Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

HENERAL LUNA

ni Jerrold Tarog

Ang pelikulang “Heneral Luna” ay nakasentro sa mga panahon ng digmaan sa pagitan ng mga
Pilipino at Amerikano. Dito makikita natin ang mga paghihirap na dinaranas ni Heneral Luna bago
ang kanyang hindi maiiwasang pagkamatay.

Sa patuloy na pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas pagkatapos ang kasunduan nila sa


mga Espanyol, gulong-gulo ang ang mga pinuno ng Pilipinas. Sila ay nagkaroon ng pagpupulong
na kung saan ay magdedesisyon sila kung ano ang karapatdapat nilang gawin. May mga nagsabi
na makipagkaibigan nalang sa mga Amerikano para uunlad ang bansa. Pero hindi sumang-ayon si
Heneral Luna sa kanilang mga sinabi. Gusto niyang ipaglaban ang bansang Pilipinas at hindi
magpa-alipin sa mga Amerikano.

Habang nagaganap ang kanilang pagpupulong. Nakahatid ang masamang balita na


napasakamay na ng mga Amerikano ang Manila at patuloy parin sila sa pagsakop sa bansa. Dali-
dali namang iniutos ni Pangulong Aguinaldo si Heneral Luna sa pagdidirekta sa giyera pagkatapos
niyang marining ang nasabing balita.

Sa madugong pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga Amerikano, marami ang mga Pilipinong
sundalo na nagsitakas sa takot na mamamatay sila. Hindi rin nakatulong ang hindi pag-utos ng
isang kapitan kay Heneral Luna pagkatapos siya humingi ng tulong. Sa huli, naging magalit at
marahas si Heneral Luna sa kanyang mga sundalo. Ipinahiya niya ang isa sa mga kapitan sa mga
sundalo,tinanggal din niya ang posisyon ng maraming sundalo, at ipina aresto niya ang mga ilang
lider ng Pilipinas dahil sa “Traydor” sila sa kanyang paningin.

Isang gabi, biglaang umatake ang mga Amerikano sa kampo ng mga Pilipino. Dahil sa rami ng
kanilang mga sundalo, walang nagawa ang mga Pilipino at sila ay tumakas. Sa kabilang banda
naman, ang mga lider ng bansa ay sinisirahan si Heneral Luna at pilit na kinukumbinsi ang
Presidente na siya’y dapat mapalaya sa kaniyang tungkulin bilang isang Heneral.
Isang araw, nakatanggap si Heneral Luna ng mensahe galing sa Presidente na ipinatatawag
siya sa Cabanatuan. Agad silang naglakbay papunta sa Cabanatuan pero sa huli ay si Heneral Luna
at dalawang sundalo lang ang nakarating doon dahil sa hindi makatawid ang ilan sa isang ilog. Tila
walang tao ang nandoon sa Cabanatuan pero hindi nanghinala si Heneral Luna. Siya ay pumasok
sa kuwartel at inatake siya ng ilang mga sundalo kasama na ang kapitan na ipinahiya niya. Sa huli,
siya ay pinaputukan sa ulo at namatay. Walang nakakaalam kung sino ang tunay na nagpapatay
kay Heneral Luna at doon nagtatapos ang pelikula.

Tumatak sa aking isipan ang eksenang naganap sa pagpupulong ng mga lider ng Pilipinas. Doon
ko nasaksihan ang isa sa mga pilit na ipinaparating na mensahe ng pelikula, ito ay ang kawalan ng
pagkakaisa. Ang eksenang ito ang nagbigay sa akin ng ibang pananaw sa nangyari noon. Hindi
ang mga Amerikano ang tumalo sa mga Pilipino kundi ang mga Pilipino ang tumalo sa kanilang
mga sarili. “Hindi magkakaroon ng kapayapaan kung walang pagkakaisa”, ito ang mensaheng
tumatak sa aking isipan. Ang iba ay gustong makisama sa mga Amerikano para sa kanilang sariling
benepisyo habang ang mga ilan ay pilit na ipinagtatanggol ang bayan. Sa huli ay nagwagi ang
mga Amerikano sa pagsakop ng bansa.

Isa ring eksena na tumatak sa aking isipan ay ang eksena kung saan pumunta sina Heneral Luna
sa isang istasyon ng tren upang gamitin ito sa paglalakbay. Pero sa halip na sumakay ang mga
sundalo, inanyayahan nila ang kanilang mga pamilya na sumakay sa tren dahil sila ay
mamamasyal. Pinaglalayas kaagad ni Heneral Luna ang mga ito pagkatapos. Dito ay aking
nasaksihan ang isa sa mga nakakatawang mga eksena sa pelikula. Ang pag-aanyaya ng mga
sundalo sa kanilang mga pamilya na sumakay sa tren upang mamasyal ay talagang napaka Pilipino.

Pero ang pinaka gusto kong eksena sa pelikula ay ang nakaraan ni Heneral Luna. Nakita ko ang
kanyang masasayang mga alaala ng kanyang pamilya. Dito ko rin nalaman na doktor daw sana si
Heneral Luna pero pinili niyang maging sundalo.Nalaman ko rin na nag-aral pala si Heneral Luna
sa ibang bansa para maging isang doktor. Napalibutan ako ng mga maraming tanong. Bakit niya
piniling maging Heneral? Sino ang kaniyang mga kapatid? Saan ba siya nag-aral? Ano ang
kaniyang layunin? Ano ang kaniyang mga pinag-iisip? Sa huli, iilan lamang ang nasagot na mga
tanong at ako ay patuloy parin ako sa paghahanap ng mga sagot.

Tungkol sa pagganap ng mga artisata sa mga iba’t ibang tauhan, wala naman akong masyadong
reklamo. Ang mga emosyon ay napaka tunay, parang wala silang iskrip. Lalo na kay John Arcilla
bilang Heneral Luna. Magmula sa emosyong galit,lungkot,tawa, at iba pa ay kaniyang ginawa
nang mahusay. Maganda din ang pagganap ng mga Amerikanong artista. Akala ko na hindi
magiging maganda ang pagganap nila pero ako’y nagkamali. Ang mga lugar na ginamit din ay
magaganda. Ang paggamit ng mga lumang imprastraktura ay talagang iniangat ang tema ng
pelikula. Ang isang reklamo ko lang ay ang kawalan ng emosyon ng mga ilang karakter kapag
may namatay sa kanilang harapan. Kahit isa lamang na eksena kung saan makikita ang takot sa
mukha ng mga karakter pagkatapos may namatay sa kanilang tabi ay tila wala. Ang kanilang
reaksiyon ay parang hindi seryoso ang pagkamatay ng iba. Sa huli, nagawa ng mga artista ng
maayos ang kanilang mga pagganap at hindi maikakaila na ako ay nasiyahan sa kanilang ginawa
at naiangat ang aking karanasan sa pelikula.

You might also like