Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 67

Department of Education

Schools City Division


Cabanatuan City

LEARNING
MATERIAL
(EPP- Industrial Arts)
GRADE 5

(Quarter 2)
Department of Education
Schools Division Office
Cabanatuan City

LEARNING MATERIAL
EPP 5
Industrial Arts

Author/Developer:

Richard G. Paguli
Teacher III, Bagong Buhay ES

Florencio R. Liwag
Teacher I, Pula ES

Quality Assurance:

Alexander D. Neri, Ph.D.


EPS-I EPP/TLE

Ever M. Samson
EPS-I LRMDS

Priscilla D. Sanchez, Ph.D.


Chief ES, Curriculum Implementation Division

_____________________________________________________
This Learning Material is a property of DepEd Schools Division Office of Cabanatuan City.
Outside of the public schools in this Division, no part of this Learning Material may be sold,
distributed or reproduced in any means without its explicit consent.
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

IA MAHALAGANG KAALAMAN AT KASANAYAN SA


Aralin GAWAING KAHOY, METAL, KAWAYAN AT IBA PANG
1 LOKAL NA MATERYALES SA PAMAYANAN

Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang


kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng
Pamantayang
proyektong pagkakakitaang kaugnay ng
Pangnilalaman:
sining pang-industriya at pagkukumpuni ng
mga sirang kagamitan sa tahanan at paaralan .
Nakabubuo ng proyektong mapagkakakitaan
Pamantayan sa Pagganap: at nakapagkukumpuni ng mga sirang
kagamitan sa tahanan at paaralan

Code: EPP5IA-0a-1

Nilalaman:
Sa araling ito ay matutuhan mo ang mga mahahalagang kaalaman at
kasanayan sa gawaing kahoy. Ito ay makatutulong upang mapalawak ang
kaalaman at kahusayan sa paggawa.

Layunin:
1. Natatalakay ang mga mahalagang kaalaman at kasanayan sa gawaing
kahoy,
2. Naiisa-isa ang mga halimbawa ng gawaing kahoy na makikita sa
pamayanan.
3. Natutukoy ang mga kabutihang dulot ng gawaing kahoy sa pag-unlad ng
kabuhayan ng pamilya

ALAMIN NATIN:

Pagmasdan ang mga larawan ng produkto sa Nueva Ecija na makikita sa


ibaba.Alin ang nasa larawan ang yari sa kahoy?Ano ang naging batayan mo
sa pagpili ng mga larawang gawa sa kahoy?

___________________________________________________________________________
Page | 1 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

LINANGIN NATIN:

A. Ang Edukasyong Pangkabuhayan ay binubuo ng maraming gawain na


may iba’t- ibang lawak na batay sa mga materyales na sagana sa isang
lugar at pamayanan na maaaring gamitin sa pagbuo ng proyekto na
makatutulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng pamilya. Ang mga
gawaing may kinalaman sa kahoy ay may layunin na mabigyan ng
sapat na angking kasanayan sa paggawa na may kaugnayan sa kahoy.

Marami ang kasanayang matutunan sa gawaing kahoy na kapaki-


pakinabang na magsisilbing kalasag at daan sa pagkakaroon ng
panimulang hanapbuhay. Ang pagkakarpentero ay dapat matutuhan
ng mga batang mag-aaral hindi lamang panghanapbuhay kundi para
sa sariling pangangailangan sa tahanan tulad nga pagkukumpuni ng
mga sirang gamit na gawa sa kahoy. Ang ilang halimbawa ng mga
bagay at kagamitan na yari sa kahoy ay bangkito, mesa, bangko,
bakya at iba pa.
B. Itala ang sagot sa bawat tanong. Isulat sa kwaderno.

1. Itala ang mga maaaring magawa ng mga taong may


kaalaman at kasanayan sa gawaing kahoy?

2. Bakit mahalagang matutuhan kasanayan sa gawaing


kahoy?

C. Magmasid sa ating kapaligiran at magtala ng limang (5) bagay o


kagamitan na yari sa kahoy. Isulat sa sagutang papel.

1.
2.

___________________________________________________________________________
Page | 2 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

3.
4.
5.

D. Pangkatang Gawain

1. Hatiin ang klase sa tatlo.


2. Bigyan ng gawain o activity card ang bawat grupo
3. Ibigay ang pamantayan sa paggawa.
4. Patnubayan ang mga ito.
5. Ipapresent ang output.

Pangkat 1- lumibot sa paaralan at itala ang mga bagay na yari sa kahoy.


Pangkat 2- Ibigay ang kabutihang dulot ng gawaing kahoy sa pansariling
kabuhayan
Pangkat 3- Magbigay ng halimbawa ng maaaring maging hanapbuhay ng
mga taong may kaalaman at kasanayan sa gawaing kahoy.

TANDAAN NATIN:

Mahalagang matutunan ang mga kaalaman at kasanayang napapaloob sa


bawat lawak ng gawaing pang-industriya sapagkat ito ay magiging batayan
sa paggawa at pagkakaroon ng pagkakakitaan.

GAWIN NATIN:

Sagutin ng Tama o Mali ang mga sumusunod na pangungusap.

_____1. Maraming kasanayang matutuhan sa gawaing kahoy na


tunay na kapaki-pakinabang.

_____2. Ang pagkakarpentero ay dapat matutuhan ng mga batang


mag-aaral hindi lamang panghanapbuhay kundi para na rin
sa sariling pangangailangan.

_____3. Ang dust pan, lampshade, at flower vase ay ilan lamang sa


mga halimbawa ng mga kagamitan na yari sa kahoy.

___________________________________________________________________________
Page | 3 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

_____4. Kung may sapat na kaalaman at kasanayan sa gawaing


kahoy ay maaari ng magkumpuni ng mga sirang upuan at
lamesa.

_____5. Madaling matukoy kung ang isang bagay ay yari sa


gawang kahoy.

PAGYAMANIN NATIN:

Guumuhit ng mga kagamitan na makikita sa inyong tahanan na


gawa sa kahoy at sabihin ang gamit nito.

SANGGUNIAN:

http://www.slideshare.net/mariejajaroa/mga-gawaing-pang-industriya-
56947572

https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3liN2p1c
UE?tid=0BxZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing

___________________________________________________________________________
Page | 4 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

IA
MAHALAGANG KAALAMAN AT KASANAYAN SA
Aralin
GAWAING METAL
2

Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang


kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng
proyektong pagkakakitaang kaugnay ng
Pamantayang Pangnilalaman:
sining pang-industriya at pagkukumpuni ng
mga sirang kagamitan sa tahanan at paaralan
.
Nakabubuo ng proyektong mapagkakakitaan
Pamantayan sa Pagganap: at nakapagkukumpuni ng mga sirang
kagamitan sa tahanan at paaralan
Code: EPP5IA-0a-1

Nilalaman:
Sa araling ito ay matutuhan mo ang mga mahahalagang kaalaman at
kasanayan sa gawaing kahoy. Ito ay makatutulong upang mapalawak ang
kaalaman at kahusayan sa paggawa.

Layunin:
1. Natatalakay ang mga mahalagang kaalaman at kasanayan sa gawaing
metal,
2. Naiisa-isa ang mga halimbawa ng gawaing metal na makikita sa
pamayanan.
3. Natutukoy ang mga kabutihang dulot ng gawaing metal sa pag-unlad ng
kabuhayan ng pamilya

ALAMIN NATIN:

Tukuyin ang mga sumusunod kung ano ang mga ito.

________________1.

________________2.

___________________________________________________________________________
Page | 1 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

__________________3.

__________________4.

Nasa mga kamay ng gumagawa ang ikauunlad ng kabuhayan


ngating bansa. Ang pagpapahalahaga sa gawaing may kinalaman o
kaugnyan sa kabuhayan ay dapat pag-ibayuhin upang maitaas ang uri ng
pamumuhay ng mag-anak at mga mamamayan. Isa sa mga lawak ng gawaing
pang-industriya ay ang gawaing metal o metal works na tumutukoy sa mga
bagay o kasangkapan na gumagamit ng mga materyales na metal tulad ng
bakal, aluminyo, o aluminum, zinc, stainless, ginto at pilak.

LINANGIN NATIN:

A. Ang Edukasyong Pangkabuhayan ay binubuo ng maraming gawain na


may iba’t- ibang lawak na batay sa mga materyales na sagana sa isang
lugar at pamayanan na maaaring gamitin sa pagbuo ng proyekto na
makatutulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng pamilya.

Ang pag-aaral naman ng mga gawain tungo sa pagkaakit,


pagmumulat, at pagiging mapamaraan ay magandang kaalaman na
makakamit sa gawaing metal, isa sa mga lawak sa Edukasyong
Pangkabuhayan na napapanahon sapagkat sa ngayon ay maraming
nagkalat na patapong metal tulad ng mga bakal, kawad, at lata na
maaaring gamiting muli sa pagbuo ng bagong proyekto tulad ng dust
pan, gadgaran, habonera, kahon ng resipi at kwadro
Ang pagiging latero ay hanapbuhay na maaaring mapasukan ng isang
kaalaman at kasanayan sa mga gawaing kaugnay ng metal.
B. Gumuhit ng lima (5) o higit pang mga kasangkapan o kagamitan na
maaaring magawa ng mga taong may kaalaman at kasanayan sa
gawaing metal?
___________________________________________________________________________
Page | 2 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

TANDAAN NATIN:

Ang mga gawaing metal ay dapat malinang sa murang isipan ng mga


bata upang makatulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng pamilya.
Nakatutulong din ang gawaing ito sa pag-unlad ng bansa.

GAWIN NATIN:

Lagyan ng tsek (√) kung ang larawan sa ibaba ay may kinalaman sa gawaing
metal at ekis (x) kung ang larawan ay walang kinalaman sa gawaing metal.
___________1. ______________2.

___________3. _______________4.

_________________5.

PAGYAMANIN NATIN:

Maginterbyu ng taong kakilala ninyo o malapit sa inyong lugar na


mayroong kaalaman at kasanayan sa gawang metal at itanong kung ano ang
___________________________________________________________________________
Page | 3 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

kabutihang dulot nito sa pag-unlad ng kabuhayan ng kanilang pamilya. Isulat


ang sagot sa kwaderno.

SANGGUNIAN:

http://www.slideshare.net/mariejajaroa/mga-gawaing-pang-industriya-
56947572

https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3liN2p1c
UE?tid=0BxZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing

___________________________________________________________________________
Page | 4 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

IA MAHALAGANG KAALAMAN AT KASANAYAN SA


Aralin GAWAING KAHOY, METAL, KAWAYAN AT IBA PANG
3 LOKAL NA MATERYALES SA PAMAYANAN

Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang


kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng
Pamantayang
proyektong pagkakakitaang kaugnay ng sining
Pangnilalaman:
pang-industriya at pagkukumpuni ng mga
sirang kagamitan sa tahanan at paaralan .
Nakabubuo ng proyektong mapagkakakitaan at
Pamantayan sa Pagganap: nakapagkukumpuni ng mga sirang kagamitan
sa tahanan at paaralan
Code: EPP5IA-0a-1

Nilalaman:
Sa araling ito ay matutuhan mo ang mga mahahalagang kaalaman at
kasanayan sa gawaing kahoy. Ito ay makatutulong upang mapalawak ang
kaalaman at kahusayan sa paggawa.

Layunin:
1. Natatalakay ang mga mahalagang kaalaman at kasanayan sa gawaing
kawayan,
2. Naiisa-isa ang mga halimbawa ng gawaing kawayan na makikita sa
pamayanan.
3. Natutukoy ang mga kabutihang dulot ng gawaing kawayan sa pag-unlad
ng kabuhayan ng pamilya

ALAMIN NATIN:

Ang mga pangunahing kaisipan at kasanayan sa


gawaing kawayan at iba pang sining pang-industriya ay
maaaring makasagot sa pang araw-araw na
pangangailangan ng mag- anak na maituturing kawili –
wili at kapaki-pakinabang. Ang isa sa mga lawak ng
Sining Pang-industriya ay ang gawaing kawayan. Ang
kawayan ay isang uri ng halaman na medaling
matatagpuan sa Pilipinas. Karaniwang tumutubo ang kawayan sa halos lahat
ng pook sa Pilipinas.Ito ay matibay kaya mahusay gamitin sa paggawa ng
bahay,muwebles, at iba pang kapaki-pakinabang na kagamitang
___________________________________________________________________________
Page | 1 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

mapagkakakitaan.Maraming uri ng kawayan na matataagpuan sa ating


bansa.Karaniwan dito at anos,bayog,bolo,buho.kawayang-kiling, at
kawayang tinik. Ito rin ay nagagamit bilang handicrafts na pang-
kultura.Kabilang sa mga kagamitang nagagawa mula sa kawayan ay
lampara,bulaklak,pandekorasyon sa dingding,at iba pang palamuti.
Mga Iba’t-ibang uri ng kawayan sa Pilipinas

Bayog (Dendrocalamus merilliana)-ito ay matigas na kawayan.Maaring gamitin


itong pangbakod

Anos (Schizostachyum lima) ay isang uri ng


namumulaklak na kawayang likas na natatagpuan sa Pilipinas. Ito'y
pinapalaganap sa pamamagitan ng binhi, o gamit ang gahiwang
rhizome. Madalas itong gamitin sa paggawa ng sawali, pamingwit,
kasangkapang pangtugtugin. Sa mga malalayong pook, ginagamit ng ilang
hilot ang kutsilyong yari sa Anos para patirin anglawit ng pusod ng bata.

