Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: Lawrence Joy T.

Batanas Petsa: Enero 7, 2020

Guro: G. Carl Robert Aray Seksyon: Frisch

Bilang isang mag-aaral, sang-ayon ka ba sa paggamit ng teknolohiya sa pagturo at pagkatuto?

Sa buhay ng isang mag aaral at para na rin sa isang guro, importante na may particular na
estilo ang pamamaraan ng pagtuturo. Sa pagdaan ng panahon, parami nang parami at palawak ng
palawak ang mga naiimbentong mga makabagong teknolohiya para sa mga tao, lalo na saming
mga estudyante. Makakatulong na nga ba ito sa pagtahak ng ating landas? O mas makakasama pa
ito at magdudulot ng bunga tungo sa maling landas. Mabuti nga ba o masama ang maidudulot ng
teknolohiya sa ating pag aaral? Bilang isang estudyante, nakakatulong ito dahil mas napapabilis at
napapagaan nito ang paggawa ng mga proyekto at ng mga takdang aralin. Marami rin akong
natututunan at naidagdag na kaalaman kapag gumagamit ng teknolohiya. Malaki ang naiaambag
ng teknolohiya at ng mga makabagong kagamitan dahil nakakatulong ito sa atin upang linganin at
mas lalo pang payabungin ang mga mura nating isipan. Hindi lamang sa pag aaral ginagamit ang
mga ito, marami itong ginagampana sa buhay ng tao, napagagaan nito ang mabibigat na gawain at
mas nakakatipid sa oras. Kaya ko nasabi na nakakatulong talaga ito.

Ang henerasyon natin ngayon ay gumagamit nang teknolohiya bilang kaagapay ng tao sa
kanyang pang aaraw-araw na gawain. Kung mapapansin nyo parang nakadepende na ang tao sa
teknolohiya. Para sa iilan, mas mapapadali ang isang gawain kung kaagapay nito ang teknolohiya.
Ang isa samga gadget na ginagamit ng tao ngayon ay ang cellphone. Natutulungan ang tao nito sa
kanyang mga Gawain. Isang pindot lang ay makakatawag ka na sa taong malayo sayo at isang
pindot lang din ay maipapadala mo na ang iyong mensahe sa taong nais mong padalhan. Sa bahay
ay makikita ang telebisyon, sasakyan, lapyop at kung ano-ano pang mga gamit na may kinalaman
sa teknolohiya na sadya naman talagang ginawa para makatulong sa tao at mapadali ang mga
gawain.

Sa loob din ng klase ay mapapansin din na kaagapay na ng guro at estudyante ang


teknolohiya para mas mapadali ang talakayan at leksiyon isang halimbawa ay ang pag gamit ng
ppt o powerpoint, pag reresearch gamit ang cellphone, laptop o computer at iba pa. Sa ganoong
kadahilanan, bilang isang guro ay kailangan na mas magamit nang maayos ang teknolohiya para
sa maayos at tamang pagkatuto ng mga estudyante. Totoo talagang ang teknolohiya ay may malaki
at magandang naitutulong sa buhay ng isang tao mapa-guro man o estudyante. Ngunit laging
pakatandaan na ang labis na paggamit ng teknolohiya ay may naidudulot ding masama sa buhay
ng isang tao, mapa guro man o estudyante kaya dapat mag saliksik tayo upang mapalawak natin
ang ating kaalaman tungkol sa teknolohiya.

Hindi na nila ito ginagamitan ng kaninlang sariling kakayahan upang magawa ang mga
gawaing madali lamang kung iisipin. Dumarating narin sapunto na nagiging masama ang dulot ng
teknolohiya lalo na sa mga estudyante. Mas pinaglalaanan na nila ngayon ang mga makabagong
kagamitan at halos dito na ginugugol ang isang buong araw kaya naman mas maraming mga
kabataan ngayon ang nagkakaroon ng iba’t-ibang diperensya sa kani kanilang mga katawan. Wala
na rin silang naitutulong sa mga gawaing bahay at hindi na rin nila pinagtutu-unang pansin ang
mga proyekto nila sa paaralan. Sadyang napakalaking tinik ang paglalaro at paglilibang sa halip
na makatulong sa kanilang mga magulang.

Kaya laging tandaan na lahat nang sobra ay nakakasama gaya nalang sa paggamit ng
teknolohiya, madaming umaaboso dahil alam nilang mas mapapadali ang lahat ng mga gawain
gamit ang teknolohiya pero di rin nila alam na sa labis nilang paggamit ng teknolohiya ay nagiging
tamad na ang mga tao dahil gusto nila lahat nalang ng bagay ay madaling gawin, kaya dapat mas
pag aralan natin at lawakan ang ating pag iisip ukol sa sa pag gamit nito.

You might also like