Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

MGA NATATANGING PILIPINONG IMBENTOR

1. GREGORIO Y. ZARA (1902 - 1978) ay isang Pilipinong imbentor


mahigit 30 gamit sa eroplano tulad ng Earth Induction Compass at Vapor
Chamber, ilang enerhiya na ginagamitan ng araw tulad ng Solar Energy
Device, Solar Water Heater, Solar Stove at Solar Battery. Siya ang may-
akda ng isang physical law of electrical kinetic resistance na tinatawag na
Zara effect.

Gantimpala
Dahil ito binigyan siya ng parangal tulad ng Presidential Diploma of Merit
(1959), Distinguished Service Medal, Presidential Gold Medal and Diploma
of Honor for Science and Research, at Cultural Heritage Award for Science
Education and Aero Engineering noong 1966.

2. ROBERTO L. DEL ROSARIO ay isang kilalang Pilipinong imbentor ng


Sing-Along System na kilala bilang Minus-One na kalaunan ay kilala bilang
Karaoke. Naipaglaban niya sa Kongreso ng Pilipinas ang pagpasa ng
panukala para sa insentibo sa mga imbensyon ng mga Pilipino na kalaunan
ay naging batas RA 7459 o Inventors and Invention Incentives Act noong
Abril 28, 1992. Siya ay nahalal bilang miyembro ng Executive Board ng
International Federation of Inventors Association (IFIA). Siya ay ginawaran
ng World Intellectual Property Organization (WIPO) Gold Medal sa kanyang
natatanging imbensyon noong 1985.

Sa edad na pito ay mahusay na siyang magpiyano at lalo pang nahasa nang


maging katulong sa pagawaan ng piano ng kanyang tiyuhin na Trebel. Ang
nakita niyang hirap sa pagtotono ng piano eng nagbunsod sa kanya upang
maimbento ang Piano Tuner's Guide at Piano Keyboard Stressing Device.
Taong 1972, nang makilala si Roberto dahil sa kanyang One-Man Band (OMB) na nakakatugtog ng buong
orkestra (kumpletong wind, string at brass instruments) sa tugtog ng chacha, boogie, disco, swing, tango at
marami pang iba.

3. JULIAN A. BANZON ay isang kilalang siyentipiko, iskolar, propesor at


biyopisikal na kemist. Siya ay ipinanganak sa Balanga, Bataan noong Marso
25, 1908. Ang mga magulang niya ay sina Manuel S. Banzon at Arcadia Arca.

Pagkatapos niya ng titulong Batsilyer ng Agham sa Kemistri sa Unibersidad


ng Pilipinas noong 1939 ay agad siyang kinuha ng UP College of Agriculture
bilang assistant instructor. Nagturo siya rito ng isang taon bago itinaas sa
pagiging instructor sa kemistring pang-agrikultura sa parehong kolehiyo
noong 1931. Bilang pensiyonado ng UP, ipinagpagtuloy niya ang pag-aaral
sa paaralang gradwado sa Iowa State University sa Estados Unidos noong
1937 at nagtapos siya ng titulong doktor ng pilosopiya sa biyokemistri
(maynor sa micro-biology) noong 1940. Ang kanyang disertasyon sa
pagkadoktoral ay tungkol sa “fermentative utilization of cassava.”
4. RAMON CABANOS BARBA (1939 - ) ay isang Pilipinong imbentor na
nakaimbento ng paraan upang lalo pang mapamulaklak ang mga punong
mangga sa pamamagitan ng Ethrel at Potassium Nitrate. Nahirang sila
bilang isa sa Ten Outstanding Young Men in Agriculture noong 1974 at
napagkalooban ng Horticultural Technology Award noong Hunyo, 1999.