Kawayang Bolo(Gigantochloa levis) ay kawayang manipis ang


laman.ginagamit itong sawali o dingding.

Buho (Schizostachyum lumampao) ay isang uri din ng matigas na kawayan.

Kawayan tinik (Bambusa spinosa) ang tinaguriang "giant bamboo"

LINANGIN NATIN:

A. Ang Edukasyong Pangkabuhayan ay binubuo ng maraming gawain


na may iba’t- ibang lawak na batay sa mga materyales na sagana sa
isang lugar at pamayanan na maaaring gamitin sa pagbuo ng
proyekto na makatutulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng pamilya.

Ang gawaing kawayan o handicraft ay may iba’t-ibang gawaing


maaari mong matutuhan. Malaya kang makapipili ng gagawin batay
na rin sa iyong kaalaman at kasanayan. Sa pook na sagana sa
kawayan ay paghahabi ang mainam gawin. Ito rin ay maaaring
magamit sa paggawa ng bahay, muwebles, at palamuti sa bahay.

B. Magtala ng mga bagay na maaring magawa ng mga taong may


kaalaman at kasanayan sa gawaing kawayan at sabihin ang gamit
nito.
___________________________________________________________________________
Page | 2 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

TANDAAN NATIN:

Isang lawak sa gawaing pang-industriya na ginagamit ang mga


mapapakinabangan at madekorasyon na kagamitan sa pamamagitan ng mga
matityagang kamay o sa malikhaing pag-iisip ay mapapaunlad nito ang ating
pamumuhay.

GAWIN NATIN:

A. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa puwang.


_____1. Malaki ang maitutulong sa mag-anak na may kaalaman sa gawaing
kawayan sa kanilang_________.
a. pangungutang c. pag-iisip
b. pag-unlad d. pag-aaliw
_____2. Ano _______ ay karaniwang tumutubo sa lahat ng pook ng Pilipinas.
a. metal c. kawayan
b. kawad d. kahoy
_____3. Sa mga pook na sagana sa kawayan ang __________ ang maaaring
gawin.
a. paghahabi c. pagkakarpentero
b. paglalatero d. Pagwewelding
_____4. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kagamitan na yari sa
kawayan.
a. dust pan c. bahay
b. lampshade d. sandok
_____5. Ang kawayan ay maaari ring magamit sa paggawa ng bahay,
muwebles, at _________.
a. Palamuti sa bahay c. bakya
b. sandok d. Gadgaran
B. Karagdagang Gawain
Ang Paggawa ng Pamaypay
Mga gagamitin:
1. mainipis na piraso ng
kawayan na may 7 pulgada ang
haba
2. karton
___________________________________________________________________________
Page | 3 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

3. plato (katamtaman ang laki)


4. manipis na pisi, 10 pulgada ang haba
5. krayola
6. gunting
Pamamaraan:
1. Bakatin ang plato sa karton.
2. Gupitin ito gamit ang gunting.
3. Guhitan ng nais na disenyo ang bilog na karton gamit ang krayola.
4. Ilagay ang 7 pulgadang haba ng manipis na kawayan sa gitnang
bahagi ng karton para maging tangkay.
5. Talian ng pisi ang dulong bahagi na nag-iipit sa karton.

PAGYAMANIN NATIN:

Bumuo ng sanaysay tungkol sa kahalagahan ng kawayan.

SANGGUNIAN:

http://www.slideshare.net/mariejajaroa/mga-gawaing-pang-industriya-
56947572

https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3liN2p1c
UE?tid=0BxZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing

___________________________________________________________________________
Page | 4 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

IA
Aralin MGA KAGAMITAN AT KASANGKAPAN SA PAGGAWA
4

Naipamamalas ang pagkatuto sa mga


kaalaman at kasanayan sa mga
gawaing pang-industriya tulad ng
Pamantayang Pangnilalaman:
gawaing
kahoy,metal,kawayan,elektrisidad at
iba pa.
Naisasagawa ng may kawilihan ng
pagbuo ng mga proyekto sa gawaing
Pamantayan sa Pagganap:
kahoy,metal,kawayan,elektrisidad, at
iba pa.

Code: EPP5IA-0b-2

Nilalaman:
Tatalakayin sa araling ito ang iba’t ibang uri at pangkat ng
kasangkapan at kagamitan sa paggawa ng mga gawaing kamay . Mahalagang
malaman ng mga mag-aaral ang mga kagamitang ito ang gamit ng bawat isa
upang mapadali ang paggawa ng kanilang proyekto.

Layunin:

1.Natutukoy ang mga uri ng kagamitan at kasangkapan sa gawaing


kahoy,kawayan,metal at iba pa.
2.Natatalakay ang mga gamit ng mga kagamitan at kasangkapan sa gawaing
kahoy,kawayan,metal at iba pa.

ALAMIN NATIN:

May mga kasangkapang kailangan sa paggawa ng mga bagay na yari


sa kamay. Sa paggawa ng proyekto maging ito ay yari sa kahoy, metal, goma
at mga kagamitang katutubo, kailangan ang angkop na kasangkapan sa
bawat uri ng mga gawain.

___________________________________________________________________________
Page | 1 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Ang kaalaman sa iba’t ibang kasangkapan sa paggawa ay


makakatulong sa magaaral upang makabuo ng isang gawaing
pangindustriya.

LINANGIN NATIN:

Narito ang iba’t ibang uri ng mga kagamitan at kasangkapang ginagamit


sa paggawa ng mga bagay na yari sa kamay.
Basahin mo at isaisip ang mga uri at gamit ng mga kasangkapan at kagamitan
sa paggawa.

Mga Panukat
Foot Rule at Zigzag rule-ginagamit ito sa pagsukat
ng taas,lapad, at kapal ng materyales tulad ng
kahoy.

Iskwala-ginagamit sa pagsusukat ng maikling


distansya,pagtiyak sa lapad at kapal ng tabling
makitid at kung nais tandaan kung iskwalado
ang sulok ng bawat bahagi ng kahoy.

Mga Pamukpok
Martilyo-ginagamit ito na
pambaluktok,pampukpok ng materyal, at
pambaon sa pait at pako.Ang ulo nito ay yari sa
bakal.

Malyete-kagamitang mukhang martilyo ngunit


ang ulo ay yari sa kahoy na may goma,ginagamit
sa pambaon sap ait at yari sa kahoy o anumang
kasangkapan na masisira ng bakal na martilyo.

___________________________________________________________________________
Page | 2 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Mga Pambutas
Barena-ginagamit sa paggawa ng maliliit na
butas na hindi hihigit sa kalahating
sentimetro.Ang talim nito ay tinatawag na drill
bit.

Brace-ginagamit sa paggawa ng malalaking


butang.Ang talim nito ay tinatawag na auger
bit.Magagamit itong pambutas sa kahoy at sa
ibang uri ng metal.

Electric drill-barenang dekuryente na mainam


gamiting pambutas sa matitigas na bagay tulad
ng semento at bakal.

Mga Pang-ipit
Gato-ginagamit na pang-ipit sa mga materyales
tulad ng kahoy at bakal kung ito ay
bubutasan,puputulin o kakatamin

C-clamp-isang uri rin ng pamg-ipit na mainam


gamitin kung walang gato.

Mga Pamputol
Ripsaw-ginagamit na pamputol nang paayon sa
hilatsa ng kahoy.

___________________________________________________________________________
Page | 3 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Crosscut saw-ginagamit na pamputol nang


pahalang sa hilatsa ng kahoy.

Backsaw-ito ay maliit kaysa sa lagari at may


maliliit na ngipin,Ginagamit para sa mga tiyak
na dugtungan ng kahoy.

Coping saw-ginagamit sa pagputol nang pakurba


sa proyektong yari sa kahoy.

Compas o keyhole saw-patulak ang paggamit ng


kasangkapang ito at maraming iba’t ibang talim
na pambutas nang pabilog.

Katam-ginagamit na pampakinis sa mga ibabaw


ng tabla o kahoy.

Paet-ginagamit sa pagkorte,pagbawas, at
paggawa ng butas sa kahoy.

Mga Panghasa

Oil stone-ginagamit sa paghasa ng karamihang


tuwid na kasangkapang pamputol.

Kikil-ginagamit na panghasa sa mga ngipin ng


lagari.

___________________________________________________________________________
Page | 4 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

TANDAAN NATIN:

Magiging maginhawa at kasiya-siya ang paggawa ng proyekto kung


gagamitin ang angkop na kasangkapan at kagamitan sa paggawa.

GAWIN NATIN:

A. Gumawa ng tsart ng mga kasangkapan sa paggawa ayon sa gamit.

Kasangkapan Paggamit

Gawain B
Magbigay ng 3 halimbawa ng mga proyektong maaaring mabuo sa
gawaing kahoy ,kawayan at metal.

PAGYAMANIN NATIN:

Ipatukoy ang mga kasangkapanng mayroon sila sa kanilang bahay at


ipakuwento ang mga karanasan sa paggamit ng mga ito.

SANGGUNIAN:

https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3liN2p1c
UE?tid=0BxZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing

___________________________________________________________________________
Page | 5 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

IA
Aralin MGA KAGAMITAN AT KASANGKAPAN SA PAGGAWA
5

Naipamamalas ang pagkatuto sa mga


kaalaman at kasanayan sa mga
gawaing pang-industriya tulad ng
Pamantayang Pangnilalaman:
gawaing
kahoy,metal,kawayan,elektrisidad at
iba pa.
Naisasagawa ng may kawilihan ng
pagbuo ng mga proyekto sa gawaing
Pamantayan sa Pagganap:
kahoy,metal,kawayan,elektrisidad, at
iba pa.
EPP5IA-0b-2
Code:

Nilalaman:
Hindi lamang kaalaman sa paggawa ang iyong matutuhan sa mga
gawaing pang-industriya.Mahalagang magkaroon din ng kamalayan ang
mag-aaral upang makaiwas sa anumang sakuna habang gumagawa.

Layunin:
1.Nasusunod ang panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa
paggawa.
2.Napahahalagahan ang mga panuntunang pangkalusugan at
pangkaligtasan sa paggawa.

ALAMIN NATIN:

Anu-anong kagamitan ang nagamit mo na sa paggawa ng iyong


proyekto?Anong kahandaan ang ginawa mo upang maiwasan ang sakuna?

LINANGIN NATIN:

May kasabihan tayong “Safety is Everybody’s Business”.Kaya


marapat lamang na dapat nating tandaa ang mga sumusunod na
panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paggawa ng proyekto.
___________________________________________________________________________
Page | 1 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

1.Maglaan ng lugar ,kahon o kabinet para sa mga kasangkapan at kagamitan


sa paggawa.Makabubuting iayos ang mga ito ayon sa uri at gamit upang
mapadali ang pagkuha at pagbabalik sa mga ito.
2.Gamitin nang buong ingat ang mga kasangkapang dekuryente at kagamit
ang matatalim. Ang mga dekuryenteng kasangkapan ay ginagamit lamang
kung kinakailangan at hindi dapat paglaruan.
3.Tiyakin na ang mga kasankapang gagamitin ay nasa maayos na
kondisyon.Iwasan ang paggamit ng mga kagamitang kinakalawang,
mapupurol, maluwag ang turnilyo o kaya’y may sirang bahagi.
4.Ibigay ang buong atensyon sa ginagawa .Huwag makipaglaro o makipag-
usap habang humahawak ng mga maseselang kagamitan at kasangkapan.
5.Basahin ang mga tagubilin sa paggamit ng mga kasangkapang dekuryente
bago gamitin ang mga ito.Makabubuting gamitin ang mga kasangkapang ito
sa ilalim ng patnubay ng guro.
6.Gumamit ng damit pantrabaho tulad ng apron, overall ,at magpalit kaagad
ng kasuotan matapos gumawa.
7.Maghugas mabuti ng kamay pagkatapos gumawa .Higit na mabuting
maligo upang malinis ang buong katawan matapos makapagpahinga sa
paggawa.
8.Maglagay ng panakip sa mata, ilong o bibig kung gagamit ng mga
kasangkapang tulad ng welding machine, lathemachine, mga kemikal, at iba
pang makapipinsala sa katawan.
9.Hawakan ng wasto ang mga kasangkapan sa paggawa.

