigdig.

Dagdag pa ni Sapir (1963) na sa kabuuan, mula sa pagsasalin, natatanto na

ang naunang tao. Kabilang dito ang kultura, kaisipan at paniniwala. Isang halimbawa

ay ang nobelang Noli Me Tangerre ni Dr. Jose Rizal na naghahain sa mga

pangyayari sa mga ninuno. Ang Noli Me Tangerre na mula sa orihinal na Kastila ay

naisalin nang pang-ilan sa Tagalog ng iba’t ibang tagapagsalin.

Ayon kina Guamen, Lacsamana at Guzman (1950) sa pagsasalin ng Noli ay

kanilang iniingatang buo ang katas o katamsan ng mga pagkukuro, diwa at mithiin

ng may-akda upang ang kanilang salin ay hindi lumihis sa ayos at pagkakahanay ng

pagkakasulat.

Sa kasalukuyan, ang lahat halos ng bansa sa daigdig ay patuloy na nagsasalin

sa kani-kanilang wika ng mga mahuhusay na akdang nakasulat sa iba’t ibang wika

layuning maihatid sa nakararaming bahagi ng mambabasa ang makabagong pananaw

sa panitikan. Nagkakaroon din ng mga pagsasalin upang makaabot sa higit na

nakararaming mamamayan ang mga bagong kalaman at karunungan buhat sa ibang

bansa na karaniwang ay higit na maunlad na mga bansa.

Ngunit ang pagsasalin ay hindi lamang panliteraturang materyal.

Nagsasagawa rin tayo ng mga pagsasalin ng mga kautusan, balita, at ba pang akdang

nakasulat sa ibang wika. Maaaring nagsasalin ng kautusan, balita o kaya ay mga

sulat na orihinal na nakasulat sa wikang Ingles, Kastila o ibang pang katutubong

wika. Lahat ng ito ay kailangang isalin batay sa uri ng mga mambabasa upang ang
3

ipinahihiwatig o ideya o mensahe nito ay mas lalong maintindihan at makuha ng mga

mambabasa.

Hindi isang madaling gawain ang pagsasalin. Maraming bagay ang dapat

isaalang-alang sa pagsasalin at marami ring suliranin ang sumusulpot sa pagsasalin.

Wika ang naunang aspeto o lumalabas na suliranin sa pagsasalin. Kaya, walang

sinumang nakapagsalin sa wikang hindi alam. Dito na pumapasok ang pag-aaral o

pagkatuto ng wika ng isang tao. Ang pagkakatuto ng wika ay isang mabagal at

mahirap na bagay. Kaya, kailangang sapat ang haba ng panahong dapat ilaan para sa

pag-aaral ng wika.

Ang bawat wika ay may kanya-kanyang kaayusan, istruktura o kakanyahan.

Ngunit dapat isa-isip na nagbabago ang lahat ng wika. Dahil bawat wika ay patuloy

na nagbabago at yumayabong batay sa panlasa ng gumagamit ng wikang ito

(Antonio, et.al 1975). Ngunit ang wika ay isa lamang sa mga suliranin ng pagsasalin.

Balangkas Teoritikal

Ang teoryang inangkop sa pag-aaral na ito ay ang tinatawag na “machine

translation”.

The origin of machine translation can be traced back to the


work of Al-Kindi, a 9th century Arabic cryptographer who
developed techniques for systematic language translation
including cryptanalysis, frequency analysis, and
probability and statistic which are used in modern machine
translation. Machine translation (MT) means automatic
translation; it’s the field of Artificial Intilligence. Machine
translation is computer program which is design to
translate text from one language (source language) to
another language (target text) without the help of human.
The aim of Machine Translation is to provide a system that
translates text of source language into target language and
translation express the same meaning as it in the source
language.
4

Ang teoryang ito ay nagpapakita ng ugnayan sa kasalukuyang pananaliksik.

Ang mga pagsasalin na nangyayari sa Facebook. Masasabing ang pagsasalin sa

Facebook ay nagaganap ng walang taong nagsasalin at nagwawasto sa mga salita o

pariralang isinalin. Makikitang ito ay isang panimulang hakbang upang mas

mapalawig pa ang pagsasalin ng mga wika at makabuo ng mga panibagong hakbang

sa pagsasalin.

Balangkas Pangkonsepto

Ang pagsasalin ay isang mahalagang usapin kung pinag-uusapan ang wika.

