Professional Documents
Culture Documents
Unang Markahan AP9 With TOSfinal
Unang Markahan AP9 With TOSfinal
14. Alin sa mga sumusunod ang maaring mangyari kung magkatotoo ang teorya ni Thomas Malthus?
A. Mawawala ang kahirapan.
B. Lalaganap ang kahirapan at kagutuman.
C. Darami ang pagkain sa mundo.
D. Tataas ang bilang ng lakas-paggawa.
Para sa bilang 15-17, suriin ang graph sa ibaba upang masagot ang mga sumusunod na tanong:
15. Sa pangkalahatan, ano ang ipinapakita ng graph kapag ginamit ang lahat ng pinagkukunan sa produksyon ng baril at bigas?
A. Kapag dinaragdagan ang produksyon ng baril, nababawasan ang produksyon ng bigas.
B. Kapag binabawasan ang produksyon ng baril, nababawasan din ang produksyon ng bigas.
C. Kapag tumataas ang produksyon ng baril, tumataas din ang produksyon ng bigas.
D. Kapag tumataas ang produksyon ng baril, walang pagbabago saproduksyon ng bigas.
16. Kapag ginagamit ang lahat ng pinagkukunan, ilang libong baril ang magagawa kapag ang produksyon ng bigas ay dalawang
milyong kilo?
A. 15 B.12 C. 9 D. 6
17. Halimbawang ang lipunan ay kasalukuyang nagproprodyus ng 9 na libong baril at 3 milyong kilong bigas, ilang milyong kilong
bigas ang isasakripisyo kung ipinasiya ng lipunan na magprodyus ng 12 libong baril?
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4
18. Alin sa mga sumusunod ang higit na nagpapahayag ng batas ng kakapusan?
A. Kapos ang mga produkto dahil lumalaki ang populasyon ng mundo.
B. Ang kakapusan ang dahilan ng kakulangan.
C. Kapos ang mga produkto dahil kulang ang mga pinagkukunan upang iprodyus ang mga produktong gustonggamitin
ng mga tao.
D. Kapos ang produkto sa dumaraming kagustuhan ng mga tao.
19. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng suliranin ng kakapusan sa lipunan?
A. Marami ang nag-aaway at kaguluhan sa mga pangkat ng tao.
B. Tumataas ang presyo ng mga bilihin.
C. Nakakaranas ang mundo ng mainit na klima at mataas na bilang ng bagyo.
D. Maraming mga negosyo ang nagsasara.
20. Ano ang dahilan bakit may trade-off at opportunity cost?
A. Walang katapusan ang pangangailangan ng tao.
B. Limitado ang kaalaman ng tao sa pagpapasya.
C. Sagana ang buhay ng tao.
D. Upang makalikha ng mas maraming kalakal.
21. Mahihirapang mabuhay ang mga tao kung wala silang pagkain, damit at tirahan. Ano ang tawag sa mga bagay na ito?
A. Luho
B. Pangangailangan
C. Kagustuhan
D. Kagamitan
22. Alin sa mga sumusunod na batas ang nagpapaliwanag na makakamit ng tao ang kasiyahan kapag nakapagpasya siyang mas
bigyan ng prayoridad ang mahalagang pangangailangan?
