Professional Documents
Culture Documents
LM-Modyul-3 04 14 15pdf
LM-Modyul-3 04 14 15pdf
NG AFRICA AT PERSIA
DEPED COPY
233
I. PANIMULA
DEPED COPY
sa Modyul.
234
II. PANIMULANG PAGTATAYA
DEPED COPY
5. Sagisag ito na kumakatawan sa isang tagong kahulugan.
a. idyoma c. simbolismo
b. matatalinghagang pananalita d. tayutay
6. Ang tulang ito ay walang sukat at tugma ngunit mayaman sa matatalinghagang
pananalita.
a. pandamdamin c. blangko berso
b. malaya d. tradisyonal
7. Panitikang nasa anyong patula noong sinaunang panahon na kalauna’y naging
tuluyan.
a. epiko c. sanaysay
b. anekdota d. mitolohiya
8. Gamit ang ekwe napabalita ang pagkamatay ni Ogbuefi Ezeudu. Nakaramdam
ng kaunting sundot ng budhi si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya
si Ogbuefi Ezeudu ay noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta
sa orakulo na papatayin si Ikemefuna. Ano ang ibig sabihin ng salitang may
salungguhit?
a. Ito ay malaking metal bell na ginawa ng mga igbo sa Nigeria.
b. Ito ay yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng mga Africano.
Ginagamit din sa ritwal at paniniwalang panrelihiyon.
c. Ito ay isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sanga
ng kahoy. Isang uri ng tambol na may iba’t ibang uri at disenyo.
d. Ito ay espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng maskara ang tribu at
sumasanib sila kung may nais lutasin na isang krimen. Pinaniniwalaan
na ang mga Egwugwu ang pinakamataas na hukom sa lupain ng
Nigeria.
235
9. Batay sa pagsasalin sa kahon, alin ang unang-unang pamantayan dapat
isaalang-alang sa pagsasalin?
“Mapagpatawad ang pag-ibig,
“Love excuses everything
pinaniniwalaan ang lahat ng bagay,
believe all things,hopes all
puno ng pag-asa sa mga bagay,
things,endures all things”.
nakakaya ang lahat ng bagay.”
a. Basahin nang paulit-ulit.
b. Ikumpara ang ginawang salin.
c. Suriin ang bawat salita sa isinasalin.
d. May sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.
10. Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihang nasa kahon.
DEPED COPY
Para sa bilang 11 at 12
“Naalala ko pa noon kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos
ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta
sa mga lakaran, kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat.
Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil
iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.
Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at
dali-dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares
na tsinelas.
11. Kung susuriin ang binasa, anong katangian ng isang mahusay na pagsasalaysay
ang taglay nito?
a. Ito ay napapanahon.
b. Mahusay ang sumulat.
c. Kawili-wili ang paraan ng pagkakasulat.
d. Pangyayari ng mga karanasang magkakaugnay sa pinakamasining na
paraan ng pagpapahayag.
12. Sa bahagi ng kuwentong binasa, anong aral ang nais iparating nito?
a. katapatan sa bayan
b. pagpapahalaga sa kapwa
c. pagpaparaya para sa kapakanan ng iba
d. mahusay na pakikitungo sa kapwa kabataan
236
Para sa bilang 13-16
Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay
nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa tuwing
makikita natin ang ating bansa na nalulugmok sa di pagkakasundo, at sa tuwing
makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas at paghihiwalay ng mga
tao sa mundo, ito ay dahil sa naging pambansang batayan ang nakamamatay
na ideolohiya at pagkakaroon ng rasismo.
DEPED COPY
15. Ang isa sa maaaring maging dahilan ng pagkalugmok ng isang bansa ay ang
_________.
a. pagpapahirap sa mamamayan
b. pagkakaroon ng malupit na pinuno
c. pagpapairal ng kontrakwalisasyon sa mga manggagawa
d. di-pantay na pagtingin sa mga mamamayang iba-iba ang estado sa
buhay
16. Inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at espiritwal
subalit nanatili siyang matatag at nakakapit sa Diyos. Ang mga salitang may
salungguhit ay nagpapahiwatig ng ____________.
a. paghihinuha c. panghihikayat
b. paglalarawan d. pangangatuwiran
17. Alin sa mga pahayag ang naglalahad ng damdaming nagbababala?
a. Tara, punta tayo roon.
b. Hindi kita iiwan, pangako iyan.
c. Huwag kang basta-basta magtiwala, ikaw rin.
d. Makabubuting ipagpaliban mo muna ang iyong pag-alis.
18. Basahin ang kasunod na taludturan mula sa tulang “Hele ng Ina sa Kaniyang
Panganay,” ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
Ang poo’y di marapat pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
a. nais c. hangad
b. mithi d. pangarap
237
19. Ibaon mo na sa hukay ang kaniyang nagawang kasalanan sa iyo. Ano ang
ipinahihiwatig ng matalinghagang pahayag na may salungguhit?
a. itago c. kalimutan
b. ilibing d. magpatawad
Para sa bilang 20 at 21
Ayaw ni Okonkwo sa mahihina. Sa ganoong paraan niya pilit na iwinawaksi ang
tumatak na pagkatao ng kaniyang amang si Unoka sa kanilang pamayanan.
Tamad, baon sa utang, mahina, at walang kuwenta sapagkat ni isang laban ay
walang naipanalo ang kaniyang ama. Mag-isang hinubog ni Okonkwo ang kaniyang
kapalaran. Nagsumikap maiangat ang buhay, nagkaroon ng maraming ari-ariang
sapat upang magkaroon ng tatlong asawa, titulo sa mga laban, at higit sa lahat
pagkilala mula sa mga katribo.
20. Ano ang mahihinuha sa pagkatao ni Okonkwo batay sa kaniyang mga desisyon
sa buhay?
a. mapaghiganti
b. may iisang salita
c. puno ng hinanakit
DEPED COPY
d. may determinasyon sa buhay
21. Sa iyong palagay, bakit gusto ni Okonkwo na makilala siya ng mga katribo?
a. mahina ang kaniyang ama
b. gusto niyang maghiganti sa kaniyang ama
c. dahil walang kuwenta ang kaniyang ama
d. gusto niya ng karangalan, pangalan, at katanyagan
22. Paano ang dapat na pagsusuri sa akda bilang isang salin?
a. maayos ang pagkakasalin
b. malaya at madaling maunawaan
c. nauunawaan ang nais ipabatid ng isinalin
d. Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan sa pagpapahayag
ng kulturang Pilipino at ng ibang bansa.
23. Sa pagsasalin, anong mga pinakamahalagang hakbang ang dapat na isaalang-
alang?
a. muling isalin
b. magdagdag at magbawas ng salita
c. ihambing sa iba ang ginawang salin
d. rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal.
238
Para sa bilang 24-25
Alanganing Dalaw
Minsan kadudulog pa lamang ni Lieblings, isang tanyag na musikero, sa
hapag kainan nang may isang panauhing dumating.
“Naririto si Ginoong X, na inyong kaibigan,” pagbabalita ng utusan.
Gayon na lamang ang pagkayamot ng naabalang musiko at padarag na
sinabi, “Napakaalanganin naman ng oras ng dalaw na iyan. Dalhin mo siya sa sala
upang di mainip.”
Matapos ang isang masaganang hapunan, tinungo ni Lieblings ang
kinaroroonan ng kaibigan.
“Naku, dinaramdam kong napaghintay kita, pero laging eksaktong alas
siyete ang aming hapunan.”
“Alam ko,” ang tuyot na pakli ni Ginoong X, “ katunayan, iyan ang sinabi mo
sa akin nang anyayahan mo akong maghapunan dito sa inyo ngayong gabi.”
DEPED COPY
c. Hindi, sapagkat baka maaaring mahalaga ang sadya ng panauhin.
d. Oo, sapagkat ang pagkain ng hapunan sa ganap na alas siyete ng gabi
ay kaniyang nakagawian.
25. Anong aral ang iyong natutuhan sa anekdotang binasa?
a. Tanggapin nang maayos ang mga panauhin.
b. Iwasan ang pagbabalat-kayo, ito’y hindi mabuting gawa.
c. Hindi mabuting unahin ang pansariling pangangailangan.
d. Tulungan nang taos-puso ang nangangailangan.
Para sa bilang 26-29
Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa kaniyang sarili. Nang mawala
ang aming ama, ganoon na lamang ang pag-aalala namin sa kaniya. Inaakala ko
na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at espiritwal subalit nanatili siyang
matatag at nakakapit sa Diyos.
239
28. Anong uri ng ina ang masasalamin sa talata?
a. malulungkutin subalit matatag
b. nangungunsinti sa kakulangan ng mga anak
c. mapagbigay para sa pangangailangang pisikal ng mga anak
d. inang mapagmahal sa mga anak at nagpapahalaga sa Diyos
29. Ano ang maaaring maging bunga ng pagkakaroon ng pananampalataya sa
Diyos ng isang ina?
a. katatagan ng buong pamilya.
b. panghihina ng espiritwal na aspekto.
c. pamumuhay ng masaganang materyal.
d. maraming pagsubok sa bawat miyembro ng pamilya.
30. Pinasusuri ng iyong kaibigan ang kaniyang isinulat na kuwento. Kung
magmumungkahi ka sa kakulangan ng detalye nito, alin sa sumusunod na
pahayag ang iyong gagamitin?
a. Parang may kulang pang detalye
b. Ilagay mo ang detalye ng pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.
c. Mas mabuti kung ilalagay mo ang ilang detalye ng pakikipagsapalaran
ng pangunahing tauhan.
d. Maaari ring maingat mong ilagay ang detalye tungkol sa
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.
DEPED COPY
31. Tinatapos mo ang huling saknong ng isinusulat na tula. Anong matatalinghagang
pananalita ang iyong ilalapat kung nais mong ipahiwatig ang salitang masipag?
a. bukas-palad c. sawimpalad
b. kapos-palad d. makapal ang palad
32. Anong simbolismo ang akmang ilapat sa dalawang tulang binasa batay sa
talinghaga ng mga ito?
Unang Tula Ikalawang Tula
240
Para sa bilang 33
“Ika’y magtino, munting bata, baka pagliyabin ko ang iyong mga paa, dahil
ako ang pula’t mainit na baga.”
“Datapuwat ako, ako ang ulan na papawi sa baga: Ako ang malakas na
agos na tatangay sa iyo.”
“Ako ang makapangyarihang sutlang-puno ng bulak na matayog sa ibang
puno.”
“At ako, ako ang nananakal na baging na gagapang sa tuktok ng higanteng
kagubatan.”
“Husto na ang pangangatuwirang ito. Hindi mo mapapasakamay ang Mali.”
“Tandaan, walang silid para sa dalawang hari sa isang reyno Soumaoro;
pahintulutan mo akong agawin ang iyong puwesto.”
“Magaling, sapagkat digmaan ang iyong ninasa ika’y hindi ko uurungan
subalit itimo mong siyam na hari ang aking pinugutan ng ulo at inadorno sa aking
silid. Tunay na kaawa-awa, ang iyong ulo’y matatabi sa kapwa mo pangahas.”
“Ihanda mo ang iyong sarili Soumaoro, ang delubyo’y mananalasa, sasalpok
at bubura sa iyo sa lupa.”
DEPED COPY
a. Benigno Aquino II at Ferdinand Marcos
b. Ferdinand Magellan at Lapu-lapu
c. George W. Bush at Sadam Hussein
d. Nelson Mandela at Oliver Tambo
Para sa bilang 34 at 35
Hindi naglaon, may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng isang
interpreter na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero ng mga
taga-Mbanta. Ipinaliwanag niya sa mga ito na ang kanilang pagsamba sa diyos-
diyosan ay isang malaking kasalanan. Hindi naman maunawaan noon ng mga
taga-Mbanta kung paanong ang Tatlong Persona ay naging iisang Diyos katulad
ng ipinaliliwanag ng mga misyonero tungkol sa dapat na pagsamba sa iisa lamang
na panginoon. Layunin naman ng mga misyonero na dalhin ang Kristiyanismo
sa Mbanta at hindi ang tuligsain sila. Nagkasakit si G. Brown at pinalitan ni Rev.
James Smith, isang malupit at bugnuting misyonero. Nagkaroon ng relihiyon
ang mga taga-Mbanta. Habang isinasagawa ang taunang seremonya para
sa pagsamba sa Bathala ng Lupa, hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng
isang Egwugwu, katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan,
sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina Rev.
Smith.
241
35. Ano ang nangyari habang isinasagawa ang taunang seremonya ng pagsamba
sa Bathala ng Lupa?
a. Nagkasakit si G. Brown.
b. Sinunog ang tahanan ni Enoch.
c. Sumanib ang isang masamang espiritu.
d. Hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu.
TUKLASIN
Sagutin ang paunang gawain na titiyak sa lawak ng kaalaman mo sa mga araling nasa
modyul.
DEPED COPY
Sagutin ang mga tanong. Gayahin sa sagutang papel ang kasunod na pormat.
LINANGIN
Naririto ang mga araling aakay sa iyo upang lubos mong maunawaan at mapahalagahan
ang mga akdang pampanitikan ng Africa at Persia.
242
Aralin 3.1
Panimula
DEPED COPY
Ang Aralin 3.1 ay isang mitolohiya mula sa Kenya, bahagi ng araling ito
ang pagtalakay sa mga pamantayan sa pagsasaling wika. Inaasahang masasagot
mo ang mga pokus na tanong na: Paano susuriin ang mga kaisipang nakapaloob
sa mitolohiya na may iba’t ibang batayan?; Paano magagamit nang angkop ang
mga pamantayan sa pagsasaling wika?
Gayundin, inaasahang makapagsasalin ka ng alinmang akdang
pampanitikan mula sa bansang Africa at Persia batay sa sumusunod na
pamantayan: katapatan at kawastuhan.
Yugto ng Pagkatuto
Tuklasin
Ngayon ay handa ka nang simulan ang mga gawain upang malaman ang mga sagot
sa mga pokus na tanong: Paano susuriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya
na may iba’t ibang bayani?; at Paano magagamit nang angkop ang mga pamantayan
sa pagsasalarawan?
243
Mashya at Mashayana: Mito ng Pagkalikha
DEPED COPY
kay Gayomard ang pinagmulan ng
suliranin ng kuwento? Patunayan.
4. Bakit tumulong sina Mashya at Mashyana
sa pakikipaglaban kay Ahriman Mainyu?
244
Linangin
Basahin ang isang mitolohiya mula sa Kenya upang malaman mo kung masasalamin
ba dito ang kanilang kultura.
Liongo
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
DEPED COPY
si Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kauna-
unahang namuno sa Islam. Ang pagbabago ay
naging mabilis mula sa Matrilinear na pamamahala ng mga kababaihan tungo sa
Patrilinear na pamamahala ng kalalakihan sa pagsasalin ng trono. Nais ni Haring
Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito. Nakaisip si Lionggo
ng isang pagpupuri. Habang ang parirala (Refrain) nito ay inawit ng mga nasa labas
ng bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa tanikala na hindi nakikita ng bantay.
Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pag-awit. Tumakas siya at nanirahan sa
Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa kagubatan. Nagsanay siyang mabuti
sa paghawak ng busog at palaso na kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan ng
pagpana. Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na naman siyang
nakatakas. Kakaunti lang ang nakaaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi ni
Liongo sa digmaan laban sa mga Gala (Wagala). Kaya naibigay ng hari ang kaniyang
anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa kaniyang pamilya.
Nang lumaon si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na nagtraydor at pumatay sa
kaniya.
- Mula sa http://www.a-gallery.de/docs/mythology.htm
______________________________________
______________________________________
Ozi ______________________________________
245
______________________________________
______________________________________
Patrilinear
______________________________________
______________________________________
______________________________________
Faza
______________________________________
______________________________________
______________________________________
Gala ______________________________________
DEPED COPY
batay sa suliranin ng akda, kilos, at gawi ng tauhan. Gawin sa pamamagitan ng
story board. Ilagay sa sagutang papel.
1. 2.
3. 4.
5. 6.
Upang higit pang maunawaan ang katangian ng mito, basahin mo ang isang mitolohiya
na nagmula sa bansang Nigeria.
246
Maaaring Lumipad ang Tao
Naisalaysay ni Virginia Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
DEPED COPY
nakasalansan na hindi matanggal.
Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo ang
mga aliping mabagal magtrabaho. Hinahampas ng latigo ang mga mabagal sa gawain
upang maging mabilis ang kanilang paggawa .
