Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Masusing Pagsusuri ng Maiklling Kwento

I. Pamagat ng Akda: Bunga ng Kasalanan

May-akda: Cirio H. Panganiban

Sanggunian: Maikling Kwento at Nobela

Mga Tauhan:

1. Virginia – Ang babaing madasalin at palasimba

2. Rodin – Ang asawa ni Virginia

I. Buod Si Virginia ay isang babaing mayaman, madasalin at palasimba samantalang, ang


kanyang asawang si Rodin ay may pangalan at silang dalawa ay nabubuhay sa
kasaganahan. Sa loob ng sampung taon nilang pagsasama bilang mag-asawa ay hindi pa rin
sila nabibiyayaan ng anak. Ang anak na magiging mutya ng kanilang tahanan at
magmamana ng dakilang pangalan ni Rodin.

Sa tindi ng pananalig at pananampalataya nina Virginia at Rodin sa Diyos at Mahal


na Birhen. Ang mag-kabiyak ay taimtim na nananalangin sa Ubando alang-alang sa
kamahal-mahalang San Pascual at kapinu-pinuhang Santa Klara. Ngunit hindi pa rin sila
nabigyan ng minimithing anak.

Pagdating sa larangan ng medisina, ang malaking pagkasulong ng matandang


karunungan sa paggamot ay nagbigay ng panibagong pag-asa kay Virginia at pati na rin kay
Rodin. Sa pag-asang kanilang muling naramdaman, mas lalong nanabik ang mag-asawa na
magbunga ang kanilang malinis at kabanal-banalang pagsisintahan.

Matapos ang matiyagang pagpapagamot sa isang doctor, Si Virginia ay nagdalang-


tao. Pagkaraan ng mahabang buwan ng kanyang paghihirap ay iniluwal na niya ang isang
lalaking sanggol na nagtataglay ng pangal ni Rodin at ng pangalan ng kanilang angkan.
Napalundag sa labis na kaligayahan si Rodin nang sabihin sa kanya na siya ay isang ganap
ng ama na. Dali-dali niyang tinahak ang silid ng kanyang mag-ina, isang tinging punung-puno
ng paggiliw ang inilay niya para kay Virginia at isang matamis naman ang ikinital niya sa
kanyang pangalawang pag-ibig, ang kanyang anak.

Si Virginia palibhasa’y madasalin, marupok ang puso at natatakot sa Diyos,


palibhasa’y mahinang-mahina noon ang katawan at pag-iisip ay unti-unting nag-alinlangan sa
kalinisan ang kanyang pagiging ina. Ibig niyang maniwalang siya’y makasalanan sapagkat
nilabag niya ang katalagahan at ang kalooban ng Diyos para sa kanya. Dahil sa
paniniwalang ito ay hindi niya pinag-tuusan ng pansin ang kanyang munting anghel.

Unti-unting nabaliw si Virginia sa paniniwalang hindi laman ng kanilang laman ang


kanilang supling kung hindi isang bula lamang ng mga pinaghalu-halong karunungan. Wala
nang ginawa si Virginia kundi manalangin na lamang sa altar ng Birhen at humingi ng tawad
sa Diyos.

Habang karga-karga ni Rodin ang kanilang anak ay inagaw ito ni Virginia at biglang
bumulalas ng “Bunga ng kasalanan! Ito ay hindi natin anak … “

Kinaumagahan noon, si Rodin ay dumanas ng isang gabing walang tulog at pagod


sa pag-aalaga ng kanilang anak. Samantalang si Virginia ay nasa higaan pa at sa mga
sandaling iyon ay nakita niya ang asawang si Rodin na sinasaktan ang anak. Agad na
nagising si Virginia sa napakasamang panaginip na kanyang nakita. Mabilis na pinuntahan ni
Virginia ang kanyang mag-ama sabay kandong sa kanyang anak at iniyapos sa kanyang
dibdib saka pinupog ng maraming halik.

Yaong sa kabaliwan ni Virginia ay tinawag na bunga ng kasalanan.

II. Pagsusuri

A. Uring Pampanitikan

Ang akda ay isang halimbawa ng maikling kwento sapagkat masisilayan ang mga
element ng isang kwento. Mayroong tauhan, tagpuan, kasukdulan,
kabalangkasan, saglit na kasiglahan at wakas

B. Istilo ng Paglalahad

Ang manunulat ay nagsimula sa paglalahad ng mga katangian ng tauhan.


Inihalayhay niya ang mga pangyayari sa masining na pamamaraan at hindi
naging maligoy sa pagpapalabas ng mga ideya.

C. Balyus

Ang lahat ng bagay sa mundo ay may tamang panahon at pagkakataon, huwag


mawalan ng pag-aasa at ang pinakaaasam ay makakamtam din hindi man
ngayon, maaaring bukas o sa susunod na panahon.

D. Sariling Reaksyon

1. Pananalig Pampanitikan/Teorya

• Teoryang Realismo – Ang kwento ay nakapaloob sa teoryang ito


sapagkat katotohanan ng buhay na may mag-asawang matagal ng
nagsasama, may kaya sa buhay ngunit hindi basta pagkalooban ng
anak. Lahat ng santo ay pupuntahan upang makapgdasal lamang na
mabiyayaan ng hinihiling na supling.

• Teoryang Eksistensyalismo – Ang teoryang ito ay nakatuon sa


interpretasyon ng buhay ng tao sa mundo kasama ang problemang
hated nito. Maaring ipasok ditto ang sitwasyon na kung saan ay
mayroon silang marayang buhay ngunit suliranin nila ang pagkakaroon
ng anak sapagkat may sampung taon na silang kasal.

2. Mga pansin at Puna

Napansin ko na, ano mang problema ang dumating kay Virginia ay


lagi siya natawag sa panginoon. Tuloy-tuloy ang daloy ng kwento. Ang
may-akda ay gumamit ng matatalinhagang salita,gayunman, madali
pa ring naunawaan ang teksto.

3. Bisang Pampanitikan

A. Bisa sa Isip

Hindi lahat ng bagay sa mundo ay perpekto. May mga


pagkakataon na kahit nasa ito na ang lahat ng kailangan mo para
mabuhay ay palaging may kulang.

B. Bisa sa Damdamin

Naantig ang aking damdamin sapagkat ang mga tauhan sa


kwento ay positibo sa kanilang buhay. Sa kabila ng tagal ng
panahon na walang anak ay hindi pa rin sila sumusuko na baling
araw ay darating din ang bubuo sa kanilang pamilya. dahil ditto,
hindi naglaon ay natupad din ang matagl na hinihintay.

C. Bisa sa Kaasalan

Pananalig sa Poong Maykapal ay isang magandang asal na dapat


taglayin ng lahat ng tao sa mundo.

D. Bisa sa Lipunan

Ang akda ay maaaring maging sandigan ng mga mag-asawa na


sa kasalukuyan ay hindi pa rin nagkakaanak sa kabila ng tagal ng
panahon na nagsasama.

IV. Pagpapahalaga ayon sa Nilalaman

A. Kulturang Pilipino

Isa sa kulturang bantog sa mga Pilipino ay ang paghiling sa mga santo o


ang pagtungo sa iba’t ibang simbahan bilang panata para matupad ang
kanilang hinihiling sa panginoon.

C .Simbolismong Pilipino

Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging relihiyoso at ang pagpapanata sa


mga santo at simbahan sa paniniwalang sila ay mapagkakalogdan ng
biyaya na kanilang hinihiling.

You might also like