A. Law of Variety
B. Law of Harmony
C. Law of Economic Order
D. Law of Diminishing Utility
23. Ang pangangailangan ay mga bagay na ginagamit ng tao upang mabuhay. Ano naman ang kagustuhan?
A. Mga bagay na nakukuha sa madaling paraan.
B. Mga bagay para sa pansariling kapakanan.
C. Mga bagay na pansamantalang naaangkin ng mga tao.
D. Mga bagay na nagdudulot ng kasiyahan sa tao.
24. Kung ang pagkain at tirahan ay mga pangunahing pangangailangan, ano naman ang kagustuhan.
A. Mga bagay na itinuturing na luho ng tao.
B. Mga bagay na kathang-isip lamang ng tao.
C. Mga bagay na mabilis maubos.
D. Mga bagay na kailangan ng tao upang mabuhay.
25. Alin sa mga sumusunod ang HINDI mangyayari kung uunahin ang pangangailangan sa kagustuhan?
A. Hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin sa pagpili at pagkonsumo.
B. Magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman ng tao.
C. Maaring malutas ang suliranin ng kakapusan.
D. Magiging maayos ang badyet ng pamilya.
26. Alin ang may wastong pagkakaayos ng hirarkiya ng pangangailangan ayon sa teorya ni A.H. Maslow?
A. Security, Social, Self-esteem, Actualization, Physiological
B. Physiological, Security, Social, Self-esteem, Actualization
C. Self-esteem, Security, Physiological, Social, Actualization
D. Social, Security, Physiological, Actualization Self-esteem
27. Kailan maituturing na batayang pangangailangan ang isang kalakal o serbisyo?
A. Kapag nagbibigay ito ng kasiyahan sa buhay ng tao.
B. Kapag hindi mabubuhay ang tao kung wala nito.
C. Kapag makakabili ang tao ng mas maraming bagay sa pamamagitan nito.
D. Kapag napapadali nito ang gawain ng tao.
28. Ang pagkakaroon ng ipad, tablet at cellphone ay itinuturing na kagustuhan. Ano ang dahilan nito?
A. Hindi lahat ng tao ay kaya itong bilhin.
B. Simbolo ito ng pagiging sikat.
C. Nasisiyahan ang magkakaroon nito.
D. Mahal ang mga bagay na ito.
29. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga kagustuhan ng tao?
A. Cell phone
B. Kotse
C. Damit
D. Alahas
30. Alin sa mga na salik na nakakaimpluwensiya sa kagustuhan at pangangailangan ng tao ang HINDI nagbabago?
A. Edad
B. Kasarian
C. Antas ng Edukasyon
D. Katayuan sa Lipunan
31. Ano ang tawag sa pagtatakda ng mga pinagkukunang yaman upang matugunan ang kagustuhan?
A. Distribusyon
B. Alokasyon
C. Pamumuhunan
D. Reserbasyon
32. Alin sa mga sumusunod ang HINDI na naglalarawan sa lipunang may market economy?
A. Mababang buwis ang ipinapataw samga kalakal.
B. Kakaunti ang mga regulasyon sa pagnenegosyo.
C. Walang buwis na ipinapataw sa mga kalakal.
D. Ang pamahalaan ang may kontrol sa negosyo.
33. Alin sa mga sumusunod na sistemang pang-ekonomiya ang naniniwala sa pribadong pamumuhunan?
A. Tradisyonal
B. Market
C. Command
D. Mixed
34. Sa command economy, ano ang may komprehensibong kontrol at regulasyon ng ekonomiya ng bansa?
A. Prodyuser
B. Konsyumer
C. Pamahalaan
D. Pamilihan
35. Paano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa sistemang tradisyunal na
ekonomiya?
A. Wala, sapagkat iyong katungkulan ay nagmumula sa utos ng pamahalaan batay sa plano nito.
B. Malaya kang makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes.
C. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakinabang ng mga pinagkukunang yaman.
D. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol sa ibang gawain.
36. Sa ekonomiks, ano ang tawag sa paggamit ng kalakal o serbisyo upang matugunan ang pangangailangan?
A. Distribusyon
B. Produksyon
C. Pagkonsumo
D. Alokasyon
37. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagkonsumo?
A. Paggamit ng mga produkto.
B. Paggawa ng mga produkto.
C. Pagbebenta ng mga produkto.
D. Paghahanap ng produkto.
38. Kapag tumaas ang presyo ng asukal, maaring mabawasan ang dami ng nagkakape. Bakit?
A. Sapagkat limitado ang produksyon ng kape.
B. Sapagkat walang gamit ang asukal sa kape.
C. Sapagkat ang kape at asukal ay magkaugnay na kalakal.
D. Sapagkat magkatunggali ang kape at asukal.
39. Anong katangian ng mamimili ang ipinapahiwatig kapag isinaalang-alang niya ang presyo at kalidad ng isang bagay?
A. May alternatibo
B. Hindi nagpapadaya
C. Makatwiran
D. Mapanuri
40. Anong batas ang nagpaparusa sa sinuman na gagamit at gagayahin ang tatak o pangalan ng ibang produkto ng walang
pahintulot sa may-ari nito?
