Mga Karaniwang Uri at Halimbawa NG Tayutay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mga Karaniwang Uri at Halimbawa ng Tayutay

1. Simili o Pagtutulad - Ang pagtutulad ay naghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, o pangyayari na
ginagamitan ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya, kawangis, kapara, at katulad.

Ang mga mata mo ay tulad ng mga bituin. Ang iyong labi ay tila rosas sa pula.

Kasingkintab ng diyamante ang iyong mga luha. Ang mga kamay mo ay kasing kinis ng tela.

Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagniningning.


.2009

2. Metapora o Pagwawangis - Naghahambing din ang pagwawangis ngunit hindi ginagamitan ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya,
kawangis sapagkatito'ytiyakang paghahambing.
Ang ama ni David ay leon sa bagsik.
Ang aking ina ay tunay na ilaw ng tahanan.
Ang mga nangangalaga ng kalikasan ay mga anghel ng
kagubatan. Ang kanilang bahay ay malaking palasyo.

Ang aking mahal ay isang magandang rosas. Si Mother Teresa ng Calcuta ay hulog ng langit.

3. Personifikasyon o Pagtatao - Ang personipikasyon ay pagsasalin ng talino, gawi, at katangian ng tao sa mga bagay-bagay sa paligid
natin.

Ang buwan ay nagmagandang gabi sa lahat.


Matindi ang unos sa paghagulgol ng langit.
Napangiti ang rosas sa kanyang pagdating.
Inanyayahan kami ng dagat na maligo.
Tinatawag na ako ng kalikasan.

4. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.

O tukso, layuan mo ako! Buhos na ulan, aking mundo’y lunuring tuluyan.

Pag-ibig, bigyan mo ng kulay ang aking buhay. Buwan, ika’y saksi sa lahat ng aking paghihirap.

5. Pagmamalabis o Hayperboli - Ang pagmamalabis ay lubhang nagpapakita ng kalabisan na imposibleng mangyari sa kalagayan ng tao,
bagay, o pangyayari.

Bumaha ng salapi sa kanyang mga kamag-anak nang dumating si Rico mula sa Saudi Arabia.

Aabutin ka ng bilyun-bilyong taon bago makatapos ng medisina. Nadinig sa buong mundo ang lakas ng kanyang sigaw.

Nalulunod na siya sa kanyang luha. Hanggang tainga ang aking ngiti nang siya’y aking nakilala.

6. Pagpapalit-tawag o Metonymy - Ito'y pagpapalit ng katawagan ng mga bagay na magkakaugnay, hindi sa kahambingan kundi sa mga
kaugnayan. Ang kahulugan ng meto ay "pagpapalit o paghalili."

Tumanggap siya ng mga palakpak (papuri) sa kanyang tagumpay. Ang panulat ay mas makapangyahiran kaysa sa espada.

Ibinigay sa kanya ang korona (posisyon) ng pagka-pangulo.

7. Senekdoke o Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.

Itinakwil siya ng buong mundo. Ang klase ay kanyang kinopyahan ng takda.


Ang kongregasyon ay aking kinamayan.

You might also like