Makabayang manunulat at leksikograpo, si Pédro Serráno y Laktáw ay isinilang noong 24 Oktubre 1853 sa Kupang, Bulacan kina Rosalio Serrano, isa ring leksikograpo, at Juana Laktaw. Nakuha niya ang pagiging maestro elemental mulang Escuela Normal Superior de Maestros sa Maynila at naging guro sa San Luis, Pampanga. Dito niya natipon ang kaalamang isinulat niyang “Folklore Pampango” na inilathala ni Isabelo de los Reyes noong 1889. Napangasawa niya si Roberta Buison. Mula Pampanga, lumipat siyá sa Malolos, Bulacan, pagkatapos, sa Binondo, Maynila, at naging pinunò ng isang paaralang munisipal ng Quiapo. Naging aktibo siyá sa gawaing sibiko, kasáma nina Marcelo H. del Pilar at Mariano Ponce. Nagdulo ito sa pagiging kasapi niya ng Caja de Propaganda, na may layuning magpalaganap ng impormasyon hinggil sa abuso ng mga Español at magtanim ng mga ideyang demokratiko. Naglakbay siyá sa España at nakakuha ng titulong maestro superior sa Salamanca. Naging guro siyá ng anak ni Haring Alfonso XII, at sumikat bílang unang Filipino na nagkaroon ng gayong pagkakataón. Sa España siyá naging Mason. Pagbalik sa Filipinas, itinatag nilá nina Moises Salvador at Jose A. Ramos ang “Nilad,” ang kaunaunahang lohiya sa Filipinas. Nang itatag ni Rizal ang La Liga Filipinas, si Pedro ang nahirang na sekretaryo nitó. Dahil sa mga gawaing ito, natanggal si Pedro sa pagtuturo at nabilanggo. Bago sumiklab ang Himagsikan, naging kontrobersiyal si Pedro sa organisasyong Mason, nakaaway si M.H. del Pilar. Napaalis siyá sa organisasyon at naglingkod sa Revista Catolica ng Simbahan. Walang ulat sa gawain niya sa unang yugto ng Himagsikang Filipino. Sa ikalawang yugto, nag-ambag siya ng mga artikulo sa El Heraldo de la Revolucion. Ngunit noong Mayo 1898, tinanggap niya ang tungkulin sa sangguniang asamblea ng mga Español para pigilan ang paglahok ng sambayanan sa himagsikan. Ngunit noong Digmaang Filipino- Americano ay nagsulat siyá sa mga patriyotikong Ang Bayan, Kalayaan, at Kapatid ng Bayan. Dalubhasa sa Tagalog at Español, pinakabantog na akda niya ang Diccionario Hispano-Tagalog (1889) na pinuri ni Rizal. Dito ay nanguna siya sa paggamit ng titik K. Noong1914, lumabas ang Diccionario Tagalog-Hispano at kikilalanin itong awtoridad ng mga eksperto sa wika. Namatay siyá noong 22 Setyembre 1928. (GVS) Ikinasal kay Roberta Buison taong 1887, nabiyayaan ng 13 anak. Nagakroon ng sakit na Intestinal ulcer, pumanaw noong ika-22 ng Setyembre 1928. KONTRIBUSYON SA PANAHON NA KANILANG KINABIBILANGAN
Si Pedro Serrano Laktaw ang unang sumulat ng Diccionario Hispano-
Tagalog noong 1889. Kabilang siya sa mga propagandistang umuwi sa Pilipinas upang bumuo ng Masonarya. Itinatag niya ang Lohiyang Nilad. Sa Kilusang Propaganda, siya ang may mithiing magkaroon ng demokratikong pamunuan, at gayon din ang pagkakaroon ng kalayaan at karapatan ng bawat tao, magkaroon ng kinatawan sa Korte ng España, maging lalawigan ng España ang Pilipinas at pagkakaroon ng mga pagbabago. Sumulat din siya ng tungkol sa wikang Tagalog tulad ng Estudios Gramaticas at Sobre la lengua Tagala. Noong Digmaang Filipino-Americano ay nagsulat siyá sa mga patriyotikong Ang Bayan, Kalayaan, at Kapatid ng Bayan.
Pumili ng isang akda na isinulat ng bawat manunulat:
Isa sa mga akda ni Pedro Serrano Laktaw ang "Diccionario Hispano-
Tagalog", hindi masasabing mayroong mensahe ang akda dahil hindi ito isang prosa, idioma, kwento at iba pa ngunit ito ay nagbibigay kaalaman. Ang Diccionario Hispano-Taglog ay isang diksyunaryo, na kung saan isinasalin nito ang mga salitang hispano pa tagalog, at taglog pahispano. Ito ay isang koleksyon ng mga salita sa isa o higit pang mga tiyak na wika, na nakaayos ayon sa alpabeto (o sa pamamagitan ng radikal at stroke para sa mga ideograpikong wika), na maaaring magsama ng impormasyon tungkol sa mga kahulugan, paggamit, etimolohiya, pagbigkas, pagsasalin, atbp. o isang libro ng mga salita sa isang wika na may mga katumbas sa isa pa, kung minsan ay kilala bilang isang leksikon. Ito ay isang sanggunian ng lexicographical na nagpapakita ng mga inter-ugnay sa gitna ng data. Laganap ang Diccionario Hispano-Tagalog sa Pilipinas sa kapanahonan nang Espanyol sa bansa dahil ito ang ginagamit na medium sa pakikipagtalastasan sa nasabing panahon. Sa kasalukuyan, Hindi nalang hispano-tagalog ang mayroon tayo, meron nang English-tagalog, Chinese- taglog at iba pa na . Malaki ang naging bahagi nang diksyunaryo sa kaunlaran dahil lalo nitong pinabibilis ang transaksyon at pakikipagkapwa kung mayroon kayong kaalaman sa nasabing salita at iba pa.