A. Consumer Rights of the Philippines
B. Revised Penal Code
C. Civil Code of the Philippines
D. Price Tag Law
41. Alin sa mga sumusunod ang nakapagpapataas sa antas at dami ng produksyon?
A. Pagdami ng mamimili
B. Paggamit ng angkop na teknolohiya
C. Pagtaas sa demand ng produkto
D. Pagmahal ng mga salik ng produksyon
42. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa konsepto ng “Lupa” sa salik ng produksyon?
A. Puno
B. Makina
C. Mineral
D. Tubig
43. Kung ang bayad sa paggawa ay sahod, ano naman ang bayad sa lupa?
A. Interes
B. Renta
C. Kita
D. Tubo
44. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa kapital?
A. Manggagawa
B. Makina
C. Gusali
D. Kompyuter
45. Namuhunan si Mario sa isang negosyo kahit wala itong katiyakan na kikita ito. Anong katangian meron si Mario?
A. Bihasang magnegosyo
B. Sanay sa responsibilidad
C. Marunong sumunod sa payo
D. May lakas ng loob
46. Mabait at marunong makisama sa kanyang mga tauhan si Mang Kanor sa kanyang pabrika. Anong katangian meron si Mang
Kanor?
A. Mabilis magbago ng pasya
B. Mahusay magplano
C. Mahusay makitungo sa kapwa
D. Marunong magpalakad ng negosyo
47. Anong sistema ng negosyo ang pinakapayak?
A. Solong pagmamay-ari
B. Sosyohan
C. Korporasyon
D. Kooperatiba
48. Anong sistema ng negosyo ang may layuning tulungan ang mga kasapi nito?
A. Solong pagmamay-ari
B. Sosyohan
C. Korporasyon
D. Kooperatiba
49. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng kooperatiba?
A.Hinahati-hati ang kita ayon sa sapi ang kapakinabangan
B. Maliit lamang ang gastos sa pamamahala
C. Mahirap maging kasapi nito.
D.May suporta ng pamahalaan.
50.Ano ang tawag sa organisasyong binubuo ng dalawa o higit pang indibidwal na nagkasundong paghatian ang kita sa pagtatayo
ng isang negosyo?
A.Solong Pagmamay-ari
B. Sosyohan
C. Kooperatiba
D. Korporasyon
TABLE OF SPECIFICATION
Unang Markahang Pagsusulit
ARALING PANLIPUNAN 9: Ekonomiks
SY 2018-2019
Item
Learning Competencies/Objectives No. of No. of % Remembering Understanding Application Analysis Evaluating Creating
Placement
Days Items
Aralin 1: Pagsusuri ng Ekonomiya
1. Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa
pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang
mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan
* Nabibigyang kahulugan ang Ekonomiks
*Nauunawaan ang kahulugan ng Ekonomiks
2. Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa 5 10 20% 1 (1) 2-3 (2) 4-5-6 (3) 7-8 (2) 9-10 (2) 1-10
pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat
pamilya at ng lipunan
*Nabibigyang linaw ang kahalagahan ng
Ekonomiks sa pang-araw-araw na buhay
Aralin 5: Ang Pagkonsumo 4 5 10% 36 (1) 37-38 (2) 39 (1) 40 (1) 36-40
15. Naipaliliwanag ang konsepto ng pagkonsumo
*natatalakayang kahulugan ng pagkonsumo
16. Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa
pagkonsumo.
*nauunawaan ang mga salik na nakakaapekto
sa pagkonsumo
17. Naipamamalas ang talino sa pagkonsumo sa
pamamagitan ng paggamit ng pamantayan sa
pamimili
*nakapagbibigay ng suhestiyon na may
kinalaman sa pamantayan sa pamimili
18. Naipagtatanggol ang mga karapatan at
nagagampanan ang mga tungkulin bilang isang
mamimili
*nabibigyang linaw ang mga karapatan at
tungkulin ng mga mamimili
30 50 100% 5 15 12 8 8 2