Professional Documents
Culture Documents
Final Keme
Final Keme
I.Introduksyon
Maraming Pilipino ang nakakalam sa isa sa mga awitin daw ng ating bayan na
pinamagatang “Paru-parong Bukid”, maraming mga Pilipino din minsan ang kumakanta at
ginagamit ang awitin na ito sa mga katutubong sayaw at sa kung ano-ano pang mga ganap.
Matapos kong basahin muli ang bawat liriko ng awiting ito at magsaliksik ng bahagya sa internet
patungkol dito , ako ay tila nagugulumihanan kung ano at tungkol ba talaga saan ang awiting ito
dahil sa buong pag-aakala ko masayang awitin ang kantang ito dahil na nga din siguro sa sigla ng
indayog na taglay nito ngunit bilang isang mag-aaral at bilang isang kabataang Pilipino marapat
ko atang tuklasin ung mensaheng matagal ng nakatago sa likod ng awiting ito. Nais ko talagang
alamin kung bakit sa loob ng walong dekada at magpasa- hanggang ngayong pananatili ng kantang
ito sa ating kasaysayan ay siya ring pagkabalot sa kamangmangan meron ang mga Pilipino dahil
halos tayong lahat ay mali ang interpretayon sa awiting ito, biruin mo ginamit o inawit sa ilang
dekada ng hindi man lang alam kung ano ba talaga o tama ba ung paggamit nila.Sadyang anong
saklap lang na ang kantang ito ay oo, nanatili parin ngayon sa aming henerasyon pero
nakakalungkot isipin na alam mo yung kanta pero alam mo ba talaga? Kaya isang pasasalamat at
karangalan ang bigyan kami ng ganitong pagkakataon para imulat ang aming kaisipan sa tunay na
lamang ng kantang “Mariposa Bella” ngunit sa kasamaang palad ay hindi naging maayos ang
pagkasalin nito sa ating kawikaan kaya sa tingin ko isa rin ito sa mga dahilan kung bakit karamihan
sa mga Pilipino ay mali ang interpretasyon sa kantang ito.Ang “Mariposa Bella” noon ay isang
awitin na likha ng mga Espanyol na patungkol nga sa mga kababaihan na hindi kalaunan ay
isang palabas noong 1939 na pinagbidahan ng dalawang maalamat na aktor at aktres dahil dito
makikita na talaga kung anong impluwensiya meron ang mga Espanyol sa ating mga
Layunin ng awiting ito ipaalam sa ating lahat ang buhay meron ang isang kababaihan at
kung paano sila namuhay sa panahon na wala silang sapat na Karapatan, layunin naman ng
pagsusuring itong pagkomparahin ang mga Pilipina noon at ngayon sa pamamagitan ng pag
II.Suri
Sa pagsusuring ito nais kong pagkomparahin ang mga kababaihan noon at ngayon sa
ay ang mga babaeng naninirahan sa bulubunduking parte ng Pilipinas. Ang awiting ito ay puno ng
mga matatalinhagang salita na kapag inaral mo ay lubos kang mapapaisip sa mga kahulugan nito.
“Paruparong bukid na lipad-lipad ,Sa gitna ng daan papaga-pagaspas” isa sa mga liriko ng
awitin na kung saan ang mga kababaihan ang itinuturing na paru-parong bukid. Alam natin na sa
panahon ng mga Espanyol , na panahon din kung kailan naisulat ang awitin ito ay limitado lamang
ang karapatang taglay ng kababaihan .Ito ay dahil sa sistemang legal na dinala ng mga Espanyol
sa bansa ay nakabatay sa kanilang batas na tinitingnan , na ang kababaihan ay mas mababa kaysa
sa kalalakihan., kahit na marami sa mga kababaihan ay naiiwan lamang sa tahanan meron pa ring
iilan na nagtatrabaho. Ang mga dalagang Pilipina ng mga panahon na iyon ay walang sapat na
karapatan para ipagtanggol ang kanilang sarili, madalas tila sila aso na sunud-sunuran sa kanilang
amo. Ngunit sa Panahon ng pag-aalsa , mga mga Pilipina rin namang nagpakita ng kanilang
kabayanihan gaya ni Gabriella Silang . Nang mamatay ang asawa niyang si Diego Silang , nag alsa
siya upang labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol siya ay kilala bilang kauna-unahang lider
na nagpasimula ng rebolusyon ng mga panahong yaon. Sa realidad noon masasabi nating marami
sa mga kababaihan ang maiitim dahil nga sa init ng araw sila nagtatrabaho ngunit ang dalagang
Pilipina, bagama't maiitim ang balat dahil sa pagkabilad sa araw, ay tunay na maningning kapag
lumilikha ng iba't-ibang kulay tulad ng bahaghari. Katulad din ng paruparong bukid na kapag
natatamaan ng sinag nag araw ang mga pakpak ay lumlikha nang wari moý nagsasayawang
liwanag dahil sa kanyang walang hintong paglipad tulad ng tinatamasa ng mga kababaihan sa
panahon ngayon maraming karangalan na ang naiaambag ng mga kababaihan sa panahon natin
ngayon halos lahat sila ay aktibo sa lahat ng aspeto, nabigyan na rin sila ng Karapatan sa mundo
ng pulitika at sa kung ano-ano pa, masasabi kong utang lahat ito ng mga kababaihan sa unang
babaeng nagturo sa kanila kung paano lumaban. Sa panahon ng mga Amerikano nagkaroon ng
pagkapantay-pantay sa pagitan ng babae at lalaki .Sa paglipas ng panahon kasabay din nito ang
mas lalong pagkilala sa mga Karapatan ng kababaihan kaya magpasa -hanggang ngayon ang mga
liriko,’Isang bara ang tapis, isang dangkal ang manggas, ang sayang de-kola, isang piyesa ang
sayad" Isang, bara ang tapis ang “bara’ ay tumutukoy sa ginto ng ibig sabihin ay mabigat ang tapis,
hindi manipis o maliit o masikip kundi makapal na tela ang ginagamit. Ang bahaging ito ng awit
ay lumalarawan sa kasuotan ng mga babaeng Pilipina noong mga panahon na iyon. Isang dangkal
ang manggas ito ay halos kalahati na ng braso. Ito ay upang hindi makita ang kanilang mga kilikili.