Sa bansang Pilipinas, unang lumaganap ang pagsasalin sa panahon ng pananakop ng

Kastila at ng ipalaganap nila ang Kristyanismo (Ramos, 1998: p. 94). Ang pagsasalin

ay mahalaga sa pakikipag-ugnayan ng dalawang bansa na may magkaibang wika.

Kaya ang pananaliksik na ito ay panimulang pagtalakay sa makabagong nagaganap

na pagsasalin sa social media, ang Facebook.

Pagsasaling-Wika

Facebook

Teknik Estilo
Teorya

Pigura 1. Ang Iskematik na Dayagram ng Pag-aaral.


5

Makikita sa Pigura sa itaas ang isang oblong kung saan nakasulat ang salitang

pagsasaling-wika na siyang paksa ng pag-aaral na ito. Nasa loob nito ang kahon na

nakasulat ang Facebook na siyang kukuhanan ng datos ng gagawing pag-aaral. Mula

sa paksang nakasulat ay may tatlong palaso na nakatutok sa tatlong magkahiwalay na

bilog na magiging tuon sa gagawing pagsusuri sa datos na makukuha mula sa

Facebook. Susuriin ng mananaiksik ang teknik, estilo at teoryang ginamit ng

tagasalin sa pagsasalin ng mga pahayag na makukuha sa Facebook.

Paglalahad ng Suliranin

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang kamaliang nagaganap

sa pagsasaling-wika sa facebook. Higit sa lahat ang mananaliksik ay may tiyak na

mga katanungang pinagsikapang sagutin. Ito ang mga sumusunod:

1. Anong teknik ang madalas ginagamit sa pagsasaling-wika sa facebook?

2. Anong estilo ang madalas makikita sa mga salitang naitala?

3. Ano sa mga teorya ang batayan ng facebook sa pagsasalin?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Pinili ang pag-aaral na ito para malaman ang mga kamaliang nagaganap sa

pagsasaling-wika partikular sa facebook. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito

malalaman ang mga kamalian sa pagsasaling-wika at mapalawak at kapaki-

pakinabang ang isinagawang pag-aaral na ito.

Sa mga guro. Ang kinalalabasan ng pag-aaral na ito ay magsisilbing hamon

sa kanilang pagtuturo upang lalo pagbubutihin ang kanilang kakayahan sa

paghihikayat sa mga mag-aaral na mgakaroon ng pagkawili sa pagsasalin. Maging

malaking tulong ito upang maipahayag o mailahad ng maayos at mahusay ang


6

kanilang mga aralin. Magkakaroon din ng kabuluhan ang kaniang pagtuturo at kapag

ang bisang guro ay may sapat na kaalaman sa pagsasaling-wika. Lalong maging

mabisa at kapaki-pakinabang ang kanyang pagtuturo.

Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay mapamulat sa kanila ang mga

kamalian sa pagsasaling-wika sa pamamagitan nito ay mapagaan at mapaunlad

kanilang kakayahan sa pagsasalin. Ito rin ang nagsisilbing hamon upang mapag-

ibayo ang kanilang interes sa pagbabasa, pakikinig, pag-unawa sa iba’t ibang uri ng

panitikan, polyeto at iba pang babasahin.

Sa mga karaniwang tao. Makakatulong ito upang mapadali ang kanilang

pang-unawa sa mga kamalian ng pagsasalin.

Sa mga Mananaliksik ng Wika. Ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ay

nagsisilbing gabay sa pagpili ng angkop na pamantayan, pamamaraa at teorya sa

pagsasaling-wika.

Saklaw at Lawak ng Pag-aaral

Saklaw ng pag-aaral na ito ang pagtingin sa mga kamalian sa pagsasaling-

wika partikular sa facebook na kung saan makikita na may mga pagsasaling

nagaganap. Malalaman kung anong estilo ng pagsasaling-wika ang ginamit, ang

teknik na makikita at teoryang ginamit sa pagsasaling-wika sa facebook.

Katuturan ng Terminolohiya

Binigyan ng mga kahulugan ang mga sumusunod na mga terminolohiyang

ginagamit sa layuning lalong maintindihan ang pag-aaral na ito.

Ang estilo ay nangangahulugan ng pamamaraan o paraan. Ito ay ginagamit sa

ibat’t ibang aspeto, hindi lamang palamuti ni katapusan ang paggamit sa isang
7

panulat, ito ay paraan ng paghahanap at pagpapaliwanag ng katotohanan. Ito din ay

ang masining na ekspresiyon ng mga ideya ng pinili at pagpapakios ng mg

mapagkukunan para magawa ang mga karapat-dapat na aksyon.