Si Sarah ay naghuhukay at nag-aayos ng pilapil sa palayan, habang ang
bata ay tulog sa kaniyang likod. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak
nang malakas. Hindi niya ito mapatigil, ibinaba niya ito at hinayaang umiyak nang
umiyak maski ayaw niya itong gawin dahil anak niya ang bata.
“Patahimikin mo iyan,” sabi ng tagapagbantay sabay turo sa bata. Hinawakan
niya sa balikat si Sarah hanggang sa mapaluhod ito. Hinampas niya ang bata ng
latigo. Samantala, si Sarah ay bumagsak naman sa lupa.
Ang matandang naroroon na si Toby ang tumulong kina Sarah. “Aalis ako
nang mabilis,” sabi niya pagdaka.
Hindi makatayo nang tuwid si Sarah. Napakahina niya, nasusunog na ng araw
ang kaniyang mukha. Ang bata ay umiiyak nang umiiyak. “Kaawaan mo kami, kaawaan
mo kami.” Malungkot si Sarah dahil sa nangyari, naghihimutok siya at napaupo na
lamang sa pilapil .
“Tumayo ka, ikaw, maitim na baka” hiyaw ng tagapagbantay, itinuro si Sarah
at muli na namang hinampas ng latigo sa hita at ang sako niyang damit ay naging
basahan. Ang dugo sa kaniyang sugat ay humalo sa putik, di siya makatayo.
Nandoon si Toby, ngunit kahit isa ay walang makatulong sa kaniya.
“Ngayon na, bago pa mahuli ang lahat.”
“Sige anak, ngayon na ang panahon,” sagot ni Toby “Humayo ka, kung alam
mo kung paano ka makaaalis.”
247
“Kum… yali, Kumbuba tambe,” at ang mga salita na may kapangyarihan
ang kanilang mabilis na nasambit nang pabulong at pabuntunghininga. Tumaas ang
isang paa ni Sarah sa hangin. Noong una ay di maayos ang kaniyang paglipad na
hawak-hawak nang mahigpit ang kaniyang anak. Naramdaman niya ang mahika, ang
misteryo ng salita ng Africa, sinabi niya na malaya na siya tulad ng isang ibon, na
animo’y balahibong umiilanlang sa hangin.
Ang bantay ay nagronda habang humihiyaw, sumisigaw. Samantalang
si Sarah, at ang kaniyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy, sa mga
nagtataasang puno na hindi siya nakikita maging ng tagapagbantay. Lumilipad siyang
tulad ng isang agila hanggang sa unti-unti na silang makita ng mga taong nasa ibaba.
Walang sinoman ang makapagsalita tungkol dito, hindi makapaniwala, subalit nakita
nila ito.
Nang sumunod na mga araw ay may nakitang patay na nakahandusay sa
maiinit na palayan, isang batang lalaki na alipin. Nakita siya ng tagapagbantay at
nilatigo siya, bumagsak ang bata. Pinuntahan siya ni Toby at sinabi nito ang salita
ng lumang Africa na minsan lang niyang narinig kaya hindi niya agad maintindihan.
Nakalimutan ng bata ang narinig niya. Nagtungo si Toby at muling naibulong sa bata,
nakuha niya ang tamang salita. Nagpagulong-gulong siya sa hangin. Pansamantala
siyang nakalipad at siya ay idinuyan sa mainit na simoy ng hangin at muli siyang
nakalipad.
Iba-iba pa ang bumagsak dahil sa init, naroon lagi si Toby. Umiiyak siya sa
nakikita niyang bumabagsak at nandiyan siya upang iabot ang kaniyang kamay
DEPED COPY
“kumkumka yali, kum… tambe!” Pabulong niyang sabi at muli na naman silang
nakalipad at pumailanlang sa hangin. Ang isang lumilipad ay maitim at may makislap
na tungkod habang sila ay nasa taas ng ulo ng tagapagbantay. Dumako sila sa pilapil,
sa palayan, sa bakuran, at sa batis na dinadaluyan ng tubig .
“Bihagin ang matanda,” sabi ng tagapagbantay.
“Narinig ko siyang sinabi ang mahiwagang salita, bihagin siya.”
Samantala may isang tumatawag. Nakuha na ng tagapagbantay ang kaniyang
latigo upang itali si Toby. Kinuha niya ang kaniyang baril upang patayin ang negrong
si Toby.
Natawa lang si Toby, lumingon siya at ang sabi “heeee, heee! Hindi ninyo
kilala kung sino ako? Hindi rin ninyo alam kung sino pa ang ibang tulad naming nasa
palayan.” At muli niyang naibulong ang mahiwagang salita bilang pangako sa angkan
ng mga itim, sinabi niya ito sa lahat ng mga kalahi nilang nasa palayan sa ilalim ng
malupit na latigo.
“Buba… Yali... Buba... tambe…”
May napakalakas na sigawan at hiyawan ang baluktot na likod ay naunat,
matatanda at batang mga alipin ay nakalipad na magkakahawak-kamay. Nagsasalita
habang nakabilog animo singsing, umaawit pero hindi sila magkakahalo hindi pala sila
umaawit sila ay lumilipad sa hangin langkay-langkay na animo mga ibong tumatakip
sa asul na kalangitan, maiitim na anino. Hindi na mahalaga kung sila ay nakalilipad
nang napakataas. Tanaw nila ang plantasyon, ang taniman, paalis sa lupain ng mga
alipin. Lumilipad sila patungo sa kanilang kalayaan.
Kasabay nilang lumilipad si Toby at sila ay iniingatan nito. Hindi siya umiiyak,
hindi siya tumatawa, siya ay tagagabay. Nakita niya sa taniman ang mga katutubong
alipin na naghihintay kung sila ay makalilipad na tulad nila.
248
“Isama ninyo kami sa paglipad,” kanilang wika, pero sila’y natatakot sumigaw.
Hindi na nila nahintay na sila ay maturuang lumipad. Naghintay ng pagkakataon
na makatakbo “paalam” ang sabi ng matandang tumatawag na si Toby, “Kausapin mo
sila ulilang kaluluwa!” At siya ay lumipad at naglaho.
Sinabi ng tagapagbantay sa kanilang panginoon ang kanilang nasaksihan. “Ito
ay isang kasinungalingan, gawa lamang ng liwanag.” Subalit ang tagapagbantay ay
hindi nagsalita sapagkat alam niya ang totoo.
Ang mga aliping hindi nakalipad ay nagpatuloy sa pagkukuwento sa kanilang
mga anak. Ang pangyayaring ito ay hindi nila malilimutan. Naalala nila noong sila ay
malaya at nakaupo sa paligid ng kanilang lupang tinubuan.
At sinabi nila ito sa mga bata, ang tungkol sa mga taong hindi nakalilipad
hanggang ngayon.
- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA
DEPED COPY
GAWAIN 6: Mahalaga ang Opinyon Mo
Magbigay ng mga kaisipang nakapaloob sa binasang mitolohiya. Itala sa tsart at
lagyan ng tsek (a) ang kolum kung ito ay makatotohanan o di makatotohanan at
ipaliwanag ang iyong sagot sa huling kolum.
4.
5.
249
Pagsasanib ng Gramatika at Retorika
Alam mo ba na...
ang pagsasaling wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit
na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin? Ang isinasalin ay ang diwa
ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito.
(Santiago, 2003).
DEPED COPY
manunulat.
4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang tagapagsalin ay
may higit na kaalaman sa paksa. Sapagkat siya ay higit na nakaaalam at
nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito.
5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.
Walang higit na mabisa kaysa ibang wika. Ang lahat ng wika ay may sariling
bisa at kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino at ng
ibang bansa.
Gabay sa Pagsasaling-wika
Basahing mabuti ang buong tekstong isasalin at unawain ang kabuuang diwa nito.
Tandaang mahalaga para sa tagapagsalin na magkaroon ng malawak na kaalaman
sa wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan. Mahalaga rin ang kakayahang
magsulat nang maayos at maging pamilyar sa mga estilo ng pagsulat sa dalawang
wikang kasangkot sa pagsasalin.
1. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at
hindi salita.
2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. Tandaang ang pagdaragdag,
pagbabawas, pagpapalit, o pagbabago sa orihinal na diwa ng isinasalin nang
walang napakalaking dahilan ay isang paglabag sa tungkulin ng tagapagsalin.
3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal. Ayusin ang
bahaging hindi malinaw at nagbibigay ng kalituhan. Bigyang-pansin din ang
aspektong panggramatika ng dalawang wikang kasama sa pagsasalin.
Kung gagamit ng diksiyonaryo ay isaalang-alang ang iba’t ibang kahulugan
ng isang salita. Kakailanganin ng isang mag-aaral ang pagsasanay upang makuha
ang kahulugang angkop sa konteksto ng pangungusap.
250
Pagsasanay 1:
A. Isalin mo sa Ingles ang sumusunod na salita.
Tagapagbantay ___________________________
Misteryo ___________________________
Nagpagulong-gulong ___________________________
Mahika ___________________________
Kumikinang ___________________________
DEPED COPY
Kikuyo Literatura ng Africa Literatura ng Africa
3. In the days of King Solomon, three thousand years ago, there lived in
Ethiopia a dynasty of Queen, who reigned with great wisdom.
Pagsasanay 2: Suriin ang salin ng mitolohiyang “Maaring Lumipad ang Tao” gamit ang
kasunod na talahanayan. Lagyan ng tsek (a) ang mapipiling eskala: 5 – Napakataas,
4 – Mataas, 3 – Mataas-taas, 2 – Hindi mataas, at 1 – Paunlarin pa.
251
Katangian 1 2 3 4 5
Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.
Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang
kasangkot sa pagsasalin.
Sapat na kaalaman sa uri ng panitikang isasalin.
Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.
Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansa
kaugnay sa pagsasalin.
DEPED COPY
Pagnilayan at Unawain
Ilipat
Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito.
Kung may hindi ka pa lubos na naunawaang paksa ay maaari mong balikan ang salin
sa modyul. Kung malinaw na sa iyo ang lahat ay maaari ka nang magpatuloy sa iyong
paglalakbay sa mundo ng anekdota.
252
Aralin 3.2
Panimula
Sa Persia (Iran), ang kanilang mga lupain, mga tao na binabanggit kasama ng
Medo, at mga Persiano ay magkakaugnay na mga bayan ng sinaunang Tribong
Aryano. Mayaman sa sining tulad ng pagpana at pangangabayo. Ang pagsasabi
ng katotohanan ay makikita sa literaturang naiambag nila sa maraming bansa sa
daigdig.
DEPED COPY
Ang Aralin 3.2 ay tungkol sa anekdota ng Persia (Iran) na kakikitaan ng mga
kasabihan, relihiyon sa paniniwalang Sufism, pagpapaunlad ng isang indibiduwal sa
pamamagitan ng pandama. Masusuri rin ang kanilang matapat na pakikipamuhay
sa kapwa at mga naiambag ng kanilang mahusay na mga manunulat sa mundo ng
pilosopiya at paniniwala. Kasabay din nito ang pagpapaunlad ng iyong kasanayan
sa pagsasalaysay.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagmumungkahi at
makapaglalapat ng isang matalinong desisyon batay sa pangyayaring makapag-
iiwan ng kakintalan o aral sa mga bumabasa.
Aalamin mo kung paano naiba ang anekdota sa mga kauri nito. Gayundin
kung paano nakatulong ang diskursong pasalaysay sa pagsulat at pagbasa ng
mga anekdota batay sa sumusunod na pamantayan: a.) Ang pamagat ay maikli,
orihinal, at napapanahon, b.) mahalaga ang paksa o diwa, c.) maayos at di-maligoy
ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, at d.) kaakit-akit na simula at may
kasiya-siyang wakas.
253
Yugto ng Pagkatuto
Tuklasin
Gawain 1: Basahin mo ang isang anekdota at iyong suriin ang mga pangyayari sa
binasa na may kaugnayan sa pagdedesisyon sa pamamagitan ng pagpunan sa
talahanayan.
Akasya o Kalabasa
Consolation P. Conde
Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay maaaring tumubo rin iyon nang
malaki kaysa maliit ang naturan. Gayundin ang paghahanda at pagpupunyagi ng tao
na pinamumuhunanan ng puu-puung taong pag-aaral at pagpapakasakit. Karaniwan
nang sa may mataas na pinag-aralan ay maamo ang kapalaran. At ito’y maitutulad din
nga sa paghahalaman.
Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas na
paaralan sa Maynila.
DEPED COPY
Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi kalayuan sa lungsod…
Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihanda
kapagkaraka ang mga pangangailangan ng kabutong anak na si Iloy. Si Mang Simon
naman ay hindi muna nagtungo sa linang upang samahan sa pagluwas ang anak na
pag-aaralain sa Maynila.
Awa naman ng Diyos ay maluwalhating nakarating sa lungsod ang mag-ama.
Isang balitang paaralang sarili ang kanilang tinungo agad. Dinatnan nila ang tagatala
na abalang-abala sa pagtanggap ng di-kakaunting mga batang nagsisipagprisinta.
Nagpalinga-linga si Mang Simon. Nang makita ang babalang nakasabit sa may
pintuan ng Tanggapan ng Punung-guro ay kinawit sa bisig si Iloy. “Halika at makikipag-
usap muna ako sa punung-guro.”
“Magandang umaga po sa kanila,” panabay na bating galang ng mag-ama.
“Magandang umaga po naman,” tugon ng punung-guro na agad namang
nagtindig sa pagkakaupo at nag-alok ng upuan. “Ano po ang maipaglilingkod ko sa
kanila?”
“E, ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong paaralan.”
“A, opo. Sa ano po namang baitang?” usisa ng punung-guro.
“Katatapos pa po lamang niya ng elementarya sa aming nayon noong
nakaraang Marso,” paliwanag ni Mang Simon.
“Kung gayon po’y sa unang taon ng haiskul, ano po?”
“Ngunit… ibig ko po sanag malaman kung maaaring ang kunin na lamang niya
ay isang maikli-ikling kurso ukol sa isang tanging karunungan upang siya’y makatapos
agad, maaari po ba?”
254
“Aba, opo,” maaga pa na tugon ng punong-guro. “Maaaring ang lalong
pinakamaikling kurso ang kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang gusto
ninyong kalabasan niya. Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na
punong akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay
ilang buwan lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.”
Dili di natubigan si Mang Simon sa huling pangungusap ng punong-guro.
Gayundin si Iloy. Pagkuwan ay nagbulungan ang mag-ama.
At… umuwi nang nag-iisa si Mang Simon. Habang naglalakbay na patungong
lalawigan ay tatambis-tambis sa sarili: “A, mabuti na nga ang kunin niyang buo ang
kurso sa haiskul at saka na siya kumarera. Higit na magiging mayabong ang kaniyang
kinabukasan.”
- Mula sa Diwang Kayumanggi. 1970
DEPED COPY
ng akda?
2. Paano naiiba ang anekdota sa iba pang mga kauri nito?
3. Ipaliwanag ang mga pangyayari gamit ang diskursong pagsasalaysay.
GAWAIN 3: Buuin mo
Sumulat ng isang karanasang hawig ang paksa sa binasang anekdota.
Maaaring tungkol sa sarili o isang kakilala. Pagkatapos mong maisagawa ang mga
gawain, basahin ang isang anekdota mula sa bansang Iran upang makilala ang
kanilang mga paniniwala at prinsipyo. Tingnan natin kung nagtataglay ito ng mga
elemento ng isang anekdota.
Alam mo ba na...
ang anekdota ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayari
sa buhay ng isang tao? Layon nito ay makapagpabatid ng isang magandang
karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o
ang pangyayari ay makatotohanan.
Isang malikhaing akda ang anekdota. Dapat na ang bawat pangungusap
ay kukuha ng interes ng mambabasa. Dapat na ang panimulang pangungusap ay
kapana-panabik. Ang isang magandang panimula ay magbibigay ng pagganyak sa
mambabasa at mahihikayat na ipagpatuloy ang pagbasa ng anekdota.
Naririto ang ilang katangian ng anekdota:
a. May isang paksang tinatalakay. Ito ay dapat bigyan ng kahulugan sa pagsulat
ng anekdota. Lahat ng mga pangyayari ay dapat mabigyan ng kahulugan sa
ideyang nais ilahad.
b. Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais
nitong ihatid sa mga mambabasa. Di dapat mag-iwan ng anumang bahid ng
pag-aalinlangan na may susunod pang mangyayari.