Dahil nuong panahong iyon, ang pagpapakita ng kilikili ay isang kalaswaan. Sa panahong yaon
na sobrang layo sa panahon ngayon grabe kung itago ng mga kababaihan ang kanilang
sa huli wala sa haba ng damit ang basehan kung dapat bang irespeto o hindi ang isang kababaihan.
Noon walang sapat na Kalayaan ang mga kababaihan na mamili ng kanilang damit na susuotin
ngunit ngayon ay meron na dahil na rin sa pagdating ng mga Amerikano namulat ang mga
kababaihan sa panibagong istilo ng pananamit kung saan lahat ay sumasabay sa uso, kasabay nang
paglawig ng panahon ay ang patuloy na pagbabago at pag- unlad ng mga kababaihan . Ang sayang
de-kola, isang piyesa ang sayad’ ito naman ay nangangahulugan na ang sayang may kulay (de-
kola) ay ubod ng haba at sayad na sa lupa. Ito ay literal sapagkat nuong panahon na iyon, may mga
dalagang Pilipina na napipilitang magpakasal sa mga binatang magsasabing nakita na nito ang
kanyang mga sakong! Kaya't ingat na ingat ang mga dalaga noon, mas mahabang palda mas
mainam. Isa na naman ito sa patunay na sa panahon noon ay walang sapat na karapatan ang
kababaihan tungkol sa usapin ng pag-aasawa , sa panahon ng mga Hapon nagdala rin ng lubos na
takot sa kababaihan dahil may ilang kababaihan ang naabuso sa panahong ito. Sila ay tinatawag
na "comfort lady" or sex slave na kung saan sila ay pinagsasamantalahan ng mga dayuhang hapon.
Napakasakit isipin na nagsilbing parausan ng mga dayuhan ang mga kababaihan ng pahong yaon
at nakakalungkot isipin na may mga ganong sitwasyon padin sa panahon ngayon ,ang pinagkaiba
nga lang ay ginugusto ng ilang kababaihan para sa pera dahil nga sa kahirapan na mas kilala sa
ay palala ng palala ang sitwasyon at pabata ng pabata ang nagiging biktima nito. Ang prostitusyon
ay tila ba naging natural na kalakaran sa bansa na tila kay hirap solusyunan lalo na’t unti – unti
nang nalulugmok ang karamihan sa kahirapan na sa tingin nila ay ito ang pangunahing kasagutan.
Ang ilang mga natitirang liriko ’May payneta pa siya ,May suklay pa man din ,Nagwas de-ohetes
ang palalabasin, Haharap sa altar ,At mananalamin ,At tsaka lalakad nang pakendeng-kendeng’.