TANDAAN NATIN:

Ang mga kasangkapan at kagamitan ay kailangang pangalagaan


upang magamit nang matagal.Maging maingat sa pagbubuo ng proyekto
upang maiwasan ang sakuna.Ang natapos na proyekto ay kailangang
pahalagahan at ipagmalaki batay sa niaibibgay na kapakinabangan.

___________________________________________________________________________
Page | 2 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

GAWIN NATIN:

Isulat ang  kung tama ang isinasaad ng pangungusap, at 


kung mali.
______1.Magsuot ng angkop na kasuotan sa paggawa.
______2.Iwasang makipaglaro o makipag-usap habang gumagamit ng
maselang kagamitan.
______3.Ilagay kung saan-saan ang mga gamit habang gumagawa.
______4.Maghugas agad ng kamay pagkatapos gumawa.
______5.Maglagay ng panakip sa bibig at mata habang gumagamit ng
welding machine.

PAGYAMANIN NATIN:

Paggawa ng skit tungkol sa panuntunang pangkalusugan at


pangkaligtasang gawi.Pangkatang pagsasadula.

SANGGUNIAN:

https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3liN2p1c
UE?tid=0BxZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing

___________________________________________________________________________
Page | 3 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

IA
Aralin GAWAING ELEKTRISIDAD
6

Naipamamalas ang pagkatuto sa mga


kaalaman at kasanayan sa mga
gawaing pang-industriya tulad ng
Pamantayang Pangnilalaman:
gawaing
kahoy,metal,kawayan,elektrisidad at
iba pa.
Naisasagawa ng may kawilihan ng
pagbuo ng mga proyekto sa gawaing
Pamantayan sa Pagganap:
kahoy,metal,kawayan,elektrisidad, at
iba pa.

Code: EPP5IA-0C-3

Nilalaman:
Ang bawat gawain ay may simula sa paggawa. Ang proyektong
binalak gawin ay kailangan ayon sa plano dahil dito nakasalalay ang maayos
at magandang proyekto. Kagigiliwang gawin ang isang proyekto kung ito ay
pinili ayon sa kagustuhan, kakayahan, at pangangailangan. Ang wastong
kaalaman at paggamit sa mga kasangkapan ay maipapakita sa pagsunod sa
plano ng proyekto.

Layunin:
1.Nakakagawa ng proyekto na ginagamitan ng elektrisidad.
2.Nagagamit ang kasangkapan at kagamitan sa gawaing
elektrisidad.

ALAMIN NATIN:

Ang gawaing pang- elektrisidad ay isa sa mahalagang lawak sa


Edukasyong Pangkabuhayan. Dito makakamit ng mga mag-aaral ang
batayang kaalaman at kasanayan tungkol sa elektrisidad, mga kaukulang
pag-iingat at mga pang-kaligtasang gawi upang makaiwas sa sakuna na may
kaugnayan sa kuryente. Pagiging elektrisiyan ang hanapbuhay ng mga taong
___________________________________________________________________________
Page | 1 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

may kaalaman at kasanayan sa paggawa kaugnay ng kuryente. Ibayong pag-


iingat nga lamang ang dapat isa-alang alang.

LINANGIN NATIN:

Paggawa ng Simpleng Series Circuit


Mga Kagamitan
Bumbilya
Light bulb Socket
Baterya
Switch
Electrical Tape
Cutting Pliers
Clamp
Screw Driver
Tabla
Wire

Mga paraan sa paggawa ng Electrical Circuit


1.Ihanda ang mga kagamitan na gagamitin;
2.Ikabit ang dalawang wire sa magkabilang dulo ng baterya.
3.Ikabit ang isang wire na nanggaling sa baterya sa kabilang dulo ng light
bulb socket at kumuha ng isa pang wire para ikabit sa kabilang dulo nito.
4.Ikabit ang wire na nang galing sa light bulb socket at ikabit sa kabilang dulo
ng switch. pag naikabit na ang wire na nang galing sa light bulb socket, ang
kabilang dulo ng wire na nangaling sa baterya ay ikakabit sa kabilang dulo ng
switch.
5.Para gumana ang light bulb, ilagay sa ON ang switch.

TANDAAN NATIN:

Ang wastong kaalaman sa paggawa ng proyekto ay magpapaunlad ng


kasanayan at nakatitipid ng oras at lakas.
Narito ang ilang mga paalala sa paggawa ng proyektong Series Circuit.
1.Bago bumili ng mga gagamitin ay dapat alamin muna ang kalidad ng
materyales upang makaiwas sa disgrasya. Dapat sa pag pili ng mga
materyales alalahanin ang mga ito; hindi basta basta sasabog ang bumbilya
___________________________________________________________________________
Page | 2 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

kapag ginamit, hindi mabilis maubos ang enerhiya ng baterya at hindi


madaling maputol ang wire
2.Iwasan din ang mga wire na maaring tumalsik habang pinuputol ang mga
ito. Maari kasi itong mapunta sa iyong mga mata.
3.Kung ang wire ay may nakitang sugat o nakalabas ang copper lagyan ito ng
electrical tape. Ngunit wag hahawakan ang nakalabas na metal, dahil sa metal
na ito dumadaloy ang kuryente
4.Kung may hindi alam sa mga nangyayri. Humingi ng tulong sa
nakakaalam. Upang iwas disgrasya.
5.Kapag ang circuit ay gumagana wag hawakan ang Source. Kung ang source
ay baterya, umiinit ito at maaari kang mapaso. Kung ang ginamit mo naman
ay kuryenteng namumula sa socket, maaari kang makuryente dahil sa taas ng
boltahe nito.

GAWIN NATIN:

A..Aktuwal na paggawa ng proyektong Series Circuit

B. Pagsagot sa score card

SCORECARD SA PAGGAWA NG SERIES CIRCUIT

Mga Pamantayan Puntos


A.Pagsunod sa Wastong Hakbang
1. Dala lahat ang mga kagamitan at kasangkapan sa 10
paggawa
2. Ang mga kagamitan at kasangkapan ay inayos sa 10
ibabaw ng mesa bago gumawa.
3. Wastong pagsunod sa hakbang sa paggawa ng 20
proyekto
4. Niasagawa sa takdang oras 10
B. Paggamit ng Kasangkapan
1. Gumamit ng wasto at angkop na kasangkapan sa 10
paggawa.
1. Sinuri ang kaayusan ng kasangkapan. 5

2. Ginamit sa angkop ng gawain. 5


3. Ibinalik sa pinagkunan matapos ang gawain ng 5
maayos.

___________________________________________________________________________
Page | 3 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

C. Pangkaligtasang Gawi 5
1. Masigla at tuloy-tuloy sa paggawa.
2. Ipinapakitang may sistema sa paggawa. 10
3. Ipinakita ng pag-iingat habang gumagawa. 5
4. Nilinis ang hapag gawaan matapos ang gawain at 5
isinauli ang mga kagamitan at kasangkapan sa
pinagkunan.

PAGYAMANIN NATIN:

 Magsaliksik ng iba pang mga materyales na matatagpuan sa pamayanan


na maaaring gamitin sa paggawa ng mga proyektong ginagamitan ng
elektrisidad.
 Gumawa ng talaan at ng mga proyektong maaaring gawin.
 Magpaguhit sa mga mag- aaral ng mga proyektong ginagamitan ng
elektrisidad na maaaring gawin mula sa materyales na matatagpuan sa
pamayanan.

SANGGUNIAN:

https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3liN2p1c
UE?tid=0BxZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing

https://prezi.com/bvvi_j6xl5s1/paano-gumawa-ng-electrical-circuit/

___________________________________________________________________________
Page | 4 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

IA
Aralin PAGBUO NG PLANO NG PROYEKTO
7

Naipamamalas ang pagkatuto sa mga


kaalaman at kasanayan sa mga gawaing
Pamantayang Pangnilalaman:
pang-industriya tulad ng gawaing
kahoy,metal,kawayan,elektrisidad at iba pa.
Naisasagawa ng may kawilihan ng pagbuo
Pamantayan sa Pagganap: ng mga proyekto sa gawaing
kahoy,metal,kawayan,elektrisidad, at iba pa.

Code: EPP5IA-0b-2 (Isang Linggong Aralin)

Nilalaman:
Mauunawaan ng mga mag- aaral na sa araling ito na may iba’t ibang
materyales na makikita sa paligid ng pamayanan. Ang araling ito ang
magbubukas sa kanilang kaisipan na kahit mga patapong bagay ay maaari
pang pakinabangan at pagkakitaan. Kinakailangan silang bumuo ng plano ng
proyekto na nakadisenyo mula sa iba’t ibang materyales na makikita sa
pamayanan tulad ng kahoy, metal, kawayan, at iba pa na ginagamitan ng
elektrisidad na maaaring pagkakitaan.

Layunin:
Nakabubuo ng plano ng proyekto na nakadisenyo mula sa iba’t
ibang materyales na makikita sa pamayanan (halimbawa: kahoy, metal,
kawayan, atbp.) na ginagamitan ng elektrisidad na maaaring pagkakitaan.

ALAMIN NATIN:

Mahalaga ang pagpili ng isang gawain na mapagkakakitaan.May mga bagay


na dapat isalang-alang tulad ng mga sumusunod:
 Ang Gawain ay kailangang makabuluhan at makakatulong sa pamilya
at pamayanan.
 Ito ay kinapapalooban ng maka-agham at makabagong pamamaraan
upang umunalad ang teknolohiyang umiiral sa pamayan.
 Ang Gawain ay gagamitan ng katutubong materyales at kasangkapang
matatagpuan sa pamayanan.

___________________________________________________________________________
Page | 1 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

 Ang mga hakbang at paraan ng napiling Gawain ay medaling


maisagawa.
 Ang Gawain ay naiiba sa pangkaraniwan.

LINANGIN NATIN:

Pagkatapos pumili ng gawain,kinakailangan balakin nang


mahusay ang pagpaplano ng proyekto ng may angkop na
espisipikasyon.Narito ang mga dapat tandaan sa pagpaplano ng proyekto:
1.Ang pangalan ng proyekto-tiyakin ang pangalan ng napiling proyekto.
2.Disenyo ng proyekto-ang paggawa ng disenyo ay bahagi ng
pagpaplano.Mahalaga na mailarawan ang kabuuang anyo ng
proyekto.Inilalagay rin ang tiyak na sukat,mga materyales,at detalyeng
kailangan sa paggawa ng proyekto na magsisilbing batayan habang binubuo
ito.
3.Materyales-ang mga materyales ay dapat itala batay sa disenyo ng
proyekto.Lalong mabuti kung ito ay katutubong materyales na matatagpuan
sa pamayanan.Ang talaan ng mga materyales ay magbibigay ng tiyak na
halagang gugugulin sa paggawa ng proyekto.
4.Kagamitan-ang mga kailangang kagamitan ay ihanda kaagad upang hindi
maantala sa pagsasagawa ng proyekto tulad ng martilyo,plais, katam at iba
pa.
5.Mga hakbang sa pagbuo ng proyekto-pag-aralan at itala ang mga sunod-
sunod na hakbang sa pagsasagawa ng proyekto.Mahalaga ang pag-aaral
samga hakbang upang hindi masayang ang oras sa pagsasagawa.

Itala ang mga balaking ginawa sa pagpaplano ng proyektong napili.Ito


ang magiging gabay sa pagbubuo ng proyekto.Suriin at pag-aralan ang
sumusunod na pormat ng plano ng proyekto:

Pangalan ng Mag-aaral:________________________________________________
Baitang/Seksyon___________________________Petsa:_____________________
Nagsimula:________________________________Natapos:___________________

I.Pangaln ng Proyekto:
II.Layunin:
III.Krokis ng Proyekto:
IV.Materyales ng Proyekto:

Bilang Yunit Sukat ng Materyales Halaga Kabuuang Halaga

___________________________________________________________________________
Page | 2 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

V.Kasangkapang Gagamitin
1.