Tl.answer.com/o/Ano_ibig_sabihin_ng_anekdota
255
Linangin
Mullah Nassreddin
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah
Nassr-e Din (MND) ang pinakamahusay sa
pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang
bansa. Lagi itong naaalaala ng mga Iranian na
dating mga Persiano noong sila ay mga bata
pa. Libo-libong kuwento ng katatawanan ang
naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang
lipunan. Tinagurian din siyang alamat ng sining
sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro at puno ng
katatawanang estilo sa pagsulat. Nagpasalin-salin
DEPED COPY
sa bibig ng mga tao ang kaniyang mga naisulat
mula noon magpasahanggang ngayon.
Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang
magbigay ng isang talumpati sa harap ng maraming
tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya, “Alam
ba ninyo ang aking sasabihin?” Sumagot ang mga
nakikinig “Hindi,” kung kaya’t kaniyang sinabi “Wala akong panahong magsalita sa
mga taong hindi alam ang aking sasabihin,” at siya ay umalis. Napahiya ang mga tao.
Inanyayahan siyang muli upang magsalita kinabukasan. Nang muli niyang tanungin
ang mga tao ng katulad na katanungan ay sumagot sila ng “Oo,” sumagot si Mullah
Nassreddin “Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin
ang marami ninyong oras” muli siyang umalis. Ang mga tao ay nalito at nataranta sa
kaniyang naging sagot. Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah Nassreddin
upang magbigay ng pahayag at muli siyang nagtanong “Alam ba ninyo ang aking
sasabihin?” Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi ng
“Hindi,” at ang kalahati ay sumagot ng “Oo,” kung kaya’t muling nagsalita si Mullah
Nassreddin “Ang kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa
kalahati na di alam ang aking sasabihin,” at siya ay lumisan.
- Mula sa http://iranian.com/main/blog/m-saadat-noury/frist-iranian-mullah-who-was-
master-anecdotes.html
256
______3. Nangimi ang mga nakikinig sa kaniyang Homilya.
______4. Muli na naman siyang inanyayahan sa simbahan.
______5. Agad siyang umalis matapos makapagsalita sa harap ng mga tao.
GAWAIN 5: Ating Suriin
A. Sagutin ang mga gabay na tanong.
1. Ilarawan si Mullah.
2. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang naibigan mo? Bakit?
3. Anong pamamaraan ng pangunahing tauhan ang ginampanan upang siya ay
makilala bilang pinakamahusay sa larangan ng pagpapatawa?
4. Sumasang-ayon ka ba sa paraan ng kaniyang pagtuturo sa mga tao?
5. Sino sa kasalukuyang panahon ang maihahambing natin kay Mullah?
Patunayan ang sagot.
6. Anong pangunahing kaisipan ang hatid ng akda sa mambabasa?
7. Kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataon na gumawa ng isang anekdota anong
paksa ang nais mong isulat? Bakit?
8. Paano naiba ang anekdota sa mga iba pang kauri nito? Masasalamin ba ang
kanilang paniniwala at prinsipyo sa kanilang mga isinulat?
DEPED COPY
Mullah Nassreddin
Panimula:
Tunggalian:
Kasukdulan:
Kakalasan:
Wakas:
Narito ang isang anekdota ni Saadi. Ang mga sulat ni Saadi ay naitala dahil sa dalawang
kadahilanan: Una ang pagiging simple sa paggamit ng direktang lengguwahe o salita
upang makabuo ng isang mahusay na aklat para sa pagsisimula ng mga mag-aaral na
Persiano. Ikalawa, binubuo ito ng simpleng kasabihan at mga kuwento na itinuturing
na mahusay na mga pahayag ng paniniwalang Sufi.
Para sa Sufis, ang Sufism ay hindi lamang relihiyon o pilosopiya, bahagi ito
ng buhay. Wala itong kaugnayan sa bagay at lugar at hindi rin ito nagpapahalaga sa
oras, pera o maging karangalan. Nakapokus ito sa pagpapaunlad ng isang indibidwal
sa pamamagitan ng kanilang mga pandama.
257
Ang pagkaunawa sa Sufi ay maihahalintulad sa pagbibinata o pagdadalaga
na kung paanong ang bata ay nagkakaroon ng kaalaman sa kaniyang pagbibinata/
pagdadalaga. Matutuhan ng tao ang kaalamang Sufi sa proseso, pag-unawa at
pagsasanay.
Sa kanilang paglalakbay, hinihiling ang magandang ikabubuhay at taimtim na
dumadalangin sa awa at pag-ibig ng Diyos. Sa kanilang mga panulat ng naisasalaysay
ang hiwaga na naabot ni Saadi gayundin ang kaniyang pagbabahagi ng kaniyang
kaalaman sa buong mundo.
DEPED COPY
Nagalit ang Sultan at nagwika “Ang nakasuot
ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng
hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at
kababaang loob.”
Kung kaya’t ang vizier o ministro ay nagwika “Mongheng Mahametano! Ang
Sultan ng buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit di mo siya binigyan ng
kaukulang paggalang?”
Sumagot ang Mongheng Mohametano, “Hayaan mong ang Sultan ang
magbigay ng paggalang para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang magandang
gawa. Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyang
nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para paglingkuran ang Sultan.”
- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA
GAWAIN 6: Ating Kilalanin
Kilalaning mabuti si Saadi, punan ang Character Web sa ibaba.
SAADI
258
GAWAIN 7: Sagutin Natin
Ihambing ang anekdota sa iba pang mga akdang pampanitikan. Gayahin ang pormat
sa sagutang papel at isulat ang sagot.
Tala ng Paglalakbay
Anekdota Talambuhay
(Travelogue)
Paksa
Tagpuan
Paraan ng
pagkakasulat
Mensahe/Aral
Nilalaman
DEPED COPY
B. Isulat ang karanasang nangingibabaw sa nabasang anekdota.
259
Ilan sa dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa
1. Kawilihan ng Paksa – Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang
damdaming pantao, may kapana-panabik na kasukdulan, naiibang tunggalian,
at may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan.
2. Sapat na Kagamitan – Mga datos na pagkukunan ng mga pangyayari.
3. Kakayahang Pansarili – Ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan,
hilig, at layunin ng manunulat.
4. Tiyak na Panahon o Pook – Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay ay
nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook
na pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba
sa panahong sakop ng salaysay at pagbanggit ng napakaraming pook na
pinangyarihan ng salaysay.
5. Kilalanin ang mambabasa – Sumusulat ang tao hindi para lamang sa kaniyang
pansariling kasiyahan at kapakinabangan, kundi para sa kaniyang mambabasa.
ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA
1. Sariling Karanasan – Pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng
pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan
ng mismong nagsasalaysay.
2. Narinig o napakinggan sa iba – Maaring usapan ng mga tao tungkol sa isang
pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telebisyon, at iba pa. Subalit,
tandaang hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan. Mahalagang
DEPED COPY
tiyakin muna ang katotohanan bago isulat.
3. Napanood – Mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro, at iba pa.
4. Likhang-isip – Mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalilikha
ng isang salaysay.
5. Panaginip o Pangarap – Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maaari ring
maging batayan ng pagbuo ng salaysay.
6. Nabasa – Mula sa anumang tekstong nabasa kailangangang ganap na
nauunawaan ang mga pangyayari.
MGA URI NG PAGSASALAYSAY
1. Maikling Kuwento – Nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa
sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng
tauhan.
2. Tulang Pasalaysay – Patulang pasalaysay ng mga pangyayari sa pamamagitan
ng mga saknong.
3. Dulang Pandulaan – Binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan, ang
kanilang panlabas na kaanyuan kasama na rito ang kanilang pananamit, ayos
ng buhok at mga gagamiting mga kagamitan sa bawat tagpuan. Ang kuwentong
ito ay isinulat upang itanghal.
4. Nobela – Nahati sa mga kabanata; punong - puno ng mga masalimuot na
pangyayari.
5. Anekdota – Pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari
6. Alamat – Tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.
7. Talambuhay – “Tala ng buhay” ng isang tao, pangyayaring naganap sa buhay
ng isang tao mula sa kanyang wakas.
8. Kasaysayan – Pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa isang
tao, pook o bansa.
9. Tala ng Paglalakbay (Travelogue) – Pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran,
pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang lugar.
260
Pagsasanay 1: Isulat ang mga salaysay na ginamit sa nabasang kuwento.
Mullah Saadi
Kawilihan ng Paksa
Sapat na kagamitan
DEPED COPY
Kakayahang Pansarili
Pagkilala sa mambabasa
261
Pagnilayan at Unawain
Ilipat
DEPED COPY
ng iyong buhay, mga desisyong ginawa mo na nakatulong ng malaki sa iyong
pagtatagumpay.
Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito.
Kung may hindi ka pa lubos na naunawaang paksa ay maaari mong balikan ang
modyul. Kung malinaw na sa iyo ang lahat ay maaari ka nang magpatuloy sa iyong
pamamasyal. Ang bansang susunod mong papasyalan ay ang South Africa. Muli mong
masasalamin sa susunod na bansa ang kanilang kultura at tradisyon. Maligayang
paglalakbay at pag-aaral.
262
Aralin 3.3
Panimula
Ang Aralin 3.3 ay nakatuon sa isang sanaysay, partikular ang isang talumpati
na binigkas ni G. Nelson Mandela sa kaniyang inagurasyon o pasinaya bilang
pangulo ng Africa. Nilalayon ng talumpati niyang ito na gisingin ang damdamin
ng mga taga-Africa sa pagsulong ng kapayapaan, katarungan, at kalayaan. Sa
araling ito ay kailangang maipamalas mo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
DEPED COPY
talumpati sa tulong ng mga pahayag na nanghihikayat.
Sa tulong ng iba’t ibang gawain, tuklasin kung mabisa bang paraan ang
sanaysay sa paglalahad ng mahahalagang impormasyon sa kultura ng Africa at
kung paano nakatutulong ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa
paglalahad nito.
Yugto ng Pagkatuto
Tuklasin
263
kuro-kuro ideya isyu
balita pananaw
SANAYSAY
GAWAIN 2: Iayos Mo
Pagsama-samahin ang mga impormasyon sa kahong dapat na magkakapangkat
at iayos ang wastong pagkakasunod-sunod nito upang makabuo ng wastong
impormasyon tungkol sa balangkas.
iskeleton ng susulatin
kahalagahan
DEPED COPY
kahulugan
mapa ng impormasyon
mapag-iisipang mabuti ang paksa
mapipili mo ang mga ideya o konsepto
mas magiging madaling ayusin ang mga ideya
plano ng paksang isusulat
Sagutin:
Aling pahayag ang mas pinaniniwalaan mo? Bakit?
264
Alam mo ba na...
ang sanaysay ay ginagamit upang makapagbigay ng mahahalagang kaisipan
tungkol sa paksang nais nitong talakayin? Ang mahahalagang kaisipan sa sanaysay
ay tumutukoy sa mahahalagang impormasyong ibinibigay nito sa mambabasa.
Ang mahahalagang impormasyong ito ay maaaring isulat nang pabalangkas. Ang
balangkas ay isang lohikal o kaya’y kronolohikal at pangkalahatang paglalarawan
ng paksang isusulat. Ito rin ay isang panukalang buod ng komposisyon.
Ang talumpati ay isang halimbawa ng sanaysay. Ang sanaysay ay isang uri
ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling kaisipan, kuro-
kuro, saloobin, at damdamin na kapupulutan ng aral, at aliw ng mambabasa.
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito’y “pagsasalaysay ng isang sanay.” Noong
1580, isinilang ito sa Pransiya at si Michel de Montaigne ang tinaguriang “Ama ng
Sanaysay.” Ito ay tinawag niyang essai sa wikang Pranses na nangangahulugang
isang pagtatangka, isang pagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng pagsulat.
Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal o personal. Naririto
ang pagkakaiba ng dalawa:
DEPED COPY
Ang himig ng pananalita ay parang
Maingat na pinipili ang pananalita.
nakikipag-usap lamang.
Ang tono ay mapitagan. Pakikipagkaibigan ang tono.
Obhektibo o di-kumikiling sa damdamin Subhektibo sapagkat pumapanig sa
ng may-akda. damdamin at paniniwala ng may-akda.
Linangin
265
Nelson Mandela: Bayani ng Africa
Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum
Ang lahat ng ito ay utang natin sa ating mga sarili at sa mga taong naririto
ngayon.
Sa aking mga kababayan, wala akong alinlangang sabihin na ang bawat isa
sa atin ay kasinlapit ang puso sa lupa ng napakagandang bansang ito, sa tanyag na
puno ng jacaranda sa Pretoria, at sa mga puno ng mimosa.
DEPED COPY
Sa bawat oras, bawat isa sa atin ay dadamhin ang lupang ito, mararamdaman
natin ang pansariling pagbabago. Ang kalagayan ng bansa ay magbabago tulad ng
panahon.
266
Malugod naming tinatanggap ang tungkulin na ang aming mamamayan at
ang kanilang kalayaang politikal, pananampalataya, kababaihan, kabataan, negosyo,
tradisyunal, at mga pinuno na isagawa ang kongklusyong ito. Hindi mawawala riyan
ang aking Second Deputy President, ang Kagalang-galang na si F. W. de Klerk.
DEPED COPY
panghabambuhay na kapayapaan.
Inaalay namin ang araw na ito sa lahat ng mga bayani ng bansang ito at sa iba
pang bahagi ng mundo na nagsakripisyo at isinuko ang kanilang mga buhay upang
tayo ay lumaya.
267
Kailangan nating kumilos nang sama-sama bilang nagkakaisang mamamayan
para sa pambansang pagkakasundo-sundo, para sa pambansang pagkakabuo-buo,
para sa pagsilang ng bagong mundo.
268
Ang talumpating binasa ay halimbawa ng sanaysay na pormal na nagbibigay ng
impormasyon tungkol sa dating kalagayan ng lahi ng nagtatalumpati at nanghihikayat
din na siya ay tulungan sa pagtupad sa kaniyang tungkulin at mithiin – ang magkaroon
ng kalayaan. Sa susunod na gawain ay susubukin ang iyong kakayahang kumuha ng
mahahalagang impormasyon sa isang talumpati.
Ang isa pang anyo ng sanaysay ay di-pormal. Upang mas maunawaan pa,
basahin ang isa pang sanaysay na di-pormal na may kinalaman sa wika. Tayo ba ay
malaya sa wika o tayo ba ay nakatanikala pa rin sa anino ng mga dayuhan?
Ako ay Ikaw
ni Hans Roemar T. Salum
“Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa. Pinoy na isinilang sa ating bansa. Ako’y hindi
sanay sa mga wikang banyaga, ako’y Pinoy na may sariling wika. Wikang Pambansa,
ang gamit kong salita…” Hay, napakaganda sa pandinig ang awiting ito ni Florante.
Damang-dama ang pagmamahal ng mang-aawit sa akin.
Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni dating Pangulong
Manuel L. Quezon. Ang pakikipaglaban niyang ito ay daan upang ako ay umusbong,
gamitin, at tangkilikin. Ako ang simbolo ng pagkakakilanlan ng ating bansa, ang
Pilipinas. Sa totoo lang, ako ay ginagamit sa maraming sitwasyon at pagkakataon. Ah,
tunay ngang malayo na ang aking narating bilang isang instrumento ng komunikasyon.
Patunay nito, sa paglipas ng panahon ay mabilis na naging moderno na ang ating bansa.
DEPED COPY
Modernong kagamitan, pamumuhay, moderno na rin pati kabataan. Talagang ang mga
Pinoy ay hindi nagpapahuli. Subalit, kasabay ng pagbabago at pagiging modernong
ito ay ginawa na rin akong moderno. Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay
sa makabagong panahon. Sa katunayan, ang wika ng kabataan ngayon ay tinatawag
na Taglish, mga jejemon wika nga. Ang salitang nanay sasabihing mudra, ang tatay
ay pudra. May magsasabi ring I wanna make bili that sapatos! Hay, kailangan bang
kasabay ng pagbabago ay pagbabago sa akin? Nasaan na ang ipinaglabang wika?
Mga kabataan, ang totoo, ako ay ikaw na sasalamin sa ating bansa. Hindi masama
ang pag-unlad at ang pagbabago kung ang pagbabagong ito ay para sa ikabubuti at
ikaaayos ng komunikasyon. Sa makabagong panahon, gamitin mo ako sa iyong wika
kung iyan ang ibig mo, piliin lamang sa tamang panahon at tamang sitwasyon, tiyak
na ang ating patuloy na pag-unlad.
269
GAWAIN 6: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa
Isulat ang sumusunod na tanong at ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
Ako ay Ikaw
DEPED COPY
I. Bunga ng Pakikipaglaban
A.