Anak nina Juan Madamba Barba (isang abogado) at Lourdes Cabanos


(graduate din ng UP) ng Ilocos Norte si Ramon. Ipinanganak noong
Agosto 31, 1939 bilang bunso sa apat na magkakapatid. Nagtapos ng
elementarya si Ramon sa Sta. Rosa Academy (1951) kung saan ikatlo siya
sa pinakamataas sa lahat ng mga nagsipagtapos. Sa Unibersidad ng
Pilipinas (UP) naman siya nagtapos ng high school kung saan naging guro
niya sa laboratoryo ng Biology si Dr. Helen Layosa Valmayor, kilala sa
kanyang mga pananaliksik ukol sa mga orkidya.

5. Agapito G. Flores ay isang Pilipinong imbentor na inakalang bumuo ng


imbudo ng fluorescent light tube.

Siya ay ipinanganak sa Guiguinto, Bulacan noong Setyembre 28, 1897.


Siya ay nagmula rin sa angkan ng mahihirap.

Siya ay nagsagawa ng eksperimento tungkol sa ilaw na karaniwang gamit


lalo na sa gabi. Nais niyang makatuklas ng ilaw na ang liwanag na dulot
nito ay katumbas ng liwanag sa araw. Ang kanyang pagsisikap ay di
nagtagal at nagbunga na siyang kilala ngayon at ginagamit lamang dito sa
Pilipinas kundi maging sa buong daigdig.
Ang imbensyon na ito ay pinakilala niya kay Pangulong Manuel L. Quezon.
Nagulat ang presidente sa natuklasan ni Flores. Hindi siya makapaniwala
na ang isang tubo na yari sa bote ay magagamit at makakalikha ng liwanag.
Pero sa panahong ito, inilabas na sa publiko ng General Electric sa Estados Unidos ang flourescent light. Si
Agapito Flores ay namatay noong 1943.
PAULO C. CAMPOS (1921 – 2007 ) ay kilala bilang Ama ng Medisinang
Nukleyar. Siya rin ay kilala dahil sa kanyang kontribusyon sa pananaliksik sa
sakit na goiter. Siya ang utak sa pagkakatayo ng radioscope laboratory,
research laboratory at klinika para sa goiter sa Pilipinas. Sa kanyang paglathala
ng iba't-ibang sulatin ukol sa sakit na goiter, siya ay pinarangalan bilang
Pambansang Siyentipiko noong 1988.

Ipinanganak siya sa Dasmariñas, Cavite noong Hulyo 27, 1921. Nakapagtapos


siya ng pag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1945, sa John Hopkins
School of Medicine (1953), at sa Oakridge Institute of Medicine (1958).

Nakapagsilbi bilang Chairman ng National Research Council ng Pilipinas (1981-


1984) at ng National Academy of Science and Technology (1978 - 1989).

Ang kanyang pag-aaral na pinamagatan niyang "The Genetic Factor in Endemic Goiter" ay naipresenta sa
Lungsod ng Mexico na kung saan siya ay binigyan siya ng nominasyon ng International Atomic Energy
Agency para sa isang Nobel Prize taong 1970.

DR. FE DEL MUNDO (1911–Agosto 6, 2011[1]) ay isa sa


pinakamagaling na manggagamot ng bata sa Pilipinas. Nanguna siya sa
pangangalaga ng kalusugan ng mga bata at nagsimula ng Ospital na
Pambata sa Pilipinas (Children's Medical Center of the Philippines). Siya
ay pinangarangalang Pambansang Siyentipiko noong 1980.

Silang pangunahing manggagamot ng mga bata, ipinagmamalaki ni Dr.


Fe ang kanyang mga pananaliksik sa mga sakit na polio, rubella at
varicella. Ang mga ito ang nagsilbing basehan sa pag-aaral at paggamit
ng mga bakuna sa buong bansa. Ang kawalan ng mga kagamitan at
laboratoryo sa Pilipinas hindi naging hadlang kay Dr. Fe upang patuloy
na magsaliksik. Matiyaga niyang ipinadadala sa New York (para sa
polio), sa London, (para sa tigdas), sa Switzerland (para sa rubella) at sa
bansang Hapon (chickenpox) ang mga specimen. Sa kanyang pag-aaral sa libo-libong mga bata mula sa iba't
ibang parte ng bansa (1941), napag-alaman niya na ang mga bata pala ay maaaring immune o higit na mahina
ang panlaban (susceptible) sa ilang mga sakit. Ito ang naging panuntunan kung ilang taon ba dapat bigyan ng
bakuna ang isang sanggol upang higit na magkabisa ito.

