Longquiz1 Setb

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PLUS POINTS: Iskor

CN

UNANG MAHABANG PAGSUSULIT SA FILKOM


Pangalan:___________________________________ Seksyon:___________________ Petsa:___________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat bilang.

KAHULUGAN NG WIKA

I. Isulat sa patlang ang letrang hinihingi sa bawat pahayag, sitwasyon o kahulugang hinihingi ng bawat aytem.

A. Paz, Hernandez, Peneyra B. Cambridge Dictionary

C. Henry Gleason D. Charles Darwin

____1. Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa isang lipunan.


____2. Katulad ng tulay, ang wika rin ang siyang nag-uugnay sa lahat ng tao sa daigdig.
____3. Bawat wika ay binubuo ng tunog, salita at gramatika.
____4. Ang bawat tao ay isinilang nang wala pang kaalaman sa tungkol sa wika.
____5. Sa sakit ng mga salitang sinabi ni Migs kay Liza Soberano nang sila ay maghiwalay, hindi nito napigilang
umiyak.
____6. Itinatak ni Louise sa kanyang isipan na kailanman ay hindi na siya hihingi ng tulong sa kaibigan upang wala na
siyang maisumbat pa.
____7. Pagsambit sa sarili ng mga katagang: “Nakalilito naman ang pa-eksam ni Ma’am Leri”.
____8. Pag-uusap ng mga tao gamit ang jejemon language.
____9. Ang wika ay isinaayos sa paraang arbitraryo.
____10. Aktwal na pag-uusap o komunikasyon.

MASISTEMANG BALANGKAS NG WIKA AYON GLEASON

II. Isulat ang kumpletong kasagutan na hinihingi sitwasyon o kahulugang hinihingi ng bawat aytem.

_______________11. Ito ay ang pinamaliit na yunit ng tunog.


_______________12. Ito ay ang pag-aaral sa pagkakaayos ng mga salita sa isang pangungusap.
_______________13. Ang pagbibigay ng literal na kahulugan ni Maris sa salitang “balat-sibuyas”. Ano ang tawag sa
literal na pagbibigay ng kahulugan?
_______________14. Sa halip na “Nagbigay ka ng pera” ang nasabi ni Donille ay “Magbigay ka ng pera” kung
kaya’t hindi sila nagkaunawaan ng kaibigan. Saang pag-aaral ng wika maaaring ihanay ang sitwasyon?
_______________15. Ibigay ang dalawang uri ng morpema.
_______________16.
_______________17. Binigyan ng sariling pagpapakahulugan ni Calvin ang salitang “buwaya” na binanggit ng
kanyang kamag-aral kaya’t nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan. Ano ang tawag sa pagbibigay ng sariling
kahulugan?
_______________18. Ito ang tawag sa pag-aaral ng kahulugan ng mga salita.
_______________19. May pinag-uusapang sikreto ang magkaibigang Aaron at Mark kung kaya’t gumawa sila ng code
kung saan baligtad ang pagkakasulat ng kanilang mga pangungusap upang hindi ito maunawaan ng ibang kasama.
Anong istruktura ng wika ang nilabag ng magkaibigan?
_______________20. Ito ay ang pinakamaliit na yunit ng salita.