B.
C.
270
Halimbawa:
1. Sa totoo lang, maraming magagandang lugar sa Pilipinas na dapat munang
pasyalan bago ang ibang bansa.
2. Si Ranidel ay nanalo ng Ulirang Kabataang Award, bilang patunay, narito
ang kaniyang sertipiko.
Pagsasanay 1: Suriin ang mga pangungusap. Uriin kung tuwiran o di-tuwiran ang
pahayag na ginamit.
1. Ayon sa estadistika, mas marami ang bilang ng mga babae kaysa mga lalaking
Pilipino.
2. Ang pagtaas ng bilihin ay maaaring maging dahilan upang mas maraming tao
ang magutom.
3. Isang katotohanan ang lumabas sa balita na naipasa na ang Freedom of
Information sa Senado.
4. Walang malaking nakapupuwing kaya’t huwag maliitin ang inaakalang maliit
na kakayahan ng kapwa.
DEPED COPY
5. Mayaman ang bansa sa kalikasan. Patunay nito ang magagandang paligid o
tanawin na dinarayo ng mga turista.
Pagsasanay 2: Balikan ang tekstong Ako ay Ikaw. Suriin ang mga salitang may
salungguhit sa ilang pangungusap, tuwiran ba o di-tuwiran ang pahayag? Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
Pagsasanay 3: Sumulat ng sariling sanaysay na may mga tuwiran at di-tuwirang
pahayag tungkol sa kasalukuyang pangyayari sa bansa na ang layunin ay
makapanghikayat sa kaniyang mambabasa. Maaaring gamitin ang sumusunod na
mga transitional device. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
sa katunayan sa totoo lang ang totoo bilang patunay
Pagnilayan at Unawain
271
Paano nakatutulong ang angkop na mga tuwiran
at di-tuwirang pahayag sa pagkuha
ng mahahalagang impormasyon?
DEPED COPY
Ilipat
272
Narito ang ilang gabay sa pagsukat ng balangkas.
Anyo ng Balangkas
Halimbawa:
I. Karapatang Likas
A. Karapatang mabuhay
B. Karapatang maging maligaya
C. Karapatang umibig
II. Karapatang Konstitusyonal
A. Karapatan sa Saligang Batas
1. Kalayaan sa paghalughog
2. Kalayaan sa komunikasyon
DEPED COPY
3. Karapatan sa pamamahayag
4. Kalayaan sa relihiyon
5. Kalayaan sa paninirahan
B. Karapatang itinatakda ng batas
1. Karapatan sa pagmamana
Interpretasyon:
273
Aralin 3.4
Panimula
DEPED COPY
kanilang inaawit. Hitik ito sa matatamis at magigiliw na pananalita at oyaying
inuulit-ulit upang ipahayag ang pagmamahal ng ina na nagsisilbi ring pang-aliw
at pampaamo sa anak. Ito’y isa sa nakaugalian ng tribong Lango o Didinga ng
Uganda na naniniwalang ang kanilang mga supling ay tila imortalidad ng kanilang
magulang. Kaya naman ipakikita sa tulang tatalakayin ang maingat na pagpili ng
ina sa pangalan ng anak, mga pangarap ng ina para sa kaniyang anak, panghuhula
ng ina sa magandang kinabukasan ng anak at ang positibong pagbabagong hatid
nila sa kanilang magulang.
Sa Aralin 3.4, inaasahang maipamamalas mo ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa tulang Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay na isinalin sa
Filipino ni Mary Grace A. Tabora mula sa salin sa Ingles ni Jack H. Driberg na
A Song of a Mother to Her Firstborn. Matututuhan mo rin ang kahalagahan ng
paggamit ng simbolismo at matatalinghagang pananalita sa pagiging masining sa
pagbuo ng tula. Sa pagtatapos, ay kakatha ka ng sariling tula na lalapatan mo ng
himig. Tatayahin ang nasabing pagganap batay sa sumusunod na pamantayan:
a.) kahusayan ng pagkakabuo ng tula, b.) himig/melodiya, at c.) paraan ng
presentasiyon nito.
Sa pagtatapos ng araling ito ay masasagot mo nang may pag-unawa
ang mga tanong na: Paano naiiba ang tulang tradisyonal sa tulang malaya?;
Paano nasasalamin sa tulang malaya o tulang tradisyonal ang kultura ng
bansang pinagmulan nito? at Paano nakatutulong ang paggamit ng simbolismo
at matatalinghagang pananalita sa pagiging masining sa pagbuo ng isang tula?
274
Yugto ng Pagkatuto
Tuklasin
Upang masagot mo ang tanong na paano naiiba ang tulang tradisyonal sa tulang
malaya at paano nasasalamin sa tulang malaya o tulang tradisyonal ang kultura ng
bansang pinagmulan nito ay makabubuting isagawa mo ang mga na gawain.
DEPED COPY
Katulad ng inyong magagandang anak.
275
GAWAIN 3: Pagbulayan Mo!
Suriin at paghambingin ang dalawang tula sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong.
Isulat ang pagsusuri sa sagutang papel.
I
ako Habang nagduruyan ang buwang ninikat
ang daigdig sa lundo ng kanyang sutlang liwanag,
isakay mo ako. Gabing mapamihag,
ako sa mga pakpak mong humahalimuyak!
ang tula
ako Ilipad mo ako sa masalimsim
ang daigdig na puntod ng iyong mga panganorin;
ng tula doon ang luha ko ay padadaluyin
ang tula saka iwiwisik sa simoy ng hangin!
ng daigdig
Iakyat mo ako sa pinagtipunan
ako ng mga bitui’t mga bulalakaw,
ang walang maliw na ako at sa sarong pilak na nag-uumapaw,
ang walang kamatayang ako palagusan mo ako ng kaluwalhatian!
ang tula ng daigdig
DEPED COPY
Sa gayon, ang aking pusong nagsatala’y
II makatatanglaw din sa pisngi ng lupa;
ako samantala namang ang hamog kong luha
ang daigdig ng tula sa sangkalikasa’y magpapasariwa!
ako
ang tula ng daigdig At ano kung bukas ang ating silahis
ay papamusyawin ng araw ang langit?
ako ang malayang ako Hindi ba’t bukas din tayo ay sisisid
matapat sa sarili Sa dagat ng iyong mga panaginip?
sa aking daigdig
ng tula Kaya ilipad mo, Gabing walang maliw,
ang ilaw at hamog ng aking paggiliw;
ako ilipad mo habang gising ang damdamin
ang tula sa banal na tugtog ng bawat bituin!
ng daigdig
ako
ang daigdig
ng tula
ako
III
ako
ang damdaming
malaya
ako
ang larawang
buhay
276
ako
ang buhay
na walang hanggan
ako
ang damdamin
ang larawan
ang buhay
damdamin
larawan
buhay
tula
ako
IV
ako
ang daigdig
sa tula
ako
ang tula
sa daigdig
DEPED COPY
ako
ang daigdig
ako
ang tula
daigdig
tula
ako....
TANONG:
277
Alam mo ba na...
ang tula ay anyo ng panitikan na binubuo ng saknong o taludtod? Bawat saknong
naman ay binubuo ng mga taludtod o linya at ang bawat taludtod ay nahahati sa mga
pantig. Ang mga pantig ng taludtod o mga salita o paraan ng pagbuo ng pahayag
ay piling-pili, may mga tayutay o mayaman sa matatalinghagang pananalita, at
simbolismo, at masining bukod sa pagiging madamdamin, at maindayog kung
bigkasin kaya’t maaari itong lapatan ng himig.
A/li/pa/tong/ lu/ma/pag
Sa/ lu/pa/ -- nag/ka/bi/tak
Sukat-Pipituhing Pantig
DEPED COPY
Tugmang - Ganap
4. Talinghaga- ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng tula o
ang ipinahihiwatig ng may-akda.
Hal.: Mula sa tulang Tinapay ni Amado V. Hernandez
Putol na tinapay
at santabong sabaw
sa nabiksang pinto’y iniwan ng bantay
halos ay sinaklot ng maruming kamay
Talinghaga-Nararanasang gutom ng isang mahirap.
278
Linangin
DEPED COPY
Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y
munsik.
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak.
Kamay na magpapasaya sa iyong ama.
Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin:
Nagbabalak nang humawak ng panulag na
matalim.
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan,
at mamumuno sa kalalakihan.
At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-
apohan,
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa
akin,
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,
At ang pagsulyap-sulyap sa akin.
Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal,
Ako’y malulunod sa luha ng paggunita.
279
Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.
At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday?
Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay.
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,
Maging sa iyong halakhak.
Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?
DEPED COPY
Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak.
Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat,
Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma.
280
GAWAIN 4: Paglinang sa Talasalitaan
Isaayos mula bilang 1-5 ang mga salita batay sa sidhi ng damdaming ipinahahayag
ng bawat isa, ang 5 ang pinakamataas na antas. Gamitin ang tsart at gawin ito sa
sagutang papel.
kagalakan 5.
katuwaan 4.
kaluwalhatian 3.
kaligayahan 2.
kasiyahan 1.
Paliwanag sa
Pag-aantas
5.
lungkot
lumbay 4.
DEPED COPY
dalamhati 3.
pighati 2.
pagdurusa
1.
Paliwanag Sa
Pag-aantas
281
GAWAIN 6: Patunayan Mo!
Sa sagutang papel, bumuo ng kongklusyon sa tulong ng kasunod na grapikong
representasiyon sa kabilang pahina.
Suriin ang tulang binasa. Ito ba’y isang tulang malaya o tulang
tradisyonal? Malinaw bang naisalaysay ang kultura ng bansang
pinagmulan nito?
PATUNAY PATUNAY
KONGKLUSYON
DEPED COPY
Ang akdang “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay” ay isang tulang malaya na
nagsalaysay ng nadarama at pagpapahalaga ng isang ina sa kaniyang anak. Sa
pagkakataong ito, pag-aralan mo ang isa pang tula na isinulat ni Rafael Palma, “Ang
Matanda at ang Batang Paruparo.” Basahin at alamin kung ito ba’y tulang malaya o
tulang tradisyonal.
282
Ang pinangaralang anak ay natakot
at pinangako ang kaniyang pagsunod;
ngunit sandali lang. Sa sariling loob
ibinulong-bulong ang ganitong kutob;
“Bakit gayon na lang kahigpit ang bilin
ng ina ko upang lumayo sa ningning?
Diwa’y ibig niyang ikait sa akin
ang sa buong mundo’y ilaw na pang-aliw.”
“Anong pagkaganda ng kaliwanagan!
isang bagay na hindi dapat layuan,
itong matanda ay totoo nga namang
sukdulan ng lahat nitong karuwagan!”
“Akala’y isa nang elepanteng ganid
ang alin mang langaw na lubhang maliit,
at kung ang paningin nila ang manaig
magiging higante ang unanong paslit.”
“Kung ako’y lumapit na nananagano
ay ano ang sama ng mapapala ko?
Kahit na nga niya murahin pa ako
ay sa hindi naman hangal na totoo.”
DEPED COPY
“Iyang mga iba’y bibigyan ng matwid
sa kanilang gawa ang aking paglapit,
sa pananakali’y di magsisigasig
sa nagniningningang ilaw na marikit.”
Nang unang sandaliy’ walang naramdaman
kundi munting init na wari’y pambuhay,
ito’y siyang nagpapabuyo pang tunay
upang magtiwala’t lumapit sa ilaw.
Natutuwa pa nga’t habang naglalaro
ay lapit nang lapit na di nahihinto
sa isang pag-iwas ay biglang nasulo
tuloy-tuloy siyang sa ningas nalikmo.
Nang unang sandali’y walang naramdaman
kundi munting init na wari’y pambuhay,
ito’y siya pa ngang nagpabuyong tunay
upang magtiwala’t lumapit sa ilaw.
At siya’y hindi na muling makalipad
hanggang sa mamatay ang kahabag-habag,
ang ganyang parusa’y siyang nararapat
sa hindi marunong sumunod na anak.
- Mula sa Diwang Kayumanggi. 1970
Marahil natalastas mo ang nais ibahagi ng may-akda sa tula. Ito’y patunayan sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawain.
283
GAWAIN 7: Ipaliwanag Mo!
Isagawa ang pasaklaw na pagpapaliwanag sa sagutang papel gamit ang kasunod na
grapikong representasiyon.
DEPED COPY
_______________________________________________
Alam mo ba na…
nakadaragdag sa kagandahan at kabisaan ng katha ang hindi karaniwang paggamit
ng mga salita? Kaya naman ang tula ay mayaman sa mga tayutay na nakatutulong
upang maging mabisa at kaakit-akit ang akda. Maliban sa tayutay, nagagamit din
sa pagkakaroon ng kariktan ng tula ang mga simbolismo at matatalinghagang
pananalita.
284
Halimbawa:
1. butas ang bulsa - walang pera
2. ilaw ng tahanan - ina
3. kalog na ang baba - gutom
4. alimuom - tsismis
5. bahag ang buntot - duwag
DEPED COPY
Halimbawa: 1. silid-aklatan- karunungan o kaalaman
2. gabi- kawalan ng pag-asa
3. pusang-itim-malas
4. tanikalang-bakal-kawalan ng kalayaan
5. bulaklak- pag-ibig
285
3. May tanging laruan isang bolang-apoy
Aywan ba kung sino ang dito’y napukol.
At sino rin kaya ang tagapagsindi
Ng parol na buwang pananglaw kung gabi?
(Ang Tahanang Daigdig ni Ildefonso Santos)
DEPED COPY
Pagsasanay 2: Itala ang matatalinghagang pananalita at simbolismo mula sa
napakinggan at napanood na tulang liriko/sabayang pagbigkas mula sa link na ilalahad
ng guro. Ipaliwanag ang kahulugan ng mga ito sa sagutang papel.
Pagsasanay 3:
A. Sa sagutang papel, kompletuhin ang isang saknong ng tula na salin mula sa tulang
Pilgrimage of African ni Wayne Visser sa pamamagitan ng paglalagay ng wastong
salita sa patlang na makukuha sa katabing kahon.
kamay
286
B. Sa sagutang papel, kompletuhin ang tula sa pamamagitan ng paglalagay ng
matatalinghagang pananalita at simbolismo. Bigyan din ito ng sariling pamagat.
______________________
Sa ami’y...
Isa kang ______ na may dalang ligaya,
Ika’y tuwinang bukas-palad sa iba.
Ang iyong gawi’y hindi ________________,
Kayat kami’y humahalik sa ‘yong paa.
Sa ami’y...
Isa kang __________ na laging sandata,
Di _____________ sa hampas ng pala
Dito’y nasisilip, maningning na _______,
Kaya’t kami’y humahalik sa ‘yong paa.
DEPED COPY
Maayos mong naisakatuparan ang mga gawain kayat ipagpatuloy mo ang iyong
pagkatuto.
Pagnilayan at Unawain
Masusing pag-aralan ang mga salita sa loob ng magkahiwalay na kahon at gamitin ang
mga ito sa pagbuo ng tatlong mahahalagang konsepto. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
Ikinagagalak kong pinagbuti mo nang lubos ang iyong pagkatuto. Narito ka na ngayon
sa huling hamon ng araling ito.
287
Ilipat
60 puntos
30 puntos
(Tinig)
Kabuuang Pagtatanghal
10 puntos
(Presentasiyon)
Kabuuang Marka 100 puntos
288
Aralin 3.5
Panimula
Matapos mong pag-aralan ang mito, anekdota, sanaysay, at epiko, ang maikling
kuwento naman ang iyong bibigyang-pansin sa araling ito.
DEPED COPY
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makabuo ng isang
patalastas na pasulat batay sa sumusunod na pamatayan: a.) makatotohanan,
b.) masining, c.) kaalaman sa paksa, at d.) maayos ang paglalahad.
Tuklasin
GAWAIN 1: Checklist
Lagyan ng tsek (a) ang patlang bago ang bilang na may kaugnayan sa maikling
kuwento. Mula sa naging sagot, bumuo ng isa o dalawang pangungusap na
magpapahayag tungkol sa maikling kuwento.
289
Batay sa aking mga naging kasagutan, ang maikling kuwento ay ______________
______________________________________________________________.
DEPED COPY
Sa naganap na aksidente, ang baboy na alaga ni
Kibuka lamang ang nakaligtas.
Sa huli ay naisip din ni Kibuka na makakatulog na
siya nang maayos.