DANIEL DINGEL ay isang Filipino engineer na sinasabing naimbento ang isang


"reaktor hydrogen" - isang aparato na kung saan ginamit sa kapangyarihan ng
isang “water-fueled”
DR.FELIX D. MARAMBA isang magaling at malikhaing pilipino,
Dahil siya ang kauna-unahang nakagawa ng gas/electricicdad mula sa
dumi ng mga tao at hayop . ito ay nagsimula sa maya farms at ngayon
ay may GAS/ELEKTRISIDAD ang maya farms ay malamang na
hindi na ito kinakailangan.

MARIA YLAGAN-OROSA (29 Nobyembre – 13 Pebrero 1945) ay


isang Pilipinong siyentista, pilantropo, at bayani noong ikalawang
digmaang pandaigdig.

Maraming naging kontribusyon si Orosa sa larangan ng paggamit ng mga


halaman sa pagpepreserba ng pagkain. Siya rin ang nanguna sa paggamit
ng pinya sa paggawa ng suka. Ang pinakasikat naman niyang imbensyon
ay ang Soyalac, isang pagkaing mula sa soya na mataas sa protina. Si
Orosa din ang nag-imbento ng resipe para sa banana ketchup, alak mula
sa mga prutas galing sa bayabas, soyamilk, harina mula sa saging at
kamote, at tinapay galing sa darak na nakatutulong sa pag-iwas sa sakit
na beri-beri. Inimbento rin ni Orosa ang “Palayok Oven” para sa pagluluto
ng iba't ibang putahe.
Si Jose R. Velasco (4 Pebrero 1916 — 24 Enero 2007) ay isang
Pilipinong siyentipiko sa pisyolohistang panghalaman at kimiko sa
agrikulturang kilala sa kaniyang pananaliksik hinggil sa lupa,
nutrisyon ng mga halaman, at mga karamdaman ng buko.
Nadiskubre niya ang panlaban sa kadang-kadang, isang peste ng mga
niyog. Kinilala siya sa kanyang pag-aaral ukol sa kabuuan ng
halaman (plant physiologist) at nutrisyon ng lupa. Kabilang sa
kanyang pag-aaral ay ang iba't ibang uri ng produkto na galing sa
niyog. Noong 1998, pinarangalan siya bilang Pambansang
Syentipiko ng Pilipinas.

Si Jose, katulad ni Jose Rizal ay mas kilala sa katawagang "Pepe".


Isinilang noong 4 Pebrero 1916. Ang kanyang tatay ay
nakapagtrabaho bilang sibilyan sa U.S. Army sa Maynila. Ang
kanyang ina ay simpleng maybahay. Nakapagtapos si Pepe ng elementarya sa Mababang Paaralan ng Imus.
Dahil na rin sa hikahos at hirap sa buhay, nag-aral lamang si Pepe sa Philippine School of Commerce (isang
Vocational High School). Dito niya nakuha ang mga talentong maaari kaagad magamit upang maagang
makapagtrabaho. Ilan sa mga talentong ito ay ang pagmamakinilya (typing) at short hand (isang uri ng
pagsusulat gamit ang maiikling guhit kapalit ng mahahabang salita).

Si Carmen C. Velasquez (Agosto 7, 1913 – Oktubre 16, 1994) ang kauna-


unahang Pilipinong nakapagtapos ng Ph.D. sa Fish Parasitology at nag-aral ukol
sa Aquaculture. Kanyang pinag-aralan ang tungkol sa paglipat ng parasito,
nematodes mula sa hayop patungo sa tao, gamit ang mga dolphin. Kanya ring
pinag-aralan ang mga algaw at epekto nito sa isda. Siya ay pinarangalang
Pambansang Siyentipiko noong 1983.

