Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Bakit ako ang maghuhugas ng pinggan?

Eh, anong gusto mo? Tamang Landi Lang?

Isang Pagsusuri sa Malayuning Komunikasyon


GEC102, MTH, 1:00-2:30PM

Ipinasa ni: Nelly Rose A. Dialani


BSED FILIPINO

Ipinasa kay: Prof. Love I. Batoon


Ang larawan na ito ang napili ko sapagkat ito ang nakatawag ng aking pansin.
Natawa ako sa tagpong ito sapagkat ito’y realidad kung ating titingnan sa totoong
buhay. Ito ang laging bangayan sa ating mga tahanan na kung sino ang
maghuhugas ng pinggan pagkatapos kumain. Sa aming tahanan, ito rin ang
nangyayari kung saan nag-uunahan kami kumain para hindi makahugas ng
pinagkainan dahil ang patakaran naming sa bahay, kung sino ang mahuhuli sa
pagkain ay siyang maghuhugas ng pinagkainan at talagang naipapakita sa dulang
ito ang ganoong pangyayari. Masasabi kong hindi lang ito nangyayari sa mag-asawa
ang ganitong bangayan. Mas lalo’t higit sa magkakapatid. Kumbaga, isa itong
malaking dagok sa magkakapatid tuwing sasapit ang oras ng kainan sa isang
pamilya.

Ang dulang ito ay gumamit ng di-pormal na wika dahil pasigaw o nagngangalit


sa galit ang paraan ng pananalita ng isa sa pangunahing aktres. Ito ang linyang
nasipi ko mula sa dula: “Hoy! Mga tsismosang kabitbahay. Wala akong utang sayo!
Umalis na kayo mga walang hiya!”. Ito ay nangyari sa isang tagpo kung saan
pumunta ang tindera sa bahay nina Kamaldang at ipinakita ang pagkahaba-habang
listahan ng kanyang utang. At nang hindi makapagtimpi si Kamaldang ito ang
kanyang naibulalas kung saan siya ang natalo sa pustahang naganap sa kanilang
dalawa ni Kaugong na kung sinuman ang unang magsasalita ay siyang maghuhugas
ng pinggan kung kaya’t babae nga ang naghuhugas ng pinggan.
Ang barayti ng wika na makikita sa dulang ito ay ang idyolek. Ito ang makikita
sa konbersasyon nina Kaugong at Kamaldang sa linyang: “Sige, pag-usapan natin
‘to. Ang sinumang unang magsasalita ng “okeey keeyoh” o kahit sinuman sa atin
ang unang magsasalita ay siyang maghuhugas ng pinggan. Ang salitang “okeey
keeyoh” ay gamit na gamit saanmang dako kung saan ito ay tatak na salita na galing
sa isang indibidwal na sikat na ngayon sa sosyal midya.
Ang rejister na makikita sa dulang ito ay casual at intimate sa pagitan nina
Kaugong at kanyang kabit maging sa mga taong nandoon gaya ng tindera,
tsismosang kabitbahay at iba pa.Ito ang mga linyang makikitaan ng casual at
intimate na rejister ng wika:
“Akin ka lang kaugong”- kabit ni Kaugong.
“Kamaldang, Kaugong, may ibabalita ako sa inyo. (sabay tawa ng malakas) Nanalo
ako sa tong-its!”.