GAWAIN 3: Sa iyong Palagay
1. Piliin sa kasunod na kahon ang sa iyong palagay ay mga salita o pahayag na
naglalahad ng opinyon.
ayon sa/kay... batay sa/kay...
kung ako ang tatanungin... maliban sa...
naniniwala akong... sa aking palagay...
sa tingin ko... tunay na
2. Sa iyong palagay, bakit kaya mahalagang maunawaan ang mga salitang ito?
Ang iyong dati nang kaalaman sa maikling kuwento at sa mga salitang naghahayag ng
opinyon ay mas lalawak pa sa pagpapatuloy ng aralin. Makatutulong ang pagbasa sa
mga akda upang lubos mong maunawaan ang tungkol dito. Halina’t simulan.
Alam mo ba na…
ang maikling kuwento o maikling katha ay nililikha nang masining upang mabisang
maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari tungkol sa
buhay ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng mahahalagang pangyayari? Taglay
nito ang pagkakaroon ng (1) iisang kakintalan; (2) may isang pangunahing tauhang
may mahalagang suliraning kailangang bigyan ng solusyon; (3) tumatalakay sa
isang madulang bahagi ng buhay; (4) may mahalagang tagpuan; (5) may kawilihan
hanggang sa kasukdulan na agad susundan ng wakas.
Isa sa mga uri ng maikling kuwento ay ang kuwento ng tauhan – ang
binibigyang diin ay ang ugali o katangian ng tauhan. Ang maikling kuwentong iyong
binasa ay nakatuon sa katangian ng tauhan. Ang tauhan sa akda ay kumilos ayon
sa kaniyang paligid.
290
Linangin
Basahin at unawain ang maikling kuwento upang malaman kung paano nakatutulong
ang maikling kuwento sa pagkakaroon ng kamalayan sa pandaigdigang pangyayari
sa lipunan.
Ang Alaga
ni Barbara Kimenye
Isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson
DEPED COPY
niya ang kawalan ng kaayusan. Sa buong paligid ng tanggapan, nagkalat din ang iba’t
ibang papeles, maging ang mga kompidensiyal na papeles na hindi dapat makita ng
kung sino-sino ay nababasa na ng lahat. Sa ganitong sitwasyon tila walang pakialam
ang kaniyang kapalit. Mas binibigyang-pansin pa nito ang pakikipag-usap sa telepono
habang napaliligiran ng ilang babae.
Hindi naging maganda ang pagpunta niya sa dating tanggapan. Maging ang
dati niyang mga kasamahan ay hindi na interesado sa sinasabi ni Kibuka.
Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabi
ng ilog sa Kalansanda na maraming muling babalikan ngunit hindi gaano sa kaniyang
haharapin. Nagkataon pa na ang matalik niyang kaibigan na si Yosefu Mukasa ay
nasa Buddu Country para sa pagnenegosyo. Naiisip ni Kibuka na kaawa-awa na siya
at mabuting mamatay na lamang. Paulit-ulit niya itong naiisip habang nag-iinit ng tubig
para sa iinuming tsaa. Sa ganoong sitwasyon, nakarinig siya ng tunog ng paparating
na kotse. Sabik niyang tinungo ang pinto ng bahay upang alamin kung sino ang
dumating. Siya ang pinakamatanda sa kaniyang mga apo, mataas, payat, at kaboses
ni Kibuka.
291
“Napakabuti mo, aking apo. Ang biglang pagbisita mo at may pasalubong pa
ay lubha kong ikinatuwa.” Dahil dito, nabaligtad na lahat ang hindi niya magagandang
naiisip tungkol sa buhay, puno na siya ng kapanabikan.
“Isang biik ang pasalubong ko po sa inyo mula sa Farm School. Hindi na siya
mapakain doon at naisip ko na baka gusto ninyong mag-alaga nito.”
DEPED COPY
pagkain sa sarili niyang pinggan, bukod pa sa talagang kinakain niyon. Pagkalipas
ng ilang araw, lumalaki na ang biik, malakas nang kumain at kailangang manguha ng
matoke si Kibuka sa mga kaibigan at kapitbahay.
Ito lamang ang baboy na napakalinis dahil naaalagaan ito nang maayos. Dahil
dito, pinapayagan ni Kibuka na matulog ito sa kaniyang paanan bagaman ingat na
ingat siya na malaman ito ng kaniyang mga kapitbahay. Naging mabilis ang paglaki ng
alagang baboy. Lumaki ito sa maayos na kapaligiran at higit sa lahat, napamahal na
iyon kay Kibuka.
292
Kung sino kaya ang magdurusa, si Kibuka o kaniyang alagang baboy ay
mahirap na sagutin. Walang malayang alagang baboy at si Kibuka lamang ang
makapagsasabi.
Para hindi ito mangyari, tuwing magdidilim na, pinapasyal niya ang alagang
baboy na kinasanayan nang makita ng mga taga-Kalansanda at tanging hindi mga
tagaroon ang tila nagugulat sa ginagawa niyang pagpasyal sa alagang baboy
habang may tali ito. Naging magandang ehersisyo ito ni Kibuka dahil sa pananakit
ng kaniyang mga kalyo na sa bawat hakbang niya upang masiyahan ang alagang
baboy ay katumbas naman ng labis na sakit ang dulot sa kaniya na halos ikaiyak niya.
Sinabi niya kay Daudi Kulubya na nagmamalasakit sa papilay-pilay niyang lakad na
nasisiyahan naman siya sa ginagawa niya sa alagang baboy. Masaya siyang uuwi at
ibababad ang mga paa sa isang palanggana ng mainit na tubig ng isang oras. Hindi
DEPED COPY
na niya iisipin ang pananakit ng kaniyang mga kalyo.
“Sir, mukhang hindi pa maganda ang lagay ninyo, bukas na lang kayo kukunan
ng pahayag. Magpahinga muna kayo.”
293
“Pero hindi ko maaaring iwanan ang namatay kong alagang baboy.”
“Maaari po nating ilagay sa likod ng aking sasakyan kung ibig po ninyo. Mas
mabuti sana kung puputol-putulin na ito ng matadero dahil hindi na ito maaaring
magtagal sa klase ng klima ngayon.”
DEPED COPY
niyang pagtulog at nasiyahan siya pagkatapos ng maraming buwan na nagdaan.
Dumating si Musisi habang papaalis na si Kibuka upang tingnan kung ang pata ng
alaga niyang baboy ay nadala kay Yosefu at Miriamu.
“Hindi pa, Sir, ngayon ko pa lamang dadalhin doon, ibig ba ninyong sumabay
na sa akin pagpunta roon?”
Kinuha ni Miriamu ang pata ng baboy at ang interes naman ni Yosefu ay ang
mga detalye ng aksidenteng naranasan ni Kibuka. Pinilit ni Yosefu at Miriamu na
mananghalian sa kanila ang dalawa. Ngunit kailangang dumalo sa isang pulong ni
Musisi sa Mmengo, kaya si Kibuka na lamang ang iniwan. Maraming napag-usapan
sina Kibuka at Yosefu. Matagal silang hindi nagkita kaya magiging masarap ang
pagkain nila ng pananghalian.
May ilang sandali na nalulungkot siya sapagkat alam niya na karne ito ng mahal
niyang alaga at masaya niyang kinakain ito. Ngunit sandali lamang ito at patuloy pa
rin niyang nilalagyan ng karne ang kaniyang pinggan. Natatawa siya sa sarili at alam
niya na hindi na siya maglalakad tuwing hapon at sa halip makakatulog na siya nang
maayos.
294
GAWAIN 4: Paglinang ng Talasalitaan
Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salitang may salungguhit. Pagkatapos,
gamitin ang mga ito sa sariling pangungusap.
1. Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabi ng
ilog sa Kalansanda.
2. Maging si Kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkain maibigay lamang
sa alaga niyang baboy.
3. Karaniwang nagtatampisaw ang mga taga-Kalansanda sa ilog.
4. Ang pagmamahal sa alagang baboy ang namamayani kay Kibuka kaya hindi
niya ito maipagbibili.
5. Si Kibuka, ang alagang baboy at ang drayber ng isang motorsiklo ay tumilapon
sa iba’t ibang direksiyon.
6. Habang naghahalukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang di
inaasahang pangyayari ang naganap.
DEPED COPY
3. Ano ang suliraning nangibabaw sa akda? Iugnay ito sa pandaigdigang
pangyayari sa lipunan.
4. Paano ka naapektuhan ng akdang iyong nabasa?
5. Ibigay ang kahalagahan ng akdang binasa sa pansarili, panlipunan at
pandaigdig.
sarili
____________________
Kahalagahan ng akda ____________________
lipunan
sa... ____________________
______ daigdig
____________________
____________________
6. Alin sa mga pangyayari ang makatotohanan at di-makatotohanan? Patunayan.
7. Masasalamin ba ang kultura ng Africa sa akdang iyong binasa? Ipaliwanag.
8. Ipaliwanag: May ilang sandali na nalulungkot siya sapagkat alam niya na
karne ito ng mahal niyang alaga at masaya niyang kinakain ito. Ngunit sandali
lamang ito at patuloy pa rin niyang nilalagyan ng karne ang kaniyang pinggan.
Natatawa siya sa sarili at alam niya na hindi na siya maglalakad tuwing hapon
at sa halip makakatulog na siya nang maayos.
9. Naibigan mo ba ang wakas? Kung ikaw ang may-akda, paano mo ito
wawakasan? Isalaysay.
10. Bakit isinulat ng may-akda ang maikling kuwentong tinalakay? Magsaliksik sa
lugar at kondisyon ng panahon sa pagkakalikha nito.
295
Basahin ang kasunod na teksto na nagsasaad ng katangian ng isang tao na
inilarawan ayon sa pagkakakilala sa kaniya ng isang taong malapit sa kaniyang buhay.
Pansinin ang mga salitang may salungguhit.
DEPED COPY
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
296
Alam mo ba na…
ang salita o pahayag na naglalahad ng opinyon ay mahalagang maunawaan natin?
Nais nitong ipahiwatig ang ipinahahayag ng ating kausap o ng mambabasa.
DEPED COPY
Pagsasanay 2: Masdang mabuti ang larawan sa ibaba. Sumulat ng tekstong
naglalarawan tungkol dito. Maglahad din ng opinyon kung paano makatutulong upang
mabawasan ang ganitong senaryo sa bansa.
297
Pagnilayan at Unawain
DEPED COPY
Ilipat
298
Halimbawa ng patalastas na pasulat:
Basahin nang may pang-unawa ang sitwasyon sa ibaba upang maisagawa ito.
Sa nalalapit na foundation day sa inyong bayan, bilang Presidente ng
organisasyong MAMAYBAY o Mamamayang Ipinagmamalaki ang Bayan,
naatasan kang magbigay ng impormasyon sa iyong bayan upang magkaroon ng
DEPED COPY
kamalayan ang ibang tao rito. Gagawin mo ito sa pamamagitan ng patalastas:
na pasulat. Ang magiging panauhin na magtataya ng iyong ginawa ay ang
Gobernador at Bise Gobernador ng inyong lalawigan, Mayor, Bise Mayor, at
konsehal ng bayan. Tatayain nila ang iyong ginawa batay sa sumusunod na
pamantayan: a.) makatotohanan, b.) masining, c.) kaalaman sa paksa, at
d.) maayos ang paglalahad ng impormasyon gamit ang patalastas.
B. Masining
C. Kaalaman sa paksa
D. Maayos ang paglalahad
Gabay sa Pagmamarka
21 – 25…………………… Napakahusay
16 – 20 …………………… Mahusay
11 – 15 …………………… Katamtamang Husay
5 – 10 …………………… May husay subalit kailangang dagdagan pa ang
sikap
Napakahusay! Tunay ngang naunawaan mo ang araling ito. Isabuhay mo ang iyong
natutuhan. Inaasahan kong ang dedikasyon mo sa mga naging gawain ay iyong
ipagpapatuloy sa mga susunod pang aralin.
299
Aralin 3.6
Panimula
DEPED COPY
ng panitikang pandaigdig, maihahanay ito sa epiko ng Hindu na Ramayana at
Mahabarata at epikong Griyego na Iliad at Odyssey. Ang epikong pag-aaralan
ay taal na tulang pasalaysay na pinagsalin-salin ang mga berso ng mahuhusay
na mananalaysay na sinasaliwan ng instrumentong musikal. Itatampok dito ang
mabuting pagbabagong dala ng pagtatagumpay laban sa kasamaan.
300
Yugto ng Pagkatuto
Tuklasin
Marahil handa ka na, simulan mong isagawa ang mga gawain upang matutuhan ang
sagot sa mga pokus na tanong na: Bakit hinalaw ang pangunahing-tauhan ng epiko
sa Africa sa bayani ng kanilang kasaysayan at nakatutulong ba ang paggamit ng mga
ekspresiyon sa pagpapahayag ng iba’t ibang damdamin o layon ng pakikipagtalastasan?
Patunay ng Paghahambing
301
Alam mo ba na…
ang paninindigan ay isang paraan ng pagmamatuwid o pangangatuwiran? Layon
ng naninindigan na mahikayat ang tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan o
katotohanan ng pinaniniwalaan sa pamamagitan ng paglalatag ng sapat na katibayan
o patunay upang ang panukala ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala.
Gayundin sa paninindigan ay maaaring gumamit ng iba’t ibang ekspresyon upang
maipaabot ang layon o damdamin ng pagpapahayag.
Linangin
DEPED COPY
kuwentong-bayan na si D.T. Niane? Isinalin niya ito buhat sa Mandigo sa wikang
Pranses. Kalaunan, ang kaniyang salin ang naging batayan sa paglilipat sa Ingles.
Si Sundiata Keita o Mari Diata (Mari Jata), ang bayani’t pangunahing tauhan
ng epiko ay totoong nabuhay. Isa siya sa labindalawang magkakapatid na lalaki
na tagapagmana ng trono. Siya’y isang makapangyarihang pinuno na tumalo sa
estadong Sosso sa Kanlurang Africa noong 1235. Itinatag niya ang Imperyong
Mandingo ng Matandang Mali. Ang kaniyang pamamayagpag ay tumagal nang
mahigpit 250 taon.
- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA
302
Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali
Sundiata: An Epic of the Old Mali salin sa Ingles ni J.D. Pickett
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora
Maghan Sundiata, na tinatawag ring Mari Djata, anak siya ni Haring Maghan Kon
Fatta ng Mali sa kaniyang ikalawang asawa, si Sogolon Kadjou. Isang mahiwagang
mangangaso ang humula na ang kanilang anak na lalaki ay magiging isang
makapangyarihang pinuno na makahihigit pa kay Dakilang Alexander, ang maalamat
na Griyegong mananakop. Ilang tao lamang ang naniniwala sa propesiya sapagkat
pitong taong gulang na si Mari Djata ay hindi pa nakalalakad. Tila walang katiyakang
mapabilang siya sa mga pagpipiliang maging emperador.
DEPED COPY
“Tingnan mo ang iyong sarili,” wika ng mapanghamak na si Sassouma. Ang
aking calabash ay puno. Tulungan mo ang iyong sarili, maralitang babae. Para sa
akin, mayroon akong anak na nakalalakad sa edad na pito at siya ang nangangalap
ng mga dahon ng baobab na iyan. Maaari mong kunin ang mga iyan sapagkat ang
iyong anak ay hindi makalalamang sa aking anak.” Siya’y nanunudyong humalakhak
nang matinis na pumupunit sa laman at tumatagos sa kaibuturan.
Dinampot ni Mari Djata ang kaputol na kahoy at matiim na tumitig sa ina, “Inay,
anong problema?”
“Ano ba yaon?”
303
“Huminahon ka ina, kalimutan mo na iyon.”
“Mahusay, kung gayon, ako’y maglalakad sa araw na ito,” sabi ni Mari Djata.
“Puntahan mo ang panday ni ama at utusang hulmahin ang pinakamabigat na bakal.
Inay, dahon lamang ba ng baobab ang iyong kailangan o nais mong dalhin ko sa iyo
ang buong puno?”
“Ah aking anak, upang tangayin ng hangin ang pang-aalipustang ito, ibig ko ng
puno’t ugat sa aking paanan sa labas ng ating dampa.”
DEPED COPY
madinig ito ng huli. Mabilis na pumasok si Sogolon sa kaniyang silid at tinakpan ang ulo
ng kumot upang hindi masilayan ang pabayang anak na abalang-abala sa kaniyang
pagkain kaysa sa ano pa mang bagay. Walang tigil sa pananangis si Sogolon. Nilapitan
siya ng kaniyang anak na babae, Sogolon Djamarou, at tumabi sa kaniya, “Tahan na
ina. Bakit ka umiiyak?”