2.

3.
VI.Mga Hakbang sa Pagbuo ng Proyekto
1.

2.

3.

4.

5. at iba pa

_______________________
Lagda ng Guro
VII.Pagpapahalaga
Aytem ng Puntos 100% Marka ng Bata Marka ng Guro
Pahahalagahan
1.
2.
3.
4.
5.atpb
Kabuuan 100%

_________________________
Lagda ng Batang Gumawa

___________________________________________________________________________
Page | 3 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

TANDAAN NATIN:

Ang pagpaplano ng isang proyekto ay mahalaga sa pagpili ng


gawaing mapagkakitaan.

GAWIN NATIN:

Sagutin mo
1.Ano ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagpili ng gawaing
mapagkakitaan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2.Bakit kailangang balakin nang maayos ang pagpaplano para sa isang


proyekto?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3.Anu-ano ang mga dapat tandaan sa pagpaplano ng proyektong pang-


industiya?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

PAGYAMANIN NATIN:

1.Pumili ng isang gawaing pryekto na tinatalakay saa klase.Isagawa


ang mga hakbang sa pagpaplano ng proyekto.
2.Magmasid sa pamayanan tungkol sa mga gawaing pang-
industriyang pagkabuhayan.Alamin at itala ang mga proyektong
magandang mapagkakitaan at madaling ipagbili.

SANGGUNIAN:

Edukasyong Pantahan at pangakabuhay 6.pp 209-212.

___________________________________________________________________________
Page | 4 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

IA
Aralin PAGBUO NG PLANO NG PROYEKTO
8

Naipamamalas ang pagkatuto sa mga


kaalaman at kasanayan sa mga
gawaing pang-industriya tulad ng
Pamantayang Pangnilalaman:
gawaing
kahoy,metal,kawayan,elektrisidad at
iba pa.
Naisasagawa ng may kawilihan ng
pagbuo ng mga proyekto sa gawaing
Pamantayan sa Pagganap:
kahoy,metal,kawayan,elektrisidad, at
iba pa.

Code: EPP5IA-0b-2 (Isang Linggong Aralin)

Nilalaman:
Mauunawaan ng mga mag- aaral na sa araling ito na may iba’t ibang
materyales na makikita sa paligid ng pamayanan. Ang araling ito ang
magbubukas sa kanilang kaisipan na kahit mga patapong bagay ay maaari
pang pakinabangan at pagkakitaan. Kinakailangan silang bumuo ng plano ng
proyekto na nakadisenyo mula sa iba’t ibang materyales na makikita sa
pamayanan tulad ng kahoy, metal, kawayan, at iba pa na ginagamitan ng
elektrisidad na maaaring pagkakitaan.

Layunin:
Nakabubuo ng plano ng proyekto na nakadisenyo mula sa iba’t
ibang materyales na makikita sa pamayanan (halimbawa: kahoy, metal,
kawayan, atbp.) na ginagamitan ng elektrisidad na maaaring pagkakitaan.

ALAMIN NATIN:

Awitin ang rap nasa ibaba:

___________________________________________________________________________
Page | 1 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Yo,Yes Yes Yo!


Tapon dito,tapon doon

Mga basura niyo huwag nang


itapon

Sinupin mo basura mo

Magagawang proyekto ito.

Kahoy,kawayan at metal

Mapapakinabangang tunay

Open up your mind,Listen up


YO!

Sagutin ang mga tanong:


1. Tungkol saan ang binasang rap?
2. Ano- anong materyales na matatagpuan sa pamayanan ang nabanggit
sa rap?
3. Magbigay ng mabubuong proyekto gamit ang mga materyales na
nabanggit.
4. Bakit mahalaga ang pangangalaga sa mga bagay na nasa ating
kapaligiran?

LINANGIN NATIN:

A. Ang ating bansa ay sagana sa materyales na mayroon sa mga pamayanan.


Ilan sa mga ito ay mga halamang tanim at iba pang yamang- dagat.
Bawat materyales ay may angkop na gamit na dapat alamin upang
makagawa ng higit na maganda at matibay na proyekto. Ilan sa mga
materyales na matatagpuan sa pamayanan ay ang mga sumusunod:
1. Tabla at kahoy- ang kahoy at tabla ay nagmula samga puno tulad ng
molave, narra, yakal, kamagong, apitong, at iba pa. Tiyakin lamang na
ang uri ng kahoy na gagamitin ay tuyong- tuyo upang maiwasan ang
pag- urong, pagkiwal, at madaling pagkabulok nito, at pagkasira ng
ginawang proyekto.
2. Kawayan- ang kawayan ay isang uri ng halaman namatatagpuan sa

___________________________________________________________________________
Page | 2 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Tsina, Hapon, Malaysia, Pilipinas at ibang Asyanong bansa. Ito rin ay


nagagamit bilang handicrafts na pang-kultura,at pagkain. Napagkukunan
ang mga kawayan ng mga nakakaing labong, ang mga usbong ng
halamang ito. Tinatawag na kawayanan ang taniman ng mga kawayan.
Buho naman ang tawag sa matigas na kawayan.
3. Metal- ang metal ay isang uri ng bakal na ginagamit sa pagluluto, at
paggawa ng mga bagay na pwedeng pakinabangan ng mga tao tulad ng
silong ng bahay at maging ang mga pira -pirasong metal ay maaari pa
ring magamit bilang materyales sa gagawing proyekto, tulad ng
lampshade at iba pang kagamitan o palamuti sa bahay.
B. Pagsasagwa ng Lampshade

Mga materyales at kagamitan:

 2 Wire na may habang 22 pulgada, (Tanggalin ang insulator sa


makabilang dulo)
 1 switch
 1 plug
 1 bulb
 1 Bulb receptacle
 1 plastic bottle (1.5 L)
 Kinulayang Tabla/board
 Kinulayan o binarnisang Sanga ng kahoy
 Gunting
 Cutter
 Glue stick and glue gun
 Paint
 Paint brush
 Ibang materyales sa pagdedesinyo

Pamamaraan sa Pagsasagawa ng Lampshade:

 Gamit ang gunting at Cutter, Putulin ang ang plastic bottle at kunin
ang itaas na bahagi nito.
 Lagyan ng kapirasong butas ang takip nito.
 Matapos putulin. Lagyan ito ng disenyo sa pamamagitan ng paggupit
sa laylayan nito ng magkakasalubong pakurbang linya.
 Ulit ulitin ito paikot hanggang sa mag-abot ang mga ito. (maaari din
kayong mag-isip at gumawa ng sarili ninyong disenyo.)
 Matapos lagyan ng disenyo ay atin naman itong kukulayan. Maaari
kayong gumamit ng kahit na anong kulay ang inyong nais.
 Matapos itong kulayan, itabi muna ito sa isang ligtas na lugar upang
patuyuin.

___________________________________________________________________________
Page | 3 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Paggawa ng Lampshade Stand

 Kuhanin ang kinulayang tabla,


 Lagyan ito ng isang maliit na butas sa gitnang bahagi malapit sa gilid
gaya nito.
 Kunin naman ang kinulayan/binarnisang sanga ng puno at ikabit ang
kabilang dulo nito sa butas ng tabla
◦ Tiyaking kakasya lamang ang sanga sa butas na iyong ginawa.
◦ Lagyan ng pandikit, upang hindi ito matanggal.
 Matapos nito, itabi muna ito sa isang ligtas na lugar
 Kuhanin ang 1 wire na may habang 22 pulgada at plug. i-assemble ito!
 Maingat na ikabit ang wire sa plug.
 Tandaan! Iwasang magkadikit ang dalawang linya ng kuryente. Ang
pagkakadikit ng dalawang linya ng kuryente ay tinatawag na “short
circuit”. Ang short Circuit ay maaaring magdulot ng isang sunog na
maaaring makasira ng mga bagay bagay o magdulot kapahamakan sa
marami.
 Matapos nito, kuhanin ang switch at ikabit sa kabilang dulo ng wire.
 Maingat na ikabit ang wire sa switch at huwag hayaang may
magkadikit na dalawang linya ng kuryente.
 Kuhanin naman ang isa pang wire na may habang 22 pulgada
 At maingat din itong ikabit sa switch.
 Matapos ay ating kuhanin ang kinulayan nating bahagi ng plastic
bottle.
 Ipasok ang wire sa butas ng takip.
 Kuhanin ang receptacle ng bumbilya.
 Maingat na ikabit ang receptacle, muli iwasang may magkadikit na
dalawang linya upang maiwasan ang short circuit.
 Gamit ang glue gun at glue stick upang idikit ang receptacle sa loob.
 Atin na ngayong i-assemble ang ating ginawa.
 Idikit ang itaas na bahagi ng plastic bottle sa stand ng lampshade.
 Idikit ang wire sa stand upang hindi ito madaling masira.
 Maaari nang ikabit ang bumbilya.
 Atin naman ngayong susubukan kung gagana ang ating ginawa.
 Atin ngayong isasaksak ang ating simpleng lampshade sa isang power
source…
 At ayan mayroon na tayong… LAMPSHADE!

Mga Paalala:
Palaging mag-iingat sa paghawak at paggamit ng mga
matatalas at matutulis na bagay. Dahil mamaari itong
makasugat o magdulot ng kapahamakan sa maling paggamit
nito

Maaring panoorin ang video sa tamang paggawa ng lampshade sa


https://www.youtube.com/watch?v=fDEhUF0J8Tg
___________________________________________________________________________
Page | 4 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

TANDAAN NATIN:

May ilang materyales na matatagpuan sa pamayanan na


maaaring magamit sa pagbuo ng kapaki- pakinabang na proyekto tulad
halimbawa ng kawayan, kahoy o iba’t ibang metal. Sa pagpaplano nito dapat
isa alang- alang ang mga materyales na matatagpuan sa pamayanan gayon
din ang wasto at malinaw na pamamaraan na siyang magiging gabay upang
makagawa ng kapaki- pakinabang na proyekto na maaaring mapagkakitaan.

GAWIN NATIN:

Isa-isahin ang mga materyales na kailangan sa paggawa ng


lampshade? Isulat sa sagutang papel.
Gamitin ang Rubrics sa pagmamarka ng proyekto ng bata.

Binigyan ng 3 - 4 puntos 1 - 2 punto


5 puntos
Tuon Katamtamang Nangangailangan
Natatangi
Kagalingan ng Tulong
Ang kabuuan ng Natapos ang Natapos ang
proyekto ay proyekto subalit proyekto subalit
Pagiging
nagpakita ng hindi gaanong kapos ang paggamit
Orihinal at
lubusang orihinal at hindi ng pagkamalikhain
Pagkamalikhain
orihinalidad at gaanong at walang
pagkamalikhain. malikhain. orihinalidad.
Kinakitaan ng Kinakitaan ng
lubusang pagsusumikap Kinakitaan ng
pagsusumikap, ang natapos na kaunting
Pagsisikap at
lampas pa sa proyekto subalit pagsusumikap ang
Pagtitiyaga
kinakailangan, ang may ilang mga natapos na
natapos na kulang na proyekto.
proyekto. detalye.
Natapos ang
Natapos ang
Mahusay at proyekto subalit
Kasanayan sa proyekto subalit
maganda ang may mga
pagbubuo lubhang magulo at
nabuong proyekto. depektong
hindi maunawaan.
nakita.
Masigasig na Walang sigasig sa
Masigasig na
gumawa subalit paggawa at
Saloobin at gumawa upang
kinakailangan kailangan pang
responsibilidad matupad ang
pa ng tulong paalalahanan nang
layunin ng pangkat.
buhat sa iba. malimit.

___________________________________________________________________________
Page | 5 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

PAGYAMANIN NATIN:

 Magsaliksik ng iba pang mga materyales na matatagpuan sa pamayanan


na maaaring gamitin sa paggawa ng mga proyektong ginagamitan ng
elektrisidad.
 Gumawa ng talaan at ng mga proyektong maaaring gawin.
 Magpaguhit sa mga mag- aaral ng mga proyektong ginagamitan ng
elektrisidad na maaaring gawin mula sa materyales na matatagpuan sa
pamayanan.

