Professional Documents
Culture Documents
PANGANGATWIRAN
PANGANGATWIRAN
Kahulugan at Kaligiran
Nakatuon sa pagbibigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang makahikayat
ng mambabasa o tagapakinig.
Maisasagawa ito kung mayroon tayong kakayahang ihanay nang maaayos ang ating kaisipan at ipaliwanag ito
upang makahikayat ng kapwa.
Isa sa mga katangiang dapat taglayin ng tagapagpahayag ng diskursong ito ay ang pagkakaroon ng matibay na
paninindigan sa mga bagay na pinaniniwalaang tama.
Mahalaga ang diskursong ito sa ating pagpapahayag ng mga pananaw hinggil sa mga isyung kinakaharap.
Ang Pangangatwiran bilang ikaapat na batayang anyo ng pagpapahayag ay naiiba sa paglalahad, pagsasalaysay,
at paglalarawan dahil layunin nitong hikayatin ang iba na tanggapin ang katoohanan o kawastuhan ng isang
paninindigan o dili kaya’y baguhin ang kanilang pag-iisip o impluwensiyahan ang kanilang pag-uugali at
pagkilos sa pamamagitan ng mga makatwitrang pahayag.