Nasimot ni Mari Djata ang kaniyang pagkain at pilit na kinaladkad ang katawan,
umupo sa malilim na dingding ng kubo sapagkat nakapapaso ang sinag ng araw.
Kung ano ang nanunulay sa kaniyang kamalayan, tanging siya ang nakaaalam.
Nang maibaba ang mga dambuhalang bakal, ang ingay na nilikha nito’y
nakapangingilabot,pati si Sogolon ay nagulantang at napalundag. Pagkatapos ay
nangusap si Balla Fasséké, anak ni Gnankouman Doua, “Naririto na ang dakilang
araw, Mari Djata. Ika’y aking kinakausap, Maghan, anak ni Sogolon. Ang kristal ng
Niger ay pumapawi ng mantsa ng katawan ngunit hindi kayang lipulin ang pang-uusig.
304
Tumindig ka, batang leon, umatungal, at ihayag sa palumpong na simula ngayon sila
ay may panginoon.”
DEPED COPY
Nang makita ni Sogolon ang anak na nakatayo, siya’y saglit na naumid,
pagkatapos ay kara-karakang humimig ng papuri sa Diyos na naghimala sa anak:
Ang tinig ni Balla Fasséké ang namalita sa buong palasyo ng nagaganap, ang
mga tao’y humahangos na nagtungo sa kanilang kinaroroonan at ang lahat ay namangha
sa nasaksihang pagbabago sa anak ni Sogolon. Ang Inang Reyna ay napasugod din
at nang makitang nakatayo si Mari Djata siya’y nangatog at pinanghinaan ng tuhod.
Matapos mahabol ang hininga, inalis ni Djata ang bakal, ang kaniyang unang hakbang
ay dambuhala. Napayukod at itinuro ni Balla Fasséké si Djata, siya’y napasigaw:
305
Nakalakad si Mari Djata. Buhat nang araw na yaon, hindi na natahimik ang
kalooban ng Inang Reyna. Ngunit sino nga ba ang makasasalungat sa tadhana? Wala,
ang taong nasa impluwensiya ng kahibanga’y naniniwalang kaya niyang baguhin ang
itinakda ng Panginoon. Subalit ito’y binabalangkas Niya sa paraang kailanman ay
hindi malilirip ng kamalayan ng tao. Samakatuwid, lahat ng hakbang ni Sassouma
laban sa anak ni Sogolon ay nawalan ng saysay. Hamakin ang mga nakalipas na
panahon at tutulan ang panlilibak sa harap ng madla. Ngayon, ang anak ni Sogolon ay
kasing palasak ng dating pang-aalimura sa kaniya. Hindi mabilang ang nagmamahal
at nasisindak sa kaniyang angking lakas. Sa bayan ng Niani, walang ibang pinag-
uusapan kundi si Djata; ang mga ina’y hinihikayat ang kanilang mga anak na lalaki
na samahan si Djata sa pangangaso o makipaglaro sapagkat nais nilang makinabang
ang mga inakay sa tinatamasang kabantugan ng anak ng babaing magsasaka.
Ang pahayag ni Doua sa araw ng pagngangalan sa anak ni Sogolon ay nanariwa
sa kalalakihan. Si Sogolon ay napapalibutan ngayon ng mataas na paggalang; sa
mga umpukan madalas na inihahambing ang kayumian ni Sogolon sa kapalalua’t
masamang hangarin ni Sassouma Barété sapagkat ang una’y isang huwarang asawa
at ina kayat dininig ng Panginoon ang kaniyang panalangin, pinananaligang kung higit
na lumalalim ang pagmamahal at paggalang sa kabiyak at ang pagsasakripisiyo para
sa anak ay magiging magiting at matapang ang kanilang anak pagsapit ng tamang
panahon. Ang bawat anak ay anak ng kaniyang ina, hinding-hindi makahihigit ang anak
sa kaniyang ina. Hindi kataka-taka kung bakit si Dankaran Touma ay walang kabuhay-
buhay, palibhasa’y ang kaniyang ina ay hindi man lamang nagpamalas nang kahit na
katiting na pagpapahalaga sa kaniyang asawa, sa naparam na Haring Maghan Kon
DEPED COPY
Fatta, hindi siya nagpakita ng pagpapakumbaba na isinasabuhay ng bawat asawang
babae sa kanilang kaisang-dibdib. Ginunita ng mga tao ang mga tagpo nang siya’y
nanibugho, nayamot at nagbitiw ng mga maaanghang na pananalitang ikinalat laban
sa mga kapwa niya asawang babae at mga anak nito. Kayat seryosong napagtibay ng
mga tao, “Sino ang nakakaalam ng misteryo ng Diyos. Ang ahas ay walang binti’t paa
ngunit kasimbilis ng mga hayop na may apat na paa.”
306
Sumulong si Soumaoro hanggang sa Krina, malapit sa nayon ng Dayala na nasa
Niger at nagpasyang sabihin ang kaniyang karapatan bago lumusong sa madugong
labanan. Batid ni Soumaoro na si Sundiata ay kagaya niyang salamangkero kayat sa
halip na magpadala ng sugo, ipinasaulo niya ang kaniyang saloobin sa isa sa alagang
kuwago. Nang gabing iyon, dumapo ang ibon sa bubong ng kulandong ni Djata at
nangusap. Ang ginoo nama’y nagsugo rin ng kuwago kay Soumaoro. Nagsagutan ang
dalawang salamangkerong-hari:
“Hinto, binata. Ako ang Hari ng Mali. Kung hinahangad mo ang kapayapaan,
bumalik ka sa iyong pinagmulan,” litanya ni Soumaoro.
“Ako’y nagbabalik Soumaoro upang muling yakapin ang aking kaharian. Kung
hangad mo ang kapayapaan, ika’y magbayad-pinsala sa aking mga kapanalig at
umuwi sa Sosso kung saan ika’y hari.”
“Ako ang Hari ng Mali sa pamamagitan ng puwersa ng aking kamao. Ang aking
karapatan ay maluwat nang napatunayan ng aking pananakop.”
“Kung gayon, aagawin ko ang Mali sa iyo gamit ang puwersa ng aking kamao
at tutugisin kita hanggang sa iyong kaharian.”
DEPED COPY
“At kailangan mo ring mabatid, ako’y may katotong pitong panday na dudurog
sa batuhan. Pagkatapos, nami, ika’y aking lalamunin.”
“Ika’y magtino, munting bata, baka pagliliyabin ko ang iyong mga paa, dahil
ako ang pula’t mainit na baga.”
“Datapuwat ako, ako ang ulan na papawi sa baga: Ako ang malakas na agos
na tatangay sa iyo.”
“Magaling, sapagkat digmaan ang iyong ninasa, ika’y hindi ko uurungan subalit
itimo mong siyam na hari ang aking pinugutan ng ulo at inadorno sa aking silid. Tunay
na kaawa-awa, ang iyong ulo’y matatabi sa kapwa mo pangahas.”
307
“Ihanda mo ang iyong sarili Soumaoro, ang delubyo’y mananalasa, sasalpok
at bubura sa iyo sa lupa.”
Sa ibang banda, ang griot ni Djatang si Ball Fasséké at Nana Triban, kapatid
niyang babae sa ama na nadakip at nakulong sa karsel sa palasyo ni Soumaoro ay
nakatakas. Sumali sila sa pakikipagdigma ni Sundiata sa gabi ng mismong labanan
sa Krina. Si Fakoli Korona, pamangkin ni Soumaoro ay dumating din sa kampo. Dahil
sa dinukot ni Soumaoro ang kabiyak niya, sumumpa siyang maghihiganti. Ipinangako
nina Nana Triban at Fakoli ang katapatan kay Sundiata. Inilantad ni Nana Triban
ang lihim ni Soumaoro, inilahad niya kung paano matitiyak ni Sundiata na magagapi
niya ang kalaban sa pamamagitan ng pagdampi sa balat niya ng tari ng tandang.
Pagsapit ng bukang-liwayway bumuo ng plano sina Sundiata at Manding Bory upang
mahubaran ng kapangyarihan si Soumaoro.
DEPED COPY
Pilitin mong makalapit sa kaniya sapagkat asahan mong siya’y iiwas sa iyo,” ang
paalala ni Nana Triban.
Hindi ikinalat ni Sundiata ang lahat ng kaniyang kawal. Ang mga namamana
ng Wagadou at Djallonkés ay pumuwesto sa hulihan at handang magpaulan ng
palaso sa bahaging kaliwa ng burol kapag tumagal ang digmaan. Sina Fakoli Korona
at Kamandjan ay kahilera ni Sundiata at nangunguna sa bungad sampu ng kaniyang
kabalyeriya.
308
himpapawid. Ang mga kabayo ng Mema ay lubhang maliksi at tumakbong nakataas
ang unahang paa na sumikwat sa mga kabalyero ng Diaghan. Nagpagulong-gulong,
at tinapakan ng mga kabayo. Nagbigay ng puwang ang pagbagsak at pag-atras ng
mga kalalakihan ng Diaghan. Ang pusod ng kalaban ay nabuwag.
Nagliliyab ang mga mata ni Sundiata sa poot. Tinipon niya ang kabalyeriya
sa kaliwang dako ng burol kung saan magiting na iniinda ni Fakoli ang panlulupig ng
tiyo. Kaalinsabay nito, ang lahat ng maraanan ni Sundiata’y namamalita na nagagalak
si Kamatayan at ang kaniyang panandaliang pagtigil ay nagpapanumbalik ng
pagtitiwala ng kaniyang kawal bagaman hindi nauubos ang mga sofas ni Soumaoro.
Hinanap ni Djata ang salamangkerong-hari. Nasulyapan niya ito sa gitna ng labanan.
Sinunggaban ni Sundiata ang bawat Sossong sofas, kaliwa’t kanan ang ginawang
pagbalya, nagkakandahirap na tumatabi ang mga ito kung kayat madali siyang
nakalapit kay Soumaoro. Nang mapansin ng huli ang ikinikilos ni Djata, siya’y dahan-
dahang bumuwelta subalit siya’y nasundan ng tingin ng matapang na bayani.
DEPED COPY
dumaplis sa balikat ni Soumaoro. Nang tumama ang tari ng tandang, naramdaman
niyang ito’y hindi lamang munting gasgas kayat kagyat naglaho ang kaniyang
kapangyarihan. Nagtagpo ang mata nila ni Sundiata. Siya’y nangatal na tila dinapuan
ng matinding lagnat, napatingala ang nauupos na si Soumaoro sa langit. Isang
malaking ibon ang paikot-ikot na lumilipad at kaniyang napagtanto. Ito ay ang ibon ng
kasawian.
Ang Hari ng Sosso’y sumigaw nang ubod lakas. Napalingon ang kaniyang
kabayo at siya’y tumalilis. Nakita ng mga Sosso ang kanilang hari, siya’y kanilang
pinarisan, lumiko ang mga Sossong sofas at mabilis ding tumakas. Ang kamatayan
ay mamamasdan sa paligid, nagkalat ang mga duguan at naghihingalo. Sino
ang makapagsasabi kung ilang Sosso ang nasawi sa Krina? Ang pagtakas ay
naisakatuparan at hinabol ni Sundiata si Soumaoro.
Ang panalo sa Krina’y nakasisilaw. Ang mga Sossong sofas ay umuwi’t nagtago,
ang Imperyong Sosso ay natalo. Lahat ng mga hari sa kapuluan ay nagpasailalim sa
kapangyarihan ni Sundiata. Ang Hari ng Guidimakhan ay nagpadala ng mamamahaling
muwebles kay Sundiata at ipinagkasundo ang kaniyang anak na babae sa nagwaging
binata. Natipon ang mga sugo sa Koulikoro subalit nang nakumpleto ang hukbo ni
Sundiata sila’y nagmartsa sa direksiyon ng Sosso na lungsod ni Soumaoro. Itong
Sosso ay lungsod ng mga dalubhasang panday sa paghawak ng sibat.
309
Sa pagkawala nina Soumaoro at Sosso Balla, si Noumounkeba, ang puno ng
tribo ang tumayong lider upang depensahan ang lungsod. Daglian niyang tinipon ang
lahat maging ang mga kalapit na kabukiran upang makapaghanda.
Ang Sosso ay maringal na lungsod. Ang makaikatlong tulis ng tore nito’y halos
umabot sa langit. Ang lungsod ay binubuo ng walungpu’t walong muog at ang palasyo
ni Soumaoro’y maaaninag sa itaas ng lungsod tulad ng isang malaking tore. Ang
Sosso ay mayroon lamang isang pasukan; gahiganteng gawa sa bakal na ginawa ng
mga anak ng apoy. Umasa si Noumounkeba na magapi si Sundiata sa labas ng Sosso
sapagkat ang kanilang pagkain ay husto lamang para sa isang taon.
Papalubog na ang araw nang marating nina Sundiata ang Sosso. Sa tuktok
ng burol, minalas nina Sundiata at ng kaniyang heneral ang kinatatakutang lungsod
ng mapandigmang hari. Ang hukbo niya’y nagkampo sa kapatagan na kabilang ibayo
ng malaking tarangkahan ng Sosso. Napagpasiyahan ni Sundiata na sakupin ang
bayan sa loob nang maghapon. Binusog niya nang labis ang mga sofas na katoto
habang walang humpay ang pagtambol ng mga tam-tam upang ipaalala’t pukawin
ang pagtatagumpay sa Krina.
DEPED COPY
ikalawang linya na nakakubli sa mga kalasag ng mga maninibat. Ang pinakapunong
katawan ng hukbo ang siyang aatake sa pasukan ng lungsod. Nang handa na ang
lahat, inihudyat ni Sundiata ang paglusob. Ang mga tambol at tambuli’y sabay-sabay
na pinatunog, katulad ng kati unti-unting umusad ang mga Mandingong nasa harapan
na ginigiya ng mga makapangyarihang sigaw. Nakatakip ang mga kalasag sa ulo,
marahan silang sumulong sa paanan ng pader, at nagsimulang maghulog ng malalaking
bato ang mga Sosso sa mga kaaway. Gumanti ang mga Wagadou na nasa dulong
hanay, sila’y nagbuhos ng sunod-sunod na palaso. Si Sundiata ay may itinatagong
kawal na pinakamagaling, sila ang mga mamamana ng Hari ng Bobos na kaagad na
ipinadala bago pa man naganap ang sa Krina, ang pinakadalubhasa sa pamamaraan.
Pinaulanan ng nagniningas na mga palaso ang kuta ng mga Sosso. Nagliyab ang
mga kabayanan. Naitayo ng mga Mandingo ang mga hagdan at umakyat sa tuktok
ng pader. Sinaklot ng sindak ang mga Sosso nang makitang nasusunog ang kanilang
bayan, sila’y natigilan. Bumagsak ang bakal na pasukan sa palad ng mga panday ni
Fakoli sapagkat sila ang maestro nito. Napasok nila ang lungsod, ang hiyawan ng
mga bata’t kababaihan ay nagbunsod ng pagkalito sa mga Sosso kayat nabuksan ang
pasukan, ang pangunahing pangkat ng hukbo ni Sundiata ay tuluyang nakapasok.
Pagkatapos ay nagsimula ang nakahihindik na patayan. Ang kababaihan at
kabataan na nasa kalagitnaan ng pagtakas ay nagsumamo. Napadpad sina Sundiata
at ang kaniyang kabalyeriya sa harap ng kamangha-manghang palasyo ni Soumaoro.
Kahit natitiyak ni Noumounkeba na siya ay talunan, pangahas na itinaas niya ang
espada at akmang uundayan si Sundiata, ngunit siya’y nalansi ng huli, nadakma’t
malupit na pinihit ang kaniyang bisig, marahas na inginudngod sa sahig hanggang
mailaglag niya ang espada. Hindi pinatay ni Sundiata si Noumounkeba bagkus ay
inilagak sa kamay ni Manding Bory.
310
Pinangunahan ni Balla Fasséké kasunod ni Sundiata ang pagpasok sa tore ni
Soumaoro. Alam ng griot ang pasikot-sikot at kasulok-sulukan ng palasyo mula sa
kaniyang alaala nang siya’y mabihag, itinuro niya kay Djata ang maharlikang silid-
tulugan.