Ang facebook ay isang birtwal na komunidad na ginagamit upang

makipagkomunikasyon sa ibang tao mula sa iba’t ibang lugar. Ginagamit din ito

upang ipamahagi at makasagap ng iba’t ibang impormasyon.

Ang pagsasaling-wika ay paglilipat sa pinagsasalinang wika ng

pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isinalin. Ito rin ay isang

sining ng paglilipat sa ibang wika ng diwa o mensageng isinasaad ng orihinal na

wika.

Ang teorya ay isang eksplenasyon sa isang bagay na hindi pangkaraniwan o

hindi pa napapatunayan o isang mtibay na ebendinsya. Ito rin ay isang bagay na

iminungkahi bilang isang makatwirang paliwanag para sa mga katotohanan,

kalagayan o isang kaganapan lalong lalo na kung ito ay isang sistematiko o

siyentipikong paliwanag.

Ang teknik ay sumasangkot sa sa pagtatakda ng mga layunin, pagtukoy ng

mga pagkilos at mahuhusay na paraan, at pagpapakilos ng mga mapagkukunan para

magawa ang mga karadapat-dapat na aksyon.

Ang wikang Filipino ay ang tawag sa katutubong wika na ginagamit sa buong

Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga Pilipino at etnikong grupo sa

kapuluan. Isa rin sa sa mga wikang natutunan ng mga mag-aaral sa paaralan bilang

pangalawang
8

Kabanata II
SURING-BASA SA MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Mababasa sa susunod na mga talata ang mga kaugnay na literatura at mga

kaugnay na pag-aaral na nakatulong ng malaki upang maging mas matibay ang

gagawing pananaliksik na nakuha mula sa iba’t ibang aklat at mga di-nalathalang

tesis.

Mga Kaugnay na Literatura

Naniniwala si Newmark na ang literal na pagsasalin ang pangunahing

hakbang sa gawaing pagsasaling-wika, ang semantika at komunikatibong pagsasalin

ay kapwa nagsisismula sa paraang ito. Mula sa salin mahuhugot ang nakakubli sa

pagitan ng mga salita.

Ang pagsasalin ay isang sining at ang tagapagsalin nito tulad ng sinumang

alagad ng sining ay dumadaan muna sa pag-aaral sa tulong ng guro o kritiko kung

ano ang dapat na gawin o paano gagawin. Nangangahulugan kung ano ang dapat

isaalang-alang sa pagsasalin. Sa makatuwid ang mga tagapagsalin ay di makaiwas na

mag-aaral o magturo, tumatanggap ng payo at komentaryo (Santiago, 1976).

Sa depinisyon ni Finlay Perez at Santiago (1976-113), ang pagsasalin ay

paglilipat sa pinagsasalinang wika ang pinakamalapit na katumbas ng diwa o

mensaheng isinasalin. Sa ganitong depinisyon, natatanto ang pangunahing tungkulin

ng tagasalin ang ilipat sa pinagsasaling wika ang anumang diwa o mensaheng buhat

sa isinasaling wika. Dagdag ni Wilamouritz na ang pagsasalin ay tulad ng paglilipat

ng kaluluwa sa isang patay, sa isang nilalang. Nangangahulugan itong walang ganap

na pagsasalin ngunit mayroong mabuting salin matatamo kung may sinusunod na

simulain. Ang kinukuha at ginagamit o isinagawa nila (Duff, 1981: 123), ito ay
9

maaaring sa dahilan sa bawat panahon ay may kanya-kanyang estilo at binigyan tuon

ng pagsulat. Ayon kay Duff (1981:62) na nagsasagawa ng muling pagsasalin ang

bagong henerasyon ng mga akdang klasiko hindi para pakinabangan para sa

karangalan kundi hindi kontento sa salin na ibig nitong bigyan ng bagong isang salin.

May Tatlo namang Pag-uuri si Jakobson (Ruben er. al, 1989:120) una ay ang

Intralingual ito'y pagbabago lamang ng mga salita sa loob ng magkaparehong wika

kaya't maaaring mag-interpret ng mga simbolong berbal sa pamamagitan sa

paggamit ng ibang simbolo sa loob ng magkaparehong wika. Sa katunayan ito'y

prosesong karaniwan nating ginagawa na siya namang pinakapundamental at angkop

sa teorya na kahulugan, Interlingual Translation o Translation Proper layunin nitong

mag-interpret ng mga simbolong berbal sa pamamagitan ng mga simbolong berbal

ng ibang wika. Ang pokus ay hindi lamang paghahanap ng katugmang simbolo

(salita sa salita) kundi maghanap pati ng katugmang simbolo sa tumpak na

pagkakahanay at ang panghuli ay ang Intersemiotic Transmutation pagsasalin ito ng

isang mensahe mula sa masistemang simbolo tungo sa iba. Halimbawa sa loob ng

U.S. Navy ang isang berbal na mensahe ay maaaring mai-transmute sa pamamagitan

ng pagwawagayway ng kanilang bandila sa tumpak na pamamaraan.