SANGGUNIAN:

https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3liN2p1c
UE?tid=0BxZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing

___________________________________________________________________________
Page | 6 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

IA PAGBUO NG DISENYO MULA SA MGA


Aralin 13 MATERYALES NA MAKIKITA SA PALIGID

Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang


Pamantayang kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng
Pangnilalaman: proyektong pagkakakitaang kaugnay ng
sining pang-industriya at pagkukumpuni ng
mga sirang kagamitan sa tahanan at paaralan
Nakabubuo ng proyektong mapagkakakitaan
Pamantayan sa Pagganap:
at nakapagkukumpuni ng mga sirang
kagamitan sa tahanan at paaralan
Code EPP5IA-0f-6

Nilalaman

Sa araling ito ay matututunan mo ang iba’t-ibang materyales na


matatagpuan mo sa iyong paligid na maaaring mong gamitin upang
makagawa ng makabuluhang produkto na maaari mong mapakinabangan at
pagkakitaan. Mababatid mo na sa pamamagitan lamang ng mga materyales
na nsa iyong paligid ay maari ka ng makagawa ng mga bagay na iyong
mapakikinabangan.

Layunin
1. Naiisa-isa ang iba’t-ibang materyales na maaaring gamitin sa
paggawa ng iba’t-ibang makabuluhang proyekto.
2. Natutukoy ang mga materyales na matatagpuan sa
paligid/pamayan na maaaring gamitin sa paggawa ng kapaki-
pakinabang na proyekto.

ALAMIN NATIN:

Suriin ang mga sumusunod na produkto. Sa inyong


palagay saang materyales gawa ang mga produktong ito

___________________________________________________________________________
Page | 1 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

LINANGIN NATIN:

Ang ating pamayanan ay sagana sa mga materyales na likas nating


matatagpuan sa ating paligid. Ilan sa mga ito ay mga halamang itinatanim katulad
ng mais, palay at iba pa. Maari ring ito ay mga materyales na matatagpuan sa ating
yamang tubig gaya ng mga shells o kabibe

Bawat materyales ay naaayon sa uri ng kapaligiran na mayroon tayo. Bawat


uri ng materyales ay may angkop na gamit na dapat nating alamin upang makagawa
ng higit na maganda at matibay na proyekto na ating pakikinabangan. Ilan sa mga
materyales na matatagpuan sa pamayanan ay ang mga sumusunod:

1. Damo- ang mga damo ay pangkaraniwang tumutubo sa


mga bakanteng lote, halimbawa ng mga ito ay talahib,
kugon, tikiw, tambo at iba pa. Mayroon din namang
tumutubo sa tubig tulad ng water lily.

a. Talahib at Kugon- Ang mga ito ay karariwang


matatagpuan sa mga bakanteng lote. Ito ay
kinukuha at pinatutuyo sa init ng araw upang
magamit sa paggawa ng bubong, ngunit maaari
rin itong gamiting pangdisenyo sa mga kagamitan
gaya ng kahon o sisidlan at parol o pabitin.

b. Tikiw- Ang tikiw ay isang uri ng damo na may


mataas at kulay tsokolateng bulklak at mahaba
at matalim na dahon. Kadalasang pinatutuyo ito
sa init ng araw upang gawing dingding ng
bahay ngunit mahusay at matibay din itong
gawing bag, banig, at pangdisenyo sa mga sisidlan o kahon.

c. Water Lily- ito ay matatagpuan sa mga


anyong tubig gaya ng sapa at ilog. Ito ay
may maberdeng kulay, malambot na
katawan, at may pinaghalong puti at lilang
bulaklak. Ito ay pinatutuyo sa araw at
kinukulayan at ginagawang bag at tsinelas.
Matatagpuan naman sa Cuyapo, Nueva Ecija ang pagtatanghal
ng iba’t ibang kagamitan na gawa sa water lily sa kanilang water
lily festival tuwing Nobyembre ng bawat taon.

___________________________________________________________________________
Page | 2 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

2. Niyog- Ang puno ng niyog ang tinatawag nating “Puno


ng Buhay” dahil sa ang bawat bahagi nito ay may
gamit. Mula sa ugat hanggang sa dahon ay maari kang
makagawa ng makabuluhang bagay o proyekto.
Mainam gawing gamot ang mga ugat nito at maaari
ring gawing palamuti sa ating mga tahanan. Ang mga
hibla ng bunot nito ay maaaring gawing bag, lubid, at
pwede ka ring gumawa ng pahiran ng paa. Ginagamit din ang
katawan ng niyog sa paggawa ng sahig, ding-ding at haligi ng bahay.
Maari ring gumawa ng mesa at upuan gamit ang katawan nito. Ang
mga dahon naman ay maaring gawing walis at bubong ng bahay. Ang
bunga ay maaaring inumin at ipansahog sa pagkain. At ang bao nito ay
maaring gawing alakansiya, sandok at iba pang gamit sa kusina.

3. Kawayan – Ang kawayan ay isang uri ng damo na


madalas matagpuan sa mga liblib na lugar. Ito ay
matibay at maraming gamit. Kadalasang ginagamit ang
kawayan sa pag-gawa ng bahay kubo at iba pang parte
ng bahay. Ilan pa sa mga produktong maaaring gawin
gamit ang kawayan ay mga upuan at mesang
kinakainan, lampshade, plorera, alkansya at marami
pang iba.

4. Tabla at Kahoy –Ang mga aparador na ating


pinaglalagyan nang iba’t-ibang
kagamitan,ding-ding, kisame ng bahay, mesa
at upuan ay ilan lang sa mga halimbawa ng
mga kagamitan na yari sa kahoy at tabla. Ang
kahoy at table ay nagmula sa iba’t-ibang uri ng punong kahaoy
katulad ng acacia, molave, yakal, apitong, dao, narra, kamagong at
marami pang iba. Tiyakin na ang kahoy at tabla na gagamitin sa
paggawa ng proyekto o produkto ay tuyong tuyo upang masiguro ang
kalidad at tibay nito.

5. Retaso ng tela-Ang mga retaso o pinagtabasan ng


tela na patapon na ay maaari paring magamit sa
paggawa ng isang makabuluhang bagay na iyong
pakikinabangan o pagkakakitaan. Maaari itong
gawing door mat, pot holder, pouch,at pangdisenyo sa mga gamit.

6. Saging- Ang saging ay kilalang kilala sa bansa.


Ang bunga nito ay matamis na prutas at ang
bulaklak naman nito ay maaaring iluto o
___________________________________________________________________________
Page | 3 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

ipangsahog sa ibang lutuin. Ang saha naman nito ay mainam gawing


pangdisenyo ng mga kagamitan gaya ng plorera, lampshade, bag, at iba
pa.

7. Kabibe- ang mga ito ay matatagpuan sa mga


pampang ng mga anyong tubig gaya ng dagat,
sapa, at ilog. Ang mga kabibe ay magandang
gamiting palamuti sa mga produktong gawang
kamay gaya ng plorera o flower vase at iba pa.

TANDAAN NATIN:

Maraming mga bagay-bagay sa iyong paligid na maaaring


gamitin upang makabuo ng isang produktong maaari mong pakinabangan o
pagkakitaan. Kinakailangan lamang na ikay ay maging mapagmasid at
malikhain. Maaari rin namang sumangguni sa mga kaibigan o maging sa
internet upang makalikha ng isang produkto.

GAWIN NATIN:

A. Punan ang Kahon ng mga produktong maaaring


malikha mula sa pangunahing materyales na nasa loob ng Bilohaba

Kawayan

Damo

Tabla

Retaso

___________________________________________________________________________
Page | 4 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

B. Tukuyin kung aling pangunahing materyales ang tinutukoy sa bawat


pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot sa kahon at isulat ang sagot sa
patlang bago ang bilang.

A. Saging C. Water lily E. Kabibe


B.Tabla D.Tikiw F. Niyog

_____1. Ito ay matatapuan sa sapa at ilog na kapag pinatuyo sa aray ay


mainam gawing bag at tsinelas.
_____2. Ito ay isang prutas na may matamis na bunga at malambot na katawan,
ngunit ang pinatuyong saha nito ay magandang gamiting pangdisenyo ng
Plorera, bag, at iba pa.
_____3. Matatagpuan ito sa pampang ng anyong tubig gaya ng ilog, sapa, at
dagat. Maganda ito ay mula sa mga namatay na yamang tubig gaya ng
suso, tulya, sulib, at iba pa.
_____4. Ito ay kadalasang ginagamit upang makagawa ng kagamitang
pantahan tulad ng upuan, aparador, lamesa, at iba pa.
_____5. Ito ay kilala sa tawag na “puno ng buhay” sapagkat mula sa ugat
hanggang sa dahon nito ay maaaring gawing iba’t ibang uri ng produkto
tulad ng walis, gam0t, sabon, table, langis, at marami pang iba.

PAGYAMANIN NATIN:

Magsaliksik nang iba pang materyales na matatagpuan sa inyong


pamayanan na maaaring gamitin sa paggawa ng mga proyekto. Gumawa ng
talaan at ng mga proyektong maaari mong gawin.

SANGGUNIAN:

• https://www.google.com.ph/search?q
• https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3li
N2p1cUE?tid=0BxZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing
• K-12 Curriculum GuideEPP 5 IA, 27
• Umunlad sa Paggawa Batayang aklat sa baitang 5, 1995. pp 162-163

___________________________________________________________________________
Page | 5 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

IA PAGBUO NG DISENYO MULA SA MGA MATERYALES NA


Aralin MAKIKITA SA PALIGID
14
(Ikatlo-Ikalimang Araw)

Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang


Pamantayang kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng
Pangnilalaman: proyektong pagkakakitaang kaugnay ng
sining pang-industriya at pagkukumpuni ng
mga sirang kagamitan sa tahanan at paaralan
Nakabubuo ng proyektong mapagkakakitaan
Pamantayan sa Pagganap:
at nakapagkukumpuni ng mga sirang
kagamitan sa tahanan at paaralan
Code EPP5IA-0f-6

Nilalaman

Sa araling ito ay matututunan mo kung paano bumuo ng isang


proyekto na gawa sa iba’t-ibang materyales na matatagpuan mo sa iyong
paligid na maaaring mong gamitin upang makagawa ng makabuluhang
produkto na maaari mong mapakinabangan at pagkakitaan.

Layunin

1. Nakabubuo ng disenyo ng makabuluhang produkto ayon sa mga


materyales na nakita sa paligid/pamayanan

ALAMIN NATIN:

Sa paggawa ng isang produkto maraming mga gamit na matatagpuan


sa iyong kapaligiran upang makagawa ng bagay na kapakipakinabang at
maaaring pagkakitaan.

Masdan ang mga larawang ito, sa iyong palagay sa anong materyales


gawa ang mga produktong ito?

___________________________________________________________________________
Page | 1 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

LINANGIN NATIN:

Sa araling ito ay ating susubukang gumawa ng isang banig na gawa sa


damo (tikiw)

Narito ang ilang hakbang sa paggawa ng


banig na gawa sa tikiw.

1. Kumuha ng bagaso ng damong tikiw.


(Bagaso ng bulaklak). Mag-inagt sa
pagkuha nito sapagkat matatalim ang
mga dakon nito.

2. Patuyuin ito sa init ng araw.

3. Kung tuyo na ay maaari itong ilaga sa


mainit na tubig na may kasamang
tina upang magkaroon ng kulay.

4. Upang patagin ito, Kumuha ng


dalawang makinis na kahoy, ipitin ito
at saka hilahin.

5. Ihanda ang mga pinatuyo at


kinulayang bagaso ng tikiw.

6. Ihanay ang mga pinatuyo at


kinulayang bagaso na tikiw sa nais
nong lapad at haba ng banig na iyong
gagawin

7. Ipitin ito upang hindi ito magulo at


mawala sa linya.

8. Igayak ang gagawing pahalang na


bahagi ng banig.

9. Ilala ito ng paibabaw at pailalim o


___________________________________________________________________________
Page | 2 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

salitang ibabaw at ilalim.

10. Ulit-ulitin ang mga pamamaraang ito


hanggang sa umabot ito sa pinakahuli
o laylayan ng iyong banig.

11. I-lock ang mga dulo nito upang hindi


makalag o makalas. Gawin ito sa
pamamagitan ng pag-iipit pabalik ng
bagaso ng tikiw. Kaya naman ay
putulin ito ng pantay-pantay at tahiin.

TANDAAN NATIN:

Maraming mga bagay-bagay sa iyong paligid na maaaring gamitin


upang makabuo ng isang produktong maaari mong pakinabangan o
pagkakitaan. Kinakailangan lamang na ikay ay maging mapagmasid at
malikhain. Maaari rin namang sumangguni sa mga kaibigan o maging sa
internet upang makalikha ng isang produkto.