Ang mga salitang nabanggit ay hindi akma sa sitwasyon sapagkat ang mag-
asawa ay nagbabangayan patungkol sa kung sino ang maghuhugas ng pinggan
nang biglang dumating si tsismosang kapitbahay, tindera at iba pa para lang sabihin
ang kanilang saloobin. Sa kabilang dako, maaari namang pag-usapan ng mahinahon
ang paghuhugas ng pinggan at hindi na kailangan umabot pa sa bangayan.
Ang isyung pansosyal na makikita sa dulang ito ay ang stereotyping sa
kababaihan kung saan sila ang dapat taga hugas ng pinggan. Ito’y pinatunayan sa
konbersasyon nina Kaugong at Kamaldang na:
Kamadang: “Bakit ako ang maghuhugas ng pinggan”?
Kaugong: “Eh, kasi babae ka!”
Ayon sa director ng dulang ito na si Jay-ar Lugan, sabi nya; makikita natin na
ang babae ay pangbahay lang at wala silang karapatan pumili. Talagang ang
diskriminasyon sa kababaihan ang nalantad sa dulang ito.
Kung aking maiuugnay sa Malayuning Komunikasyon ang bawat pangyayari
o tagpo sa dulang ito batay na rin sa sarili kong pagkaunawa, sa Kamalayang
Kultural, makikita natin na bahagi na ng kultura ng mga Pilipino na ang mga babae
ay mas masinop sa bahay lalo na sa mga gawaing-bahay. Tiyak na malinis ang lahat
ng nasa bahay kung babae ang naroroon. Kung ating titingnan sa Kultural Sensibiliti,
ito’y nagpapakita na parang walang silbi ang lalaki lalo na sa mga gawaing-bahay.
Hindi nila alam ang tunay na kahulugan ng pagkakaroon ng isang malinis at kaaya-
ayang tahanan. Lalo’t higit itong makikita sa Sensibiliti sa Kasarian kung saan ang
babae ay pangbahay lang at ang lalaki ay nasa trabaho. Parehong may stereotyping
sa dalawang personalidad(babae at lalaki) dahil nga ang babae ay higit na alam ang
pamamaraan sa loob ng tahanan ganoon din sa lalaki. Mas nababagay sa kanya
ang nasa trabaho o opisina kung saan makikita natin na tila natuldukan na ang
direksyon ng bawat isa na si babae sa bahay lang at si lalaki sa trabaho o opisina
lang. Tila nakakulong ang bawat isa na hindi nila magawa ang gusto nilang gawin
dahil nga limitado sila sa kredibilidad o kakayahan na mayroon sila.
Ang “Housewife” ay hindi tamang depinasyon ng babae sa loob ng tahanan
bagkus ay nararapat silang tawaging “Domestic Engineer” sapagkat kaya nilang
gawin ang lahat kung saan nakaplano na ang gagawin nya sa bawat araw simula sa
pagkagising hanggang sa maghapon at hindi doon nagtatapos ang gawain ng isang
ina at asawa dahil habang may pamilya siyang pinaghuhugutan ng lakas, patuloy
niyang gagampanin ang responsibilidad na nakapatong sa kanya.
Itong larawan na ito ang nakatwag ng aking pansin at nagustuhan ko siya
dahil nakaramdam ako ng “comfort”. Naipapakita sa larawang ito ang “pagko-
comfort” ng isang ina sa isang dalagitang anak. Hindi natin maikakaila na bilang mga
kabataan, madali tayong madala sa ating mga emosyon. Nais nating makuha agad
ang mga gusto natin na hindi natin isinasaalang-alang ang posibleng bunga nito.
‘Yong akala nating bagay na magdudulot ng saya sa atin ngunit hinagpis ang
maidudulot nito sa ating mga magulang. At higit sa lahat, punong-puno tayo ng inggit
lalo na sa magkakapatid gaya ng ipinakita ng dulang ito. Kung ano ang mayroon sa
isa, dapat magkakaroon din ang isa. Kailangan pantay ang lahat. Iyan ang gusto
nating mga kabataan na hindi natin alam na hindi lahat ng bagay ay akma sa ating
edad at nababagay sa atin. Ngunit ang ilaw ng tahanan ay hindi nagkulang sa
pagpapaliwanag, pag-aaruga at pag-unawa huwag lang tayong lumihis ng ating
landas dahil kung nakikita ka ng iyong ina na nasasaktan, tripling sakit ang
maidudulot nito sa kanya.
Ang uri ng wikang ginamit sa dulang ito ay di-pormal sapagkat nagkakaroon
ng bangayan sa pagitan ng magkakapatid. Narito ang ilang linya na nagpapakita ng
pagbabangayan ng magkapatid.
Alex: “Walang kwenta yan, dapat ang inaatupag mo isyu sa lipunan”.
Chi-chay: “Ako puro k-pop, ikaw puro isyu”
Ang tagpong ito ay ang paglilinis ni Chi-chay ng bahay habang may malakas
na tugtog ng isang awitin at nang dumating si Alex, ito’y kanyang pinatay. Kung
kaya’t nagsimula ang bangayan nilang dalawa.
Ang barayti ng wika na makikita sa dulang ito ay ang dayalek. Kung saan
makikita sa sinabi ni Alex na:
“Napaka-dogyut mo Chi-chay”. Ito ang tagpo kung saan natagusan si Chi-chay ng
kanyang buwanang dalaw. Ang salitang “dogyut” ay mula sa mga Ilocano na
nangangahulugang “marumi” na maaaring iba ang pagkagamit sa ibang lugar na
mayroong mga Ilocano.