KAPANGYARIHAN NG WIKA
III. Gumuhit ng puso kung ang pahayag ay makatotohanan tungkol sa kapangyarihan ng wika at gumuhit
naman ng bituin kung ito ay hindi makatotohanan.
____21. Ang PO at OPO ay pumapasailalim sa kultura ng Pilipinas.
____22. Ang polarisasyon ay tumutukoy sa sapat na bilang ng mga salita upang maipahayag ang nais ng isang tao.
____23. Kapag sinabing BOLA, maaaring ito’y mismong ginagamit sa basketbol o kaya nama’y sa kabilang banda,
pagpapaikot sa ulo ng mga tao. Ang tawag dito ay polarisasyon.
____24. Magkasabay ang pag-unlad ng wika at kultura.
____25. Ang isang salita ay hindi na maaaring magkaroon ng iba pang kahulugan sapagkat ito’y eksklusibo.
KATANGIAN NG WIKA
IV. Ibigay ang katangian ng wika na inilalarawan ng bawat sitwasyon.
____________________ 26. Kahit nasa ibang bansa ay sinisiguro ni Allen na ginagamit niya pa rin ang wikang
Kapampangan upang hindi ito mamamatay.
____________________ 27. Ang salitang bomba ay nangangahulugang bagay na sumasabog noong panahon ng
digmaan; pagkatapos ng digmaan ay nagbago ang kahulugan nito at naging patungkol sa mga maselan na palabas; sa
kasalukuyang panahon ay nagbago na rin ang kahulugan na nito at maaari kang tawaging bomba kapag ikaw ay hindi
sumipot sa usapan.
____________________ 28. Si Luigi Pacheco ay naging sikat sa twitter dahil sa mga bagong conyo words na kanyang
naidagdag, ilang sa mga ito ay ang mga salitang “carps” “pics” at “starbs”.
____________________ 29. Kahit ang wikang Malay at Filipino ay malaki ang pagkakatulad, mayroon pa rin silang
pagkakaiba sa isa’t isa.
ANTAS NG WIKA
V. Ayusin ang mga salita batay sa antas ng mga ito sa pamamagitan ng pagsulat ng numero at letra sa
talahanayan sa ibaba.
30.yawa 34.omsim 38.kagustuhan
31.amoy-pinipig 35.ala ehhh 39.anak-dalita
32.diba? 36.dakila 40.dine
33.erp 37.tol

BALBAL KOLOKYAL LALAWIGANIN PAMBANSA PAMPANITIKAN

TUNGKULIN NG WIKA AYON KAY MAK HALLIDAY


VI. Isulat sa patlang ang letrang hinihingi sa bawat pahayag, sitwasyon o kahulugang hinihingi ng bawat aytem.
A. Instrumental B. Regulatoryo C. Personal
D. Interaksyunal E. Heuristiko F. Imahinatibo
G. Representasyunal
____41. “Huwag mo na dapat siyang bigyan ng pagkakataon upang lokohin ka ulit!” sambit ni Kirsten sa kaibigang si
Lizelle nang ikwento nito ang panloloko sa kanya ng kanyang kasintahan.
____42. Hindi na talaga matiis ni Sean ang gutom na nararamdaman kaya’t kahit nahihiya ay humingi siya ng biskwit sa
nanay ni Maron habang siya ay naghihintay sa kanilang sala.
____43. Itinuro ni Lance ang wastong hakbang sa panliligaw sa isang kaibigang palaging na-babasted.
____44. Nang dahil sa pagbibiruan nina Kurdapya at Kurdapyo tuwing recess ay tuluyan na nga silang nahulog sa isa’t isa.
____45. Nais ni Francine na maging “in” sa kanyang grupo kung kaya’t inalam niya ang kahulugan ng salitang “flex”
upang magamit ito sa kanyang pang-araw-araw na pananalita.

GAMIT NG WIKA AYON KAY JAKOBSON


VII. Isulat sa patlang ang letrang hinihingi sa bawat pahayag, sitwasyon o kahulugang hinihingi ng bawat aytem.
A. Emotive (Pagpapahayag ng B. Conative (Panghihikayat) C. Phatic (Pagsisimula ng
Damdamin) Ugnayan)
D. Referential (Paggamit ng E. Metalingual (Paggamit ng F. Poetic (Patalinghaga)
Sanggunian) kuro-kuro)

____46. Sa pamamagitan ng social media ay iniimpluwensyahan ni Rylin ang kabataan na huwag kalimutang gawin ang
kanilang skin care routine upang makamit ang magandang kutis.
____47. Binigyan ng wastong pagkilala ni Hans ang awtor ng aklat sa pamamagitan ng pagbanggit ng pangalan nito sa
kanyang isinulat na pananaliksik.
____48. Dahil sa kahusayan sa pagsulat ng mabubulaklak na tula ay tuluyan na ngang sinagot si Aldrin ng kanyang
sinisinta.
____49. Isiniwalat ng ale sa Facebook ang ginawang panloloko sa kanya ng asawa upang maibsan ang sama ng kanyang
loob.
____50. Ibinigay ni Sofia ang kanyang hinaing tungkol sa batas na ipinatupad sa paaralan ng mga SC upang higit na
maging epektibo ang pagsasagawa nito.
Inihanda ni: Bb. Leri Mae P. Mariano

You might also like