Siya ay ipinanganak noong Agosto 7, 1913 sa Bayambang, Pangasinan.


Nakapagtapos ng kurso ng Zoology sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1934, sa
Unibersidad ng Michigan (1937) at doctorate degree (Ph.D. in Parasitology)
mula sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1957.
Ang sulatin niyang "Digenetic Trematodes of Philippine Fishes", ang kauna-
unahan sa buong Timog-Silangang Asya, na nagsilbing batayan tungkol sa Fish
Parasitolo gy at Aquaculture.

Si Dioscoro L. Umali (1917 – 1992) ay kinilala sa kanyang kontribusyon


ukol sa pag-aaral ng genes at pagpapatubo ng mga halaman. Kinilala rin
sya sa pagtuklas ng mainam na tubo ng palay, prutas at ornamental na
halaman. Pinarangalan siya bilang Pambansang Siyentipiko para sa
Genetics at Plant Breeding noong 1986.
Mas kilala sa tawag na "Diosing", isinilang si Dioscoro Umali noong
Nobyembre 17, 1917 sa Biñan, Laguna kina Cesorio Umali at Edilberta
Gana-Lopez.
Nakapagtapos siya ng Bacholor of Science in Agronomy mula sa
Unibersidad ng Pilipinas, Kolehiyo ng Agrikultura noong 1939 at
doctorate degrees - Ph.D. in Genetics and Plant Breeding mula sa
Unibersidad ng Cornell sa Estados Unidos noong 1949, Ph.D. in
Agricultural Education mula sa Unibersidad ng Xavier noong 1967, Ph.D.
in Humanities mula sa Central Luzon State University noong 1979 at Doctor of Science, Honoris Causa mula
sa Pamantasang Ateneo de Manila noong 1992.
Si Dr. Francisco O. Santos (1892 – 1983) ay kinilala dahil sa
kanyang malasakit at kontribusyon sa nutrisyon ng mga Pilipino.
Siya ang nagsimula at nagbigay diin sa Kamoteng Baging. Siya ay
pinarangalan bilang Pambansang Siyentipoko noong 1983.

Ipinanganak siya sa Calizon, Bulacan noong Hunyo 3, 1892.


Nagtapos ng Bachelor of Arts (1912) at Masters of Science (1919)
sa Unibersidad ng Pilipinas. Noong 1922, tinapos niya ang kanyang
doctorate degree mula sa Unibersidad ng Yale sa larangan ng
Biochemistry.

Kinilala siyang Pambansang Siyentipiko dahil sa kanyang


kontribusyon sa pantaong nutrisyon at agrikultura. Hindi siya
malilimutan dahil sa kanyang malaking malasakit para sa kalusugan
ng mga Pilipino partikular na mula sa kinakain, lalo na para sa mga
ordinaryong manggagagawa at mga lugar na salat sa pangangalaga.

Si Dr. Santos ang nakadiskubre sa kakayahan ng kamoteng baging (sweet potato) bilang anti-beriberi at siyang
nagpahayag ng kahalagahan nito. Isa siya sa nagpasimuno ng paghahalaman sa tahanan ng mga prutas at gulay
upang mapagkunan ng mga bitamina.

Si Eduardo Quisumbing (1895 – 1986) ay kinilalang


"Ama ng Pag-aaral ng mga Orkidya sa Pilipinas".
Nakapagsulat siya ng kauna-unahang publikasyon ukol sa
mga halamang medisinal sa Pilipinas. Siya ay pinarangalang
"Pambansang Siyentipiko " noong 1980.

Kilalang Botanist at Taxonomist si Dr. Quisumbing.