Nang buksan ni Balla Fasséké ang pinto ng silid, natuklasan nilang naiba
ang anyo nito buhat nang matamaan ng mortal na palaso ang nagmamay-ari ng silid
na nawalan ng kapangyarihan. Ang ahas sa babasaging pitsel ay naghihingalo, ang
mga kuwagong nasa dapuan ay kalunos-lunos na pumapagaspas padausdos sa
sahig. Lahat ay nag-aagaw-buhay sa adobe ng salamangkero, lahat ng nakakabit
sa kapangyarihan ni Soumaoro. Sinamsam ni Sundiata ang mga anting-anting ni
Soumaoro at marahas na tinipon ang lahat ng asawa’t mga prinsesa ng kaharian.
Itinali ang mga bilanggo’t sama-samang pinastol. At ayon sa kagustuhan ni Sundiata,
napasakaniya ang Sosso nang araw na iyon. Nang makalabas ang lahat, inatas ni
Djata ang ganap na paggunaw sa Sosso. Sinunog ang mga kabahayan, walang itinira
at ginamit ang mga preso sa pagtibag ng mga pader. Samakatuwid, ang balak ni
Sundiatang wasakin ang pundasyon ng Sosso ay maningning na naisagawa.
DEPED COPY
kasalukuyan, ang Sosso ay isa na lamang balintataw sa panaginip ng mga griot. Ang
mga hayna ay nananaghoy sa pook sa kailaliman ng gabi, ang mga usa’t liyebre naman
ay naging silong ito sa paghahanap ng pagkain, nasaan na ang haring nakadamit ng
roba na gawa sa balat ng tao?
salamangkero PANGKAT 1
mangangaso
panday
mahiwaga LOHIKA NG PAGPAPANGKAT:
anting-anting
kawal
manghuhula PANGKAT 2
kapangyarihan
mamamana
mananalaysay LOHIKA NG PAGPAPANGKAT:
311
GAWAIN 5: Mabisang Tugon
Sagutin ang mga gabay na tanong sa isang sagutang papel.
DEPED COPY
Kondisyon ng
Lugar Kasaysayan ng Akda
Panahon
B. Pumili ng kapareha. Gawin ang gawain sa sagutang papel. Gamitin ang Analyzing
Perspective Organizer.
Sariling Perspektibo:
Dahilan:
Pespektibo ng Iba:
Dahilan:
Kongklusyon:
312
GAWAIN 7: Ipost ang Puna
Sa nilikhang grupo ng guro sa Facebook site, isulat ang puna sa napanood na teaser
o trailer na may kaugnayan sa akdang binasa.
Sa ilang pahayag ng epikong pinag-aralan ay gumamit ng mga ekspresiyon
upang maipahayag ang layon o damdamin ng nagsasalita. Ang susunod na tekstong
susuriin ay naglalaman din ng mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng layon o
damdamin nang mapagtanto mo na nakatutulong ang mga ito sa pakikipagtalastasan.
Basahin at unawain ang daloy ng pagtatalo.
Dakilang Bayani: Rizal o Bonifacio?
ni Maricel T. Nucup
Ang argumentong ito ay naging pangkaraniwan na. Ito’y matagal nang isyu na
paulit-ulit nang tinitimbang: sino nga ba ang dakilang bayani ng Pilipinas si Jose
Rizal o Andres Bonifacio? Pareho silang may prinsipyo at hangarin- ang ipaglaban
ang karapatan ng mga Pilipino at kamtin ang kalayaan ng Inang- bayan. Kanino ka
papanig?
DEPED COPY
Maka-Rizal: Subalit kaibigan tila ika’y nagkakamali. Hindi tamang sabihin na tapang
lamang ang puhunan sa pagiging bayani. Si Rizal ay gumamit ng
tapang at katalinuhan. Ito ang naghuhumiyaw sa kaniyang mga hindi
mabilang na akdang isinulat. Kailangan ko pa bang isa-isahin ang
kaniyang obra? Kaya, higit na mabuting sang-ayunan mo na ang aking
paniniwala.
Ipinunto ng isang panig ang paglabang walang dugo at ang kabila’y paglabang
madugo, gayundin ang epekto ng pagiging maralita at may-kaya sa paghubog ng
pagkatao ng isang bayani. Kayo na ang humusga kung sino ang tunay na bayani sa
isip, sa salita, at gawa: Si Rizal ba o si Bonifacio?
313
Sagutin mo ang kasunod na gawain upang mapatunayan na nauunawaan mo ang
pagtatalo.
DEPED COPY
1. Ginagamit ang mga initiman sa kasunod na mga pangungusap sa pagpapayo
at/o pagmumungkahi.
• Kung ako ikaw, mas pipiliin ko ang magpahinga muna.
• Ano kaya kung pumanig ka na sa amin?
• Mas makatutulong sa iyo ang masusing pag-aaral.
• Siguro makabubuting ibahin mo ang iyong panimula.
• Higit na mabuting ito ang unahin mo.
• Inaakala kong mas makabubuti kung hindi susunugin ang mga hindi
natutunaw na basura.
2. Ang mga initiman sa sumusunod na pangungusap ay ginagamit sa pag-
aanyaya o pag-iimbita/ panghihikayat.
• Halika, tingnan mo ito’t napakarikit.
• Gusto mong sumang-ayon sa aking pinaniniwalaan?
• Puwede ka ba bukas sa ating pagpaplano?
• Inaanyayahan kitang pakatimbangin ang mga bagay-bagay.
3. Ang mga salita/pariralang initiman sa kasunod na mga pangungusap ay
ginagamit sa pagbababala na maaaring may kasamang pananakot (mahalaga
ang intonasyon sa pahayag) at/o pag-aalala (may kasamang inilalarawang
sitwasyon).
Babalang may kasamang pananakot
• Huwag kang sinungaling; kung hindi lagot ka sa akin!
• Kung hindi ka titigil, pupulutin ka sa kangkungan!
Babalang may kasamang pag-aalala
• Hinay-hinay sa inyong pagsasalita, mag-ingat kayo.
• Mapanganib iyan, kaya tingnan ang tinatahak.
314
4. Ginagamit ang mga initiman sa sumusunod na pangungusap sa panunumpa
at/o pangangako.
• Pangako, hindi kita iiwan.
• Sumpa man, ang iyong paniniwala ay isang malaking pagkakamali.
• Itaga mo sa bato, ang aking winika ang katotohanan.
• Hindi ako nagsisinungaling, tamaan man ako ng kidlat.
Matatalinghagang Patanong/
Salita/Parirala Pang-ugnay
Pananalita Tanong
DEPED COPY
kung ako ikaw itaga mo sa bato mas Ano kaya?
pangako tamaan man ako wala Puwede ka
sumpa man ng kidlat mali ba?
pangako pupulutin sa tama
lagot ka kangkungan siguro
ganyan ang aking palagay higit/na
inaanyayahan ngunit
mag-ingat kayo
tingnan ang tinatahak
lagot ka
315
Pagsasanay 2: Sa sagutang papel, ilahad ang iyong matuwid sa sumusunod na
isyu. Gamitan ito ng mga ekspresiyong nagpapahayag ng layon o damdamin ayon sa
hinihingi dito.
4. Isyu: Sino sa ina o ama ang malaki ang ambag sa pagkatao ng anak?
Layon: Pagbababala (Pananakot/Pag-aalala)
Matuwid: ____________________________________
DEPED COPY
Pagsasanay 3: Pumili ng kapareha at sumulat ng diyalogong nagtatalo/nagdedebate
na nilangkapan ng mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng layon o damdamin upang
mabuo ang komik istrip na hindi bababa sa dalawang frame.
316
Naisagawa mo na ang yugto ng pagkatuto, tumungo ka ngayon sa kasunod na bahagi
upang mapagtibay ang natutuhan.
Pagnilayan at Unawain
Mahahalagang Konsepto sa Patunay
Panitikan
Mahahalagang Konsepto sa Patunay
Gramatika at Retorika
Magaling! Subalit hindi pa rito natatapos ang pagsubok sa mga kasanayang iyong
natutuhan, narito pa ang isang pagsubok.
DEPED COPY
Ilipat
Alam mo ba na…
ang pagtatalo ( Arrogante, 2000 ) ay isang sining ng gantihang katuwiran o matuwid
ng dalawa o higit pang magkasalungat na panig tungkol sa isang kontrobersiyal
na paksa? Isinasagawa ito pamamagitan ng pagpapahayag ng mga katuwiran at
naaayon sa itinatakdang alituntunin at pamantayan. Ang gawaing ito ay nakasalalay
sa masining at maingat na pagbibitiw ng mga salita, gayundin kung pasulat. Mayroon
itong dalawang uri, ang pormal na pagtatalo na kung saan ang paksa sa uring ito
ay masining na pinag-uusapan at masusing pinagtatalunan. Ito ay may takdang
panahon, araw, at oras kung kailan gaganapin. Kailangan dito ang paghahanda.
Mayroon itong tatlong hakbang: (1)Pangangalap ng datos; (2) Paggawa ng dagli
o balangkas (3) Pagpapatunay ng katuwiran. Sa pagtutuligsa naman ay tukuyin
ang sumusunod: (1) maling katuwiran, (2) mga pahayag na walang batayan, (3)
kahinaan ng katibayan, at (4) mga pahayag na labas sa buod ng napagkasunduan.
May tatlong uri ng pormal na pagtatalo- ang Debateng Oxford, Debateng Oregon
at Debateng Oxford-Oregon. Samantalang ang di-pormal na pagtatalo ay hindi
maayos na pagpapalitang-kuro at palagay matapos ihayag ng tagapangulo ang
paksang pagtatalunan.
317
Narito ang pagganap/performance na iyong isasakatuparan at kasunod ang
pamantayan kung paano ito tatayahin.
Pamantayan Bahagdan
Paglalatag at Pag-aanalisa ng Katibayan 40%
Pangangatuwiran at Panunuligsa 40%
Pagpapahayag 20%
Kabuuan 100%
DEPED COPY
Binabati kita! Ang pagpupunyagi upang matuto ay labis na kahanga-hanga.
Tuklasin mo naman ngayon ang susunod na aralin ng modyul.
318
Aralin 3.7
Panimula
Ang Nigeria ay isa sa mga bansa sa Africa na may malaking ambag sa panitikan.
Sa kasalukuyan, maraming akdang pampanitikang mula sa Nigeria ang nasusulat
sa Ingles dahil na rin sa impluwensiya ng mga bansa sa Kanluran.
DEPED COPY
tradisyon, at suliranin sa politika. Gayundin ang tungkol sa kasarian at kalagayan
ng kababaihan sa lipunan. Mga akdang pampanitikan din ang nakatulong upang
maiangat ang kanilang kalagayan tungo sa pagkakaroon ng makabagong talakay
sa mga akda na aagapay sa makabagong uri ng pamumuhay ng mga taga-Nigeria.
Sinasabing ang kakaunting mga akda na nasusulat sa ilang diyalekto ng Nigeria
ay mas tumatalakay sa kung ano ang nakaraan, lumipas, o naglaho na.
319
Paulit-ulit na binabanggit ni Chinua Achebe ang kapayapaan ng mga
Igbo bagama’t sila sa maraming pagkakataon ay may komplikadong tradisyon at
nakagisnang mga gawi. Ginawa ni Achebe ito sa nobela upang maipabatid na
hindi barbaro ang mga Africano tulad ng pagkakakilala sa kanila ng mga Europeo.
Yugto ng Pagkatuto
Tuklasin
DEPED COPY
na tanyag sa bansang Africa. Ang unang letra ay ibinigay na. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. 4.
KMOUINAKYSNO EPSRIUTI
2. 5.
P G A L L I I W N G A A T A R D I S O Y N
3.
I N G N N- BYANA
320
GAWAIN 2: Kahulugan ng Salita, Ilantad Na!
Magbigay ng kahulugan sa salitang nakasulat. Isulat sa iyong sagutang papel ang
sagot.
Katapangan
DEPED COPY
Masaya __ nag-aagahan ang pamilya __ Rivera isang malamig __ umaga.
Nagluto ng ginisa __ kangkong ang kanila __ kasambahay. Nilagyan ito ng kaunti __
toyo upang magsilbing pampalasa sa ulam. Naging tampok ng kanila __ kuwentuhan
ang nagdaan __ gabi. Sari-sari __ katatawanan ang naganap bago sila natulog.
Nagbiruan. nagtawanan at nauwi sa seryosohan ang usapan. Dahil sa nakalilibang na
gabi, kinain ng pusa ang tira __ ulam sa mesa. Dapat sana ito ay kanila __ umagahan
pa. Kaya naman nauwi sa ginisa __ kangkong ang kanila __ umagahan. Sa kabila
nito, batid nila ang sustansiya __ dulot ng ginisa __ kangkong.
GAWAIN 4: Hula-ooppss!
Hulaan ang tinutukoy ng saknong sa ibaba.
321
Linangin
DEPED COPY
may-akda sa kwento, b.) pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap, at
c.) pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
5. Tema – Paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. Damdamin – Nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. Pamamaraan – Istilo ng manunulat
8. Pananalita – Diyalogong ginagamit sa nobela
9. Simbolismo – nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay, at
pangyayarihan
Cowrie – Yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng mga Afrikano. Ginagamit din
sa ritwal at paniniwalang panrelihiyon.
Ekwe – Isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sanga ng kahoy.
Isang uri ng tambol na may iba’t ibang uri at disenyo.
Egwugwu – Espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng mascara ang tribu at sumasanib
sila kung may nais lutasin na isang krimen. Pinaniniwalaan na ang mga
Egwugwu ang pinakamataas na hukom sa lupain ng Nigeria.
Ogene – Malaking metal bell na ginawa ng mga igbo sa Nigeria.
Igbo – Katutubong tao mula sa Timog-Silangang Nigeria. Karamihan sa kanila ay
magsasaka at mangangalakal.
322
Paglisan (Buod)
Things Fall Apart ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera
DEPED COPY
Dahil sa kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinili si Okonkwo ng mga kanayon
upang ipagtanggol si Ikemefuna, ang lalaking kinuha bilang tanda ng pakikipagkasundo
sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at isang nayon pagkatapos mapatay ng tatay
ni Ikemefuna ang isang babaeng Umuofian. Tumira ang batang lalaki kina Okonkwo.
Naging magiliw at magkasundo naman ang dalawa. Itinuring ng bata si Okonkwo
bilang pangalawang magulang.
323
Lumipas ang panahon, nabalitaan ni Okonkwo na namatay si Ogbuefi Ezeudu.
Nakaramdam ng konsensiya si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya ito ay
noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si
Ikemefuna. Pinuno ng malalakas na tunog ng tambol na sinasabayan ng alingawngaw
ng malakas na putok ng baril ang maririnig sa paligid habang nakaburol si Ogbuefi
Ezeudu. Kagimbal-gimbal na trahedya ang bumulaga sa lahat ng mga naroroon nang
pumutok ang baril ni Okonkwo at tamaan ang labing-anim na taong gulang na anak
ng yumao. Dahil dito, kailangang pagbayaran ni Okonkwo ang nagawang kasalanan
laban sa kaniyang kaangkan. Isang malaking pagkakasala sa diyosa ng Lupa ang
pumatay at makapatay ng kauri. Hinakot lahat ni Okonkwo ang kaniyang mga ari-
arian at mahahalagang kagamitan at nagtungo sa Mbanta, lugar ng kapanganakan
ng kaniyang ina dala ang kaniyang buong pamilya. Sinunog ang mga natirang hayop,
kubo, at mga naiwang pag-aari ni Okonkwo tanda ng paglilinis sa buong pamayanan
sa kasalanan nito. Malugod naman silang tinanggap ng mga kaanak higit lalo ang
tiyuhin nitong si Uchendu. Tinulungan nila sina Okonkwo na makapagpatayo ng
kanilang munting pamayanan at pinahiram ng mga butil na pagsisimulan ng kanilang
munting kabukiran. Malagim at mahirap man ang sinapit ni Okonkwo, pinilit niyang
tanggapin ang lahat at muling magbalik sa kung saan siya nagmula.
DEPED COPY
masamang balita naman noon ang ipinabatid ni Obierika nang minsang nagdala
siya ng pinagbilhan kay Okonkwo. Winasak daw ng mga puti ang Abame, isa ding
pamayanan ng mga Umuofia.
324
Dumating sa lugar ni Okonkwo ang Komisyoner ng Distrito upang imbitahan siya
sa isang pagdinig sa korte subalit natagpuan na lamang niyang nakabitin si Okonkwo.