Ayon sa isang manunulat, ang payneta noong mga panahong iyon ay ginagamit ng mga babaeng
Pilipina bilang pang-adorno sa kanilang mga buhok na ipinusod pataas. Ang payneta ay madalas
na napapalamutian ng mga iba't - ibang yamang lupa. Ang payneta ay sagisag din ng antas ng
pamumuhay nuong panahon na iyon. Ang pinakamahal na uri ng payneta ay iyong yari sa lantay
na ginto at mga Diyamante ang palamuti at kung minsaý rubi at iba pang mamahaling bato gaya
nito. Subalit, kahit ano pang antas ng pamumuhay, lahat ng mga babaeng Pilipina noong panahong
iyon ay may payneta at suklay gamit sa pag-aayos ng sarili dahil ganun nila kamahal ang Diyos,
hindi sila nagsisimba o sumasamba nang hindi nag-aayos. Kaya nga sa mga nobela ni Rizal naging
sagisag ang payneta sa pag-uuri sa mga babaeng tauhan ng kanyang kuwento.Makikita natin na
noon pa man likas sa mga kababaihan ang pagiging maayos pagdating sa postura at pananamit nais
nila na laging sila dapat ay magandang tignan saan man magpunta lalo na kapag haharap sa Diyos
Makikita natin na maraming mga kababaihan noon ang likas na relihiyosa ngunit ngayon masasabi
kong kakaunti nalang at nakakalungkot isipin ang sitwasyon na ito. Noon may altar ang bawat
tahanan. Ang mga babaeng Pilipina noong mga panahong iyon ay mga madasalin at may takot sa
Diyos. Bago sila manalamin ay humaharap muna sila sa altar at nananalangin. Walang bumababa
ng bahay nang hindi nagdarasal muna. At kaya humaharap sa salamin, para masigurong maayos
sila dahil noong araw, lumalabas lamang at nag-aayos ang mga babaeng Pilipina kapag pupunta
sa simbahan at sumamba sa Diyos at hindi upang mang-akit. Matapos na ang gawain sa bukid,
maayos na ang mga pangangailangan ng mga mahal sa buhay, malinis na ang tahanan, maayos na
ang sarili, handa nang humarap sa Diyos, ano pang kailangan, wala na nga di ba? Simple lang ang
pangarap na buhay, kaya nga kampante nang makapaglalakad ng painda-indayog ito ay dahil sa
katiwasayan ng isip at pag-asang may Diyos na magpapala sa araw-araw na paglipad. Tila kay
sarap ibalik ang mga panahong yaon kung saan simple ang mga kababaihan at may sapat silang
punong-puno ito ng kaisipan na hindi mo aakalain na ganon pala.Matapos kong analisahin ang
awiting ito at pagkumparahin ang mga kababaihan noon at ngayon napatunayan ko na ang paru-
paro nga ay ang mga kababaihan , paru-parong bukid na tunay na malaya ngunit minsan man ay
mababa ang lipad ngunit hindi bumabagsak tulad ng mga kababaihan minsan silang nalugmok
noon pero pinaglaban ang Karapatan kaya ngayon ay bahagi at isa sa mga sandigan ng ating
lipunan, nawalan man ng Kalayaan minsan pero di kailanman ginamit ang Kalayaan para sumuko.
Tunay nga na kayganda ng mensahe ng awiting ito pero medyo ang hirap suriin kasi hindi
mo lubos maiisip kung ano ung pupuntuhin ng pagsusuri mo lalo na at sa una di ko talaga alam
ang kahulugan nito ,ang maganda lang ay hindi ako nagkamali sa pagpili kung ano yung bibigyan
ko ng pokus at iyon nga ang mga kababaihan na tunay at totoo ngang naging pokus din ng kantang
ito. Ngunit para sa akin ang “Paru-parong Bukid” ay patungkol sa mga kababaihan na salat sa
Karapatan ngunjt patuloy sa paglipad, paru-parong hindi mapapagod ang pakpak at hindi
III.Implikasyon
Ang impikasyon nito sakin bilang estudyante ay yung katotohan na natututo ako at
natuklasan ko kung ano yung mensahe na bumabalot sa awiting ito, napagtanto ko na sa likod ng
masiglang indayog nito ay ang masaklap at malungkot na Sistema meron ang pinapaksa ng awiting
ito, napakasaya sa pakiramdam na sa wakas alam ko na yung kaisipan meron ang “Paru-parong
sobrang laki ng pagbabago meron ang mga kababaihan noon at ngayon pero isa lang ang hind
Ang implikasyon naman nito sa mga mambabasa at sa susunod pang henerasyon na babasa
ng pagsusuring ito ay magsisilbi itong basehan din sana ng mga pag-aaral na gagawin sa
hinaharap.Alam kong hitik sa kaalaman ang nagawa kong pagsusuri ngunit isa lang naman yung
layunin ko at ito ay maimulat ang lahat kung ano nga ba talaga ang kahulugan ng awiting isinalin
Patuloy na magiging parte ang kantang ito sa mga katutubong awit ng mga Pilipino ngunit
sana minsan isang araw magawang aralin at tuklasin ng mga gagamit nito ang mga mensaheng
tunay na tatatak sa kanila sa likod ng matatalinhagang liriko meron sa kanta. Nagawa kong
pagkumparahin ang babae noon at ngayon dahil sat tingin ko isa sa ito sa makulay na paraan para
malaman kung kababaihan nga ba talaga ang tinutukoy na paru-paro sa kantang ito at hindi ako
nagkamali dahil tama nga base sa aking pagsusuri. Muli isang karangalan ang mabigyan ng
pagkakataong sumuri ng ganito kagandang awitin hindi ko lubos maisip sa una pero sobrang
naliwanagan ako sa huli ,kaya ngayon hindi ko nalang masasabui o makakanta ang Paru-parong
Bukid taas noo ko pang kakantahin ito ng nakangiti kahit malungkot ang mensahe nito dahil wala
ng mas sasaya kapag alam mong kabilang ka sa mga kababaihan na hindi sumuko at patuloy na
pinapagaspas ang kaniyang pakpak mula noon hanggng ngayon tulad ng paru-parong bukid
,maiinitan, mapapaso pero patuloy na lilipad at wala sa bokabularyo ang salitang “pagsuko’.