GAWIN NATIN:

A. Bumuo ng apat (5) pangkat na may 5-6 na miyembro at gawin ang mga
sumusunod.

1. Gumawa ng talaan ng pamamaraan sa paggawa ng disenyo ng


proyekto.

Gumawa ng isang proyektong gawa sa tikiw.

B. Lumikha ng isang produkto ayon sa ginawang plano kasama ang mga


kagrupo.

Pamantayan sa pagmamarka

Very
Satifactory Fair Poor
Pamantayan Satifactory
5 3 2 1
Naipamamalas ang
___________________________________________________________________________
Page | 3 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

pagiging maingat sa
pagpaplano ng disenyo ng
produkto.
Naipapakita ang pagiging
malikhain sa pagbuo ng
plano ng proyekto.
Nakalilikha ng katangi
tanging uri ng disenyo at
produkto.
Nakagagawa ng isang
produktong ayon sa
ginawang plano.

PAGYAMANIN NATIN:

• Magsaliksik nang isang produktong gawa mula sa mga kagamitang


matatagpuan sa kapaligiran.
• Magsaliksik ng isang larawan ng taong gumagawa ng furniture.

SANGGUNIAN:

• https://www.google.com.ph/search?q
• http://www.wikihow.com/Make-Baskets
• https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3liN2p1cUE?tid=0Bx
ZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing
• K-12 Curriculum Guide, 27
• Umunlad sa Paggawa Batayang aklat sa baitang 5, 1995. pp 162-163

___________________________________________________________________________
Page | 4 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

IA NALALAPATAN NG ANGKOP NA PAGHULING AYOS


Aralin ANG NABUONG PRODUKTO
15
(Una-ikalawang araw)

Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang


kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng
Pamantayang Pangnilalaman: proyektong pagkakakitaang kaugnay ng sining
pang-industriya at pagkukumpuni ng mga
sirang kagamitan sa tahanan at paaralan

Nakabubuo ng proyektong mapagkakakitaan at


Pamantayan sa Pagganap: nakapagkukumpuni ng mga sirang kagamitan sa
tahanan at paaralan

Code EPP5IA-0g-7

Nilalaman

Sa araling ito ay matutunan mo ang iba’t- Ibang paraan ng pagsusuri


sa ginawang produkto o proyekto paglalapat ng panghuling ayos
(finishing) at iba’t ibang paraan ng panghuling ayos na syang
magsisilbing batayan kung pagbubutihin o pagagandahin mo pa ang
iyong proyektong ginawa.

Layunin

1. Nasususri ang ginagawang produkto at naisasaayos ito batay


sa sarili at mungkahi ng iba gamit ang rubrics.

ALAMIN NATIN:

Sa paggawa ng isang produkto, ano ang batayang upang matukoy kung ito
ay tapos at kaakit akit para sa paningin? Upang matukoy ito ng maayos,
___________________________________________________________________________
Page | 1 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

kinakailangang malaman mo muna ang tamang paraan sa pagsasagawa ng


panghuling ayos (finishing). Makakatulong din ang pagbuo ng mga
pamantayan o rubric upang malaman mo kung ito ay nagawa ng maayos at
matagumpay.

LINANGIN NATIN:

Sa paggawa ng produkto, malaki ang maitutulong ng pagsangguni sa


iba upang hingin ang kanilang suhestiyon. Gayun din naman ang pagsasagawa ng
survey upang matukoy ang gusto ng marami. Makakatulong din ang paggawa ng
mga kaukukolang pamantayan o rubring upang lubos mo pang mapaghusayan ang
iyong ginagawa.

Malaki ang naitutulong ng pagsusuri ng iyong ginawang produkto,


maging maganda man o hindi ang resulta nito. Ngunit hidi dapat ikabahala ang
hindi magandang resulta nito, sa halip gawin itong isang hamon upang lalo mo pang
pagbutihin ang iyong ginagawa. Tandaan! Sa paggawa ng isang bagay ang umpisa
ang laging mahirap, subalit, habang ito’y tumatagal lalo mo itrong
mapaghuhusayan.

Masdan ang mga sumusunod na larawan. Ano ang masasabi mo sa


kanilang ginagawa?

Mga mangagawang gumagawa ng kanilang produkto na may buong


dedikasyon at pagpupursigi

___________________________________________________________________________
Page | 2 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Narito ang halimbawa ng isang pamantayan sa pagsusuri ng iyong ginawang produkto (Rubric)

Pamantayan sa Paggawa ng proyekto

KRAYTIRYA 5 3 1 MARKA
Kumpleto, angkop at May kulang,
Di-kumpleto, di-angkop at
Kasangkapan wasto ang Angkop ngunit di-wasto ang
Mali ang paggamit
gamit paggamit
Sinunod ang hakbang Sinusunod ang hakbang Di-nasunod ang hakbang
Paggawa matapos sa takdang oras natapos sa takdang oras Di-natapos sa oras
Maayos ang gawa Ngunit di-maayos ang gawa Di-maayos ang gawa
May mabuting asal Di-gaanong nagpakita ng Maingay,
Gawa o kilos Masiglang nakikilahok at mabuting asal, Di- nakikilahok at
iniwang malinis ang silid Pakikilahok at malinis ang silid iniwang marumi ang silid

Narito naman ang sariling pagsusuri sa ginawang produkto,

Paraan ng paggamit: Punan ng marka ayon sa iyong kakayahan at pananaw ang sumusunod na talaan, at ipasuri sa guro ang
iyong ginawang pagsususri.

Mgabatayan Katampatan Bata Guro


1. Wastong pagsunod sa plano 25%
2. Wastong paggamit ng kagamitan o kasangkapan 20%
3. Gamit ng proyekto 15%
4. Kabuuang anyo 25%
5. Pagkamalihain 15%

___________________________________________________________________________
Page | 3 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

TANDAAN NATIN:

Sapagsusuri ng isang produkto o proyekto dapat isaalang alang ang mga


sumusunod:
1. Tamang pamamaraan sa paggawa ng proyekto.
2. Oras na dapat matapos ang proyekto
3. Mga kagamitang gagamitin at kung paano ginagamit ang mga ito.
4. Isaalang alang din ang lugar na paggagawaan.
5. Lapatan ng angkop na pinakahuling ayos ang nabuong produkto.
6. Sikaping maging maayos, maganda at masinop ang gagawing
produkto.

GAWIN NATIN:

A. Kunin mo ang nabuong produkto o proyekto sa


naunang aralin at gawin ang mga sumusunod na panuto. Isulat ang iyong
sagot sa kwadernong sagutan.

1. Isalaysay kung paano mo nagawa ng maayos, maganda at masinop


ang produkto o proyekto kasama ang mga kagrupo.
2. Itala ang mga paraan na ginamit sa panghuling ayos.
3. Ginamitan mo ba ng rubric ang ginawa ninyong produkto? Kung
oo, ano ano ang inyong naging batayang para dito?
4. Bakit iyon ang disenyong inyong napili? Nais ba ito ng nakararami
o sarili mong disenyo? Ipaliwanag ang dahilan.

B. Isulat kung Tama o Mali ang isinasaad ng bawat pahayag. Isulat ang
TAMA kung ito ay wasto, at kung mali naman ay ISULAT ANG
TAMANG SAGOT. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

____________1. Sa paggawa ng produkto kinakailangang mag-ingat sa mga


matutulis at matatalim na bagay.
____________2. Gawin ang proyekto ng mahusay at sa matagal na panahon.
____________3. Sikaping makagawa ng maayos at magandang proyekto upang
maging kasiya siya ito.
____________4. Huwag intindihin ang sinasabi ng iba tungkol sa iyong
produkto.

___________________________________________________________________________
Page | 4 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

____________5. Hindi dapat ikalungkot ang hindi magandang kinalabasan ng


produkto sa unang pagkakataon ng paggawa.

PAGYAMANIN NATIN:

Humanap ng mga larawan ng mga sumusunod at tukuyin kung paano ito


gamitin.

1. Papel de liha

2. Barnis

3. Masilya

4. Paint Brush

5. Katam

SANGGUNIAN:

• https://www.google.com.ph/search?q=finishing+step+of+materials&
biw=800&bih=505&source=lnms&tbm=isch&sa=X&sqi=2&ved=0ahU
KEwiD8IbDj6TOAhUJK48KHanqAOMQ_AUIBigB&dpr=1#tbm=isch
&q=making+furniture&imgrc=3DjmFUcdqKTUlM%3A
• https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3li
N2p1cUE?tid=0BxZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing
• K-12 Curriculum Guide EPP5 IA, 27
• J. Bernardino, M. Fulgencio, E. Lee, A. Paragas, E. Rafael. 2015. Home
Economics and Livelihood Education 2nd edition, Phoenix Publishing
House .Quezon City Philippines.

___________________________________________________________________________
Page | 5 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

IA NALALAPATAN NG ANGKOP NA PAGHULING AYOS


Aralin ANG NABUONG PRODUKTO
15

(Ikatlo-ikalimang araw)

Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang


kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng
Pamantayang proyektong pagkakakitaang kaugnay ng sining
Pangnilalaman:
pang-industriya at pagkukumpuni ng mga
sirang kagamitan sa tahanan at paaralan

Nakabubuo ng proyektong mapagkakakitaan at


Pamantayan sa nakapagkukumpuni ng mga sirang kagamitan sa
Pagganap:
tahanan at paaralan

Code EPP5IA-0g-7

Nilalaman:

Sa araling ito ay matutunan mo ang iba’t- Ibang paraan ng pagsusuri


sa ginawang produkto o proyekto paglalapat ng panghuling ayos
(finishing) at iba’t ibang paraan ng panghuling ayos na syang
magsisilbing batayan kung pagbubutihin o pagagandahin mo pa ang
iyong proyektong ginawa.

Layunin:

1. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng kagamitan sa pagsasagawa ng


panghuling ayos (finishing) tulag ng papel de liha, pintura, at barnis
2. Nasasabi kung paano ginagamit ang mga kagamitan sa panghuling
ayos ng produkto (finishing)
3. Nasasabi ang maaaring kalabasan sa tamang paggamit ng mga
kagamitan sa panghuling ayos.
4. Napahahalagahan ang tamang paggamit ng mga kagamitan sa
panghuling ayos (finishing)

ALAMIN NATIN:

Sa paggawa ng produkto, mahalagang malaman ang panghuling ayos


(finishing). Dahil ito ang magiging batayan upang matukoy ang kalidad ng
iyong produkto o proyekto. Mahalaga rin na malaman ang tamang paggamit

___________________________________________________________________________
Page | 1 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

ng mga kagamitang panghuling ayos, sapagkat sa tamang paraan lamang ng


paggamit nito mo makikita ang pinakamagandang resulta ng iyong ginawa.

Sa araling ito ay ating tatalakayin ang iba’t ibang kagamitan sa


pagsasagawa ng panghuling ayos (finishing). Dito rin malalaman ang tamang
paraan ng paggamit nito.

LINANGIN NATIN:

Sa paggawa ng produkto, malaki ang naitutulong ng kaalaman sa


tamang paggamit ng mga kagamitan sa panghuling ayos. Sapagkat sa tamang
paraan lamang ng paggamit nito makukuha ang pinaka maayos na resulta nito. Sa
maling paggamit naman nito ay maaaring tumagal o kaya naman ay masira ang
iyong ginagawa.

Sa tamang paggamit ng mga kagamitan sa panghuling ayos, iyong


malalaman na sa pamamagitan nito ay maaari mo pang mapaganda ang iyong
ginawa. Sa tulong ng mga kagamitang panghuling ayos tulad ng papel de liha,
barnis, primer, pintura, masilya, at iba pa ay lalo mo pang mapaghuhusay at
malilinang ang iyong talent sa paggawa ng produkto.

Pagmasdan ang mga sumusunod na larawan. Ano ang iyong


masasabi sa mga ginagawa nila?

Mga halimbawa sa pagsasagawa ng panghuling ayos.

___________________________________________________________________________
Page | 2 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

A. Mga kagamitan sa Panghuling Ayos (Finishing)

1. Papel de liha – ito ay isang malakarto na papel na


mayroong magagaspang at pinong bagay ng
nakadikit sa isang bahagi nito. Ito ay ginagamit
upang pakinisin ang isang bagay. Mayroon itong
iba’t ibang antas ng gaspang ang kadalasang
ginagamit sa umpisa ay ang magaspang na liha
ngunit kung papatapos na ay ang pinakapinong liha naman. Ito ay may
roong tatlong klase tulad ng silicon-carbide, Emery paper, at Sand Paper

a. Silicon-carbide – Pwede itong gamitin kahit basa o kaya ay tuyo.