Kailangan ang matiyagang pagsasaliksik at pag-aaral sa paksang higit niyang

maunawaan ang mga konsepto ng kanilang pagkakaiba.

Ang isang salin, upang maituring na mabuting salin ay hindi kailangang

maunawaan at tanggapin ng pinag-uukulang pangkat na gagamit nito. Ang mga

tanong na dapat isipin ng tagapagsalin ay ang mga sumusunod. Maunawaan kaya ito

ng mga gagamit nito? Angkop kaya ito sa antas ng mambabasang gagamit nito?
10

Higit sa lahat, tatanggapin kaya nila ang mga salitang angkin gamit?

Isang sa pagsasalin sa pagpapalaganap ng wikang pambansa at may mga

paktor naman na dapat isaalag-alang sa pagsasalin para mabigyan ng patnubay ang

tagapagsalin sa pagsasagawa nito. Ang mga salita ay nangangahulugan sa gusto

nating ipakahulugan kaya, ang tagapagsalin ay dapat marunong makibagay at

makitugma sa maraming posibling kahulugan kasama na ang pinapakahulugan o ibig

ipahiwatig ng awtor, kahulugang diksyunaryo at ang sariling interpretasyon ng

tagapagsalin.

Ayon kay Lee (1983) ang kahulugan ng mga salita ay nagkakaiba-iba ayon sa

gamit nito. Maaaring ito ay may kabuuang kahulugan o iba’t ibang aspeto ng

kabuuang paksa. Dagdag naman ni Santiago (1976) ang kahulugang leksikal ng

isang salin ay malimit na nagbabago kung ito ay naging bahagi ng pangungusap lalo

na kapag napasama ito sa isang ekspresyong idyomatiko.

Bawat wika ay nakaugat ang kultura ng mga likas na gumagamit nito. Ang

Ingles ay para sa mga amerikano nagsasalita nito at ang Filipino naman ay mabisa

para sa mga Pilipino. May mga pagkakataong hindi maiangkop ang pagsasalin dahil

walang katumbas sa kultura ng tagapagsalin ang gayong ekspreyon.

Bawat wika ay may kanya-kanyang katangian kakanyahan. Ang wika Fiipino

ay mayaman sa sistema ng paglalapi, ang wikang Ingles naman ay mayamn sa

sistema ng ekspresyong idyomatiko. Hindi tungkulin ng tagapagsalin na dagdagan o

baguhin ang kakanyahan ng wikang kanyang pinagsasalinan upang maisalin lamang

ang diwa o mensaheng nilalaman ng wikang isinasalin. Wala siyang tungkulin kundi

alamin ang mga katangian ng wikang pinagsasalinan at pagkatapos ay punahin ang


11

mga ito sa kanyang pinagsasalinan (Hida at Taber, 1969).

Dapat lamang na layunin ng pagsasalin ay ang makalikha sa kaisipan ng

mambabasa ng emosyong tulad ng emosyong nalikha ng orihinal na katha sa isipan

ng mambabasa nito.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Si Arcilla (1968) ay gumawa ng katipunan, pag-aaral at pagsasalin ng mga

katutubong panitikan ng Catanduanon. Sinabi niya na maraming nagagawang pag-

aaral sa panitikang Bikol, ngunit kakaunti pa ang tungkol sa Catanduanon. Ang pag-

aaral na ito ay may kaugnay sa ginawang pag-aaral sa dahilang isinalin muna ang

mga kwentong ayan bago sinuri.

Ito ay may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral dahil ang pag-aaral ni

Arcilla ay tungkol sa paggawa ng mga katipunan. Pag-aaral at pagsasalin ng mga

katutubong panitikan tungkol sa Cantanduanon samantalang ang kasalukuyang pag-

aaral ay tungkol sa pagsasaling-wika.

Ayon kay Mark Zuckerberg noong 2004 isa sa bawat labintatlong taong

gumagamit ng facebook (Fb) kung saan 250 milyong naka-log-in sa araw-araw.