Ang rejister ng wika na makikita sa dulang ito ay casual kung saan parang
magkakaibigan lang ang turingan ng magkapatid sa isa’t-isa. Ito ay pinatunayan sa
linya ng magkapatid na:
Alex:”Baliw lang ang magsasabing isinilang na ang aking karibal”
Chi-chay: “How to be you po”?
Ito ang tagpong kunawari’y nag-aagawan sila sa isang lalaki.

Ang salitang ginamit sa dulang ito ay masasabi kong akma sapagkat sa


magkakapatid, ang ate ang kasangga ng ina sa pagtutuwid at pagproprotekta sa
nakababatang kapatid. Ito ang linya ng ina at ang ate:
Ina: “Anak, Chi-chay, alam mo namang mahal na mahal ko kayo ng ate Alex mo
diba? Ayaw kong mapahamak kayo kasi kayo nalang ang mayroon ako. Ito ang
tagpong pinagsabihan ng ina si Chi-chay na huwag sumama sa kung kanino lang at
iwasan si Budang-ang baklang matalik na kaibigan ni Chi-chay dahil baka mabuntis
daw sya nito.
Alex: “Wala naman sa “looks” yan Chi-chay, ang importante kung sino ka talaga. Ito
ang tagpong matapos silang magbangayan sa kung sino ba talaga sa kanila ang
mas maganda.
Ang isyung pansosyal na makikita sa dulang ito ay ang “teenage pregnancy”
kung saan si Chi-chay ay nabuntis ng maaga. Ito ang realidad na nangyayari sa
kahit saang-dako. ‘Yong akala nating “tamang landi” lang ay sumobra hanggang sa
hindi na namalayan na malaking pagkakamali nap ala ang nagawa mo. Ayon sa
director ng dulang ito sabi nya “hindi porket nabuntis ng maaga ay wala ng
pakinabang dahil ang bawat isa sa atin ay may ibat’t-ibang kapalarang nakalaan.
Ang dulang ito ay hango sa totoong buhay ng mismong director ng dulang ito kung
saan naipakita na ang pagkakamali ay hindi maitatama ng isa pang pagkakamali
kung saan pinili niyang magpatuloy ng pag-aaral dahil alam niyang ito ang tama.
Ang tamang landi lang ay nagpapakita ng “art of kilig” pero kailangang tama lang at
alamin ang ating mga priority sa buhay lalo na sa atin na mga mag-aaral.
Batay sa aking sariling opinyon, ang Kamalayang Kultural na makikita sa
dulang ito ay kabataang babae na naging ina sa napaka-murang edad na ang dapat
sana’y atupagin nila ay ang pag-aaral ngunit nakatuon na ngayon sa kung paano
itataguyod ang kanyang pamilya. Kung ating titingnan sa Kultural Sensibiliti, tayong
mga Pilipino, hindi natin maikakaila na tayo ay likas na mapanghusga sa ating
kapwa lalo na’t may nakikita tayong hindi kaaya-aya. Ang mga kabataan na ito ay
magiging sentro ng usapin sa isang lugar sa isang lugar dahil lang sa isang
pagkakamali na tila’y buong mundo ay kalaban mo. Sa Sensibiliti sa kasarian,
makikita natin na kapag ang babae ay nabuntis ng maaga, siya lang ang magiging
sentro ng usapin, paano naman ang lalaking nakabuntis sa kanya? Tila ang babae
lang ang magdurusa na sa isang dako ay dalawa naman silang may gawa. Dito
lilitaw ang stereotyping sa mga kababaihan, kung saan basta maagang nabuntis ay
malandi na. Ito ay hindi tama sapagkat hindi natin alam kung ano ang nasa likod ng
pangyayaring ito. At hindi teenage pregnancy ang dapat na itawag natin sa kanila
bagkus Adolescent mother. Huwag natin agad silang husgahan bagkus ay tulungan
natin silang makabangon mula sa pait ng pagsubok na kanilang nadatnan.

You might also like