Ginagamit ito upang kinisin o pakintabin ang mga napinturahan
nang metal o kahoy.
b. Emery Paper- ginagamit lamang upang pakinisin ang mga metal.
Hindi ito kailangang basain.
c. Sandpaper- ito ay ginagamit upang pakinisin ang mga bagay na
gawa sa kahoy.

2. Primer- Ito ay isang uri ng pintura na unang inilalagay sa


metal, ceramics o kaya ay kahoy. Mabuting lagyan muna ng
primer ang ginagawang produkto upang na maging mas
maganda ang kalabasan nito at upang matiyak ang tibay
nito.

3. Pintura- Ito ay nagtataglay ng iba’t ibang kulay at


klase, ito ay kadalasang ginagamit upang kulayan at
bigyang ganda ang isang gusali, parke, at maging
likhang sining.

4. Barnis (Varnish) – maliban sa pintura, ang kahoy


ay maaari ring kulayan ng barnis. Ito ay isang
likido na ginagamit upang makulayan ang mga
kahoy, ngunit d gaya ng pintura, ang barnis ay di
lubusang tinatakpan ang anyo ng kahoy.
Ginagamit din ito upang tumibay at mas gumanda
ang kalidad ng kahoy.

5. Masilya- Ito ay putty na inilalagay sa metal,


ceramics, o kaya ay kahoy. Kadalasang ginagamit
ito upang takpan ang mga kapirasong butas, bitak,
o yupi ng isang bagay. Ginagamit din ito upang
pakinisin ang surface ng isang bagay bago ito Larawan ng isang bus na
lagyan ng gustong kulay ng pintura. nilagyan ng masilya
upang ayusin at
d hi

___________________________________________________________________________
Page | 3 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

6. Brush- Ang brush ay pangunahing ginagamit upang


ikalat ang pintura, primer, o kaya ay barnis. Ito ay
gawa sa pahabang kahoy at balahibo ng kabayo o
kaya naman ay artipisyal na pisi. Ito ay may iba’t
ibang lapad, bawat lapad ay may kaukulang gamit.
Ang mga malalapad na brush ay ginagamit sa mga
malalapad na surface samantalang ang makitid na
brush ay ginagamit sa mas komplikadong pagdidesenyo o pag abot sa
masikip na bahagi.

B. Mga Karampatang Paggamit sa mga Kagamitang Panghuling Ayos.

1. Paraan ng Pagliliha
a. Igayak ang mga kagamitan
gaya ng kapirasong tabla, liha,
at ang iyong bagay na
kikinisin.
b. Magsuot ng mga karampatang
proteksyon gaya face-mask,
eye-goggle, at guwantes, upang
maiwasan ang mga di Pagliliha, paraan upang kinisin
inaasahang pangyayari. ang surface ng isang bagay
c. Palaging mag-ingat sa naginagawa
paggawa.
d. Kumuha lamang ng sasapat na bahagi ng liha.
e. Dahilan sa matagal na proseso ang pagliliha, maaaring
magpaltos ang iyong kamay. Kung kaya’t upang maiwasan
ito ibalot ang liha sa isang kapirasong tabla. Makakatulong
ito upang maging masmadali ang pagliliha.
f. Sikaping tuyo ang kahoy na iyong lilihahin. Sapagkat
maaaring makaapekto ito sa kalidad ng iyong gawa.
g. I-ayon lamang sa sa fiber ng kahoy ang pagliliha.
h. Sikaping tanggalin ang mga matutulis at matatalim na sulok
ng iyong ginagawang produkto lalo na kung ito ay isang
gamit pambahay.

2. Paraan ng Pagpipintura
a. Igayak ang mga
gagamitin, gaya ng
primer, masilya, liha,
brush, pintura at bagay
na gagawin para sa
proyekto.
b. Magsuot ng mga
pangunahing proteksyon Pagpipintura. Paraan upang
sa katawan gaya ng pagandahin at gawing kaakit akit
ang produkto
___________________________________________________________________________
Page | 4 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

goggles at face mask sapagkat ang mga ito ay may halong


kemikal na maaaring makasama sa kalusugan.
c. Palaging mag-ingat sa paggawa upang maiwasan ang
aksidente.
d. Bago pinturahan ang iyong ginawa tiyaking lagyan muna
ang mga ito ng masilya, kung may bitak, yupi, o butas.
Matapos lagyan ng masilya ay kinisin ito gamit ang pinong
liha at saka pahiran ng primer gamit ang brush.
e. Lagyan ng pintura ang iyong produkto ayon sa kulay na
gusto mo. Sikaping iisang ayon lamang ang paglalagay ng
pintura. Makakatulong ito upang maging mas maganda ang
resulata ng iyong ginagawa.
• Latex- pinturang akmang gamitin sa semento.
• Enamel- uri ng pinturang ginagamit sa kahot at bakal
• Acrylic- pinturang pwedeng magamit sa sa kahoy, bakal,
at semento. Ngunit hindi nito nagagawang protektahan
ang bakal sa kalawang at kahoy sa anay.
f. Lagyan ng thinner ang pintura (enamel) kung ito ay
lumalapot na. Maaari namang lagyan ng tubig ang
pinturang latex at acrylic kung ito ay bahagyang natutuyo
na.

3. Paraan ng Pagbabarnis
a. Igayak ang mga gagamitin,
gaya brush, barnis at bagay
na gagawin para sa
proyekto.
b. Magsuot ng mga
pangunahing proteksyon
sa katawan gaya ng goggles
at face mask sapagkat ang
mga ito ay may halong Pagbabarnis. Paraan upang
kemikal na maaaring pagandahin at gawing mas kaakit
makasama sa kalusugan. akit ang produkto ngunit hindi
c. Palaging mag-ingat sa tinatakpan ang katangiang ng
paggawa upang maiwasan kahoy
ang aksidente.
d. Bago ilagay ang barnis, tiyaking tanggalin muna ang mga
duming maaaring makaapekto o makasagabal sa iyong
gagawin gaya ng alikabok, sapot, sticker, mga hibla,patak ng
tubig at iba pa.
e. Gamit ang brush, ikalat ang barnis mula itaas-pababa.
Sikaping pantay ang pagkakalagay nito para sa mas
magandang resulta.

___________________________________________________________________________
Page | 5 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

f. Sikaping iisang ayon lamang ang panglalagay nito, maaari


kasing masira ang itsura nito kung paiba-iba ang direksyon
ng paglalagay.
g. Maaaring ulitin ang paglalagay depende sa kagustuhan.

TANDAAN NATIN:

Sa paggawa ng panghuling ayos (Finishing) palaging


isaalang alang ang pag-iingat at kailangan din ang dedikasyon at pagtitiyaga.
Upang matiyak ang kalidad, palaging tandaan ang tamang pamamaraan sa
paggamit ng mga ito. Makakatulong rin na magtanong sa mga nakatatandang
nakaka-alam upang mapaghusayan pa ang kakayahan sa paggawa ng
proyekto

GAWIN NATIN:

Isulat kung Tama o Mali ang isinasaad ng bawat pahayag.


Isulat ang TAMA kung ito ay wasto, at kung mali naman ay ISULAT ANG
TAMANG SAGOT. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

____________1. Sa paggawa ng produkto kinakailangang mag-ingat sa mga


matutulis at matatalim na bagay.

____________2. Palaging tiyakin na walang duming makasasagabal sa gamit na


iyong pipinturahan o kaya ay babarnisan.

____________3. Gumamit ang angkop na liha angkop sa iba’t ibang bagay.

____________4. Ang paggamit ng primer sa pagpipintura ay hindi nakakatulong


upang maging maganda ang kalabasan ng produkto.

____________5. Mainam gamitin ang makitid na brush sa malalapad na bahagi


ng kukulayan.

____________6. Ang paglalagay ng masilya ay nakatutulong upang higit na


maging mas makinis at maganda ang gagawing rodukto.

___________________________________________________________________________
Page | 6 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

____________7. Ang latex paint ay mainam na gamitin sa mga metal at kahoy na


materyales.
A. Kilalanina ang mga sumusunod na larawan at tukuyin kung paano ito
ginagamit.
Kagamitan Pangalan ng Paano ito ginagamit?
gamit

B. Bumuo ng anim (6) pangkat at gawin ang mga sumusunod. Isagawa


ang tamang pamamaraan para sa panghuling ayos. Sundin lamang ang
gawaing nakatalaga sa inyong grupo.

a. Gawin ang mga sumusunod:

Pangkat 1,3,5……. Gumawa ng sariling disenyo ng proyekto at


isagawa ang tamang pamamaraan sa pagliliha at pagbabarnis.

Pangkat 2,4,6……. Gumawa ng sariling disenyo ng proyekto at


isagawa ang tamang pamamaraan pagpipintura.

___________________________________________________________________________
Page | 7 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

b. Itanghal sa klase ang ginawang proykto.

Batayan sa pagmamarka para sa ginawang proyekto. (Rubric)

Mga batayan Katampatang Marka Nakuha


1. Wastong paggamit ng kagamitan o
25%
kasangkapan
2. Wastong pagsunod sa plano 20%
3. Kabuuang anyo 20%
4. Pagkamalihain 15%
5. Gamit ng proyekto 10%
6. Kawilihan sa paggawa 5%
7. Kaayusan at pagkakasundo sundo
5%
sa paggawa
Kabuoan 100%

PAGYAMANIN NATIN:

Magsaliksik ng mga hakbang bago ipagsapamilihan ang


ginawang produkto. Isulat ang iyong ginawa sa iyong kwaderno.

SANGGUNIAN:

• https://www.google.com.ph/search?q=finishing+step+of+materials&
biw=800&bih=505&source=lnms&tbm=isch&sa=X&sqi=2&ved=0ahU
KEwiD8IbDj6TOAhUJK48KHanqAOMQ_AUIBigB&dpr=1#tbm=isch
&q=making+furniture&imgrc=3DjmFUcdqKTUlM%3A
• https://drive.google.com/drive/folders/0BxZmOOWSsDI_TENST3li
N2p1cUE?tid=0BxZmOOWSsDI_Q1N0eElmaEVROW8&usp=sharing
• https://www.google.com.ph/search?q
• K-12 Curriculum Guide, 27
• J. Bernardino, M. Fulgencio, E. Lee, A. Paragas, E. Rafael. 2015. Home
Economics and Livelihood Education 2nd edition pp. 242-245, Phoenix
Publishing House .Quezon City Philippines.

___________________________________________________________________________
Page | 8 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

IA NAISASAPAMILIHAN ANG MGA NAGAWANG


Aralin PRODUKTO GAMIT ANG NATUTUNANG
16 PRODUCTIVITY TOOL
(Una at ikalawang araw)

Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang


Pamantayang kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng
Pangnilalaman: proyektong pagkakakitaang kaugnay ng sining
pang-industriya at pagkukumpuni ng mga
sirang kagamitan sa tahanan at paaralan
Nakabubuo ng proyektong mapagkakakitaan at
Pamantayan sa Pagganap: nakapagkukumpuni ng mga sirang kagamitan sa
tahanan at paaralan
Code EPP5IA-0h-8

Nilalaman:

Sa araling ito ay malalaman ang iba’t ibang hakbang bago ipabili ang
iyong ginawang proyekto. Ang pagpapakete ay isang mahalagang
hakbang bago ipagsapamilihan ang iyong ginawang produkto,
sapagkat ito ang iyong magiging batayang sa tamang pagpapataw ng
halaga nito. Ito rin ang batayang ng mga maraming mamimili bago
nila piliin ang produktong kanilang bibilin.

Layunin:

1. Natutukoy ang mga kasanayan sa mahusay na pagpapakete


proyektong ipinagsasapamilihan.
2. Naiisa isa ang mga dapat tandaan sa pagpapakete ng proyektong
ipagsasapamilihan

ALAMIN NATIN:

Sa pagsasapamilihan ng proyektong ginawa, marami kang


dapat na isaalang –alang. Gaya na lamang ng tamang pag-iingat sa mga
proyekto. Dahilan sa ang mga gawang kamay na proyekto ay isang
proyektong nangangailangan ng ibayong pag-iingat, ang pagpapakete nito ay
isang hamon para sa gumagawa nito.

___________________________________________________________________________
Page | 1 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

LINANGIN NATIN:

Sa pagsasapamilihan ng isang produkto, malaki ang naitutulong ng


tamang pagpapakete nito, sapagkat ito ay isa ring basehan ng mga mamimili bago
nila piliin ang isang produkto.