Apatnapu’t walong (48%) bahagdan sa 18-34 na edad ay gumagamit ng facebook sa

umaga pagkagising samantalang dalawampu’t walong bahagdan (28%) naman ang

gumagamit bago matulog. Dumarami na rin ang bilang ng mga gumagamit ng

facaebook na may edad na tatlumpu’t lima pataas na may pitumpu’t apat na

bahagdan (74%).

Ang pag-aaral ni Pasang (1994) ay isang pagsusuri ng mga kwentong-bayang

Subanen. Sinuri ni Pasang ang kwentong-bayan ng mga subanen ngunit bago sinurri
12

ay isinalin niya muna ito sa wikang Filipino. At ang pag-aaral ni Pasang ay may

kaugnay sa kasalukuyang pag-aaral dahil parehong silang gumamit ng pagsasaling-

wika nagkakaiba lamang sila sa pokus ng pag-aaral at kung paano isinalin.

Si Macabanding (1996) ay sumuri ng mga kwentong bayang maranao. Mula

sa wikang maranao isinalin ito ni Macabanding sa wikang Filipino bago sinuri upang

sa ganon ay mas lalo niyang maintindihan ang kanyang pag-aaral. At pagkatapos ng

kanyang pagsasalin sa wikang Filipino ipinabasa niya ito sa kanyang iniinterview

kung ang mga salitang ginamit sa Filipino ay katumbas ng salita sa maranao. At ito

ay may kaugnay sa kasalukuyang pag-aaral dahil tumutukoy sa pagsasaling-wika.

Si Olarte (1998) may kaugnayan din ang kanyang pag-aaral sa kasalukuyang

pag-aaral dahil ang kanyang pag-aaral ay tungkol sa mga suliranan ng mga mag-

aaral sa pagsasaling-wika sa Filipino.

Sa pag-aaral ni Solino (1995) na pinamagatang “Isang Paghahambing ng

Wikang Subanen at Wikang Filipino ay natuklasan niya na ang wikang subanen at

ang wikang Filipino ay may pagkakahawig, nagkakaiba lamang sila sa ponemang

malayang nagpapalitan. At may kaugnay ito sa kasalukuyang pag-aaral dahil

parehong tumalakay sa mga wika magkaiba lamang sika sa pokus ng pag-aaral.

Ang pag-aaral ni Buban (2014) tungkol sa “Ang Teknikal na Pagsipat sa

Praktikal at Pagpapahalaga”, natuklasan niya na tulad ng pagsasaling pampanitikan,

maituturing na isang malikhaing gawain ang pagsasaling teknikal. Mahalaga ang

kakayahang pang-wika, subalit mahalaga rin ang kahusayan o kompetensi ng isang

tagasalin sa paghahanap ng iba’t ibang pamamaraan ng pagpapaliwanag sa

kahulugan, pagtitiyak at layunin sa pagpapakahulugan, pagtutumbas sa terminolihiya


13

at pagpapahayag sa kultura at ito ay nagbibigay pahiwatig sa mga magsasalin kung

ano an gang lengguwaheng kanyang gagamitin sa pagsasalin.

Ang pag-aaral na ito ay may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral dahil

tumutukoy din ito sa mga pamamaraang gagamitin kung ano ang dapat itumbas sa

mga salitang isasalin.

Ang pag-aaral ni Rada na pinamagatang “Estilo ng Pagsasalin sa Wikang

Filipino ng mga Teksbuk sa Araling Makabayan”, lumabas sa kanyang pag-aaral ang

tumbasang angkat ang higit na ginagamit. Ibig sabihin mas malawakan ang

panghihiram sa dayuhang wika. Sinundan ito ng tumbasang leksikal,

pinaniniwaalang kung may nakatala nang tumbasan sa diksyunaryo maaari itong

gamitin. Gayunpaman isinaalang-alang pa rin ang itinumbas na salita. At ang

tumbasang di tiyak ay iilan lamang ang gumagamit dahil hindi malinaw kung saan

nagmula ang salita o ang terminolohiya nito. Ang hindi gamitin ay ang tumbasang

berbal o pagbabaybay ng salita ayon sa bigkas nito.

Ang pag-aaral na ito ay may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral dahil isa

sa mga suliranin ng kasalukuyang pag-aarl ay ang estilo, kung ano ang estilo ang

kadalasang ginagamit sa pagsasaling-wika.