Isinilang noong Nobyembre 24, 1895 sa Sta. Cruz, Laguna.
Natapos niya ang Bachelor of Science of Agriculture sa
Unibersidad ng Pilipinas (1918), Masters of Science in
Agriculture sa Unibersidad ng Chicago (1912), at Ph.D in
Botany (1923). Mula sa parehong paaralan, nakamit niya
ang pagiging magna cum laude.

Nakapagsulat si Dr. Quisumbing ng halos 136 na artikulo


tungkol sa iba't ibang bulaklak ng Pilipinas, kung saan,
kalahati nito ay tungkol sa orkidya. Sa masusi niyang pananaliksik mula 1918 hanggang 1970,
nakapagdagdag siya ng 4 na genera, 46 na species at 18 varieties kung kaya't tinagurian siyang "Father of
Philippine Orchidology."

Naging direktor din siya ng Pambansang Museo kung saan pinangasiwaan niya ang pagsasaayos at
panunumbalik ng Herbarium matapos itong masira noong giyera ng mga Amerikano at Hapones.
Si Dolores A. Ramirez (1931 – ) ay kilala sa kanyang kontribusyon ukol sa
pag-aaral ng mga komposisyon (Cells and Genes) ng mga halaman, partikular
ang makapuno. Pinarangalang "Pambansang Siyentipiko" para sa Biochemical
Genetics at Cytogenerics noong 1997.
Ipinanganak siya sa Calamba, Laguna noong Setyembre 30, 1931.
Nakapagtapos siya ng Bachelor of Science in Agriculture mula sa Unibersidad
ng Pilipinas noong 1956. Napagtagumpayan ang kanyang Master of Science in
Cytogenetics mula sa Unibersidad ng Minnesota noong 1958 at Ph. D. Major
in Biochemical Genetics mula sa Unibersidad ng Purdue sa Estados Unidos
taong 1963.
Kinilala ang kanyang mga pananaliksik tungkol sa cytogenetics (study of cells
and genes) ng iba't ibang pananim ng Pilipinas.
Siya ay naging pangalan ng section sa Mataas na paaralang Pang-Agham ng
Las Piñas (A. Y. 2018-2019)
Siya ay kilala sa pag- aaral ng mga halaman sa Pilipinas

Si Luz Oliveros Belardo (1906 – ) ay isang Pilipinong nagbigay ng


siyentipikong paliwanag sa bisa ng mga halamang gamot na hindi
buhat sa superstisyosong paniniwala, panalangin at inkantasyon. Siya
ang nakatuklas ng 40 bagong esensiyal na mga langis at potensiyal na
mga katutubong halaman bilang mayamang panggalingan ng
pampalasa, pabango, gamot at enerhiya. Pinarangalan siyang
Pambansang Siyentipiko noong 1987.

Ipinanganak si Belardo noong 3 Nobyembre 1906 sa Navotas, Rizal.


Siya ay panganay sa walong anak ni Aurelio Oliveros (isang
magsasaka at negosyante) at Elisa Belarmino (maybahay). Natutuhan
niya sa kanyang ama ang pagpapahalaga sa edukasyon, samantalang
nakuha naman niya sa kanyang ina ang pagpapakumbaba at
pagmamahal sa kapwa.
Nag-aral ng elementarya sa Silang Elementary School, Cavite (1921) at nag-high school naman sa Philippine
Women's College o kilala ngayong Philippine Women's University (PWU) (1925) sa Taft, Maynila.
Parehong valedictorian ang natamo niyang karangalan sa dalawang paaralan.