Nagpatiwakal si Okonkwo. Ibinaba nina Obierika ang katawan ni Okonkwo. Gumimbal
sa buong nayon ang nangyaring ito sapagkat kinikilala nila na ang pagpapatiwakal ay
isang malaking kasalanan at bukod dito si Okonkwo ay nakilala sa pagiging matapang
at malakas. “Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa buong nayon, dahil sa kaniyang
ginawang pagpapatiwakal, matutulad lamang siya sa isang inilibing na aso.” Sabi ni
Obierika, ang kaniyang kaibigan.
- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA
abubot dekorasyon
1. palamuti
ipinaalam isinangguni
2. ipinabatid
DEPED COPY
napagtagumpayan nalampasan
3. napagwagihan
nagpasalapid nagpapusod
4. magpatirintas
kagulat-gulat kataka-taka
5. kagimbal-gimbal
325
GAWAIN 6: Fan-Fact Analyzer
Gamit ang graphic organizer, pagsunod-sunorin ang mga pangyayari sa binasang
buod ng isang nobela mula sa Nigeria.
DEPED COPY
5. Paanong ipinakita ni Okonkwo ang kaniyang katatagan sa kaniyang paniniwala
at paninindigan?
6. Sa paanong paraan ipinakita sa akda ang pagtanggap ni Okonkwo sa kaniyang
pagkatalo at muling magbalik sa kaniyang pinagmulan?
7. Sang-ayon ka ba sa naging wakas ng nobela? Pangatuwiranan ang sagot.
8. Kung isasapelikula ang nasabing nobela, ano-anong bahagi ang iyong
bibigyang kulay? Bakit?
I. Pamagat
II. Mga Tauhan
III. Buod ng Pelikula
IV. Banghay ng mga Pangyayari (story grammar)
a. Tagpuan
b. Protagonista
c. Antagonista
d. Suliranin
e. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng Suliranin
f. Mga Ibinunga
V. Paksa o Tema
VI. Mga Aspektong Teknikal
a. Sinematograpiya
326
b. Musika
c. Visual Effects
d. Set Design
VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula
DEPED COPY
Back in the office, Miss Minchin and Miss Amelia discuss the issue. Miss Amelia is
depressed about Sarah’s situation.
MISS AMELIA: (naiiyak) Kawawa naman si Sarah… kailangang tulungan natin siya
Ate.
MISS MINCHIN: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa tayo!
Hindi tayo bahay ampunan, baka akala mo.
MISS AMELIA: Saan siya pupunta, Ate? Narinig mo ang sinabi ni Mr. Barrow… walang
ibang kukupkop kay Sarah.
MISS MINCHIN: Hindi ko na problema iyon…
MISS AMELIA: Alangan namang itaboy natin ang bata?
MISS MINCHIN: Alam mo namang nakasangla sa banko ang eskwelahang ito… baon
na baon na tayo sa utang kay Mr. Crisford…nasaan na ang utak mo, Amelia?
MISS AMELIA: Nasaan ang kunsensiya mo, Ate?
MISS MINCHIN: (raises her voice) Bakit kasalanan ko ba kung bakit namatay ang
ama ni Sarah?
Because of their heated discussion, the two women failed to take notice of Sarah’s
presence. Sarah is standing outside Miss Minchin’s door, crying softly. Miss Amelia
sees her.
MISS MINCHIN: Sarah…
Miss Minchin looks over her shoulder at Sarah. The little girl quietly walks away,
clutching Emily close to her.
GAWAIN 9: Kaya Mo
Sagutin ang mga gabay na tanong.
327
Pagsasanib ng Gramatika at Retorika
Alam mo ba na...
sa pagsusuri o pagbibigay ng ebalwasyon sa isang iskrip may mga bagay tayong
dapat bigyan ng pansin? Ayon kay Ricky Lee sa kaniyang aklat na Trip To Quiapo
Scriptwriting Manual, una, kailangang maging malinaw muna ang konseptong
pinag-uusapan. Ikalawa, malaman ang major concepts ng materyal. Ikatlo,
dapat konektado ang lahat ng gustong sabihin ng sumulat ang kung tungkol saan
ba talaga ang istorya. Kailangang masagot ang anomang mga tanong tungkol
dito. Kailangang ang bawat bahagi ay magkakaugnay. Makakamit naman ang
maayos na paghahanda ng iskrip kung masusing bibigyang-tuon hindi lamang ang
pagkakaugnay ng mga pangyayari kundi sa pagbuo ng mga diyalogo. Malaki ang
maitutulong ng mga pang-ugnay sa pagbuo ng mga diyalogong ito.
Sa pagsusuri naman ng isang pelikula, bumubuo ka ng pagpapaliwanag sa
mga detalyeng nais na bigyan ng pansin. Maaaring pagpapaliwanag sa magandang
nakita sa iskrip at o sa pelikulang pinanood gayundin naman sa pagpapaliwanag
ng mga naging kahinaan ng iskrip at/o ng pelikulang pinanood. Ayon sa aklat na
Gramatikang Pedagohikal ng Wikang Filipino ni Vilma M. Resuma, maipaliliwanag
ang isang argumento o punto sa tatlong paraan: (1) pagpapalawak at/o
pagpapaliwanag ng kahulugan, (2) pagbibigay ng mas tiyak, detalyado, at higit na
maliwanag na deskripsiyon, kabilang na sa puntong ito ang mga paggamit ng pang-
ugnay, pagtutulad at pag-iiba-iba, at (3) pagbibigay ng halimbawa. Makatutulong
nang malaki ang paggamit ng mga pang-ugnay upang maging mabisa ang
DEPED COPY
pagpapaliwanag. Ilan sa mga ito ay ang mga pang-angkop na ginagamit bilang
pang-ugnay upang mapadulas ang pagbigkas ng salita. Ang pang-angkop na na,
ng, g. Ginagamit ang na kapag ang salitang aangkupan ay nagtatapos sa katinig,
ang g naman ay ginagamit sa mga salitang nagtatapos sa n at ginagamit naman
ang ng sa mga salitang aangkupan na nagtatapos sa patinig. Maliban dito, ang mga
pangatnig na bagamat, upang, at, tulad ng, kapag, kung, at iba pa ay magagamit din
sa mahusay na pagpapaliwanag.
Pagsasanay 1: Gamit ang 3R’s, Read, React, Reenact, isagawa ang tungkol sa
sumusunod na sitwasyon na mula sa iskrip ng “Ang Munting Prinsesa.”
MISS MINCHIN: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa tayo!
Hindi tayo bahay ampunan, baka akala mo.
Hindi ko na problema iyon… Alam mo namang nakasangla sa banko
ang eskwelahang ito…baon na baon na tayo sa utang kay Mr.
Crisford…nasaan na ang utak mo, Amelia? Bakit kasalanan ko ba kung
bakit namatay ang ama ni Sarah???
328
Pagsasanay 2: Lagyan ng angkop na pang-ugnay ang mga patlang upang mabuo
ang talata.
Sa nobelang isinulat ni Chinua Achebe matagumpay na nailahad ang kagiliw-giliw
________ tradisyon ng mga taga-Africa. ________ sa simula ay negatibo ang
ipinamalas na paraan ni Okonkwo, lumilitaw naman na sa kabuuan ng nobela, siya
ang protagonista. ________ susuriing mabuti, kapansin-pansin ang isa pang kultura
na mababanaag sa mga taga-Umuofia. Akala ng mga Kanluranin, ang mga taga-
Africa ay likas na tahimik ________ malinaw na ipinakita ni Achebe ang kabalintunaan
nito sa ugaling taglay ng Umuofia na sila ay may komplikadong wika, punong-puno
ng talinhaga ________ may masining na paraan ng pamamahayag. Kapansin-
pansin din ang pagbabalik loob ni Okonkwo sa kaniyang pinagmulan, pagkilala sa
kaniyang pagkagapi, at pagtanggap sa mga parusang ipinataw sa kaniya sa kabila
ng imahe ng katapangan na siya niyang ipinamumukha sa kaniyang mga katribo.
Pagsasanay 3: Sumulat ng isang talatang naglalarawan sa bansang Africa o Persia.
Gumamit ng mga pang-ugnay. Guhitan ang lahat ng pang-ugnay na iyong ginamit.
Pagnilayan at Unawain
DEPED COPY
2. Sa paanong paraan makatutulong ang kaalaman sa paggawa ng iskrip at gamit
ng pang-ugnay sa pagpapaliwanag sa pagbuo ng panunuring pampelikula?
Ilipat
329
Alam mo ba na...
ang puppet show ay isang pagtatanghal na ang pangunahing tauhan ay mga
puppet? Ang puppet ay isang uri ng sining na ginagamitan ng iba’t ibang mga midya,
kagamitan, at pamamaraan. Dito mo maipakikita ang iyong pagkamalikhain at
kakayahan sa paggawa ng isang likhang- sining sa pamamagitan ng mga patapong
bagay. May mga puppet na pinagagalaw sa pamamagitan ng pisi o sinulid, puppet
na pang kamay o hand puppet tulad ng medyas na puppet, puppet na supot, at
puppet na bag at stick puppets. Ang stick puppet ang pinakapayak sa lahat ng uri
nito. Mayoon lamang mga larawang ginupit at idinikit sa stick. Ang medyas na mga
puppet ay simple rin. Isusuot lamang ng bata ang medyas sa kanyang kamay at
pagagalawin niya ito sa pamamagitan ng mga daliri habang nagsasalita kasama
ang hinlalaki para magmukhang bibig ng puppet. Maaaring lagyan ng tali, butones
at kapirasong damit para magmukhang mukha ng tao.
Pagkatapos makalikha ay maaari nang magtanghal ng isang puppet. Ang
mesa na nababalutan ng tela ang magsisilbing tanghalan habang nakatago sa likod
nito ang nagtatanghal (puppeteers).
Narito ang ilang halimbawa ng paggawa ng puppet:
Puppet na Supot
Pamamaraan:
1. Kumuha ng isang supot na papel.
2. Gumuhit ng mukha ng tao sa isang puting papel, gupitin sa paligid at idikit sa
DEPED COPY
dakong ilalim ng supot.
3. Itapat ang bibig ng larawan sa lupi ng supot.
4. Gupitin nang pahalang ang bahagi ng larawan na nakatapat sa bibig at lupi
ng supot upang huwag magkahiwalay ang nguso at labi. Huwag gugupitin
ang supot.
5. Ibuka ang dakong bibig at dikitan ng papel na hugis bilog upang mag-anyong
loob ng bibig. Maaari mong dikitan o guhitan ng maliit na dila.
6. Isuot ang kamay sa supot na ang palad ay nakaharap sa larawang idinikit.
Iaros ang apat na daliri sa dakong itaas at ang hinlalaki sa ibaba. Sa
pamamagitan ng mga daliri ay maaari mong pagsalitain ang “puppet” habang
ikaw ay nagkukuwento.
Puppet na Medyas
1. Gupitin paloob ang dulo ng medyas. Ito ang magsisilbing bibig.
2. Gumupit ng tela o retasong hugis bilohaba na kulay dalandan, pula o rosas,
at itahi sa paligid ng ginupit na bahagi ng medyas.
3. Isuot ang kamay sa medyas na ang apat na daliri ay nasa dulo ng dakong
talampakan ng medyas at ang hinlalaki ay nasa dulo ng dakong ibabaw ng
medyas upang malaman kung saang dako mo ilalagay ang mga mata at ilong.
4. Lagyan ng mga mata at ilong ang puppet sa pamamagitan ng mga butones,
abaloryo o ano mang patapong bagay. Maaari mo ring iburda ang mga mata
at ilong
5. Ang ulo ay maaari mong lagyan ng binungkos na sinulid upang magmukhang
buhok o sombrero.
6. Suotan ng damit ang iyong puppet upang matakpan ang iyong braso.
330
Puppet na Gumagalaw
1. Gumawa ng isang manika sa pamamagitan ng mga retaso o sirang stockings
na binalumbon at itinali sa mga hugpungan.
2. Lagyan ng mga mata, ilong, at bibig sa pamamagitan ng mga butones at
patapong mga bagay.
3. Lagyan ng buhok na binigkis na estambre o sinulid.
4. Balutan ng ibang retaso ang dakong ibaba upang magkaroon ng damit.
5. Lagyan ng tig-iisang pisi o sinulid ang mga lugar na nais pagalawin at itali
ang kabilang dulo sa pinag-ekis na patpat. Maaari mo itong pagalawin sa
pamamagitan ng paggalaw sa patpat.
6. Isipin kung paano pa maaaring pagalawin ang puppet at kung saan pang
bahagi ng katawan maaari itong talian.
Binabati kita! Maluwalhati mong natapos ang mga gawaing nakatulong sa iyo upang
maipamalas mo ang iyong galing. Ngayon nama’y simulan mo na ang pangwakas na
gawain.
DEPED COPY
Sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao, isa sa mga bumubulaga sa atin ay ang mga
makatawag-pansing patalatas tulad ng mga nababasa sa mga pahayagan, magasin,
tarpaulin, billboard, at polyeto, narinig sa radyo at napapanood sa telebisiyon, at
internet/online sites.
331
Ngayon, ikaw naman ang magtatanghal ng natatanging pagganap na bunga
ng mahahalagang kasanayang nalinang sa iyo. Lilikha ka ng isang palatalastas
pantelebisyon na nagpapakita ng kagandahan ng kultura ng alinmang bansa sa
Africa at Persia batay sa mga binasang akdang pampanitikan. Tatayahin ang iyong
pagganap ayon sa sumusunod na pamantayan: kasiningan, kaangkupan, kawastuhan,
at kawilihan. Ngunit bago mo gawin ang inaasahang pagganap maingat mo munang
sagutin ang mga gawain sa yugtong ito.
DEPED COPY
GAWAIN 2: Natatandaan Ko
Sa pamamagitan ng Text Connection Organizer, sagutin ang mga tanong.
Aralin 3.1
Aralin 3.2
Aralin 3.3
Aralin 3.4
Aralin 3.5
Aralin 3.6
Aralin 3.7
332
GAWAIN 3: Kayang-kaya Mo
Sagutin ang sumusunod na tanong sa sagutang papel.
1. Bakit kailangang pag-aralan ang mga saling-panitikan ng Africa at Persia?
2. Nabago ba ang iyong pananaw tungkol sa Africa at Persia matapos mabasa
ang mga saling akda mula sa mga bansa nito? Bakit?
3. Masasabi mo bang may pagkakatulad ang kultura ng mga bansang pinagmulan
ng mga saling akdang pampanitikang pinag-aralan sa kultura ng Pilipinas?
Pangatuwiranan.
4. Isulat ang sagot sa mga tanong sa sagutang papel. Gamitin ang pormat ng
Graffiti Wall Organizer.
Paano naiiba ang mga akdang Paano nakatutulong ang mga
pampanitikan buhat sa Africa at Persia kaalaman sa gramatika at retorika sa
sa iba pang akda mula sa ibang panig pagpapalawak ng iyong kaalaman sa
ng mundo?
kultura ng iba’t ibang bayan ng Africa
at Pesia?
DEPED COPY
Sapagkat ganap nang natimo sa iyong isip ang mga kansanayang nakapaloob sa
Aralin 3.1 hanggang Aralin 3.7, marahil handa ka nang isagawa ang inaasahang
produkto/pagganap para sa modyul. At upang matiyak na magiging mahusay ito,
makabubuting isaalang-alang mo ang sumusunod na hakbang:
333
ILIPAT (PARA SA MODYUL 3)
Nakuha ng inyong adverstising agency ang isang malaking proyekto mula sa isang
internasyonal na kompanyang panturismo. Nagkasundo kayong lumikha ng isang
patalastas pantelebisyon na magtatampok sa kagandahan ng alinmang bansa sa
Africa at Persia na tatagal ng dalawa hanggang tatlong minuto at ito’y ipalalabas sa
iba’t ibang panig ng mundo. Mahigpit na hiniling ng kompanya na tiyakin ninyong ang
patalastas ay makapanghihiyakat ng mga dayuhan na tumaas ang kita ng turismo
sa bansa gayundin marapat na ito’y maging a.) masining, b.) kawiwili-wili, c.) wasto
ang pagkakasulat ng mga linya, at d.) totoo ang impormasyong ilalahad.
Pamantayan Puntos
Kasiningan – orihinalidad at estilo ng pagsulat at
40 puntos
pagkakabuo
Kaangkupan – totoo/tunay ang ipinakitang kagandahan ng
30 puntos
kultura ng bansa
DEPED COPY
Kawastuhan – wasto at angkop na gamit ng gramatika at
15 puntos
retorika
Kawilihan – hikayat sa manonood/nakaaaliw 15 puntos
KABUUAN 100 puntos
334