Ilan sa mga bagay na dapat tandaan natin sa pagpapakete ay ang mga


sumusunod na katanungan: Malinis ba ang aking proyekto? Nakahahalina ba ang
aking pagpapakete? Sapat ba ang detalyeng nakalagay sa pakete? Tama ba ang
presyo ng aking produkto?

Bago tayo magpatuloy sa ating aralin, halina’t masdan muna natin


ang mga larawan na nagpapakita ng maayos na pagpapakete.

Pagpapakete, paraan ng pag-iingat ng isang produkto

Mga paraan sa pagpapakete.

___________________________________________________________________________
Page | 2 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

1. Karamihan ng mga produkto ay nanganagailangan ng kaaya-ayang


pagpapakete at detelye (labeling). Ito ay dalawang pinakamahalagang
bagay na dapat tandaan upang:
a. Mabigyang proteksiyon ang produkto mula sa alikabok, pagkasira, at
pagpapalit detaye (tampering)
b. Maging kaaya-aya ito sa mga maimili dahilan sa mga mahahalagang
iformasiyon na makikita mula rito.
c. Mahikayat ang mga mamimili na piliin ang iyong produkto.

2. Ang mga produktong gawang kamay ay nangangailangan ng ibayong


pag-iingat sa paghawak nito lalo na ang mga kagamitang gawa sa kahoy,
salamin, bato, fiber, gems, at shells. Karamihan sa mga ito ay maaaring
ipagbili di lamang sa loob ng bansa kundi pati narin sa ibang bansa.

3. Ang mga Iia pang paraan sa pagpapakete tulad ng paglalagay ng ribbon,


card, sinulid, at makukulay na pambalot ay makakatulong upang
maging kaaya-aya ang iyong produkto.

4. Sikaping hindi nabibilad sa araw at nababasa ng ulan ang iyong


produkto, sapagkat ito ay magiging dahilan upang mabilis na kumupas
at masira ang iyong produkto

5. Makakatulong ang paggawa ng isang pwesto na ligtas sa pagkasira ang


iyong produkto. Halimbawa, paggawa ng isang kubo upang maiwasang
mabilad at maulan ang mga ito.

TANDAAN NATIN:

Mahalang ingatan ang mga proyektong gawang


kamay,sapagkat ang mga ito ay maaaring madaling mabasag, madurog,
malukot, mayupi at masira. Kaya’t ang pagpapakete nito ay nangangailangan
ng ibayong pag-iingat. Ang pagpapakete ng isang produkto ay maituturing
din na isang sining, sapagkat maaaring ito ang maging batayang ng mga
mamimila upang piliin ang iyong produkto.

GAWIN NATIN:

Punan ang diagram ng mga dapat gawin ayon sa tamang pag-


iingat at pagpapakete ng isang produkto.
___________________________________________________________________________
Page | 3 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Produktong Gawang Kamay

Mga paraang dapat tandaan at


gawin upang mapag-ingatan ang
mga produktong gawang kamay

PAGYAMANIN NATIN:

Humanap o magsaliksik ng isang larawan na nagpapakita ng


isang maayos na pagpapakete. Idikit ito sa iyong kwaderno at magbigay ng
iyong opinyon ayon sa lawarang iyong napili.

SANGGUNIAN:

• https://www.google.com.ph/search?q
• https://qualityhandicraftsinindia.wordpress.com/tag/wooden-
handicrafts/
• http://noida.all.biz/wooden-handicraft-g427272#.V6Kl49R95gs
• http://www.camelcraft.com/haryana-handicrafts.html
• K-12 Curriculum GuideEPP5 IA, 27
• J. Bernardino, M. Fulgencio, E. Lee, A. Paragas, E. Rafael. 2015. Home
Economics and Livelihood Education 2nd edition pp. 246, Phoenix
Publishing House .Quezon City Philippines

___________________________________________________________________________
Page | 4 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

IA NAISASAPAMILIHAN ANG MGA NAGAWANG


Aralin PRODUKTO GAMIT ANG NATUTUNANG
17 PRODUCTIVITY TOOL

(Ikatlo –ikalimang araw araw)

Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang


Pamantayang kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng
Pangnilalaman: proyektong pagkakakitaang kaugnay ng sining
pang-industriya at pagkukumpuni ng mga
sirang kagamitan sa tahanan at paaralan
Nakabubuo ng proyektong mapagkakakitaan at
Pamantayan sa Pagganap: nakapagkukumpuni ng mga sirang kagamitan sa
tahanan at paaralan
Code EPP5IA-0h-8

Nilalaman:

Sa araling ito ay malalaman ang iba’t ibang hakbang bago ipabili ang
iyong ginawang proyekto. Ang pagpapakete ay isang mahalagang
hakbang bago ipagsapamilihan ang iyong ginawang produkto,
sapagkat ito ang iyong magiging batayang sa tamang pagpapataw ng
halaga nito. Ito rin ang batayang ng mga maraming mamimili bago
nila piliin ang produktong kanilang bibilin.

Layunin:

1. Natutukoy ang mga kasanayan sa pgtutuos ng puhunan at kinita.


2. Nasasabi kung paano pamahalaan ang kinita.
3. Naipapakita kung paano pamahalaan ang kinita.
4. Nakagagawa ng plano sa produktong gagawin mula sa kinita

ALAMIN NATIN:

Sa pagsasapamilihan ng proyektong, kailangan mong isaalang


alang ang iyong naging puhunan. Bakit mahalagang isaalang –alang ang
iyong naging puhunan?Bakit mahalagang mapamahalaan ng mabuti ang
iyong kinita? Sa araling ito ay ating tatalakayin kung bakit mahalagang
isaalang alang ang naging puhunan at kung bakit mahalagang pamahalaan
ng mabuti ang bawat sentimong kinikita.
___________________________________________________________________________
Page | 1 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

LINANGIN NATIN:

Naranasan mo na bang magtinda ng sarili mong produkto? Kung oo,


magkano ang iyong puhunan at iyong kinita?

(Ikatlong araw)
A. Pag-aralan ang halimbawa. (Paggawa ng abaca lamp shade)

PUHUNAN sa
Diagram na nagpapakita ng pagbibigay turing bawat isang
o presyo sa isang produkto proyekto

1 role of abaca yarn…………………. 60.00


White glue…………………………… 37.00
Kung ititinda mo ang
Kagamitang pang elektrisidad……. 103.00
iyong ginawang abaca
Barnis………………………………… 30.00
lamp shade sa halagang
Kabuoan…………………………....... 230 P 276.00, bawat isa
magkano ang kikitain mo
kung makabenta mo ito
Halaga ng proyekto.. P 276.00 bawat isa
Puhunan…………… - P 230.00 bawat isa
Kita/tubo (20%)………. P 46.00 bawat isa

Mag-isip nang
ibang kagamitan
Hindi Nalugi ba? oo para sa
proyekto

Pamahalaang
mabuti ang Bumalik sa
kinita simula

B. Mga dapat tandaan sa pagtuturing ng presyo.

___________________________________________________________________________
Page | 2 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

1. Tuusin lahat ng mga ginastos, ito ang magiging gamay mo para sa


maayos na pagtuturing ng presyo ng iyong produkto.

2. Kung mayroong manggagawa, tiyakin ding isama ito sa mga listahan ng


gastusin.

3. Patawan ito ng karampatang halaga. Tiyaking hindi masyadong mataas


sapagkat maaaring maging batayang ito upang hindi piliin ng mga
mamimili ang iyong produkto. Tiyakin ding hindi masyadong mababa,
sapagkat maaari mo itong ikalugi. Makabubuting 10%-20% ng puhunan
ang idagdag dito upang matiyak na hindi malulugi.

4. Tiyaking pamahalaang mabuti ang iyong kinikita, itala lahat ng mga


gastusin at lahat ng mga pumapasok na pera. Iwasan ding bumili ng mga
bagay na hindi naman masyadong kinakailangan. Iwasan ding iwasan na
gumastos ng higit kaysa sa kinikita sapagkat maaari itong maging
dahilan upang mag-sara ang iyong tindahan.

5. Iba pang batayang sa pagbibigay turing o presyo


a. Cost plus pricing- ito ay pagpapataw ng presyo batay sa mga
pinagdaanan ng mga produkton tulad ng mga overhead o ahente at
tauhan para sa transportasyon.

b. Demand Pricing- ito’y hindi madaling pamahalaan sapagkat ang mga


ito ay maaaring nangagaling pa mula sa retailer, wholesaler, discount
chain o kaya ay direct mail marketers. Ito ay isang pamamaraan ng
pagpapataw ng presyo batay sa dami ng suplay at dami ng
tumatangkilik nito.

c. Competitive Pricing- ito ay ginagamit kung mayroong parehong


tindahan na nagtitinda ng parehong uri ng paninda o nagbibigay ng
parehong uri ng serbisyo. Mabuting magsagawa muna ng isang survey
tungkol sa presyo ng kanilang produkto bago mo bigyan ng halaga
ang iyong mga paninda. Makakainam naman kung mas mababa ang
iyong presyo sa iyong katunggali, subalit tiyaking hindi ito bababa
kaysa sa iyong puhunan.

(ika-apat na araw)

C. Bumuo ng limang (5) pangkat na may 6-7 miyembro at gawin ang mga
sumusunod
1. Mag-usap-usap ang bawat miyembro ng pangkat upang makabuo
ng mga pamantayan sa tamang pamamahala ng kinita.
2. Gumawa ng listahan ng mga dapat at hindi dapat gawin sa
kinitang halaga.

___________________________________________________________________________
Page | 3 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

3. Gumawa ng isang mahikling script na makakapagpakita ng tamang


pamamahala ng kinita (ito ay batay sa ginawang listahan o
pamantayan ng tamang pamamahala ng kinita)
4. Itanghal sa loob ng klase ang ginawang pamatayanm at isadula ang
ginawang script para sa tamang pamamahala ng kinita.

(ikalimang araw)

TANDAAN NATIN:

Sa pagsasapamilihan ng isang produkto, mahalagang


isaalang –alang ang iyong naging puhunan at iba pang gastusin tulad ng
transportasyon at mga iba pang gastusin gaya ng pambayad sa mga
mangagawa. Mahalag rin na tama lamang ang pagpapataw ng halaga nito,
tiyaking hindi masyadong mataas o kaya naman ay mas mababa pa kaysa
naging puhunan.

GAWIN NATIN:

A. Ibigay ang mga hinihingi ng mga sumusunod:

1. Isulat ang mga mahahalagang bagay na dapat isa-isip sa


pagbibigay presyo sa iyong produkto.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Paano mo mapapamahalaan ng mabuti ang iyong mga kinita sa


tindahan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_______________________________________________________________

3. Ano-ano ang mga batayan sa pagbibigay turing o presyo sa


ginawang produkto, ipaliwanag ang mga ito.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Page | 4 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Nais gumawa ni Melvin ng isang plorerang gawa sa kawayan


upang pagkakakitaan ito. Upang magawa ito kinakailangan niya
ng:

Biyas ng kawayan……………………….. P 27.00


Barnis……………………………………… P 37.00
Pandikit…………………………………… P 30.00
Beads and shells………………………… P 52.00
Brush……………………………………… P 10.00

kung nais niyang itinda ang ginawa niyang plorera sa halagang may patong
15% sa puhunan nito. Magkano ang kanyang kikitain o tutubuin? Ipakita ang
ginawang pagtutuos upang makuha ang sagot.

PAGYAMANIN NATIN:

- Kung ikaw ay may isang tindahan ng mga gawang kamay na produkto


at may sapat na kinikita, alin pang likhang kamay ang nais mong
isama sa iyong ititinda?
- Lumikha ng isang plano ng bagong produkto na nais mong itinda.
- Gumawa ng listahan ng mga kagamitan na kakailanganin.

SANGGUNIAN:

• https://www.google.com.ph/search?q
• https://qualityhandicraftsinindia.wordpress.com/tag/wooden-
handicrafts/
• http://noida.all.biz/wooden-handicraft-g427272#.V6Kl49R95gs
• http://www.camelcraft.com/haryana-handicrafts.html
• K-12 Curriculum Guide EPP 5 IA, 27
• J. Bernardino, M. Fulgencio, E. Lee, A. Paragas, E. Rafael. 2015. Home
Economics and Livelihood Education 2nd edition pp. 247, Phoenix
Publishing House .Quezon City Philippines

___________________________________________________________________________
Page | 5 Grade 5 Industrial Arts Learning Materials

You might also like