Si Josefino Cacas Comiso (1940 – ) ay isang Pilipinong nagbigay ng


kontribusyon sa paggawa ng atlas ng yelong takip ng dagat (sea ice cover). Siya
ay nakapagsulat ng higit 70 na pag-aaral ukol sa siyensiya ng mundo (Earth
Related Sciences) kasama ang pag-aaral tungkol sa polynas, isang lugar na hindi
natatakpan ng yelo at ang tubig ng Southern Ocean (ang dagat sa paligid ng
Antartica) ay direktong naka-expose sa atmospira.
Siya ay napagkalooban ng tatlong NASA at GSFC Special Awards (1987, 1991
at 1994), NASA Group Achievement Award. Ang kanyang pangalan ay
kabilang sa "Who's Who in the World", "Who's Who in North America", "Who's
Who in Frontiers of Science and Technology" at "Who's Who in
Electromagnetics".
Ipinanganak siya noong 21 Setyembre 1940. Kilala siya sa tawag na "Joey" sa
San Antonio, Narvacan, Ilocos Sur. Pampito si Joey sa sampung anak nina
Severino at Silvestra Comiso.
Sa murang edad ay mahilig na si Joey sa Matematika at Siyensiya kung kaya't hindi kataka-takang
makapagtapos siya sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1952 ng kurso sa Physics. Nakapagtrabaho siya sa
Philippine Atomic Research Center at nakapagturo sa UP Physics Department. Taong 1964, nagtungo siya sa
Florida State University, Tallahassee, kung saan naisagawa niya bilang thesis ang "Deuterium Interactions.
Si Jose Bejar Cruz Jr. (1932 – ) ay isang Pilipinong nagbigay ng
kontribusyon sa pag-aanalisa ng elektrisidad at pagkontrol nito.
Nakapagsulat siya ng mahigit 100 artikulo ukol sa Electrical
Applications. Siya ay naglingkod bilang Pangalawang Pangulo (Vice
President for Technical Activities) noong 1982 at 1983, (Vice
President for Publication Activities) noong 1984 at 1985 ng Institute
of Electrical and Electronic Engineers (IEEE) ng Estados Unidos.

Siya ay ginawaran ng mga karangalan tulad ng Asee Curtis W.


McGraw Research Award noong 1972, Richard M. Emberson Award
noong 1989 at Centennial Medal noong 1993.

Kilala sa pangalang "Joe", isinilang siya noong 17 Setyembre 1932


sa Bacolod, Negros Occidental. Nanirahan siya sa Pasay, Rizal noong
kapanahunan ng Pangalawang Pandaigdigang Digmaan.
Nakapagtapos siya ng elementarya Malolos, Bulacan.

Nakapagtapos siya ng Bachelor of Science in Electrical Engineering sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1953.
Siya ang kauna-unahang nakapagkamit ng Summa Cum Laude sa kanyang larangan sa kanilang kolehiyo at
siya rin ang nanguna sa board exam sa puntos na 97%.

Si Francisco M. Fronda (1896 – 1986) ay kinilalang "Ama ng siyensiya


ng Manukan sa Pilipinas" at kinilalang "Ama ng Industriyang Manukan sa
Thailand" mula sa Prinsesa ng Thailand noong 1982. Nakapagsulat siya ng
mahigit na 500 na artikulo ukol sa manukan at iba pang hayop. Sa kanyang
kontribusyon sa larangan ng agrikultura ang naging batayan ng paggawad
sa kanya bilang Pambansang Siyentipiko noong 1983.

Ipinanganak sa Santo Tomas, Aliaga, Nueva Ecija noong 22 Disyembre


1896. Nagkapagtapos siya ng Bachelor of Science in Agriculture sa
Unibersidad ng Pilipinas taong 1919. Ipinagpatuloy ang pag-aaral at
nagtapos ng Masters of Science (1920) at Ph. D. in Poultry Science (1922)
mula sa Unibersidad ng Cornell sa Estados Unidos.

Sa 60 taong pagtuturo at pag-aaral sa larangan ng manukan, hindi


matatawaran ang naiambag ni Dr. Fronda sa industriya sa buong Pilipinas at maging sa Asya. Ilan sa kilalang
aklat na kanyang naisulat ay ang seryeng "Let us Raise" para sa mga mag-aaral ng elementarya at mataas na
paaralan.

You might also like