14

Kabanata III
METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng gagamitin sa pagsusuri, ng pagkukunan

ng datos, at ang kaparaan ng pananaliksik.

Paraang Gagamitin

Ang mananaliksik ay gagamit ng palarawang pananaliksik, dahil tinitingnan

nito ang mga kamalian ng pagsasalin sa facebook. Kung anong estilo ng pagsasaling-

wika ang ginawa, ilalarawan din kung anong teknik ang kadalasang makikita sa

pagsasaling-wika sa facebook at anong uri ng teorya ang ginamit.

Ang Pagkukunan ng mga Datos

Pangunahing pagkukunan ng datos ay ang mga facebook status ng mga

kaibigan ng mananaliksik na makikita sa newsfeed. Sisikapin ng mananaliksik na

makakuha din ng mga datos para sa kanyang pag-aaral mula sa mga di-nathalang

tesis, internet at iba pang mga basahin.

Kaparaanan ng Pananaliksik

Ang mga sumusunod na hakbang ay isasagawa ng mananaliksik upang

masakatuparan ang pag-aaral na ito:

1. Ang mananaliksik ay pumunta sa silid-aklatan at sinuri ang mga aklat at

di-nailathalang tesis kung ang mga ito ay may kaugnayan sa

kasalukuyang pag-aaral

2. Nagsaliksik sa mga kompyuter o internet ng mga pag-aaral tungkol sa

pagsasalin.
15

3. Pagkilala ng mga suliranin na magiging tunguhin ng mananaliksik.

4. Binuo ang panukalang saliksik.


16

MGA REPERENSYA
Catford, J.C.A (1976). Linguistic Theory on Training London;. Oxford University
Press B.Mga Di-Nalathalang Tesis.

Batnag, Aurora E., Petras, Jayson D. Antonio, & Lilia F. (2009) Teksbuk sa
Pagsasalin. 839 EDSA, South Triangle, Quezon City C & E Publishing
Inc.

Buban, Raquel Sison et al. (January 2014) Ang Pagsasaling Teknikal: Pagsipat sa
Praktikal at Pagpapahalaga/Technikal Translation: Revisiting the Practice and
Essentials Pamantasang De La Salle, Pilipinas.

Febricante, Nerlitamar (Setyembre 1983). Mga Suliranin na may Kaugnayan sa


Paghahanda ng mga Kagamitang Panturo sa Filipino. Cagayan De Oro City,
Di-Natalhalang Tesis, Xavier University.

Olarte, Berlinda C. (Marso 1998). Ang Mga Suliraning Kinakaharap ng mga Mag-
aaral sa Pagsasaling-Wika sa Filipino. Di-Nalathalang Tesis Mindanao State
University Buug.

Sandoval, Mary Ann S. et al. (2018). Inobasyon sa Wikang Filipino. 105


Engineering Road, Araneta University Village, Potrero, Malabon City
Mutya Publishing House. Inc.

Santiago, Alfonso O. (1976). Sining ng Pagsasaling-Wika. Maynila, Rex Book Store.

Almario, V.S. et al. (2003). Patnubay sa Pagsasalin. Pasig City Anvil Publishing,
Inc.
17

TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

DAHONG PAMAGAT i
TALAAN NG NILALAMAN ii

Kabanata I- ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO 1


Panimula 1
Balangkas Pahina Teoritikal 3
Balangkas Pangkonsepto 4
Paglalahad ng Suliranin 5
Kahalagahan ng Pag-aaral 5
Saklaw at Lawak ng Pag-aaral 6
Katuturan ng mga Terminolohiya 6

Kabanata II- SURING-BASA AT SA MGA KAUGNAY NA


LITERATURA AT PAG-AARAL 8
Mga Kaugnay na Literatura 8
Mga Kaugnay na Pag-aaral 11

Kabanata III- METODOLOHIYA 14


Pamaraang Gagamitin 14
Pagkukunan ng mga Datos 14
Kaparaan ng Pananaliksik 14

MGA REPERENSYA 16
18

PAGSUSURI SA PAGSASALING-WIKA PARTIKULAR SA FACEBOOK

Isang Panukalang Tesis


na Iniharap sa
Kolehiyo ng Sining at Agham
PAMANTASANG BAYAN NG MINDANAO
Buug, Zamboanga Sibugay

Bilang Parsyal na Katuparan sa mga


Pangangailangan sa Kursong
Batsilyer ng Sining
Medyor sa Filipino

SHAIZA MAE L. LIGAYAN


Disyembre 2019

You might also like